ten
A/N: POR PAVOR MAG VOTE AND COMMENT po kayo hehe sabi nila ay IMPORTANTE daw yun at NATUTUWA din kasi akong magbasa ng COMMENT kaya COMMENT po kayoo salamat ng marami!!! WAG KALIMUTAN mag VOTE!! Hehe
Leo POV
Nung nag text sa akin si Ash na hinimatay daw si Fie at dinala niya daw sa condo niya ay agad akong pumunta. Nag aalala ako kay fie dahil lately ay parang may kakaiba sa kaniya. I don't know but I can feel that something is going on.
Pagdating ko sa building ni Ash ay nagtaka pa ako nung makita ko ang Isang pamilyar na lalaki na naglalakad papalapit sa elevator.
‘wha't is that guy doing here?'
Nakita ko ang boyfriend ni Rhea. Leader si Rhea ng cheering squad habang representative naman ako sa mga swimming competition madalas kaming magkasama dahil nag checheer sila.
'ano naman kayang ginagawa niya dito?di naman dito nakatira ang shota niya'
Hindi ko na siya pinansin dahil nakita kong bumukas na ang elevator, agad akong napayakap kay fie ng makita ko siya, may hawak siyang damit.
Sandali kaming nagkausap at kinamusta ko siya pero kahit Hindi ako nakatingin napansin kong nakatingin samin o mas tamang sabihin na kay fie yung boyfriend ni Rhea na kung hindi ako nagkakamali ay Ethan ang pangalan.
"Hoy!" Nagulat ako ng may biglang pumitik sa harap ko pagtingin ko...
"Ash.."
"Daig mo pa si Fie sa kalutangan"
"What?"
Nag iwas siya ng tingin saka tumayo at naglakad palabas, tiningnan ko naman ang paligid at namalayan kong lunch break na pala.
‘mukhang nag da-daydream ako ah hahaha!'
"Hoy! Ano pa bang iniuupo mo diyan?"sigaw ni Ash kaya agad akong tumayo at inunahan siya sa paglalakad.
"Sunduin mo si Fie mauuna nako sa cafeteria baka maraming tao eh mahihirapan tayong mag order"
Tumango lang ako saka pumunta sa junior building.
Malayo palang ako ay nakita ko ng pababa na si Fie, kumaway ako sa kaniya at kumaway din siya sakin pero agad siyang napatingin sa phone niya. Aktong lalapitan ko na siya ng bigla siyang maglakad ng mabilis palayo.
"Fie!" Tawag ko pero mukhang di niya ako narinig.
Sinabukan kong tawagan siya pero di niya sinasagot!
'anyari na naman ba sa kaniya?'
Tumakbo ako papuntang cafeteria saka naupo sa harap ni Ash na mukhang hinihintay kami, may foods na rin kasi.
"Oh! Sinabi kong sunduin mo Fie bat kaw lang mag isa?"takang tanong niya.
"Wala eh"
"Anong wala?!"
"Wag ka ngang sumigaw!" Sita ko dahil napalakas ang boses niya at pinagtitinginan kami ng mga students.
"Kumaway siya sakin tapos tumakbo ewan ko san na napunta! Hindi rin sinasagot yung tawag ko"Sabi ko.
"H-ha?!"
nagtaka ako sa reaction ni Ash naging balisa kasi siya at panay ang pindot sa phone niya.
"Hi guys!"
Napatingin ako sa likod ko at nkita ko yung classmate ni Fie na si Sabrina papalapit siya samin at may dala siyang foods.
"Would you mind if I join you guys? Wala akong kasabay ehh, umalis si Fie" Sabi niya at umupo sa tabi ko.
"What? Nagkausap kayo ni Fie? Saan siya?!" Sunod sunod na tanong ko at halatang nagulat pa siya.
"Easy!" Sita niya saka humarap sakin.
"Nakasalubong ko siya sa hallway malapit sa parking lot, Hindi kasi ako pumasok kaninang umaga dahil masakit ang ulo ko"Sabi niya Bago sumubo.
‘ano naman kayang ginagawa nun don?'
"A-ahh excuse me..." Biglang sabi ni Ash saka nagmadaling tumayo at umalis. Aktong tatayo narin sana ako para sundan si Ash ng biglang tumayo rin si Sab.
"What?!" Tanong ko.
"What? What? What?" Gaya niya saka naglakad paalis, naglakad na rin ako at sinundan si Ash ng mapansi kong parang sinusundan din ni Sab si Ash.
"What are you doing?" Tanong ko sa kaniya. Nakatago kami sa Isang part dito sa parking at kitang kita namin si Ash na may kausap sa phone.
"Basta! Tumahimik ka nalang ok?" Sita niya.
Hindi ko siya pinansin at tahimik na pinakinggan si Ash.
"What?! So pano na yan? Puspusang pagkukunwari na naman ang magaganap Sayo?! Kunwari masaya ganon??!"
'pagkukunwari? What does she mean?'
"Hay naku! Kung ako sayu isumbong mo at ng matapos--hello! Hello!!! hello!! Hoy!" Sigaw niya dahil mukhang binabaan siya ng kausap. Nainis siyang tumalikod at naglakad palayo.
"Sino kaya yun?" Rinig kong bulong ni Sab.
"Tss! Chismosa"
"What--" napatigil siya sa pag angil ng pagharap niya ay magkatapat na ang ilong namin! Nagulat din ako kaya agad akong napalayo!
‘muntik na yun ah!'
"H-hiyang hiya naman ako sa paging chismoso mo!" Sigaw niya saka mabilis na naglakad paalis!
‘sino kaya yung kausap ni Ash?'
Fie POV
Habang nasa byahe ay tumawag si Ash, sinabi ko sa kaniya ang totoong nangyari dahil alam niya naman ang sitwasiyon ko, tiningnan ko rin ang phone ko at may ilang tawag akong hindi nasagot mula Kay Leo
‘nakakainis naman!'
Mabilis kaming nakarating sa bahay at pareho pa kaming halos madapa sa pag baba.
’putcha! Masakit pa naman ang daliri ko!'
"Saan na daw sila?" Aligagang tanong ko habang dahan dahang hinubad ang medyas ko na dumikit sa sugatan kong daliri sa paa.
"Shooo..."angil ko pa dahil mahapdi.
"Nasa airport na! 2hours nalang darating na ang mga yun---Asan na ba yun!"
"Anu bang hinahanap mo?!"
"Ang susi!"
"Ano?!"
"Ang susi nawawala!"
"Hindi mo ba naiwan sa loob?"
"Mukhang naiwan ko nga!"
Tumayo ako at tinulungan siyang nahapin ang susi pero wala talaga!
"Dumaan ka sa terrace kaya mo?"tanong niya at napatingin naman ako sa terrace.
‘ayaw ko pang mamatay pero wala akong choice!'
"S-susubukan ko"
Agad akong humawak sa balikat niya habang nakaapak ang isa kong paa sa mga kamay niya!
"S-sandali lang!" Pigil ko ng may maalala!
"Ano ba!"
"Wag kang tingin sa taas ha!" Banta ko dahilan para magulat siya, na gets niya naman ako na dapat lang di siya tumingin sa taas dahil naka saya ako!.
"Okay ready?"
"Ready!"
"One! Two! Three!"
Agad niya kung itinaas pero kamalas malasang na out of balance siya! Buti nalang at agad niya akong nayakap sa bewang bago sabay na natumba!
"Hahahahahaha"
"Hahahahahaha"
Sabay kaming natawa ng bumagsak kami para kasi kaming tanga na mukhang nag aakyat bahay sa sariling bahay!
"Wag kang tumawa! natatawa din ako sayo!haha" sita ko sa kaniya habang nagpapagpag.
"Oo na, isa pa"
Inulit namin ang ginawa at nag success naman, matagumpay akong nakapasok. Buti nalang talaga at Hindi naka lock ang door ng terrace.
Agad akong bumaba at pinagbuksan siya ng main door!
Agad siyang pumasok bitbit ang mga gamit ko at inilapag yun sa mesa, sabay naman kaming umakyat at nagbihis sa kaniya kaniya naming kwarto.
Paglabas ko ay kakalabas lang din niya at may bitbit na Isang basket na labahin!
Sabay kaming bumaba at sinimulan na naming maglinis.
"Oh ito!" Hagis niya sa isang unan na inaalikabok na!
Gumanti rin ako at inihagis ko rin yun sa kaniya pabalik!
"Ahh! Ano ba!" Sigaw ko ng bigla niyang ginalaw galaw yung hagdan na kinapapatungan ko para linisin ang mga alikabok!
"Wala ka pala eh!" Pang iinis niya kaya hinagis ko sa kaniya yung may alikabok ng basahan!
"Ano ba!" Sigaw niya.
"Ano ka rin!" Sigaw ko rin at pinakitaan siya ng middle finger!
"Hoy!" Sita niya kaya tumakbo ako dahil alam kong hahabulin niya ko!
Lumabas ako sa likod ng bahay namin kung nasan ang hose, pinulot ko yun at itinapat sa papalapit ng Ethan!
"Wag kang lalapit!" Banta ko habang natatawa pa dahil salubong na salubong ang kilay niya!
Akto siyang humakbang kaya pinindot ko ang on ng hose dahilan para mabasa siya!haha!
"Hoy ano ba!" Angil niya at kinuha ang isa pang hose at binasa din ako!
"Ahhhh!!!"
"Lagot ka talaga sakin!!" Sigaw niya kaya naman lalo din akong napasigaw habang tumatakbo!
"Hahahahaha"
"Hahahahaha"
~~~di na maalala
Paano nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko
Bawa't araw laging ikaw ang asking nakikita ano ba ang nadarama ko twing ikaw ay Kasama
Ganiyan din ang nadarama ko
sa twing ikay lalapit sa akin
ako'y parang natutulala
di ko malaman ang sasabihin ko
Pag ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
Di na mapigilan pag ibig na ito sana'y di matapos ang
nadramang ito
Pag Ibig nga kaya ito?(pag Ibig na kaya ito?)
Pagka't nararamdaman pag ibig ating natagpuan~~~
Nang matapos kaming mag linis ay naupo ako sa sofa at tiningnan ang buong bahay.
‘malinis na...wala ng alikabok'
Tiningnan ko si Ethan sa labas at nakita kong nagsasampay siya ng mga labahin.
Napatingin na ako sa orasan at may 45 minutes nalang kami.
Nahagip naman ng mata ko ang paa kong namamaga kaya naglakad ako sa kusina para tumingin ng yelo.
Pag bukas ko ng ref...
Nanlaki ang mata ko ng ma realize na
"Walang lulutuin!!!" Sigaw ko at di ko namalayang kakatapos lang din pala ni Ethan magsampay.
"What?!" tanong niya at sinilip din ang laman ng ref!
Wala talagang laman ang ref as in wala parang bagong bili at kakalagay lang sa pwesto.
"Magbihis ka may 30 minutes pa tayo para mamili"Sabi niya kaya agad akong pumanhik sa kwarto at nagbihis.
Ethan's POV
Nabadtrip talaga ako dahil ngayon ko lang nalaman na wala nga palang laman ang ref!
"Haaay! Bat di ko ba naisip agad yun?!"inis na sabi ko saka bumaba na.
Nakita kong naghihintay si Fie sa pinto at may dalang bayong pareho pa kaming nagulat ng makitang pareho kami ng suot skin tone t shirt, black pants at white shoes.
Hindi ko na yun pinansin at niyaya na siyang lumabas.
"Yung susi wag mong kalimutan"
"Ay oo nga pala"
Dumeretso kami sa mall pero bago pa kami makababa ay tumunog na ang phone ko.
*Dad calling*
Ni loud speaker ko muna bago yun sagotin.
"Yes dad? You're here already?" Kinakabahan kong tanong dahil baka dumating na sila at wala kami.
[Ahh..no no not yet, we will arrive late we have something important to do for now maybe around 7 pm]
Nakahinga ako ng maluwag.
‘mukhang may ginagawa talaga silang importante ahh...'
"I see, take care dad see you"
"See you dad!" Habol ni Fie kaya napatingin ako sa kaniya
‘mukhang ang saya niya ahhh'
"Ha ha ha I didn't know you're there too, see you hija see you" Sabi pa ni dad saka ibinaba ang tawag.
Bumaba na kami ni Fie at naglakad papasok sa mall may kalayuan ang mall na pinuntahan namin dahil nababahala akong may makakilala sa amin at ayaw kong makarating kay Rhea ang pinakapangit na Balita.
Pagkapasok ay dumeretso kami ni Fie sa groceries store, ako ang nagtutulak ng cart at hinahayaan ko siyang mamili ng mga gamit.
Habang namimili kami ay may Isang ale na kumausap kay Fie.
"Ang ganda niyo naman tingnan ng asawa mo hija--"
"Hindi po kami mag asawa" nagkatinginan kami ni Fie ng sabay namin yung sabihin halatang nabigla din ang ale dahil napahawak pa siya sa dibdib niya.
"A-ahh e pasensiya na" Sabi nung ale at saka umalis.
"Bat ba ang dami niyan para san ba yan?" Inis na tanong ko dahil ang dami niyang biniling bandage pero hindi niya ako sinagot.
Hindi ko nalang ulit siya pinansin at inagpatuloy na namin ang pamimili at habang nasa pila kami sa counter..
"Tan bro?"
Napalingon ako sa likod ko ng makita si Kiko, one of the my classmate.
‘anak ng--what is he doing here?'
Kinabahan ako at agad kong hinanap si Fie pero wala na siya.
‘nakahinga ako ng maluwag... Ito na nga ba ang sinasabi ko eh kaya ayaw kong kasama ang babaeng yun!'
"Hey! Bro! Are you okay?" Nabalik lang ako sa wisyo ng tinapik ako ni Kiko.
"Ahh yes! W-what are you doing here?" Tanong ko.
"I buy something for my mom, Hindi na kasi available to sa ibang mall dito nalang" Sabi niya at pinakita sakin yung paper bag na dala niya.
"Ang dami naman niyan? And what's this? Are you injured?" Sunod sunod ang tanong niya habang nakatingin sa dose dosenang bandage na nilagay ni Fie.
"No, I just need it" palusot ko naman, sandali pa kaming nag usap bago siya naunang umalis.
Pagkaalis ni Kiko ay agad kong hinanap si Fie at nakita siya sa di kalayuan habang naka upo sa isang bench at hinuhubad ang sapatos niya.
"Let's go" Yaya ko at nanuna ng naglakad pero pinigilan niya ko.
"Wait! Give me that" Sabi niya at kumuha ng bandage sa dala ko.
"I'll wait you in the car, hurry!" Sabi ko at nanuna na.
Pagkasakay ko ay nakikita ko parin siya sa glass wall, nilalagyan niya ng bandage yung paa niya.
‘ano ba kasing katangahang ginagawa niya at nagkakaganiyan ang paa niya!'
May nakita akong nagbebenta ng sleepers na dumaan sa kotse ko Kay naman..
"Psst! Hoy!" Tawag ko don sa lalaki
Bumili ako ng sleepers at binalikan si Fie
"Oh isuot mo" Sabi ko saka kinuha ang sapatos niya at nauna ng bumalik sa kotse.
"Salamat" Sabi niya ng makasakay, Hindi ko na siya pinansin at nag drive na papunta sa palengke.
Pagdating sa palengke ay agad kaming namili ng gulay, karne at isda, napatingin pa ako sa relo ko at 4:00 o'clock na pala.
Nakaramdam ako ng gutom!
‘shet! Hindi nga pala kami kumain ng lunch!'
Napatingin ako kay Fie pero nakatingin siya sa mga street foods na nakahelera
"Let's eat" Sabi ko saka naunang kumuha, pero hindi paman kami nakakatagal...
"Oh mhy ghod!!! they're very good together"
"Oumm I'm envious!"
"Ano kayang secret ni ate ganda at napakaganda niya!"
Bulungan ng mga babaeng kumakain din.
‘ang ayaw ko sa lahat ay yung napag kakamalan kaming couple!'
Iniwan ko siya at nauna na akong bumalik sa kotse, nung makabalik din siya ay walang salitaang pinaharurot ko ang sasakyan pauwi!
"Next time ako nalang mag isa ang bibili pag dadating sila!" Reklamo ko at saka padabog na binuksan ang bahay!
"Surprise!!!!" Sabay kaming napa atras ni Fie ng makita ang lahat naming pamilya.
"Papa?!" Sigaw pa ni Fie saka yumakap kay tito Xui na di ko akalaing nandito rin.
Completo ang silang tatlo, si mommy, daddy at Tito.
"How are you son?" Napalingon ako kay mommy na malawak ang pagkakangiti.
"M-mom you here?
"Of course!"
"We miss you son" si daddy.
Niyakap ko sila, kahit ayaw ko ay wala akong magawa!
Alas 7:00 na ng magsimula kaming kumain wala ako sa mood, dahil ang tooo ay galit ako sa kanila! Sa edad ko kasing to ay itinali nila ang leeg ko sa Isang babaeng hindi ko naman mahal!
"How's my Unica hija?" Biglang tanong ni tito Xui habang nakatingin kay Fie.
"I'm good papa actually, we're happy! Nagkakasundo kami parati" nakangiting sabi niya na aakalain mong hindi kami nag away kailanman.
‘mabuti yan, wag mo subukang mag sumbong dahil titirisin talaga kita!'
Hindi ako kumibo at tahimik lang na kumakain ng biglang magsalita si mommy.
"We have a surprise to the both of you..." Nakangiti si mommy ng sabihin niya yun kaya alam kong hindi to maganda!
"What is it tita?" parang excited pang tanong ni Fie.
"You will have you honeymoon in Davao!!!!" Sigaw ni mommy na parang nanalo sa loto at nagtawanan silang lahat.
"And just the two of you--"Hindi na natapos ni mommy ang sasabihin ng sabay kaming sumingit ni Fie!
"What?!"
‘what the hell?!'
TO BE CONTINUED...
*****
#Eight
Featured song
Pagibig na kaya by:
Rachell Ann Go & Christian Bautista
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top