two
Ashley Getes POV
Magmula nung magpaalam si Fie na aalis at titigil muna sa pag aaral ay wala na kaming naging balita sa kaniya,lately lang din namin nalaman na bumalik na pala siya para mag aral ulit but...I thought she's still the Fie that I know pero Hindi na pala.
Before,if she going to smile malawak pa sa farm ang ngiti niya, if she going to laugh mapapangiti ka rin dahil sa ganda,madaldal din siya dati,gano ka daldal? Yung tipong nagtanong ka lang about sa title ng story pero kinuwento niya na haha! Funny but true.
But now, it's all different...
Mula nung bumalik siya galing sa Spain ay halos di ko siya makilala, mas lalo lang ata siyang gumanda! Well..she has her natural brown long but curly hair, may pagka brown din ang kilay niya na according to her ay namana niya sa mother niya, matangos ang maganda niyang ilong, mas kumapal din ang mataas niyang pilik mata, ang mata niyang singkit pero malaki ang eyeballs na kagaya ng kay IU sa favorite kong kpop artist na kapag tinitigan mo ay marerealize mong kulay brown pala,ang dating red lips ay naging rose pink, I don't know what exactly happen! dahil mula noong bumalik siya nawala ang dati niyang sigla, Hindi na siya gaanong madaldal lagi nalang nakatulala sa ere na akala mo ay natalo sa luto ng isang bilyon, tipid nalang kung ngumiti dahilan para diko makita ang dalawang malalalim niyang biloy, ang mga mata niya ay parang napuno ng problema dahilan para medyo lutang siya parating tingnan.
‘ano nga kaya ang nangyari?..'
"Ash!" Someone called me so I stop walking at tinignan kung sino yun, it was my Ma'am Ven adviser ng theater club.
"Good morning ma'am" I greeted.
"Good morning hija, by the way..your performance is very good I know your mother will be proud of you"
Palihim na napaikot ang mata ko sa sinabi ni ma'am Ven, goshh!!
Ngumiti ako ng pilit bago muling magsalita.
"I hope soo...ma'am" yun lang at tinapik niya ang balikat ko bago nagpaunang lumakad.
Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa classroom at maupo sa chair ko.
‘hindi na ako maniniwala na magiging proud pa sa akin sila mommy duhh'
Fie Yan POV
"Dito nako.." Sabi ko habang nakatingin sa loob ng classroom inihatid ako ni Leo.
"Ehh pano ba yan, mukhang hindi kita masasamahang mag lunch mamaya?" Ngumiti ako ng bahagya at tumingin sa kaniya.
"Ok lang..." Sabi ko.
Bahagya siyang natawa bago nagsalita "joke lang!! Hahaha" Biro niya saka tumawa, bahagya lang din akong ngumiti saka tinapik siya sa balikat.
"Sige na..Salamat sa paghatid" ngiti ko.
"Oum, sige na pumasok kana at sabay tayong mag lunch mamaya"
Tinanguan ko lang siya at naglakad na papasok, pagkaupo ko sa arm chair ay kinawayan ko pa siya.
Hindi nagtagal ay pumasok na si ma'am Cath,medyo nagulat pa nga ako ng malamang siya ang magiging adviser ko. siya rin kasi ang adviser ko nung 2nd year highschool pa ako maybe she got promote.
"Goooood moooorrrniiing ma'am" walang kasing lamya na bati ng mga kaklase ko.
"Hello Class! Good morning, my name is Catherine Sebria and I will be your adviser in this Classroom, also I am your Filipino teacher" panimula ni ma'am Cath habang inililigid ang mata sa amin, nagulat pa ako ng makitang nakatingin siya sa kin.
"Miss Yan?" She asked.
Napaangat ako ng tingin bago tumayo, agad kong inilagay ang isang kamay sa dibdib bago bahagyang yumuko para sa paggalang.
"Good morning ma'am" I greeted.
"I didn't know your still in highschool?" Nakangiti niyang tanong na bahagyang ikinatawa ng mga kaklase ko.
"I-i stop for a year ma'am" nakayuko kong sabi at ramdam kong natigilan si ma'am Cath.
Nagsimula ang clase na puro pakilala, first day palang kasi kaya kailangang magpakilala talaga.
"Christine Mae Syx, 16 years old" pakilala nung isa sa mga classmate ko.
"Joy Harvey, 16 years old" yung katabi niya tumayo naman ako dahil ako na ang sunod.
"G-good morning ma'am, classmates, my name is Fie Yan, 18 years old" pakilala ko at umupo.
Matapos ang buong morning class at lunch time na, inililigpit ko na ang gamit ko ng bigla ay may lumapit sa aking babae.
"Hi I'm Sabrina" pakilala niya, I partial smile and look at her.
"Fie, please to meet you Sabrina" I said and extend my hand for a shakehand.
"You know what, I'm really curious about your name, like..Fie Yan? akala ko second name mo yung Yan but it's your surname pala haha!" Palihim akong natawa sa kaniya.
"Well...some people think that it was really my second name kaya nagugulat nalang sila after knowing na yung Yan pala ay surname ko" natatawa kong kwento at tinapos ang pagliligpit bago humarap sa kaniya.
‘nakakalokang apilyedong yan!'
"Hahaha I see..would you mind if I join you in lunch?" Tanong niya ngumiti naman ako ng bahagya.
"Sure"
Maglalakad na sana kami palabas ng bigla akong tawagin ni ma'am Cath.
"Miss Yan? May I borrow a second?" Ma'am Cath said kaya pinauna ko na sa labas si Sabrina.
"I'm sorry don kanina mukhang napahiya yata kita" panimula ni ma'am at nginitian ko naman siya.
"Don't mind it ma'am, it's okay.." i said.
"Pasensiya kana hija" she once said at ngumiti naman ako yung kita dimple bago magpaalam, pagtalikod ko ay saka nawala ang ngiti ko at malalim na napabuntong hininga.
‘buti nalang di siya nagtanong kung bakit'
Lumabas na ako sa classroom at sumalubong naman sa akin si Sabrina eksaktong dumating din si leo kasama si Ash.
"How's the morning class?" Bungad ni leo at tiningnan ko naman siya.
"As Usual pakilala" tipid kong sagot at tumingin naman kay Sabrina na nakatingin din sa amin "by the way this is Sabrina, Sabrina si leo and Ashley they're my bestfriends" pakilala ko, ngumiti naman si Sabrina at nakipagshakehands sa dalawa.
Sabay sabay kaming naglakad papuntang canteen nang magpaalam saglit si leo.
"Ahh girls Mauna na kayo cr muna ako" paalam niya ng mapadaan kami sa restroom.
"Sige sige" si Ash.
"By the way...magkapatid kayo?" Biglang tanong ni Sabrina habang naglalakad kami. Nagkatinginan naman kami ni Ash bago matawa ng bahagya.
"No" I answer.
"Huh?! Hala! Seryoso? Medyo hawig kasi kayo haha" tawa niya.
"Magkamukha kami kasi palagi kaming magkasama haha! Pero Hindi kami magkapatid kasi Yan siya at Getes naman ako" paliwanag ni Ash bago natawa "wierd ng pangalan niya no? Parang magkadugtong lang dapat kasi apilyedo nalang ni---" agad ko siyang kinurot sa tagiliran dahil baka kung ano ang masabi niya.
"Ni Tita! Ano ba haha!!dapat apilyedo ni ‘tita' ang gamit mo" patuloy niya kaya bahagya ko siyang hinampas sa braso.
"Oo nga no? Parang magkadugtong yung pangalan sa apilyedo niya nakakaloka, siya nga pala may lahi ka?" Tanong niya.
Ngumiwi ako "ahh yeah, my mother is Filipino while my Father is Half Spanish but half Chinese naman.si lolo ang Chinese kaya Yan ang dala ni daddy na d-dala ko din" paliwanag ko tumango tango naman si Sabrina.
Papaliko na kami sa kabilang hallway papunta sa cafeteria ng bigla ay may makasalubong kaming babae at natapon sa akin ang isang basong mainit na kape na hawak niya! Napasigaw ako sa gulat at sakit!
"Wo!wo!wo!
"Fie!" Rinig kong sigaw nila Sabrina at Ash.
"Ohh mhyy ghodd!! You biatch!! Look at me now! Mhyy ghod my precious shoes!!" Sigaw din nung nakabungguan ko. Siya yung nag iisang babae kanina sa kabilang table sa cafeteria if I'm not mistaken her name is Rhea!.
"Look m-miss I'm sorry" pag sosorry ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Hala! Fie it's not your fault, you don't have to say sorry" si Ash pero di ko siya pinansin sa halip ay tumingin din ako kay Rhea.
"Huh?! It's not her fault?! Well...‘its her fault!' Dinumihan niya ang mamahalin kong sapatos!!" Sigaw nung Rhea kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Look! Miss I'm already say sorry" mahinahong sabi ko pero mas lalong sumama ang tingin niya! Pinagtitinginan na din kami ng ibang students dahil sa eksena.
‘ayaw ko pa naman ang eksena...baka kung anong masabi ni papa!'
"Well then! I don't want to accept your ‘sorry' ang dapat sa mga tangang katulad mo ay tinuturuan ng leksiyon!!" Halos mapaos siya kasisigaw. Nagulat ako ng bigla ay itinaas niya kamay at sinampal ako ng malakas!
"Fie!!" Sigaw nila Ash.
I can't move!nanatiling nasa kanan mukha ko!
"H-how dar--" makikipagtalo na sana si Sab ng pigilan ko siya. Unti unti akong lumapit kay Rhea at walang pag aalinlangang sinampal din siya! Pero mukhang napalakas ata kaya napadapa siya sa sahig!
‘now! I don't care if makagawa ako ng eksena ginagalit niya ako!'
"I-i already say sorry...b-but ‘you' don't want to accept it? nangingilid ang luhang tanong ko. "Why?! Are you a saint? Ako yung mas malalang natapunan pero ikaw tong kung umasta parang buhay ang nawala sayo!" Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Don't be unfair miss..matuto ka sanang tumingin muna sa iba at ilugar yang kaartehan mo! dahil sinasabi ko sayo, yang halaga ng sapatos mo?! ‘pinamimigay ko lang' so PLEASE... don't blame me as if tinapunan kita ng sadya, ikaw may hawak ng kape diba?! Kaya wag mokong sisihin because what happen is all an accident!" pagtatapos ko at agad na tumalikod pero bago pa man ako makalakad palayo ay nahagip ng mata ko si Ethan yung boyfriend niya at papalapit sa amin, Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang palayo, sumunod naman sa akin sila Sabrina.
"Bitch!! Bumalik ka dito! We're not done!!" Dinig ko pang sigaw ni Rhea pero diko na siya pinansin.
‘how come a man like Ethan can love that kind of attitude? The life is really unfair!'
Inis kong pinahid ang namumuo kong luha ng makalayo ako sa kanila, nakakainis! kunting galaw ko ay naiiyak ako! Para bang naipon lahat sa puso ko ang hinanakit ko sa buhay kaya hindi ko mapigilang maiyak kapag napapasabak ako sa away!
‘i-im not totally like this before but after what happened to me this past year n-naging ganito na ako!'
"Fie!" Ayon na ang tinig ni Sabrina. Nilingon ko silang dalawa at bahagyang napangiti.
‘im very thankful that I have this kinds of friends'
"Are you okay?" Tanong ni Ash ng makalapit sila. Tumango ako.
"P-pwede niyo ba akong Samahan magbihis?" Tanong ko at sumang ayon naman sila.
Nang matapos akong magbihis ay agad kaming dumerecho sa cafeteria para mag lunch, buti nalang talaga at first day pa ngayon pwede pang hindi mag uniform.
"Ohh..naunhan ko pa kayo!" Bungad sa amin ni leo na naka order na.
"Ahh may dinaanan lang" palusot ko at senenyasan ko naman ang dalawa na wag maingay.
"Oum, I see.." ngumiti siya kaya nagsimula na kaming kumain. Inihatid ulit ako ni leo pagkatapos ng lunch.
"Thankyou" Sabi ko nang maihatid niya kami ni Sabrina sa room.
"Always.."
"Yieee may something kayo nooo?"
Sabay kaming napalingon ni leo Kay Sabrina ng itanong niya yun ng may panunukso. Natawa ako ng bahagya.
"Wala no...Ano kaba!"
"Yieeee meron yan! Haha" panunukso niya pa bago tuluyang pumasok. Bumaling naman ako kay leo.
"Thankyou" Sabi ko pa at sumunod na kay Sabrina.
Nang matapos ang klase namin sa hapon ay sabay ulit kaming lumabas ni Sabrina. Nag text naman sila leo at Ash na hindi makakasabay dahil late na talaga sila makakauwi at senior high na.
Nang marating namin ang parking lot ay nagpaalam na agad si Sab.
"Bukas ulit ah! Hehe nice meeting you again Fie" si Sab nginitian at tinanguan ko naman siya bago makipag beso.
"Ingat"
"Ingat rin"
Pagkaalis ni Sab ay tumalikod na ako at pupunta na sana sa bike ko ng biglang umulan ng malakas. Patalikod akong umatras dahil tumatalsik sa sapatos ko ang tubig.
‘ang buhay nga naman, kapag pinanganak kang malas!'
Bumuntong hininga ako bago pilit na sumiksik sa gilid ng kotseng naroon dahil lumalakas ang hangin at nababasa na ako, medyo may kaliitan pa kasi ang parking lot na kasalukuyang ni rerepair. Patagilid akong umatras ng umihip muli ang hangin, pero laking gulat ko ng tumunog ang sasakyan, bahagya akong napatalon sa gulat pero mas nanlaki ang mata ko ng makita si Ethan na binuksan ang front seat.
"Get in, I'll take you home" kalmadong sabi niya habang nakatingin sa akin.
*****
#Eight
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top