CHAPTER 10

Chapter 10

Debie Pov

Hindi ko na matandaan kung kailan ako lumabas ng bahay nang malaya. Simula nang pumasok ako sa bahay ni Papa Gideon. Di na ako nakakalabas ng bahay ng matiwasay. Siguro nakakalabas ako kapag inuutusan akong mag-grocery at may oras pa iyan.

Nakaka-inggit nga iyong nakikita kong mga ka-edad ko na malaya silang nakakagala. Nakakabili ng gusto nila. Hindi man kaaya-aya ngunit naiinggit talaga ako. Hiniling ko sa Dios na sana ganoon na lang ang buhay ko. Sana di nalang ako naging anak sa labas. At napapatanong din ako sa Dios kung bakit ganito ang buhay ko. Mahirap na nga ako—kami ni Mama pero bakit nabaliw pa si mama? Ang mama ko nga lang ang nasa tabi ko pinagdamot pa iyon ng Panginoon sa akin.

Mapait. Sobrang pait nang buhay ko nang pumasok ako sa bahay ni Papa Gideon. Nagpapasalamat na lang ako sa Dios na nakayanan ko ang buhay doon. Kahit puro pasa, masasakit na salita, pagkutya sa mama Sarah ko at iba pang naaani kong salita. Lumalaban pa rin ako. Lakas ko ang mama Sarah ko at kung ang mama ko ang mawala sa buhay ko siguro dun na rin ako susuko sa buhay.

Kaya nga kanina ay napatanong ako kay Aziel kung iuuwi niya ba ako sa bahay. Di kasi talaga ako sanay na isinasama ako sa labas.

At ngayon na lalabas ako kasama pa si Aziel. Di ako makali. Nakaka-excite kahit na alam ko naman sa studio lang kami. Para akong bata na uhaw na uhaw sa buhay sa labas ng bahay. Akala ko dagdag pasakit itong bagong pinasok ng buhay ko. Itong pag-aasawa kay Aziel. Kaso nakumpara kong mas mabuti ito kaysa doon sa bahay ni Papa Gideon. Sa bahay namin ni Aziel walang nag-uutos sa akin sa gagawin ko maliban na lang kung tupakin si Aziel. Wala nang nagbubuhat ng kamay sa akin. At mas lalong wala na akong naririnig na mga masasakit na salita tungkol sa mama Sarah ko.

Napapangiti ako nang may maraanan kaming school. Gusto ko ulit mag-aral. Gusto ko ulit pumasok sa school. Kaso lang nakatali na naman ako. College na sana ako.

Nilingon ko si Aziel na napapa-head bang sa musika na lumulukob sa buong sasakyan niya. Di ako nakaka-relate doon sa music. Rock kasi at saka di rin ako maalam sa mga musika dahil wala naman akong cell phone. Iyong mga naririnig ko lang sa mga kapitbahay namin noon ang mga musikang nakaka-pamilyar ako.

Napalunok ako nang dumapo ang mata ko sa pulang labi ni Aziel. Pinikit ko ang mata ko nang may kakaibang nabubuhay sa kalamnan ko. Dios ko!

Pumasok sa isip ko iyong nangyari kanina. Sa mga araw na dumadaan na kasama ko si Aziel. Unti-unti ko na siyang nakikilala. Unti-unti ay nakikita ko na ang totoong siya. Masungit si Aziel, madaling mapikon, minsan may pagkabugnutin din siguro dala na iyon sa kasungitan. Ngunit mabait din si Aziel. Magaling makisama kagaya ng ginawa niya sa mama ko kanina. Generous din. Akala mo nga naman kasi na binigyan ako ng flowers at pati si Mama.

Lihim akong napangiti at sinulyapan ang bulaklak na bigay niya sa akin na nanduduon sa backseat. Di na ako makapaghintay na umuwi ng bahay at i-display iyon.

"You're smiling now, huh." nakakurap-kurap ako at tumingin sa mata ni Aziel.

Sumulyap siya sa akin at ngumisi.

"O-oh, may naisip lang." pagdadahilan ko. Siya naman talaga ang laman ng utak ko.

"Hmm. Wag kang humiwalay sa akin kapag dumating tayo sa studio, okay?" pagbibilin ni Aziel.

"Uhm." nakangiting tumango ako kay Aziel.

Ilang saglit ay dumating na kami sa sinasabing studio. Nag-park na si Aziel at nang tumigil ang sasakyan ay kinalas ko na ang seatbelt at nauna pa akong lumabas kay Aziel sa sasakyan. Para talaga akong ibon na nakawala sa hawla. Hindi ko maiwasang di ma-excite.

"You're this excited, huh." si Aziel at naglakad papalapit sa akin habang nagsusuot sa face mask niya.

Ngumisi ako. "Oo nai-excite ako, Aziel. First time ko kayang lumabas na na walang nagbabantay sa oras ko." Bulaslas ko.

Siguro noong wala pa ako sa bahay ni Papa Gideon nakakalabas ako pero para iyon makapagtrabaho para may maitulong ako kay Mama.

"What?!"

Napa-igik naman ako nang sumigaw ni Aziel. Tinupak na naman.

"B-bakit ba?"

Maayos na kami kanina e.

"What do you mean it is your first time, Deb?" anang niya. Kahit na nakasuot siya ng cap at natatakpan ng face mask ang mukha niya ay nakikita ko pa rin ang kilay niyang nagtatagpo na.

"Pa... pasok na tayo, Aziel. Mal-late ka na." pagrarason ko.

Ayaw ko nang pag-usapan pa ang mapait kong buhay. Ayaw kong sirain noon ang araw ko ngayon kasama siya.

Inabot ko ang laylayan ng damit ni Aziel at tumingila sa kanya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ekspresyon niya. Matigas at nagsasalubong pa rin ang kilay niya.

H'wag ganito Aziel. Sabi mo magkaibigan lang tayo. Ayaw kong i-misinterpret itong lahat na ginagawa ni Aziel. Gusto ko na kasing isipin na tumatayong asawa ko na talaga siya. Siguro sa kanya purong kaibigan lang ito. O natural lang ito sa kanya kaso sa akin... iba ang dating.

"Papasok tayo kapag sinagot mo ako, Deb." Pagmamatigas niya.

Ngumuso ako at hinigpitan ko ang pagkakapit ko sa laylayan ng damit niya.

Yumuko ako. "Ayaw kong sabihin sayo, Aziel. Baka isipin mo... nagpapa-awa ako. Di naman ako gan--"

"I won't judge you, Deb. So tell me." demand niya.

Bumuntonghininga ako at muling tiningnan ang kanyang mata.

Nilunok ko ang bikig na namumuo sa lalamunan ko. "K-kulong din kasi ako noon sa bahay ni Papa Gideon, Aziel. Nakakalabas lang ako kapag inuutosan nila ako pero may oras din. Kaya nga diba sabi ko minsan ko lang nadadalaw si Mama." sinigla ko ang mukha ko para sana mahawaan ko si Aziel pero nandidilim na ang mukha niya. "Pero wag kang mag-alala noon lang 'yon. Ngayon di na naman."

"Deb, I don't know how kind you are, but your father doesn't deserve to be called a dad or papa. Damn, father! I hate that despite of the things he did and to his family to you. You are still calling him Papa. Dammit!" Pagmumura niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Huminga nang malalim si Aziel at may sinabi pa siya sa sarili na hindi ko maintindihan dahil sa sobrang hina no'n.

Gusto kong pagalitan ang sarili dahil sinira ko ang mood ni Aziel. Kanina ay may pa tawa-tawa pa siyang nalalaman pero ngayon parang madilim na naman ang kalangitan ni Aziel. Ang bilis talagang magbago ng mood niya. Daig pa ang babaeng may menstration.

Sa pagkalutang ko ay di ko namalayan na hinarang na pala ako ng guard ng building.

Tumingin ako sa braso ko kung saan nakahawak ang guard. Saka ko binalingan ang guard na ngumingisi sa akin.

"ID mo hijo."

Napakurap-kurap ako.

"W-wala p-po akong ID." mahina kong usal.

"Edi, umalis ka na dito."

"P-p-pero po may kasama po ako." sumulyap ako sa likod niya at nakita ko si Aziel na papalapit na doon sa elevator.

Tinuro ko si Aziel gamit ang isang kong kamay at napatingin naman doon ang guard.

"Kasama ko po si Aziel Fabre."

Nagdududang tiningnan ako ng guard.

"Sus, hijo. Sa lahat ng pulusot 'yan pa talaga ang ginamit mo. Lumang-luma na 'yan."

"Pero po k--"

"Let go of him before I throw you out of this building."

Iyong kamay ng guard sa braso ay unti-unting lumuwag at nilingon si Aziel na matigas ang ekspresyon ng mukha. Hinablot ko ang braso ko sa kamay ng guard at agad na lumapit kay Aziel.

"S-sir..."

"He's with me. The next time you touch him. I will make sure to fire you." pinal na saad ni Aziel at hinawakan ang palapulsuhan ko saka hinala sa loob.

Lakad takbo ang ginagawa ko dahil sa malalaking hakbang ni Aziel. Ang taas ba naman ng biyas!

"Aziel, h'wag mo namang tanggalan iyon ng trabaho."

"Pag di niya gagawin ng maayos ang trabaho niya matatanggal talaga siya."

"I-ikaw ba may-ari nit--"

"My dad. Siya ang may-ari."

Putol niya at tinikom ko na lang ang bibig ko.

"I told you to stick on me." pagalit niyang untag nang makapasok na kami sa elevator. Mabuti at kami lang dalawa. Di pa taga siya nakaka move on doon. Galit pa rin.

Napatingin ako sa harap namin ni Aziel ka klarong-klaro ang hitsura namin. Bumaba ang mata ko sa kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi naman iyong mahigpit kumpara sa pagkakahawak ng guard sa akin kanina.

Lihim akong napangiti doon sa di ko malaman na dahilan. Galit si Aziel pero nagawa ko pang ngumiti sa sitwasyon namin.

"Deb!" napatalon ako sa dumadagundong na boses ni Aziel.

"Aziel?"

"Tsk! Nakikinig ka ba sa akin?"

Sinulyapan ko siya na inis na tinanggal ang cap niya. Gwapo pa rin kahit na di niya inayos ang kayang buhok.

"Sorry."

Dumaing lang siya.

Hanggang sa nakalabas kami ng elevator ay di niya binibitawan ang palapulsuhan ko. Nagpapati-anod naman ako sa kanya dahil wala akong alam sa lugar na ito at baka mawala ako at  baka sa pagkakataong ito ay mapatapon pa ako sa labas ng wala sa oras.

Bumilog ang mata ko habang hila-hila ako ni Aziel. Sa nararaanan naming hallway ay may mga naka-display na nga larawan ng mga sikat na artista sa bansa.

"Hala si Xavier 'to, ah." malakas kong untag nang maraanan namin ang naka-display na larawan ni Xavier. Si Xavier ay isa sa magaling na artista sa indutriya ng mga artista. Model din siya at in-demand na leading man sa bansa. May balita nga na naimbitahan siya na maging leading man sa ibang bansa.

"Tsk!" ungot ni Aziel.

"Bat ang tagal mo Aziel. Kanina pa nakarating sina Xavier." may babaeng sumalubong sa amin ni Aziel nang makapasok kami sa isang silid. Dressing room.

"What's important is, I am here now." pambabara ni Aziel sa babae. 

Napatingin sa akin ang babae at napayuko ako. At hinila ko ang palapulsuhan ko kay Aziel.

"Who is this, Aziel? Bat ka nagsama n--"

"He is my friend. May dinaanan kami kanina and I have no time to drop him at his home." Diretsong ani Aziel at hinala na ako saka pinaupo sa isang silya.

"Dito ka lang. Wag malikot at mas lalong wag kang lalabas pagwala ako." Para akong bata na tumango sa kanya. Naiintindihan ko naman siya. Mahirap nang mawala sa lugar na ito na para akong unggoy na naligaw.

"Give him a drink and food to eat." utos ni Aziel sa babaeng sumalubong sa amin kanina.

"Azie--"

"Nagmamadali tayo diba kasi late ako?"

Walang nagawa ang babae kung hindi ang sumunod kay Aziel. Tingnan mo na may pagkabugnutin din ito. Kanina ang ayos ng mood.

"Sorry po. Pero di na po dapat kayo nag-abala pa." ani ko doon sa babaeng binabara ni Aziel nang bigyan niya ako ng slice ng chocolate cake, bottled water at juice.

"Kaibigan ka nang alaga ko. Mahirap na kung di 'yan masusunod." aniya at tinapik ang balikat ko.

Tahimik kong kinain ang cake gamit ang tinidor at naaliw ako sa panonood habang inaayusan si Aziel. Napaubo ako nang walang habas na hinubad ni Aziel ang kanyang pang-itaas. Tumingin sa akin si Aziel at mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Mariin kong pinikit ang mata ko dahil nakita ko na  naman ang maskuladong katawan niya. Napaka depina at nagf-flex ang malaking katawan ni Aziel.

Lumabas ulit kami doon sa dressing room ni Aziel at dinala ko ang tubig dahil baka mauhaw ako. Si Aziel ay di na nagdamit at pinatungan niya lang ang balikat niya nang isang jacket.

Sa isang photoshoot na room kami pumasok at nakita kong abalang-abala ang mga tao sa pag-aayos ng camera, backdrop, at mga lightings. Sinundan ng mata ko si Aziel at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko pa ang apat na lalaki na kapwa topless kagaya ni Aziel. Naka-jeans lang sila. Hindi ko alam kung ano ang nilagay sa katawan nila upang magmukha silang moreno. Kumikinang ang katawan nilang malalaki. Kitang-kita ang mga kurba ng abs nila. Nakita ko rin si Xavier at mabuti na lang napigilan ko ang sarili kong h'wag sumigaw. Ang gwapo rin ni Xavier!

Nang lumingon sa gawi ko si Aziel ay wala sa sarili akong napaigtad. Naniningkit ang mata niyang tinitigan ako.

"Hey, wag kang mag-take ng pictures, huh?" saad noong manager ni Aziel.

Nahiya ako. "W-wala naman po akong cell phone."

"Ah, mabuti naman." ngumiti siya at tumalima.

Siguro iniisip niya na wala akong dalang cell phone pero ang totoo ay wala talaga akong cell phone. Di pa ako nagkakaroon no'n.

"Ito upuan. Dito ka lang." Bumalik ang manager ni Aziel at dinalhan ako ng upuan saka umalis naman din agad siya.

Umupo ako at nilagay ko sa hita ko ang bottled water na dinala ko kanina.

"Hey."

"Aziel."

"Panoorin mo lang ako. Madali lang naman siguro kami since veteran kaming lahat." si Aziel at halos di ako makatingin sa kanya.

Kailan pa ako naaasiwa sa katawan niya? Ilang beses ko na naman iyong nakita.

Tumango ako sa kanya. Sinusubukan kong iiwas ang tingin ko sa kanya kaso itong mata ko laging hinahanap si Aziel. Nakakainis!

"Here," binigay niya ang cell phone niya sa akin.

"Bawal ang phone dito." ako.

"I know. Just don't take photos." siya at nilagay sa hita ko ang phone niyang naka-open na.

Imbes na gamitin ko ang cell phone ni Aziel upang malibang. Mas nalibang pa ako sa kakanood habang nag-r-run na ang camera. Lima sila si Aziel na kinukunan ng larawan kaso ang mata ko si Aziel lang ang pinu-focus.

Nag-break sila si Aziel dahil magbibihis sila at dumiretso siya sa akin. Walang paalam niya namang kinuha ang bottled water sa hita ko at nilaklak iyon.

Napalunok ako sa tanawin sa harap ko. Umiinit ang pisngi ko habang tinitingnan ang paggalaw ng Adam's apple ni Aziel.

"Hey, you're freaking red. Are you okay, Deb?"

Nanlaki ang mata ko sabay ng pag-init lalo ng mukha ko nang makita ko si Aziel na konting pulgada lang ang layo ng mukha namin. Nahigit ko ang hininga ko ng sapuhin pa ni Aziel ang mukha ko.

"A-aziel."

"May fever ka?"

Nanginginig ang kamay kong inalis ang kamay ni Aziel sa akin.

"Ayos lang ako. Magbihis ka na." Tulak ko sa kanya. At niyuko ang mukhang sing pula ng hinog na kamatis.

Kung hindi pa tinawag si Aziel ng kanyang manager ay hindi siya aalis sa harap ko. Nang makaalis si Aziel ay doon ko lang napagtanto na pinipigilan ko na pala aang sarili kong huminga. Ano ba ito? Bakit ganito? Hindi dapat ganito ang puso ko.








***
Happy Valentines day, everyone!❤😘

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top