Eleven
A/N: POR PAVOR MAG VOTE AND COMMENT po kayo hehe sabi nila ay IMPORTANTE daw yun at NATUTUWA din kasi akong magbasa ng COMMENT kaya COMMENT po kayoo salamat ng marami!!! WAG KALIMUTAN mag VOTE!! Hehe
Fie POV
'Davao Airport.....'
Nandito kami ngayon sa Davao kung saan mag ho-honeymoon daw kami sabi ni papa!
Pareho lang kaming nakatayo at walang kumikibo.sabado ngayon at may dalawang araw pa kami dito wala kasing klase sa lunes dahil independence day.
Tiningnan ko mula sa gilid ng mata ko si Ethan pero busy siya kakatingin sa cellphone niya. Bumuntong hininga ako saka magsisimula na sanang maglakad ng magsalita siya.
"Hindi kita sasamahan Rhea is on the way here bahala ka na sa buhay mo, basta walang lalabas diyan sa bibig mo maayos ang lahat"derederetso niyang sabi saka mabilis na naglakad palayo.
'what the?'
'nandito si Rhea? Pinapunta niya?'
Aangil na sana ako pero di ko nalang itinuloy, tama siya kung mananahimik nalang ako ay walang makakarating kay papa.
Mayamaya pa...
"Senorita Fie!"
Napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mata ko ng makita si mang Pablo yung caretaker ng hacienda namin.
"M-mang p-pablo" utal utal ko pang sabi dahil sa kaba.
"Senorita dis a na imong bana?nag ingon si sir na mag hanimon daw mo ngari" Sabi pa ni mang Pablo na hinahanap pa si Ethan.
(Translation: señorita where is your husband? Your father told me that your going to have your honeymoon here)
"Ahh..mang Pablo kasi may importante talaga siyang pinuntahan, importante talaga daw yun ehh kaya...ako na muna mag isa ang pumunta please po Mang Pablo wag niyo pong isumbong kay papa ayaw ko pong magalit siya hmm?" Pakiusap ko pa at nagpaawa talaga ako kay mang Pablo.
"Ahh...ehh, mao ba? Oh sige sige ali na sakay na deri" Sabi niya pa niya na ang ibig sabihin ay sumakay na daw ako sa kotse.
Nung makasakay ako ay sinabihan ko si mang Pablo na wag mo na paandarin ang sasakyan at may tatawagan ako.
"Ash!"bati ko ng sagutin ni Ash ang tawag.
"Oh?! Buti naman napatawag ka! Nag aalala ako sayo! Letse ka! Anong balita? Nagpakabayani ka na naman! Ano ha? Kokoronahan na ba kita at lalagyan ng kapa? Ano? Sagot?!"
Natawa ako sa mga sinabi niya, halata kasing nag aalala siya sakin.
"Oo! As usual nagpapakabayani ako, wala naman kasi akong choice no sawa na ako sa away at gulo. Pero Ash mali ka ehh Reyna kasi yung korona at kapa!e Hindi naman ako reyna kaya kapa lang dapat!"
Pareho kaming natahimik at mayamaya pa ay pareho rin kaming natawa!
"Oh ano na nga ba ngayon? Ha?! Bat napatawag ka? Hindi kana ba busy sapag aasikaso sa 'father in law' mo?" Tanong niya.
Sumandal ako sa upuan saka sumagot.
"Hindi na may aasikasuhin pa daw sila eh dumaan lang sa bahay kagabi para ihatid ang nakakakilabot na Balita"
"Oh anong balita ba?"
"Honeymoon"
"Ahh..honey--honeymoon?!!"sigaw niya kaya nilayo ko pa ang phone sa tenga ko.
"Oo! At kailangan kita dito!"sigaw ko rin pablik.
"At bakit ako ang kailangan mo? Nasan na ba ang asawa mong ubod ng sungit porket gwapo?!"
"Ayun nakipag honeymoon din...sa shota niya"
"Taray sa honeymoon ahh! Oh siya! Siya! Nasan kaba ngayon?"
"Davao"
"Davao?! Bat Davao lang?"
"Alangan namang sa hongkong e baka may klase pa tayo sa martes?"
"Ahh! Oh sige lalarga ako diyan, dahil wala naman yung asawa mo tayong dalawa ang mag honeymoon! Hahahaha"
"Hahaha! O Sige! Wag mong sabihin kay Leo ha?!" Paalala ko.
"O Sige Sige akong bahala! Bye!"
"Bye, ipapakuha nga pala kita pagdating mo, wag mo na akong tawagan dahil nasa bukid ang hacienda namin walang signal dun okay? Bye" binaba ko na ang tawag saka inutusan si mang Pablo na paandarin na ang sasakyan.
'hacienda de Yan....'
Pagkabukas ng napakalaking gate ay binuksan ko rin ang bintana ng kotse at kumaway sa mga magsasaka.
"Kamusta po señorita Fie!" Sigaw nung Isang magsasaka kaya kinawayan ko rin siya.
"Gwapa japon mang simon!"sigaw ko rin pabalik at natawa naman si mang simon.
(Translation: still beautiful mang simon)
Nang makarating kami sa mansion ay agad na ibinaba ni mang Pablo ang mga gamit ko.
"Dito niyo nalang po ilagay mang Pablo ako na pong bahala mag akyat" Sabi ko at binuksan ang pinto ng mansion. "Siya nga po pala si micha pinapakain niyo po ba ng tama?" Tukoy ko sa arapaima fish na regalo ni Ethan sa akin nung kasal namin.
"Opo! Inalagaan ko pong mabuti señorita alam ko po kasing mahal na mahal niyo ang mga alaga niyong hayop, ayon po siya"nakangiting sabi ni mang Pablo saka itinuro ang isang napakalaking aquarium sa di kalayuan.
"Inilipat po namin siya dito señorita para makalangoy po siya ng maayos"
Napangiti naman ako habang tinitingnan si micha na lumalangoy.
'napakabilis niyang lumaki'
Nang matapos ang kasal namin noon ay ipinadala ko dito lahat ng regalo nilang hayop para maalagaan ng maayos.
"Yung hornbills po?" Tanong ko.
"Ahh nandon po sila sa kulungan nila sa labas senorita"
Napatango tango naman ako.
"Hala! Si tweet tweet po pala nasan na po siya?!"
"Ang alam ko nandito lang po siya kanina teka lang--"
"Ako nalang po ang tawag sa kaniya bumalik napo kayo sa airport at pakihintay po yung kaibigan ko pinapunta ko po kasi siya"
Tumango naman si mang Pablo at saka siya umalis.
"Tweet tweet?, Tweet tweet" tawag ko don sa alaga kong ahas na regalo ko kay Ethan--na Hindi niya tinanggap.
'teka! Bakit ba ang daming Rosas dito sa sahig! may pa kandila pa sa lamesa mukhang pinaghandaan ni daddy ang lahat ah'
Hindi ko nalang pinansin saka pinagpatuloy ang pag tawag kay tweet tweet.
"Tweet--"
Napangiti ako at napatalon sa tuwa ng lumabas siya galing sa isang kwarto at gumapang papalapit sa akin.
Agad siyang pumulupot sa leeg ko, napansin kong ang bilis niyang lumaki mag iisang taon na rin kasi mula nung ipinadala ko sila dito.
Matapos kong tingnan lahat ng alaga ko at masigurong maayos naman sila ay umakyat na ako sa kwarto para ayusin ang dala kong damit.
"Ano to?" Bulong ko ng makitang pati sa kwarto ay maraming rosas!
Naiinis akong bumaba at lumipat nalang sa ibang kwarto, ayaw kong maglinis! Pagod ako!
Nang matapos akong mag ayos ay naligo muna ako bago natulog at nagpahinga.
Hapon na ng dumating si Ash dito.
"Bukas yan!" Sigaw ko ng may kumatok.
"AY PATING!!" rinig kong sigaw ni Ash kaya agad akong napatingin sa pinto.
'si Tweet tweet! Sinalubong si Ash!'
Agad akong napatakbo sa pinto at binuhat si Tweet tweet pabalik sa kulungan bago tulungan si Ash na tumimbawang sa gulat.
"Naku pasensiya kana hehe makulit lang talaga yun haha" turo ko kay tweet tweet.
"Sinasabi ko na nga ba ehh tear no? kaya naman pala walang asong tumatahol dito may dambuhala ka palang pinapalaki! kaloka! Hahahaha!" Sabi niya habang tumawa kaya natawa din ako.
"Gusto ka raw kasi niyang e welcome hahaha"
"Naku tear ha! kaya pala hindi ma ipinta ang mukha nung asawa mo e pinapalapa mo pala! Haha!" Sabi niya at tumawa tumahimik naman siya agad ng mapansing hindi ako natutuwa sa biro niya.
"Ay taray sa rosas ha? Ano to tear? Flower party? Pag iiba niya sa usapan habang sinisipa ang mga rosas sa sahig.
"Honeymoon daw kasi"
"Naku! Wag kang mag alala tayong dalawa ang mag ho-honeymoon! Hahaha"
Tinulungan ko si Ash na ayusin ang mga gamit niya. nagkasundo rin kami na tabi kaming matutulog.
"Siya nga pala, taray naman yung honeymoon niyo ah, huling huli?"
"Hindi pa daw naman kasi kami magkakilala nung ikinasal kami kaya pinahuli nalang ang honeymoon"
"Pero tibay din ninyo no?malapit na kayong mg celebrate ng 1 year anniversary"
"Hindi mangyayari yun"
"Hala! Bakit?"
"Ewan ko! ramdam ko lang"
Hindi siya sumagot at humilata nalang sa kama.
"Basta Fie kahit na anong mangyari...nandito lang ako"seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"Salamat..."
Kinagabihan ay kumain lang kami at sabay na nagpahinga.
"Pey! Pey!" Napabalikwas ako sa kama ng biglang nagsusumigaw si Ash at pilit kinukuha ang kumot.
"Hoy! Ano ba?!" Inis na sigaw ko saka tiningnan ang kabuuan niya.
Nakasuot siya ng maong pants at brown t shirt may cow boy hat din siya sa ulo.
"Anong ano ba?! Alas otso na kaya bumangon ka na diyan at mamasyal tayo! Simulan na natin ang honeymoon!" Sigaw niya habang nakataas pa ang kamay.
"Hihintayin kita sa labas magmadali ka!" Habol niya bago lumabas ng pinto.
"Oo na!"
Nagmadali akong maligo at mag ayos katulad ni Ash ay nagsoot ako ng maong at t shirt saka kinuha ang cow boy hat ko na paborito kong suotin.
Pagkalabas....
"Hahahaha!"
"HAHAHAHA!"
nagtatawanan sila Ash kasama ang mga magsasaka habang nakasakay pa siya sa kalabaw.
"Oy pey! Umari ka ngari!" Sigaw niya na pinapalapit ako.napangiwi ako.
'kailan pa natutong magbisaya to?'
"Ang saya mo ah? Hahaha" sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
"Oo naman no?! Hahaha halika mag tanim tayo!"sigaw niya at ng umagang yon nakisaya kami kasama ang ibang magsasaka, pinasyal ko rin siya sa buong hacienda at naghanda rin kami ng pagkain para sa mga magsasaka.
"San tayo ngayon?" Tanong niya habang nagbibihis kami.
"Pupunta tayo sa City" masayang sabi ko at saka niyakap ko siya leeg mula sa likod.
"Masaya talaga ako at nakilala kita, kahit papaano hindi ko naiisip na kasal na pala ako" malambing kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa salamin.
"Ano kaba wala yun no!" Sabi niya at tumingin rin sakin mula sa salamin.
"Siya nga pala wala ka bang balak na sabihin to kay Leo?" Tanong niya na ikinatigil ko. nag iwas ako ng tingin saka kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Sa ngayon mas mabuting tayo muna ang nakakaalam, kilala mo naman kasi siya diba? Madali siyang magalit" sagot ko at sinabing hihintayin ko nalang siya sa labas.
"Ang ganda pala dito no?" Sabi ni Ash ng makababa kami sa kotse, nasa city na kami at marami raming tao.
"Mang Pablo wag niyo na po kaming hintayin,sasakay nalang po kami ng trysikel" nakangiti kong paalam kay mang Pablo.
"Tara don tayo" Yaya ko kay Ash at hinila siya papalapit sa mall
Namili kami ng mga pasalubong at namasyal rin, namili rin kami ng groceries para sa mga magsasaka.
Nung hapon na ay niyaya ko siyang mamalengke.
"Meron naman to don sa mall bakit kailangang dito pa tayo sa palengke bumili?" Reklamo ni Ash dahil siguro nabibigatan na siya sa mga dala niyang pinamili namin, ang dami kasi.
"Oo meron don pero kasi ang gusto ko ay yung maamoy ko ng maayos, bago at fresh pa talaga" sagot ko habang namimili ng gulay.
Pagkatapos namin mamili ay nakaramdam kami ng gutom kaya nung mapadaan kami sa rotary na may maraming nakahilira na street foods ay bumaba muna kami at bumili ng isaw,shomai, hotdog at iba pang pagkain.
"Bayad nako kuya"
"Bayad kuya"
Napatingin ako sa gilid ko ng may mag abot din ng bayad, pero nagugulat lang ng makilala ko kung sino yun.
'ang asawa kong hilaw, kasama ang babae niyang kinababaliwan niya'
Nagulat din siyang nakatingin sa akin pero katulad ng lagi kong ginagawa ay umakto akong di ko siya kilala, pero wala yatang makakapigil kay Rhea na gumawa ng eksena.
"Look who's here...oh! That's the bitch who mess up with my shoes love"
Palihim na napataas ang kilay ko.
'maka love naman to! Hiyang hiya naman ako sayo'
Pero katulad ng dati umakto parin akong walang pakialam at hindi siya narinig, hinanap nalang ng mata ko si Ash na nasa di kalayuan at kumakain, di niya pa kami nakikita.
'sawa na akong makipag away at napapagod na rin ang isip ko kakaisip kung paano ko mapapaniwala si papa na maayos kami!'
"Hey! Bitch---"
"Love let's go"
"No love I think this bitch is following us!"
Hindi ko na sila pinansin at tumalikod na ng biglang...
"You!"
Nabitawan ko ang mga dala at naitapon ang ketchup sa sarili ng bigla niya akong sampalin!
Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla! Nagsimula naman ang bulong bulongan ng mga tao sa paligid at dahil nakakaintindi ako ng bisaya ay sobrang nakakahiya para sakin!
"Hala!"
(Naku!)
"Halaka! Naunsa to?
(Anyari?)
"Gilaparo siya ana mads oh!"
(Sinampal siya nun mads oh!)
"Halaka basig kabit na siya!"
(Naku! Baka kabit yan!)
"Gani mads! Dire raba gyud kasagaran ang mga kabit ga laag laag!"
(Oo mads! Dito pa naman kadalasan yung mga kabit gumagala!)
"Hala! ako ato gi sumbag ko na iyang nawng ba aron makamata!"
(Naku! kung ako yun sinuntok ko na sa mukha at nang magising!)
"Ning bayhana ni igat!"
(Tong babaeng to malandi!)
"Ay too ko burikat gyud na"
(Ay naniniwala ako bayaran yan)
"Fie!"ayon na si Ash at nakita na kami.
"Anong nangyari?! Hoy ikaw?!!"rinig kong sigaw ni Ash at biglang sinabunutan si Rhea!
"Ash tama na! Umalis na tayo!" Awat ko pero mukhang hindi yata papaawat si Ash!
"Sino ka para sampalin ang best friend ko ha?!"
"You!bitch--ahh!"
"Tama na Rhea! Ash!--"
Sa kalagitnaan ng awat ko sa kanila ay may malakas na pwersang tumulak sa akin dahilan para matumba ako at sumalapak sa semento! Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko ang tuhod kong pumipitik at sumasakit! Sa sobrang sakit ay di ko na natiis!
Dahan dahan akong naglakad palayo! Ayaw kong may makakita sa akin at makarating sa ballet club ang nangyari sa paa ko!
'hindi ko akalaing ganito kapangit ang iniimagine kong buhay may asawa ko! Ako pa talaga yung napagkamalang kabit!'
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko habang nakahawak sa isa kong tuhod! Pinagtitinginan din ako ng mga tao at sobrang nakakahiya yun!
Ilang saglit pa ay naramdaman kong tumunog ang cellphone ko! Hindi ko tiningnan ang caller at sinagot ang tawag habang nagpipigil ng iyak!
[Hello?!] Sabi nung sa kabilang linya pero di ako sumagot!
'bakit pamilyar sa akin ang boses niya? Bakit parang narinig ko na to dati?'
[Hello?!] Ulit pa nung sa kabilang linya, napaayos ako ng tayo ng maalala ko kung saan ko narinig ang boses na yun...
'Ito yung boses na narinig ko nung mismong oras na naaksidente ako....'
Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Ethan sa di kalayuan habang nakatapat sa tenga ang cellphone niya, ilang sandali pa ay napatingin din siya sa akin.
At that time, my tears slowly drop from my eyes down to my cheeks.
'all this time...you gave me pain that I didn't deserve to...'
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan habang pinapanood ko siyang tumakbo papalapit sakin, at nang makalapit siya ay hindi ko aakaling yayakapin niya ko! sa mga sandaling yun ay tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha ko habang nakayakap din sa kaniya.
'ito na siguro ang pagkakataon...tama na siguro ang paghihirap ko...'
"M-mag divorce n-na tayo..." Naiusal ko bago ako dahan dahang kumalas sa pagkakayakap niya at tuluyang tumalikod at naglakad palayo.
~Hindi ko alam
kung tama ba ito
lilisan ako upang maintindihan ko
ang puwang sa puso't isipan
Kailangang gawin ngunit masasasaktan
Iiwasan kong landas
nating pinag daanan
Pipilitin kong kalimutan ka
Hanggang dito nalang pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan ito'y baliwala sapagka't ako'y iniwan
Hangang dito nalang ikaw itong nagpaalam alam kong hanggang dito nalang~~
TO BE CONTINUED...
*****
#Eight
Featured song
Hanggang dito nalang by: Jaya
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top