CHAPTER 14

Chapter 14




Debie Pov

"T-totoo ba ito, Aziel? Hindi ba ito fake? Totoo talaga 'to?" Bulaslas ko kay Aziel habang nakatingin sa class schedule ko. Nakalagay doon sa upper right corner ng bondpaper na hawak ko ang pangalan ko, Debie T. Fabre at officially enrolled na ako sa isang culinary school.

Sa sobrang galak ko ay tinawid ko ang kama ni Aziel kung saan siya naka upo at niyakap ko siya. Pansalamantalang natulos ang lalaki sa kanyang kina-uupuang kama pero kalaunan ay gumati naman siya ng akap sa akin at hinagod ang likod ko.

"This is just a small thing, Deb." wika niya sa akin habang niyayakap ko pa siya.

Iniling ko ang ulo ko bilang pag di-sang-ayon sa kanyang pahayag. Kung sa kanya maliit na bagay ito. Sa akin sobra-sobra na. Matagal ko na itong pangarap. Matagal ko nang pangarap makapag-aral. Matagal ko nang gustong makapagpatuloy sa pag-aaral kaso... tutol kasi doon si Tita Mikee. Dagdag daw sa gastusin nila. Ang ipag-aaral daw nila sa akin ay ibibili na lang daw nila ng pagkain dahil may palamunin sila sa bahay nila. Di man iyon harapang nilathala sa akin ni Tita Mikee kaso alam kong ako ang tinutukoy niyang palamunin sa bahay nila.

At itong ginawa ni Aziel. Itong pagpapa-aral niya sa akin, di ko ito sasayangin. Di ko sasayangin ang oportunidad na makapag-aral ulit. Hindi ko naman alam kung papaano niya ako napa-enroll kahit na huli na ako sa pasukan pero hahabol ako sa klase.

"Napakalaking bagay na ito sa akin, Aziel." aniko at kumalas mula sa pagkakayakap sa lalaki.

Umupo ako sa tabi niya at napatitig muli sa papel na hawak-hawak ko. Sa pangalan palang ng paaralan alam ko nang mamahalin ito kaya magpupursige pa ako lalo. Di ko sasayangin ang pera ni Aziel.

Napangiti ako at hinimas ko ang pangalan ko doon. Makakapag-aral na ulit ako sa wakas!

"I really don't know why your father can't send you to a university, Deb. You're... I mean. Trazons are rich?" Parang natanong niya ang huling pangungusap.

Malungkot kong nginitian si Aziel at tinabi ko ang class sched ko. Tinungkod ko ang dalawang kamay ko sa edge ng kama ni Aziel at napatitig sa sahig ng kwarto namin na parang pupwede mong gawing salamin sa kintab.

Ayaw kong sabihin kay Aziel. Ayaw ko nang sabihin sa kanya ang mga naranasan ko sa bahay ni Papa Gideon kasi feeling ko parang... nagpapakaawa ako sa kanya. Which is di naman totoo. Ayaw kong kaawaan ako. Ayaw kong tingnan ako na parang kaawa-awa na talaga. Pagod na ako sa ganyan. Sawa na ako. Kaso... si Aziel kasi ito, e. Si Aziel ito. Ang taong... akala ko kaya kong i-undo ang pagiging fan ko sakanya at paghanga ko sa kanya pero wala, e. Gusto ko. Lalo na sa mga nagawa niya nitong mga nakaraang linggo.

Gustuhin ko mang maging kaibigan niya lang gaya ng gusto niya kaso di, e. Hulog na. Nahulog na.


Di ako komportableng sabihin sa iba ang mga hinanakit sa puso ko. Di ako komportableng magsabi ng mga pinagdaanan ko sa bahay ni Papa Gideon. Di ako komportableng ipagsabi ang mga problema ko sa ibang tao. Pero kay Aziel... iba. Iba kasi kusang bumibigay ang bibig ko at isip sa kanya.

Nasanay kasi ako. Nasanay akong mag-isa simula nang mabaliw ang Mama Sarah ko. Nasanay akong, ako lang ang bumubuhat sa sarili ko. Nasanay akong saliri ko lang ang makakapitan ko. Nasanay akong lumaban para kay Mama Sarah at para sa saliri ko nang mag-isa. Nasanay akong sarili ko lang ang karamay ko. Kaya ganito ako. Pero kapag nandyan si Aziel.. pakiramdam ko... may kakampi ako. Pakiramdam ko di ako nag-iisa. Pakiramdam ko may kasama na ako, may karamay na ako. Pakiramdam ko may kasabay na ako sa lahat ng bagay.

"Ayaw kasi ni Tita Mikee, Aziel na paaralin ako kasi dagdag lang iyon sa gastusin nila. Saka totoo naman dahil sila pa ang nagpapaga--"

"Stop right there!" Pigil sa akin nang lalaki kaya napalingon ako sa kanya.

Nag isang linya ang kilay niya at nanliit lalo ang singkit niyang mata sa akin. Bumakat ang panga niya.

"Your father has a responsibility to you, Deb. Your his son." Aniya.

Ngumuso ako saka iniba ang direksyon ng mata ko. Tiningnan ko iyong bulaklak na binigay niya sa akin na nasa flower vase na malapit nang malanta kaso di ko pa pinapalitan.

"Di mo kasi naiintindihan, Aziel. Oo anak ako ni Papa Gideon, anak sa labas. Di niya gusto. Di niya tanggap. Pagkakamali. Pagkakamali ako, Aziel."

"Well, your father is an asshòle!" Mura niya kay Papa Gideon. Di na ako umalma doon kasi totoo naman. Àssholè naman talaga si Papa. "I will make him taste the sufferings that you've been through, Deb in slow manner."

Muli akong tumingin kay Aziel. "Huh?"

"Nothing." Umiming siya. "Anyways, wala kang mga gamit for your school, right?"

Saglit akong napatigil. Oo nga pala. Sa sobrang excite ko nang malaman ko na enrolled na ako, nakalimutan ko na may kailangan pa pala akong mga bilihin. Mga gamit sa school ko.

Well, magagawan naman iyan ng paraan.

"Oo wala, Aziel pero mahahanapan ko naman 'yan ng paraa--"

"Sa saturday. Let's go the mall to buy anything you want and needed in your school."

Napa ayos ako sa pagkakaupo ko at humarap sa lalaki. Winiwasiwas ko ang dalawang kamay ko sa kanya.

"Di na, Aziel. Sobra na itong ginagawa mo. Sapat na ito. Ako na ang bahala sa iba kong kakailanganin sa scho--"

"I'm your husband... I-I mean, w-were friends, you know? Saka, Gage help me with this. He's the one who pulled some strings to enrolled you. At least sa mga school necesscity mo maka-provide ako, for you. Also, we need to buy you some clothes dahil magc-civillian clothes ka lang."

Oo nga pala.

"Pero may mga damit naman ako Aziel na binigay mo noon. Iyong iba doon di ko pa nasusuot at bago pa ang mga iyon."

Gumalaw ang panga niya.

"No, let's just buy some."

Bumuntong hininga ako sa kanya at tumango.

"Salamat talaga sa lahat, Aziel. Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa pero sobra akong nagoapasalamat sayo." saad ko mayamaya sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.

"What are... friends for, right?"

Napatango ako doon. Yes. Magkaibigan kami.

Dumating ang sabado at mga alas diez ay umalis na kami ng bahay ni Aziel. Nagdala ako ng maliit tote bag. Medyo luma na siya kasi matagal na ito sa akin pero ayos na naman. Sa loob ay sinilid ko ang mask at cap ni Aziel saka iyong telepono ko na bigay niya rin.

Pagkarating namin sa parking lot ng mall ay kinuha ko ang mask at cap ni Aziel sa bag ko at binigay ko iyon sa kanya.

Tinanggap naman iyon ng lalaki kaso lang di niya pa iyon sinusuot.

"Suot mo na." untag ko dahil tinitigan niya lang iyon.

Namiss ko ang mall, ah. Tagal ko na ring di nakapasyal, e.

"I don't really need this." Aniya at tinutukoy iyong mask at cap sa kamay niya.

"Sikat ka, Aziel. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo kapag nakita ka nilang gumagala sa mall na kasama ako? Saka... diba walang nakakaalam na kasal ka na." Paalala ko sa kanya. Baka kasi nakakalimutan niya iyon. May pait na dumaan sa lalamunan mo. Saka siya pa nga ang may gusto na walang makakaalam na kasal kami.

Nagtagpo ang mata namin ni Aziel pero siya ang umiwas ng una at tumingin sa labas.

Bumuntong hininga siya bago sinuot ang mask at cap. Parang napipilitan pa siya doon.

Bumaba kami sa sasakyan niya at sabay kaming pumasok sa loob. Nagulat ako nang pag apak namin sa loob ay biglang hinawakan ni Aziel ang kamay ko. We were intertwining our hands.

Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang kamay hanggang sa akin at dumiretso iyon sa puso ko na siyang dahilan kung bakit kumabog ang puso ko nang husto. Napahawak ako sa puso ko gamit ang bakanteng kamay ko at lihim ko akong napadasal sa isip ko. Dios ko! Ano ba itong nararamdaman ko. Pakalmahin niyo sana itong nababaliw ko nang puso.

Habang naglalakad kami ni Aziel sa loob ng mall ay di ako mapalagay. Paranoid na siguro ako pero tingin ko talaga ang mga mata ng mga tao ay nasa aming dalawa ni Aziel. Lalo na sa kamay naming magkahawak.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko kay Aziel kaso hinigpitan niya lang ang pagkakahawak doon.

Tumigil ako sa paglakad at gayun din siya.

"Deb," ani ng lalaki at tiningnan ako.

"We don't need to hold each others hands, Aziel." Turan ko habang nakatitig sa kamay namin.

His big hands dominating my small and scarry hands. Nakakapanliit tingnan ang kamay ko sa kanya. Ang kinis ng kamay ni Aziel. Ang lambot. Ang sarap hawakan pero... alam ko naman kung ano lang ang kayang ibigay ni Aziel sa akin kaya di ito pwede.

Tiningala ko siya.

Kahit na naka-cap siya at naka mask nakita kong nandilim ang mata niya. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya bago walamg imik na binitawan ang kamay ko.

Sa school supplies kami unang pumunta ni Aziel at pagkatapos doon ay pumunta kami sa mga apparels dahil bibilhan niya nga ako ng mga bagong damit.

Simula noong sinabihan ko siyang bitawan ang kamay ko ay di na siya nagsasalita. Sunod lang ng sunod sa akin at kapag nagsasalita ako sa kanya ay tango at iling lang ang sagot niya sa akin. Tulad kanina...

"Aziel, tama na siguro ito." Pagtutukoy ko doon sa mga nabili kong school supplies at pinakita sa kanya ang basket na hawak ko.

Tango lang ang sinagot niya sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Sa counter na tayo?" aniko.

Tumango na naman siya.

At after namin doon sa school supplies nauna na siyang maglakad tungo dito sa store kung saan ako namimili ngayon ng mga damit. Palihim kong sinusulyapan si Aziel na ini-entertain ng sales lady kaso di naman nagsasalita ang lalaki. He just gesture the girl to move away. Ang sungit nga. Mmm. Nature na siguro na Aziel ang pagiging masungit.

Nang may mapili na akong tatlong t-shirts lumapit ako sa kanya na siyang may dala sa pinamili ko kanina.

"Okay na ba ito?" Pinakita ko sa kanya ang mga napili kong t-shirts. Di siya sumagot at tiningnan ang hawak kong damit.

Grabe. Nahirapan pa ako dahil ang mamahal ng damit dito. Dios ko naman. Isang piraso ng damit tumataginting sa 15K!

"Choose some more." malamig niyang untag sa akin at tinulak ang damit sa akin. Galit ba ito sa akin? Bakit ang sungit nito ngayon? Galit ba siya dahil kanina?

"Ang mamahal ng damit dito, Aziel."

"I have dad's black card. Uubusin natin ang laman nito." Di nakatingin sa aking anas niya.

"A-ano? Uubusin. Aziel naman. H'wag ganyan." supla ko sa kanya.

Pairap siyang tumingin sa akin.

"I'm just joking." saysay niya. Di nakakatuwa ang joke niya. Di siya marunong mag-joke. "Don't you like their clothes here?" Mayamaya ay tanong niya sa akin.

Sa totoo lang magaganda ang damit dito. Kaso napakaganda rin naman ng mga presyo. Nakakahilo!

"O-oo." Pagsisinungaling ko para matapos na kami dito sa damit.

"Do you want us to go to Green Hills? May Dior and other designers brand doon."

Nataranta ako at hinawakan ang kamay niya.

"Ha. Ha. Ha. D-di na. Ano ka ba naman."

"Hmm, if you don't like their clothes here then, let's go to another store."

At ayon dinala na niya naman ako sa ibang store. Kung saan siya na ang pumili ng damit para sa akin. Ako na ang pinadala niya sa mga binili ko kanina sa school supplies habang siya naman ay namimili ng damit para sa akin.

Nakakapanibago. Nakakataba sa puso. At nakakaiyak. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. It was my first time na may taong namili ng damit sa akin aside sa Mama Sarah ko. Kaso lang iyong kami ni Mama sa palengke lang. Pero ang saya ko na kapag nabibilhan ako ni Mama ng isang pares na damit. Tapos kakain kami sa turo-turo. Iyon lang masaya na ako. At namimiss ko na iyon. Iyong simpleng pagkain namin ni Mama sa tabing-daan ay masaya na ako. Di kasi ako sanay sa mga mamahalin. Di ako sanay sa ganito kaya siguro di na rin ako mapili. Kasi sanay ako sa simple. Sanay ako sa mumurahin lang.

"Here. Isukat ko." Pukaw sa akin ni Aziel at binigay ang mga napili niyang damit sa akin. Kinuha niya naman ang hawak kong paper bag.

Napatingin ako sa tag noon at halos mabitawan ko nang makita ko ang mga presyo n'on. Dios ko naman!

"A-aziel. Ang mamahal naman nito." reklamo ko.

"I got you." simple niyang anang.

"Di naman ako mapili sa damit, Aziel, e. Okay lang sa akin iyong mga damit ko sa bahay. Ayos na sa akin iyong mumurahin lang. Di mo na ako kailangang bilhan ng ganito. Kasi masaya na naman ako doon sa mga damit na unang bigay mo."

Huminga siya nang malalim. "I know. I know that, Deb. But you deserve this. Just treat this as my gifts." Tamad niyang ani.

Di na ako nakapag-argumento pa sa kanya dahil alam kong wala pa siya sa mood. Ayaw kong mag-away na naman kami. Baka bumalik pa kami sa dati nito, e.

Pagkatapos magbayad ni Aziel gamit ang black card ng daddy niya ay binilhan niya pa ako tatlong pares ng sapatos. At bago kami umuwi ay kumain muna kami dahil pasado alas tres na rin kasi at wala pa pala kaming lunch.

Sa isang mamahalin at ekslusibong buffet restuarant kami kumain ni Aziel. First time kong kumain sa ganitong kainan kaya naman napadami ang kain ko. At sa sobrang dami ng nakain ko napadighay ako.

Napatingin ako sa paligid at mabuti na lang malalayo ang ibang customers sa amin kaya alam kong di nila narinig iyong dighay ko. Kaso ang lalaki sa harap ko narinig iyon.

Tumawa si Aziel na kinatunaw ng puso ko. Mama!

"E-excuse muna, Aziel. Powder room muna ako, huh."

Di ko na siya pinasagot at umalis na ako doon. Napahilamos ako sa mukha ko pagdating sa powder room. Namumula ang mukha ko at rinig na rinig ko ang bawat tibok ng puso ko. Mama! Ano ba ito? Ito ba ang kakalimutan ang feelings? Ito ba ang crush lang? No. Yeah, it's a no. Kasi alam ko kung ano ito. Alam kong higit pa ito sa crush-crush na iyan. Iba na ang level ng pagkahulog ko.

Lumabas ako ng powder room at babalik na sana sa table namin ni Aziel kaso lang nang malapit na ako sa table namin ay may babae akong nabundol at natumba ang dala niyang baso na may lamang juice na nakalagay sa isang tray.

Napatigil ako at napatingin sa paa niya na doon bumuhos ang juice.

"Gosh!" She squeaked.

Natataranta akong humagilap ng tissue sa pinakamalapit na table sa amin at lumuhod ako sa harap ng babae at pinunasan ko ang paa niya.

Nanginig ang kamay ko dahil naalala ko ang ginawa ni Tita Mikee sa akin noon nang matapunan ko siya ng juice na dala ko. Kasi nung nangyari iyon sinugatan ni Tita ang kamay ko gamit ang basag na baso. Dahil ang likot daw ng kamay ko.

"S-s-sorry po. Sorry po talaga ma'a--" Hindi ko matapos ang sinasabi ko nang maramdaman ko ang pagbuhos ng kung anong malamig at magkit sa ulo ko.

Nang bumagsak iyon sa balikat ko ay saka ko pa napagtantong sauce iyon.

"Fùcking shît!!!" Ang dumadagundong na boses ni Aziel.

Pag-angat ko sa ulo ko ay tama naman sa pagtulak ni Aziel sa babae at natumba iyon.

"Deb, fùck!" Niyuko ako ni Aziel.

"A-aziel." napaiyak ko. Ano ba naman ito? Anong kamalasan ba ito?

Nilingon ni Aziel ang babaeng tinulak niya.

"Apologize, woman!" May diing saad ni Aziel.

The staff help the girl to stand.

"Sir--"

Pinutol ni Aziel ang staff ng restaurant.

"Apologize!" Muli na namang saad ni Aziel na naggitgit na bagang.

"He should be the one apologizing here. He's the one who bump--"

"He already did, but you pour the sauce on his head!"

"Because he ruin my shoes!" sigaw ng babae at tinuro ang paa niya.

Tinulungan akong itayo ni Aziel at di binitawan ang siko ko.

"I saw what happened, woman. You're the one who bumped into my husband! And my husband was too kind to apologized to an ill-mannered woman like you!" Galit na saad ni Aziel sa babae. Hinila ko ang damit ni Aziel para patigilin na siya kaso matigas din ang ulo ng lalaki. "And your shoes? Dàmmit! It looks like a second hand. Cheap!"

Binagsak ni Aziel ang ilang libo sa mesa bago ako hinila palabas sa restaurant na iyon. Walang imikan kami ni Aziel sa daan pauwi. Galit na galit siya at halos paliparin na ang sasakyan.

Pagdating sa bahay ay pinaligo niya ako dahil nangangamoy na ako. Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at ang direksyon ay nasa kama ko. Nakapagbihis na siya pero wala namang pang-itaas.

Namumula ang dibdib niya at panay ang taas-baba ng malapad niya dibdib.

"Aziel," tawag ko sa kanya at umupo sa kama ko. Tumingin siya sa akin. Kinalabutan naman ako sa nandidilim niyang mata. "S-salamat. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin doon sa restaurant. Pero Aziel di mo naman kailangang awayin iyong babae. Kasalan ko kasi nabundol ko siya. Di ako tumitingin sa dinadaa--"

Pagak siyang tumawa. "Dàmmit! Deb, it wasn't your fault. I saw it. I saw everything in my own two fùcking eyes! You shouldn't have apologized to her. You should have lower yourself for that wom--"

"AZIEL!" sigaw ko at napaluha. "Di mo alam Aziel. Di mo alam kung gaano ako katakot kanina! Akala ko kung ano na ang gagawin niya sa akin. Akala ko sasaktan niya ako kagaya nang ginawa ni Tita Mikee dati. Sanay na ako sa ganoon, Aziel. Sanay na akong ibaba ang sarili ko. Kaya di mo na kailangang makipag-away. Di mo na kailangang sirain ang pangalan mo sa akin!"

He clicked his tongue.

"And the hèll I will let that happened, Debie!"

Nakiling ko ang ulo ko. "Bakit Aziel? Bakit ka ganito? Di ko alam kung bakit kailangan mong makipag-away, Aziel. Pero naguguluhan na ako, Aziel. Gulong-gulo na ang utak ko. Alam kong kaibigan lang tayo pero sa bawat pagtanggol mo sa akin. Sa bawat comfort mo sa akin. Nahuhulog na ako. Alam kong bawal kasi may usapan tayo pero Aziel nahuhulog na ako sayo ng husto. At itong ginagawa mo di nakakatulong dahil umaasa ang puso ko na may gusto ka na rin sa ak--"

Nahigit ko ang hinga ko nang biglang tinawid ni Aziel ang pagitan naming dalawa at walang pag-aatubiling sinunggaban ang labi ko.






***
Omg mga beh! Naka-update na rin sa wakas. Huhuness!!!

Thank you for reading mga beh! Don't forget to vote, comment and share this story to your friends! Mwaah!!!😘❤🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top