CHAPTER 12
Chapter 12
Debie Pov
Halos mawalan na ako ng hininga habang pilit na hinahabol ang pagjo-jogging ni Aziel. Nakailang minuto pa lang ako pero heto ako't halos mawalan na nang malay sa likod niya. Sinama niya ako sa morning jog niya for the first time ever. Ginising niya ako nang 4am para makasama sa kanya. Sa una ay napaka-excited ko pa. Kaya agad akong nagready pero sising-sisi na ako ngayon. Sana pala nanatili na lang ako sa bahay namin at natulog. Wala pa sana akong poproblemahin ngayon.
Aziel is physically fit. Pangangatawan pa lang ay masasabi mo na iyon. Yakang-yaka na niya ang paglilibot dito sa buong subdivision pero ako para na akong mamamatay dito sa likod niya.
Sino ba naman ang nagdala nito sa sarili ko kung hindi ako lang din naman. Kagabi kasi. Nag-usap kami. Nag-usap kami ng masinsinan. Kaso lang itong mga mata ko. Di kasi mapigilang tumitig sa katawan ni Aziel kagabi!
"Deb?"
"O-oh, Aziel?" nautal kong saad bago pinutol ang titig ko sa katawan niya.
Sumimangot ako nang makita ko ang malaking ngisi sa labi ni Aziel at pinag-krus niya ang kanyang maskuladong braso sa harap ng kanyang dibdib at pinakatitigan ako.
Napakurap-kurap ako at halos madura sa lakas ng tibok ng puso ko at sa mga insektong naglalaro sa loob ng tiyan ko. Dios ko. Mama. Lihim kong kinakalma ang puso ko sa kabila ng intensidad ng mga titig sa akin ni Aziel.
"You like my body, are you not, Deb?" May panunuksong turan ni Aziel sa akin at nilapit ang mukha sa akin. Mabilis ang naging galaw ng katawan ko at inatras ang mukha sa biglaang galaw ng lalaki.
Umusok ang tainga ko at pisngi dahil sa lapit ng mga mukha namin ni Aziel. Tumitig ako sa mga singkit na mata ni Aziel na kulay abo para akong nahahalina doon. Para akong kinakabig n'ong mga mata iyon. Naglakbay pa ang mata ko sa supladong kilay ni Aziel at matangos niyang ilong na ilang pulgada na lang ang layo noon sa akin. Nilunok ko ang namumuong bikig sa lalamunan ko nang dumapo ang mata ko sa naka-awang na bibig at sa mapupula niyang labi. Dios ko.
Nakuyom ko ang kamao ko sa bedsheet nang kama niya at nag-ipon ng hangin sa dibdib bago magsalita.
"A-ano pinagsasabi mo dyan?" Pag maang-maangan ko sa kanya at hilaw na tumawa. Napangiwi naman ako dahil halata yata sa tawa ko na kinakabahan ako.
Nilayo ni Aziel ang mukha sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Parang ayaw ko yata sa Aziel-Rigg na mapanukso at napaglaro. Delikado yata ang puso ko dito. Tingnan mo itong puso ko ngayon. Di ko na makalma at rinig na rinig ko ang malalakas na pintig n'ong puso ko sa tainga ko. Nakakabaliw!
"You're drooling." saad ni Aziel at madali namang lumipad ang kamay ko sa gilid ng labi ko kung totoo ba ang sinabi niya. Kaso... nauto ako. Wala naman kasi!
"Sira ka! Wala naman." pagsigaw ko at lumagapak ang dibdib niya sa hampas ng kamay ko.
Agad kong nabawi ang kamay ko doon sa malapad na dibdib ni Aziel. Umawang ang labi ko nang makita kong namula iyon at nagmarka ang kamay ko sa dibdib niya. Maputi kasi siya kaya naman litaw na litaw iyong pamumula noon.
"A-ano! Ikaw... ikaw kasi. Inaasar mo ako." paninisi ko sa kanya. Napalakas din yata ang hampas ko sa kanya.
"You're really bad, Deb. Binigay ko ang cell phone ko sayo. Sinama kita sa trabaho ko at sinamahan pa kita sa mother mo. Pero ito lang ang makuhuha ko sayo?" Nagtatampong saad ni Aziel.
Nataranta ang sistema ko sa sinabi niya kaya naman bilang pag-aalo ko sana sa kanya ay lumapit ako sa kanya at hinaplos ko ang dibdib niyang namumula dahil sa hampas ko.
"S-sorry na. Sorry. H'wag mo kasi akong inaasar. Kasalanan mo rin ito." saad ko habang hinahaplos ang dibdib niya.
Syempre aaluin ko siya pero sisisihin ko rin. Kasalan niya naman kasi e. Ba't niya ba ako inaasar? Nagkakagulo na nga ang sistema ko dito dahil sa kanya tapos dadag-dagan niya pa? Ayan hampas ang nakuha sa akin! Tang ina lang dahil ang bilis namula ng balat niya. Meztiso kasi.
Uminit ang pisngi ko nang may mapagtanto ako. Napapatagal na ang paghaplos ko sa dibdib ni Aziel at ang lapit pa namin sa isa't isa. Inangat ko ang mata ko sa mukha ni Aziel at halos masuntok ko na siya nang makita ko na namang malaki ang ngisi na nakapaskil sa mukha niya!
Tang ina! Nauto na naman ako?!
"Ahhh, bwesit kaaaa!!!"
Itinaas ko ang kamay ko para magawaran siya ng suntok ang pagmumukha niya kaso mabilis naman ang galaw ni Aziel at nahawakan ang kamay ko. Gagamitin ko na rin sana ang isa ko pang kamay kaso mahuli niya rin iyon at saka niya ako tinulak at kinababawan.
"Aziel!"
"You are really bad, Deb." Komento niya pero di ko na iyon inintindi pa.
Nakaluhod siya sa may tiyan ko at hawak ang magkabilang kamay ko at nakapinid iyon sa kama. Hindi ako makagalaw dito sa ilalim niya! Ang laki rin naman tao nitong si Aziel!
"Alis na Aziel matutulog na ako." Sinimangutan ko siya.
Ngumisi naman siya sa akin. "Admit it first that you are drooling just by watching my body." Tukso ng lalaki sa akin.
Halos umusok na ang pisngi ko at mga tainga sa kanyang sinabi. Okay. What if I drool over his body? Sino ba naman kasi ang hindi? E, nakapaganda ng katawan. Parang hinulma talaga ng Dios ng ilang araw para maging perperkto ito.
Kunot ang noo ko at naniningkit ang mata kong sinalubong nag mga namumukso niyang mata at iyong ngisi sa labi niyang gusto kong burahin.
Bahala na si Batman pero di ko talaga aaminin sa kanya na naglalaway ako sa katawan niya. Bahala siya sa buhay niya. Tutuksuhin na naman kasi ako nito.
"H-hindi nga. Ka... kaya lang naman ako nakatitig sa katawan mo kasi... k-kasi gusto kong malaman kung papaano mo naa-achieved ang ganyang klase na katawan." Nautal pa ako sa puro kasinungalingang rason ko.
Itinaas ni Aziel ang mapakal niyang kilay. "Really?"
"O-oo nga."
Ngumisi na naman ang lalaki.
"Then, why are you stuttering?" May panunuksong tanong niya sa akin.
"Tsk! Kasi ang l-lapit natin sa isa't isa."
"Really?" Untag niya at biglaang binaba ang mukha sa akin dahilan para magkalapit pa ng husto ang mukha namin.
Nanlaki ang mata ko at halos maduling sa ilang pulgada na distansya nang mukha namin. Sa gulat ko ay nabigyan ko siya tuloy ng head bang. Tumama pa ang ilong namin sa isa't isa dahil sa ginawa ko.
"Ah! Fuck! Shit! Dammit! What the fuck, Deb?!" Muntik nang ma-litanya ni Aziel ang lahat ng mura at agad akong binitawan saka umalis sa ibabaw ko. Kinuha mo naman ang pagkakataong iyon na umalis sa kama niya at tumayo.
Tumambol ng husto nag puso ko dahil totoong namimilipit na siya sa sakit sa noo niya. Samantalang ako naman dito na nakamasid lang sa kanya at parang naminhid yata ang noo at ang inaala ko lang ay si Aziel at ang puso ko na nababaliw na.
"K-kasalanan... kasalanan mo 'yan Aziel." Sisi ko na naman sa kanya. Nagwawala ang puso ko sa loob pero mangangatwiran pa rin ako dito. Bahala siya. "Bakit kasi... nilapit mo ang mukha mo sa akin. Iyan tuloy. D-efense m-mechanism ko lang iyon."
Nanlilisik ang mata ni Aziel na bumaling sa akin. Nanginginig ang labi kong nginitian siya. Nang tanggalin niya ang kamay niya sa kanyang noo ay nakita ko ang pamumula n'on.
"I can't believe yo--"
"Teka lang, Aziel. Kukuha lang ako ng cold compress." Pagputol ko sa kanya at nagmamadaling lumabas sa kwarto namin at bumaba para kumuha ng cold compress.
Nang makakuha na ako nang kailangan ko ay tumakbo na ako sa taas. Hinihingal akong makarating sa kwarto at agad kong inabot kay Aziel cold compress.
"Ila... ilagay mo sa noo mo." Kinakapos sa hangin kong saad kay Aziel nang iabot ko sa kanya ang cold compress.
"You don't have to run, Deb. There's nothing to rush." Kalmado niyang wika saka dinampi ang cold compress sa noo.
Umupo ako sa sarili kong kama. Tinungkod ko ang dalawang kamay ko sa kama.
"Sorry."
Taas ang kilay ni Aziel na humarap sa akin. Parang nagdududa na si Aziel sa sorry ko. O baka nais niya lang siguraduhin kung wala ba akong isusunod doon na paninisi sa kanya.
I clicked my tongue.
"Ito naman. Pinagdu-dudahan mo naman ako."
Sinamaan ako nang tingin ni Aziel at muling dinampian ang noo sa cold compress. Sana naman di bumukol. Inaalagaan pa naman niya ang hitsura niya. Bumaba ang mata ko sa katawan niyang hubad. Tsk!
Tumayo ako at pumunta sa kanyang closet saka kinuhaan ko siya nang tshirt. Alam kong maganda ang katawan niya pero sana naman mag damit din siya.
"Mag-tshirt ka pagkatapos mo d'yan." Tinapon ko ang tshirt sa hita niya.
"Concern?"
"Hindi!" Tanggi ko.
Umiling naman siya.
"Basta nagsorry na ako, huh. Saka goodnight na." sabi ko kay Aziel at hihiga na sana ako nang magsalita siya.
"Why do I feel like you're not sorry at all, Deb?"
"Aziel..."
"Aminin mo na kasin--"
"Ahhh!!! Tigilan mo ako sa kaka-ganyan mo Aziel-Rigg! Sabing hindi nga ako naglalaway o gusto iyang katawan mo." Matigas kong depensa sa sarili. "S-saka... kaya lang naman ako nakatingin sa katawan mo k-kasi... kasi... kasi g-gusto kong magkaroon ng ganyang klaseng katawan. Curious lang akong tao." Palusot ko.
Naningkit pa lalo ang singkit niyang mata sa akin at tinaasan ako ng kilay niya.
"Gusto mong magkaroon ng ganitong katawan?" Tinuro niya pa ang mabatong tiyan.
Sunod-sunod akong tumango. Papanindigan ko na itong kasinungalingang ito!
"Are you sure?"
"Hayst! Oo nga."
Huminga siya nang malalim.
"Okay, gumising ka nang 4am. Isasama kita bukas."
"Isasama, saan?"
"Isasama kita sa daily routine ko at exercise na ginagawa ko."
Sa kalutangan ko ay hindi ko naman sinasadyang mapatid ang isang paa ko dahilan para mag-slow motion ang paligid ko at bumagsak sa rough road! I was fast enough na matungkod ang kamay ko pero sumadsad na ang tuhod ko sa sementadong daan at ang dalawang palad ko ay naka dapa rin.
Napangiwi ako nang naramdaman ko ang hapdi sa dalawang palad at sa tuhod ko.
"Tang ina naman!" Inis kong turan.
Umupo ako sa semento at tiningnan ko ang palad ko na may galos at dumudugo. Sinilip ko rin ang tuhod ko na dumudugo na rin.
"Deb?"
Binalingan ko si Aziel na nag-jog tungo sa akin. Nang nakalapit sa akin ang lalaki ay umupo siya sa tabi ko at in-inspect ang tuhod ko at ang palad.
"What the fuck!? Anong katangan ba ito, Deb?"
Umismid ako. Tsk! Ikaw ang dahilan nito, Aziel! Ginugulo mo kasi masyado ang utak ko! Ang puso ko! Kaya kasalanan mo ito!
Sinamaan na niya naman ako nang tingin kaya hilaw akong ngumiti sa kanya.
"Nadapa lang e."
"Dammit!" Ang mura niya bago walang pahintulot na binuhat ako sa paraang parang bagong kasal. Mabilis ko namang kinawit ang kamay sa kanyang leeg.
"Alam kong malakas ka Aziel pero sana naman magsabi ka na bubuhatin mo ako. Paano na lang kung di agad ako naka kapit sayo?"
"Tumahimik ka Deb bago kita ibagsak dito." Inis niyang wika at kumuyom ang panga.
"Tsk! Kung ayaw mo ako buhatin ibaba mi ako. Makakalakad naman ako. Hindi naman ako imbaldado para buhatin m--"
"Mananahimik ka Deb o kakagatin ko 'yang bibig mo?"
Agad na bumaon ang ngipin ko sa labi ko dahil sa binanta nang lalaki. Nanlaki ang mata ko sa kanya pero si Aziel ay diretso lang ang mata sa daan. At ito na naman ako sa kabog ng puso ko. Dios ko naman!
Nilapag niya ako sa kama ko—sa tabi n'ong bedside table ko. Tatayo na sana ako upang malinisan ko na ang sugat sa cr kaso nagsalita si Aziel na kinatigil nang katawan ko sa ere.
"Upo!" Parang aso niya lang ako na inutusang umupo at bilang isang masunurin at mabait na aso ay bumalik naman ako sa pagkaka-upo ko. "Ako na ang gagamot sa sugat mo." Dagdag niya at tumango na lamang ako.
Aziel was busy cleaning my knees at napatitig na naman ako sa kanya. Tapos na niyang linisan ang sugat ko sa palad ko kaya doon na siya sa tuhod ko. Seryosong-seryoso ang lalaki doon sa paggagamot sa tuhod ko at parang ingat na ingat siya.
Nanubig ang mata ko sa ginagawa ni Aziel. Tanging si Mama Sarah lang ang nakakagawa n'on sa akin. Noon kapag nasusugatan ako ay agad iyong ginagamot ni mama at kagaya ng ginagawa ngayon ni Aziel. Ingat na ingat rin sa akin noon si Mama. Hinihipan pa nga ni mama Sarah noon ang sugat ko kapag nilalagyan niya iyon ng alcohol.
Si Aziel ang pangalawang tao na gumamot na sa akin. Kasi noon kapag nasusugtan ako sa bahay ni Papa Gideon ako lang gumagamot sa sarili kong sugat na natatamo gamit ang ninakaw kong betadine sa first aid kit ng bahay nila Papa.
I was so proud of myself na nakayanan ko lahat ng mga paghihirap ko doon sa bahay ni papa Gideon. Masaya ako na ang lahat ng iyon ay nalampasan ko at na nanatili akong matatag at matapang ngayon dahil sa mga pinagdaanan ko doon sa kanila.
My body recovered. My wounds had healed, but the memories and pain lingered in my heart. Pero di ako papatalo sa mga masasakit na alaalang iyon. Hindi ko rin aakalaing dahil sa arrange marriage na ito ay dito pa ako gagaling. Dito pa ako makakatakas sa mga masasamang kamay ni papa Gideon at Tita Mikee. Alam kong may hangganan itong kasal-kasalan namin ni Aziel. Itong bahay-bahayan namin. Alam kong may hangganan itong kasiyahang nararamdaman ko. Alam kong isang araw aalis din ako dito dahil mag-a-anull kami ni Aziel ngunit magpapasalamat pa rin ako. Magpapasalamat pa rin ako dahil sa konting panahon naging malaya ako... naging masaya ako. And while it last, lulubusin ko na rin.
Bumalik ang ulirat ko nang may maramdaman akong kamay ko nagpupunas sa pisngi ko.
"A-aziel." Untag ko kay Aziel na nagpupunas sa pisngi ko.
"You are crying."
Binaba ni Aziel ang kamay niya.
"May naalala lang."
"Your past?"
Sasagot na sana ako sa kanya nang tumunog ang cell phone ko sa bedside table? Inabot ko iyon at tiningnan kung sino ang caller. Unknown number iyon pero sinagot ko pa rin. Baka kasi importante.
"Hello po? Sino po ito?" Pagsagot ko sa tawag.
"Debie?"
Halos mabitawan ko ang telepono nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Kumabog ng husto ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Damian.
"K-kuya Damian?"
"Thanks, God you answer the call--"
Inagaw ni Aziel ang telepono sa akin at pinatay niya ang tawag.
"Aziel." Alma ko.
"Don't answer any calls coming from your damn family. Don't answer any unknown numbers calling or texting you." Seryosong wika niya.
"P-pero Aziel... ba-baka may kailangan sila o baka may balita sila kay Mama Sarah."
"I will handle your mother, Deb. I will report to you your mother's condition. And for your family, just do what I said. Don't answer any calls or texts coming from them. You will only answer my calls and my dad's calls. Understand?"
Kinunutan ko siya sa noo ko.
"Hindi kita maintindihan, Aziel. Nasa kamay nila ang mama Sarah ko. Alam mo iyan. Paano kung may gawin silang masama kay Mama dahil di ako sumasagot sa tawag nila? Hindi mo ako naiintindihan, Aziel!"
Nagtagis ang bagang niya.
"Just," huminga siya nang malalim. "Just trust me, Deb. I know what I am doing. Don't worry about your mother, okay? I've got both... you and your mother."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top