CHAPTER 11
Chapter 11
Debie Pov
"Hello, po." Kinikilig kong bati kay Xavier. Hindi ko mapigilang di mapatulala sa ka-matchuhan at sa hitsura ni Xavier. Para akong nanaginip na nandito na sa harapan ko ang lalaking pinapanood ko lang noon sa television. Mga nakaw kong sandali na nasisilayan ang ka-gwapuhan ni Xavier noon. Basta mulat na ang isip ko nang una kong makita si Xavier sa television namin noon. Isa kasi siya sa bumida n'ong teleserye na 'yon at doon na ko unang humanga sa kagalingan niyang umarte at tingnan mo ngayon nandidito pa rin siya sa industriya ng mga artista kahit na nagsusulputan na ang mga bago ngayon. Di pa rin naluluma ang kasikatan ni Xavier.
Mahaba ang pilik-mata niya, kulay blue ang mata at matangkad halos magkasing-tangkad sila ni Aziel. Ang tangos din ng ilong niya at ang kapal ng kilay niyang hulmado. Di ko nga lang alam kung dahil ba sa lipstick kaya kulay rosas ang labi niya.
Gulat nga ako nang nilapitan niya ako ilang saglit bago umalis si Aziel upang magpalit. Itong si Xavier kahit na sa TV seryoso rin ang mukha niya kaso mas istrikto at masungit nga lang tingnan si Aziel. Sa mga palabas na nakikita ko ay laging leading man si Xavier o kung hindi naman ay siya iyong second lead.
"It's my first time seeing you in the team. Bagong hire ka?" tanong ni Xavier sa akin.
Winiwasiwas ko ang kamay ko at umiling.
"Hindi po. S-sumama lang po ako sa kaibigan ko."
"Oh! Sorry." hingi niya nang tawad at napakamot sa kanyang batok.
"Ayos lang po."
"Sinong friend mo dito?"
"Si..." nagdadalawang isip ako kung pwede ko bang sabihin na si Aziel ang kasama ko dito o ano. "S-si--"
"Ako." lumingon si Xavier kay Aziel.
Sinilip ko naman si Aziel na nagtatagpo na naman ang kilay. Naitago ko ang kamay oo sa likod ko at kinakalikot ng kamay ko ang telepono ni Aziel.
Humampas ng malakas na kabog ang puso ko sa nandidilim na mukha ni Aziel. Ano ba naman ito? Pati sa ka-trabaho ay mainitin din ang ulo. Walang pinapalampas kahit na sino. Lagi na namang galit ito.
"Aziel."
"I just approach your friend since he is alone and--"
"Hmm. Nagbihis lang ako di ko naman siya iniwan. Alis na." pagtataboy ni Aziel kay Xavier.
"A-ano..." nakagat ko ang labi ko nang makita kong pinandilatan ako ng mata ni Aziel.
"Hmm?" Lumingon sa akin si Xavier.
Yumuko ako dahil nahihiya akong sabihin na gusto kong magpa-picture sa kanya. Syempre ang idol mo na ang nasa harapan mo. Kaso iba pala ang pakiramdam. Masaya na nakaka-kaba pag nasa harapan mo na ang iniidolo mo at sa TV mo lang nakikita. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko kaya naman gusto kong magpa-picture kasama si Xavier.
"P-pwede bang magpa-picture... k-kasama ka?"
"Of course. After the shoot, okay?"
Lumiwanag ang mukha ko at nawalan ng konting bigat ang dibdib ko sa sinabi ni Xavier.
Inangat ko ang ulo ko at tiningnan si Xavier.
"Sige po. Salamat po. Salamat."
Umalis si Xavier. At ako naman ay ngiti-ngiting sinundan siya ng tingin kaya naman di ko napansin si Aziel na nasa harapan ko na.
"You shouldn't have talk to him." Anito.
"Bakit naman?"
"Baka may mga paparazzi at mapagkamalan kayong may something"
Nanlaki ang mata ko doon. Kaso naisip ko na walang-wala naman ako sa mga nal-link na personality kay Xavier. Saka lalaki rin naman ako.
"Ano ka ba? Idol ko lang siya. Hinahangaan." Wika ko sa kanya. "E, tayo. Magkasama naman tayo, ah." Pagkukumpara ko.
"Of course. Mag-asawa naman tayo." walang pag-aatubiling untag niya na kina init naman ng pisngi ko.
"I-ito naman."
"That's true. Sige na. The fuck with this photoshoot. Akala ko mabilis lang ito." mura niya.
Tumalikod na siya dahil magsisimula na naman sila.
"Galingan mo, Aziel!" natuptop ko ang labi ko dahil naisigaw ko iyon ng wala sa oras. Nakita kong napalingon iyong mga staffs at ilang workers sa akin.
Tiningnan ko naman si Aziel na nakalingon din sa akin. Kunot nag noo niya pero kalaunan ay napailing at ngumisi sa akin.
Yumuko at umupo sa silya. Nakakahiya! Bakit ko nga ba iyon sinigaw. Kinurot ko ang sarili dahil sa katangahan na ginawa.
Kinakalikot ko ang cell phone ni Aziel. In-on ko ang data at nagsurf ako sa net at doon lang ako nagtagal sa Youtube. Nanood ako ng mga funny vidoes at mga cooking shows hanggang sa mapagod ako doon at naramdaman ko ang pagka-antok sa panonood.
Pinatay ko ang cell phone at nilagay ko iyon sa hita ko saka sumandal sa sandalan ng silya at napahikab. Pinikit ko ang mata ko at ilang sandali lang ay nawala na ang ulirat ko sa buong paligid.
"Hey! Deb." boses ni Aziel.
"Hmm." Ungol ko nang naramdaman ko ang pagyugyog at ang pagtawag sa akin.
"Gising na."
"Inaantok pa ako, Aziel." usal ko at nakapikit pa rin. Masarap kasi sa pakiramdam dahil malamig iyomg paligid pero di iyong masyadong ramdam dahil sa mainit na bagay na nakatulakbong sa akin.
"Uuwi na ako, Deb. Iiwan kita dito kapag di ka gumising."
Agad kong naimulat ang mata ko nang marinig ko iyon. Napaahon ako sa pagkakasandal ko sa silya at dahil biglaan ang galaw ko napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit sa leegan ko.
"Ahhw."
"Tara na. It's already 5pm." tiningala ko si Aziel na nakabihis na sa damit niya kanina.
Napatingin ako sa katawan ko na nakabalot pala sa akin iyong jacket na suot kanina ni Aziel. Umupo ako ng maayos at humikab. Inikot-ikot ko rin ang ulo ko saka ko inalis ang jacket sa akin at tinupi ko iyon.
Nakita kong nasa hita ko pa ang telepono ni Aziel. Kinuha ko iyon at inabot kay Aziel.
"Ohh, salamat pala sa pagpapahiram." saad ko.
"Keep it."
"Huh?"
"I said. Keep it."
Ngumiwi ako sa kanya.
"E, sayo ito eh?"
"Edi, binibigay ko sayo." may inis niyang saad.
"Totoo? Akin na ito? Walang bawian?" Paniniguro ko.
"Yeah. Bibili na lang ako ng akin." tamad niyang sagot.
"Salamat. Salamat, Aziel. Wala na talagang bawian iyan, huh."
"Hmm."
Napalinga-linga ako sa paligid nang may maalala ako. Nakita kong kami na lang ni Aziel ang nandidito at malinis na rin ang paligid. Tumayo ako bitbit nag jacket at telepono saka umikot upang hanapin si Xavier.
"Umalis na si Xavier?" malungkot kong tanong kay Aziel.
Tumaas ang kilay niya. "Oo. Kanina pa."
"Hala! Bakit di mo ako ginising? Magpapa-picture pa sana ako sa kanya."
"Tsk!"
"Sayang naman. Di ko alam kung magkikita pa ba kami o hindi."
May kinuha si Aziel sa kanyang bulsa at inabot niya sa akin iyon nang nakaiwas ang mata sa akin.
"Ano 'to?" ako.
"Pinapabigay ni Xavier."
Nang tingnan ko iyon ay isa pala iyong photo ni Xavier. Tiningnan ko ang likod n'on at may signature niya iyon at may pangalan ko rin. Napatalon ako sa tuwa at inaangat ko iyon sa ere.
"Ang saya!!"
"Tsk! Tara na." putol ni Aziel sa kasiyahan ko.
Lumabi ako at tumakbo para mahabol ang mahahabang hakbang ni Aziel. Napadaan ulit kaming dalawa doon sa hallway na may mga picture ng artista kaya naman nagpa-picture ako kay Aziel sa larawan ni Xavier.
Bagot na bagot si Aziel habang kinukunan ako ng picture. Iba't ibang posing din kasi ang ginawa ko at may pa-peace sign pa.
Tamad na binigay ni Aziel ang cell phone sa akin pero di ko muna chineck ang mga photos dahil nagmamadali itong si Aziel. Naiiwan ako sa haba ng biyas.
Nasa kotse na kami nang tingnan ko ang mga larawan at napapangiti ako habang tiningnan iyon. Gusto ko sanang i-post iyon kaso wala naman akong social media account.
In-on ko ang data saka pumunta ako sa Facebook na application at pagpindut ko doon ay bumungad sa akin ang nasa 60 plus na messages at thousands na friend request at 99 plus na notifications.
"Ang dami mong message Aziel."
"Wag mong pakialaman 'yan." untag niya habang nagmamaneho.
"Gagawa sana ako ng facebook."
"Then, make one."
Tumango ako at ni-log out ko ang account niya.
Debie Morales F. Basa ko sa pangalan ko sa Facebook account ko. Ang Morales ay apilyedo ni Mama Sarah at iyong F ay... Fabre pero syempre sa akin na iyon.
Nag-uplaod ako nang profile iyong naka-peace sign ako sa harap ng naka-display na larawan ni Xavier. Pagkatapos n'on ay ina-upload ko na ang mga larawan na kinuha ni Aziel kanina. Wala namang likes ang mga iyon kasi kakagawa ko lang sa account ko at wala pa akong friends.
Kaya sa buong byahe ay tutok na tutok ako sa telepono at nag-a-add friend ako. Napangiti ako nang may mag-pop-up na notification na may nag-chat sa akin. C-in-lick ko iyon at dumiretso iyon sa switch account kaya naman pinindot ko na iyon.
Ngumiwi ako nang makita ko ang nag-chat. Di ko mabasa ang name niya. Taga ibang bansa ata. Kinalabutan ako nang makita ko ang kanyang profile. May bigote at medyo maitim at mukhang matanda.
"Hi, dear?" basa ko sa chat niya.
Na seen ko iyon pero may chinat na naman siya. Kaso binack ko na. Sumusulpot na ang chat niya sa akin.
"What?" napabaling ako kay Aziel.
"May nag-chat lang sa akin, Aziel." sumbong ko sa kanya.
"Who?" tanong niya naman at sumulyap sa akin saglit.
"Di ko mabasa ang name niya Aziel. Taga ibang bansa yata siya e."
"I-block mo ang mga 'yan. Baka kung sinong baliw 'yan."
"B-baliw?"
Tumango siya.
Kinabahan ako doon kaya naman ay ni-long press ko iyon at sunod na pinundot ang block. Mukha nga din namang di iyon mapagkakatiwalaan na lalaki.
Nilagay ko sa hita ang cell phone at napapangiti sa labas. Nag-aagaw na ang gabi sa araw.
"Where do you want to eat, Deb?" tanong ni Aziel sa akin mayamaya.
"Ikaw na lang Aziel. Kung saan mo gusto, dun na lang din ako."
"Okay." tipid niyang sagot at niliko ang sasakyan. Inutusan niya rin akong isuot iyong jacket niya dahil malamig na sa labas.
Sa isang resto-bar kami kumain ni Aziel. At pagkatapos doon ay umuwi na rin kami sa bahay. Pagkarating naman sa bahay ay kinuha ko na ang bulaklak sa backseat na bigay sa akin ni Aziel. Doble ang bigay niya sa akin ngayon iyong phone niya at itong bulaklak.
Di ko mapigilang di kiligan sa mga ginawa niya sa akin ngayon. Masungit, mainitin ang ulo, at bugnutin si Aziel pero may konting kabaitan din naman. In-born na siguro ang kasungitan nito.
"What are you smiling at Deb? Baba ka o hindi? Dahil papasok na ako loob."
Oh, kita. Kasasabi ko lang na mabait siya kaso likas na talaga ang kasungitan niya.
Umiling ako sa kanya at sinagot siya. "Bababa na."
Bumaba ako at napangiti ulit ako nang makita ko siyang hinihintay ako. Hehehe.
Tinaasan niya ako sa kilay niya. "You're really happy for a mere signature of that man, huh."
My nose crinkled. "Ano?"
"Let's get inside. Malamig na." aniya at nauna na sa akin.
Dinawalan ko nang dila si Aziel nakakainis na rin siya. Daig niya pa talaga ang babaeng may menstration. Grabe ang mood swings.
Siguro ay nauuna na si Aziel sa taas dahil wala na siya dito sa baba pero ako ay mas pinili ko pang unahin iyong bulaklak na bigay niya. Mabuti na lang at may vase kami na di nagagamit kaya iyon na ang ginamit ko. Inayos ko iyon ng mabuti at may pa hum-hum ako habang inaayos iyon.
Dinala ko iyong vase sa taas dahil balak kong dalhin iyon sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay tama naman na kalalabas lang ni Aziel sa banyo.
Nakatapis sa baywang niya ang puting towel at may hawak siyang isang towel na pinagpunas niya naman sa kanyang maputi at mabatong katawan. Humigpit ang pagkakayakap ko sa vase nang bumaba ang mata ko sa malapad niyang dibdib na tumtaas baba at sa kanyang prominenteng abs.
"Deb?"
"O-oh? Aziel?"
"I said, close the door."
Sunod-sunod akong tumango saka sinara ang pinto sa likod. Kinuha ko ang tsansang iyon para kalmahin ang nagkaka-kalatuwang tibok ng puso ko.
Halos pukpokin ko na ang dibdib ko dahil mas nagwala pa iyon nang maalala ko ang nagandang katawan ng lalaki sa likod ko. Naman e!
Ngumuso ako saka tumungo sa kama ko at nilagay ko ang vase sa tabi ng lamshape ko. Sunod akong kumuha ng damit pantulog at towel para makapaglinis na sa katawan.
Pagkalabas ko sa banyo ay nakita ko si Aziel na nakaupo sa gilid ng kama niya at nakaharap sa kama ko.
"Does your back already healed?" tanong niya.
Sinara ko ang pintuan ng banyo.
Tumango ako sa kanya.
"Let me see." kaswal na untag ni Aziel at tinapik ang tabi niyang espasyo.
"H-hindi na." tanggi ko. "Magaling na naman talaga."
Siningkitan niya ako sa mata niya at muling tinapik ang tabi niya.
Wala akong nagawa kung hindi ay sundin siya. Umupo ako sa tabi niya at saka niya naman ako pinatalikod.
"No bruises anymore?" tanong niya naman.
Tumango ako.
"Okay."
Tinutulungan ako ni Aziel na itaas ang damit doon sa likod ko. Inbulontaryo akong napa-igtad nang lumandas sa balat ko sa likod ang palad ni Aziel.
"D-diba? Magaling na?"
"Hmm. But I still can't imagine how painful it is."
Napayuko ako at nilaro ang kuko ng daliri ko.
"Ayos na naman. Iyon lnag ang importante." usal ko.
"They'll pay the price for this." anas ni Aziel. At hinaplos ang likod ko.
"Huh?" gulo kong tanong.
"Nothing."
Napatango na lang ako.
"Would you like to take this scars off, Deb?" biglang tanong ni Deb nang maibaba na niya ang damit ko.
Nag-indian sit ako sa kama niya.
"Gastos na iyon."
"I'll pay it for you."
Tiningnan ko siya at nagtagpo ang mga tingin namin. Ngumiti ako sa kanya.
"Masyado ka nang naging mabait sa akin. Baka masanay ako sa lahat ng ito, Aziel." pabiro kong pahayag sa kanya pero nanatiling seryoso ang mukha ni Aziel.
"We're friends."
Tumango ako. Yes, we are friends.
"H'wag na. Ang ipapaggamot mo dito ay ibili mo na lang ng pusa sa akin. Hahaha."
Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo talaga?"
"Oo nga. Paulit-ulit ito. Pangit ba tingnan?"
Bumuntong hininga siya. "Hindi. Nag-offer lang ako sayo because I only think of you. Whenever you see your scars it'll only remind you about your painful and dark past. I've been there, Deb. And I know how it feels."
Hindi ko man alam kung ano ang tinutukoy niyang alam niya at galing na siya doon pero ngumiti ako sa kanya. At wala sa sariling hinawakan ang kamay niya.
"Salamat, Aziel. Salamat pero ayos lang. Kaya ko naman. Kaya ko pa. Di ako kayang itumba ng mga peklat sa katawan ko. Oo, masakit Aziel, masakit pero masaya ako kasi nalampasan ko ang sakit na iyon. At itong mga peklat sa katawan ko... parang mga reward na ito na nalampasan ko ang mga mapait na nangyari sa buhay ko."
Umigting ang panga niya pero kalaunan naman ay ngumiti siya sa akin at kasabay n'on ang paghawak niya sa kamay ko at pinisil niya iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top