thirteen
8 years later....
Ash POV
"Well done!" Rinig kong sigaw ni Director Cha kaya napalingon ako sa kaniya at ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin.
"To the beautiful you...tadah.." lahad niya nung bouquet of lilies sa harap ko.
"Yun oh!
"Woo!"
"May boypren to eh di lang umaamin!"
"Boyfriend reveal!"
Sigawan ng mga ka group ko kaya natawa ako.
"Galing parin ba din ba to sa dati?" I whisper to director Cha.
"Oo teh! At mukhang patay na Patay sayu hahaha tibay niyan ha akalain mong di nauubusan ng pera kakapadala ng bulaklak sayo? Hahaha" biro niya saka tumawa.
Bakla si Director Cha at siya ang director namin sa theater. theater performer kasi ako at kakatapos lang namin mag perform sa theater ngayon 'frozen' ang last performance namin at ako ang gumanap na Ana.
Lumayo ako saglit sa kanila at tiningnan ang nakasulat sa kard.
To the beautiful you...
Congratulations to your performance, like before I'm sending you my overwhelming support. Good luck miss beautiful I'm looking forward to more performances
From your number one fan.
Napangiti ako sa laman ng kard at ititiklop na sana ng biglang...
"Ano yan?"
Sininok ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko!
"Ano ba!" Inis kong layo kay josh na nakikisilip na naman sa binabasa ko.
For the past 8 years ay ngayon ko nalang ulit siya nakasama sa performance dahil nag focus siya sa pag aaral. Hindi katulad ko na pinagsabay haha.
"Nakangiti ka habang binabasa yan..magtatampo na talaga ako"nakalabing sabi niya.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hoy! Tigilan moko ha! Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa ng kaibigan mo sa bespren ko!" Sabi ko at napakunot naman ang kilay niya.
"Ano naman kinalaman nila satin?"
"Isipin mo!"
Tumalikod ako at iniwan na siya pero bigla siyang humabol.
"Sandali! Ito naman nagbibiro lang, yung bulaklak mo" bigay niya sakin nung lorkspur na dala niya.
"Para San to?"
"Congrats?"
"Okay"
"Hoy! Sandali!"
Hindi ko na siya pinansin at nagmadaling umalis!
Sa totoo lang ay naiinis ako sa kaniya! I don't know but I can feel his presence everywhere and I hate it!
Bumalik ako sa dressing room at nagpalit ng damit bago lumabas.
"Ashleyyyy!!"
Napalingon ako sa gilid ng exit ng marinig ko ang panagalan ko pero agad ding nagulat ng makita ko si Sabrina.
"Sabrina!!!" Tili ko at napatili din siya, agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya.
"I miss you!!!"
"Ako rin!!"
Nang matapos ang yakapan ay niyaya niya akong mag mall, agad akong sumama dahil matagal ko rin siyang hindi nakita.
nang umalis si Fie para makipag divorce ay sandali siyang bumalik dito sa pilipinas pero ilang araw lang ang nakalipas ay nabalitaan kong bigla siyang nawala at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasan siya. May contact parin naman kami at nagkakausap minsan pero wala siyang binabanggit kung asan siya. ang huling balita ko sa kaniya ay nag Audition siya bilang prima ballerina Gisele at pinalad na mapili.
"How are you?" Nakangiting tanong ni Sab habang nakaupo kami sa Isang coffee shop dito sa mall.
After pinakilala ni Fie si Sabrina sa akin ay naging malapit din siya sa amin ni Leo though mas bata siya ng Isang taon.
"I'm good as always haha" tawa ko at uminom ng kape.
"How about yo-- ah, excuse me" naputol ang dapat na sasabihin ko ng biglang tumunog yung phone ko, tumayo ako at sinagot ang tawag.
"Hello?"
[Where are you? Ikaw nalang ang wala dito! Daig mo pang multo ha bigla biglang nawawala]bulaslas ni director Cha kaya medyo nailayo ko ang phone sa tenga ko.
"I'm not joining okay?"
[At bakit? Ikaw ang princessa!]
"Dumating ang kaibigan ko! Sa susunod nalang ako sasali sa Inyo"
[Ang Daya! Mo!"]
Napaikot ang mata ko ng marinig sa kabilang linya si josh. Kaya ayaw kong makisali sa kanila ay dahil alam kong nandoon siya at kukulitin lang niya ako tungkol don sa ngpapadala sakin ng bulaklak.
[Ah Basta ha! Itatakwil ka ng sambayanan kapag di ka sumali sa susunod!] Banta ni director Cha kaya natawa ako.
"Oo na mahal na prinsipe!"biro ko saka tumawa.
[Letse ka!]
Nang matapos ang tawag ay umupo na ulit ako sa harap ni Sab.
"So.. yun na nga, how are you?" Ngiti ko.
"I'm very fine haha"
"Oh bakit? Parang inspired ka ah"
"Inspired naman ako palagi"
"Awiiee iba to ehh"
"Bakit? Hahaha"
"Hoy ano may boyfriend ka no?"
"Wala ah!!!"
"Maka tanggi naman to! Pilit na pilit? Haha"
"Hahahaha!"
"By the way nag kita nga pala kami" bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa pagtawa.
"Ni Leo? kailan?" Tanong ko.
"Hindi!"
"E nino ba?"
"ni Fie"
Napatigil ako at napatingin kay Sab ng sabihin niya yun. Almost eight years ko na hindi nakikita si Fie kaya naman naantig talaga yung interes ko.
"Saan?" Tanong ko.
"Sa Canada last year"napangiti ako.
"Balita ko...nag audition siya as Gisele?" Tanong ko.
"Oum.."natahimik kami saglit at maya maya pa ay nagsalita siya.
"By the way, nagkita na kayo ni Leo?" Tanong niya, ngumiti naman ako.
"Hindi pa, baka next week pa"
Napatango tango ako at niyaya na siyang mamasyal. Habang naglalakad kami ay may nakabangga kaming babae.
"What the hell?!!!!" Sumigaw siya ng pagkalakas lakas kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"Makasigaw naman to? Pasensiya na ha" pagsosorry ko at aalis na sana kami ng bigla niya akong hawakan sa siko.
"Hey!! Are you blind?!" Asik niya at pinanlakihan ako ng mata. Natawa ako matapos ko siyang makilala.
"Hey! Are you whore?!" Tanong ko rin at nagulat naman siya!
"You--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil binirahan na namin ng alis.
"Impaktang yun di na nagbago hahaha" tawa ni Sab at natawa rin ako.
"Buti nga sa Ethan na yun pinaglaruan siya nung Rhea betchesa na yun kinarma siya sa ginawa niya sa ka---" huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy "kaibigan natin"
Nang makagraduate ng highschool si Ethan 8 years ago ay tuwang tuwa si Rhea sa sobrang tuwa niya aba'y si Migo na kaibigan ni Ethan ang hinalikan! Haha tuloy sikat na sikat siya bilang dakilang malandi!
"San na tayo ngayon?"
"Tara sa boutique" at sabay kaming naglakad.
Ethan's POV
"Good afternoon Derek, Derek ito na po yung final list ng mga magiging dancers" I raised my head and look at Aron, my secretary. she's handing me the papers I ask for.
"Thankyou" I smiled. Aktong aalis na siya ng pigilan ko.
"Wait, tipunin mo lahat ng dancers may gusto akong e announced"I said.
"Okay Derek" then she went out.
After a few moments of checking ay tumayo na ako at pumunta sa studio na nandito lang din sa company kung saan ako nakipag Collab ngayon.
As I enter the studio everybody is sitting on the floor, I clap my hand for three times to grab their attention.
"Attention everyone!" I started and cross my hands in front of them.
"Everyone is aware that I'm highest paid director in times of club, no one can be my dancer without auditioning first. So I decided that starting tomorrow, I will declare a fair audition for everyone" I said at marami sa kanila ang umalma.
"Yes?" I asked after one dancer raise her hand.
"Derek, what exactly the purpose of audition? We applied for this club because we were skilled enough to participate" alma nung isa kaya medyo lumapit ako sa kaniya.
"It's because I want to see if your qualified to be part of this club besides dito sa audition nato natin pipiliin ang magiging leading dancer kapag naman hindi ka qualified sa pagiging lead dancer then you can be a corpse that support the lead dancer at kung pangit talaga sa paningin ko ang sayaw mo then your out!" Simpleng sagot ko at saka ngumiti.
"Any questions?" Pahabol ko at nung walang magsalita ay nagpaalam na ako at naunang lumabas.
"Anak ng! Hoy! Anong audition?! alam mo ba kung gaano kagagaling yung mga yun ha? Mga professional sila! Yet gusto mo silang mag audition?" Sigaw ni Aron habang sabay kaming naglalakad sa hallway.
"Look! Wala akong pakialam kung lahat sila professional, I'm also a pro and as a pro hindi ako tumatanggap ng dancers na hindi dumadaan sa audition!" Walang pakialam kong sabi saka binuksan ang pinto ng cafeteria.
"Hi Derek!"
"Hi!"
"Andiyan si Derek!!!"
"Waaa he's so handsome!"
Kumaway ako sa mga bumabati Bago pumunta sa counter at nag order.
"Teka, teka sandali, alam ba to ng president?"
Nilingon ko si Aron at binigyan ng walang kwentang tingin.
"Of course he can't do anything, he pay me so I will take care of this, no one can say no" Sabi ko at kinuha ang order at umupo sa isang table.sumunod naman siya.
"July 8 na ngayon, may 2 months na lang bago ang celebration ng 40th anniversary ng company, isipin mong inaabangan to ng lahat, yet gusto mo pang mag audition sila?" Seryoso niyang sabi. Tiningnan ko siya sa mata.
"Yes!" Sagot ko saka ngumisi.tinapos ko ang kinakain bgo tumayo at aalis na sana ng naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.
President calling....
"Yes?" Sagot ko sa tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod naman sa akin si Aron.
[Audition? What kind of audition you want to do? Director tan 2 months before the show yet you still want an auditi--]
Napatigil sa pagsasalita ang president nang magkasalubong kami sa hallway papuntang office.
"Let's talk in the office" Sabi niya at naunang maglakad. Nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa bulsa at sumunod din sa president kasabay si Aron.
Nang makapasok kami sa office ay agad niya akong hinarap.
"Look, 2 months nalang ay mag pe- perform na sila and then may balak ka pa talaga na pag auditionin sila? The choreographer called me and said that some of the dancers are going to back out?! How will you take responsibility? Wala ka bang tiwala sa mga dancers na ipinasok ko?" Mahabang litanya niya.
"Look, kayo ang kumuha sa akin dito" I started and face him. "First I am the director. It's my job to see how the dancers move on stage, kailangan kong malaman kung karapat dapat ba silang maging part ng club na to o hindi. Second ako ang mag dedecide kung sino ang maging lead dancer at kung sino ang magiging corpse, now if your not agree with my decisions you can freely choose another director" napahilamos sa mukha ang president na ikinangisi ko. Sandali siyang natigilan at nag lakad papunta sa swivel chair na nakatalikod sa amin.
Pero hindi pa man nakakalapit and president ay umikot ang swivel chair.
"Surprise!!" Sigaw ng Isang pamilyar na babae habang nakaupo sa swivel chair. Unti unting nawala ang simple kong ngiti.
I can't remember when is the last time I see her, I can't even recognize her. All I can say is that, she change a lot.
Hindi niya pa ako nakikita dahil nakaharang ang making book shelf sa akin pero kitang kita ko kung gaano siya kasaya kumpara sa kung gaano katipid ang ngiti niya noon.
"Hon!!" Gulat na sigaw ng president na hindi ko rin inaasahan. He hug her and kiss in the cheeks.
"Kailan ka lang dumating?" Nakangiti ang president ng itanong yun habang nakayakap parin sila.
"Ngayon lang..I miss you hon" sagot niya at itinuro ang maleta na nasa tabi ng swivel chair.
"Let's eat hon, I'm hungry"
"Okay sure, San mo gusto kumain?"
"Ah, hon tapos naba yung kausap mo? I can hear your talking to someone?"
"Ahh yeah, it's already finish. Let's eat lunch I'll treat you"
"Okay!"
Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko, kinakabahan ako ng walang dahilan at napaatras pa ako ng nakatapat ko silang pareho.
"Hon, by the way.. this is Ethan, the director"
Nagulat ako ng ngumiti siya sa akin. She extend her hand for shake hands.
"Elysa" pakilala niya. Para akong binatukan ng marinig ang pangalan niya.
‘kinabahan ako dun ahh...'
Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands. Matapos ang pagpapakilala ay nauna na silang lumakad. Napailing naman ako at nakahinga ng maluwag ng masiguro kong magkamukha lang sila.
Sasabay na sana ako sa kanila palabas ng marinig ko ang hindi ko inaasahang marinig.
"I really miss you Fie honey..."
Napatigil ako at napatingin sa kanila habang nakatalikod sila sa akin. kitang kita ko sa mga ni Fie kung gaano kalaki ang pinagbago niya ang saya na ipinagkait ko sa kaniya nung mga panahon na nakatali pa kami sa isa't isa...
~~I've been letting you down, down
Girl I know I've been such a fool
Giving in to temptation
When I should've played it cool
The situation got out of hand
I hope you understand
It can happen to
Anyone of us, anyone you think of
Anyone can fall
Anyone can hurt someone they love
Hearts will break
'Cause I made a stupid mistake
It can happen to
Anyone of us,
say you will forgive me
Anyone can fail
Say you will believe me
I can't take my heart will break
'Cause I made a stupid mistake
A stupid mistake~~
*****
#Eight
Featured song
Anyone of us (stupid mistake) by: Gareth Gates
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!UU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top