Prologue

Inilibot ko ang paningin ko sa sala at tumigil iyon sa masayang mukha ng kapatid ko na kausap si Mama at Papa.

"Are you sure about this?" I asked.

Bumaling sa 'kin ang nakangiting mukha ng kapatid ko. Ilang beses itong tumango at excited na nagtititili.

Well, she's attending a fancy school so, no wonder. Papasok na sa kolehiyo ang kapatid ko, at pag-aaralin siya ni Mama sa isang sikat na school. Sa sobrang mahal ng tuition fee parang matatanggal kaluluwa mo. Pero si Mama, pursigido talagang pag-aralin si Ate doon, kapag ako naman ang nag-kolehiyo ay plano rin nitong pag-aralin ako sa skwelahan na 'yon na pilit kong tinatanggihan, hindi sa ayaw ko pero, magastos. Makakapag-aral naman ako ng mabuti sa public school, ayos na sa 'kin 'yon.

"Ate, kapag may nahanap kang gwapo doon, huwag mong kalimutan na may maganda kang kapatid ha? Lakad mo sa 'kin," sabat ng kapatid ko na nasa second year high school pa lang.

Kahit kailan talaga tsk.

"Bago ka humarot, siguraduhin mo munang mataas grade mo. Ang bata-bata mo pa ang harot mo na, saan ka nagmana?" taas kilay na tanong nito.

"Sa 'yo," sagot ni Yvette.

"Aba't—"

"Mag-aaway pa eh. Mag-aral ka diyan Yvette, ingat ka sa kung saan ka man pupunta, Ate."

Bitbit ang gitara sa likod ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa bakuran, kung saan ako namamalagi kapag gusto kong tumugtog. I started strumming and a minutes later interrupted by a noice.

"Yvonne."

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino 'yon, it's Ate Yelena.

"Hm?" I hummed.

"Galit ka ba?"

"Do I look like one?" I kept strumming.

"Oo. Huwag ka na magalit, uuwi naman ako dito kapag walang klase eh."

"Hindi ako galit."

"Yvonne naman eh!" sigaw nito.

Such a baby, tsk.

Nagmulat ako ng mata at pinalapit siya sa 'kin. Dahan-dahan itong naglakad at umupo sa tabi ko.

"I'm not mad. Just worried. You'll be living alone for a long time," marahang ani ko.

"Magiging ayos lang ako, tsaka ia-update ko naman kayo palagi. Nga pala, huwag mong kalimutang magkwento sa 'kin kapag nakahanap ka na ng chiks ha," ginulo nito ang buhok ko.

"Stop messing with my hair. You know how much I hate typing," bored na ani ko.

Nakakatamad mag-type sa keyboard para lang magbigay ng tsismis.

"Oo nga pala, e 'di sa tawag na lang."

May bumusina sa labas ng bahay, iyon na yata ang sundo niya.

"Sundo mo na 'yon, mag-ingat ka do'n," paalala ko.

Maluha-luhang tumingin ulit ito sa 'kin. Cry baby.

"Bibisitahin mo ba ako do'n?" tanong nito.

"Hindi. Umuwi ka ng kusa."

Napasimangot ito.

"Yvonne!"

"Yelena! Mahuhuli ka na sa eroplano!" sigaw ni Mama.

"Ihatid mo 'ko hanggang airport, Yvo, sige na!" pilit nito.

"Hindi pwede, hindi tayo kasya sa kotse. May gagawin din ako, pupuntahan ko si Kaicy," iling ko.

"Kaicy ka ng Kaicy!" sigaw nito.

"She's just my friend. Sige na, mahuhuli ka pa sa flight mo niyan," ako naman ang gumulo sa buhok nito.

Sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa gate ng bahay. Mas matanda ito sa 'kin ng dalawang taon pero mas matangkad ako sa kaniya, kaya nga minsan ay pinagkakamalan pang ako ang mas matanda.

"Mag-iingat ka doon, Ate Yelena, 'yong bilin ko ha," kumindat pa si Yvette dito.

Hinawakan ko ang ulo nito at pinaharap sa 'kin.

"Isa pang kaharutan, Yvette, kukunin ko lahat ng make up mo," banta ko.

Namutla ito at umiling. Good.

"Ate, kapag umuwi ka bilhan mo 'ko ng anime dolls ah, pandagdag lang sa collection ko!" sigaw ng nag-iisang bunsong lalaki namin na si Isaac, grade six na ito at sobrang hilig talaga sa anime.

"Matagal pa 'yon," sagot ni Ate.

"Atleast uuwi parin 'di ba? Alis na," taboy ko.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" sigaw nito at umiiyak na niyakap kaming tatlo ni Yvette at Isaac.

"We both know how kind I am."

"Oo na, ikaw na mabait," simangot nito.

"Anak, tara na," yaya ni Mama.

Tumango si Ate Yelena, lumingon sa amin bago pumasok ng tuluyan sa kotse. Yvette, Isaac and I waved for the last time as our car go.

"Wala pang limang minuto na wala si Ate Yelena pero miss ko na po 'yong pagbubunganga niya," yumakap si Isaac sa hita ko na ginaya naman ni Yvette saka sila nag-iyakan.

Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at bahagyang natawa. Maski ako ay nakakaramdam din ng lungkot, para bang may kulang na agad sa pagkatao ko. We've been with each other since we were kids, wala ni isa sa 'min ang lumaki sa lola o lolo namin, pero may social media naman para mag-update kaya hindi ako nag-aalala masyado.

"We can call her later, for now, bumalik muna kayo sa paggawa ng mga homeworks niyo," utos ko.

"Okay, po. Sana may dalang ice cream sina Mama pag-uwi," Isaac giggled.

"Sasabihan ko si Mama."

Pumasok ulit ang dalawa sa loob ng bahay, ako naman ay dumiretso sa bakuran at pinagpatuloy ang ginagawa.

Years had passed and I'm about to enter college. At napagdesisyon ni Mama at Papa na pag-aralin ako kung saan nag-aaral si Ate Yelena. Syempre, dahil ayokong malayo kay Kaicy at sa iba ko pang mga kaibigan, I stayed and studied to a private school just near. Ayaw talaga akong pag-aralin sa public school, for me, public school is better. I mean, para sa iba mas better pa rin ang private school, but for me, nasanay na ako sa public kaya I wanted to stick to that.

The first day of school started, everything was fine and it started smoothly. Some of the students were kind to me, some aren't. Hindi talaga mawawala ang isang spoiled brat sa isang private school.

"Uuwi ang Ate niyo ngayong sabado kasama ang mga kaibigan niya, kailangan nating linisin itong bahay, nakakahiya naman sa mga bisita ng Ate Yelena niyo," sabi ni Mama nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"Talaga, Mama?" tanong ni Isaac.

"Oo, kaya ikaw, kunin mo na 'yong mga anime dolls mo na kung saan-saan mo lang nilalagay, pinagawan ka namin ng shelf sa kwarto mo pero kung saan-saan mo parin nilalagay 'yang mga collections mo," sagot ni Mama.

"May lakad ako sa sabado, Ma."

Bumaling si Mama sa 'kin.

"Saan?"

"Live band kasama 'yong barkada ko," sagot ko.

"Saan naman 'yan?" tanong ni Papa.

"Malapit lang, Pa. Lilinisin ko nalang 'yong ibang mga kalat sa kwarto ko, para kapag kulang tayo ng tutulugan ng mga kaibigan ni Ate, ipapagamit ko nalang 'yong kwarto ko. Pwede naman akong matulog sa sala muna," litanya ko.

Napangiti si Mama sa tinuran ko.

"Kahit kailan talaga napakabait mong bata ka, saan ka ba nagmana?" tanong nito.

I chuckled and continued eating.

"Alam mo Ate Yvonne, kung hindi ka lang babae siguro sobrang dami ng magkakagusto sa 'yo," isinatinig ng kapatid kong babae.

"Talaga?" kunyari namamangha kong tanong.

"Oo. Bukod sa ang bait mo, napaka-responsable mo pa. Tapos dagdag points 'yong marunong ka tumugtog. Dagdag na rin pala na matalino ka at malinis. Full package ka na," tango nito.

Napatawa ako sa sinabi nito.

"Ganiyan naman talaga ang ginagawa ng isang malinis na babae, hindi ba?" mapanglarong tanong ko.

"Oo nalang, Ate."

Matapos kumain ay ako na ang nagprisinta para maghugas. Hindi naman pwedeng palagi nalang si Mama, hindi rin pwede si Yvette kasi may assignment 'yon, at mas lalong hindi pwede si Isaac, baka basagin lang no'n lahat ng pinggan.

Dumating ang araw ng sabado, hindi pa nagpapakita si haring araw ay wala na ako sa bahay. Nasa bahay na ako ni Kaicy at nakiki-kape. Ayos lang naman maki-kape dito, parang anak na rin kasi ang turing ni Tita Kaede sa 'kin.

"Pagpasensyahan mo na si Kaicy, Yvo. Pati pwet no'n humihilik," tawa ni Tita.

Yvo ang tawag nito sa 'kin kasi kung kumilos at mag-isip daw ako ay mukha akong lalaki. Sinabi rin nito na i-try ko daw magpagupit ng panglalaki, wala kasi akong nakuha na soft features galing kay Mama kaya kapag nagtatali ako ng buhok ay nagmumuka talaga akong lalaki.

"Ayos lang, Tita, gigisingin ko nalang po."

Tumango lang ito kaya umakyat ako sa taas kung saan ang kwarto ni Kaicy. Sa kwarto nito ay natagpuan ko itong natutulog at humihilik pa nga.

"Kaicy, gising na," yugyog ko.

Hindi man lang ito gumalaw, tulo laway pa.

"Kaicy," nilakasan ko ang pagyugyog.

Napadilat ito at ilang beses na kumurap. Sa pagdilat nito ay sumalubong sa 'kin ang asul na mga mata nito na nakuha nito sa Daddy niya. Sobrang ganda ni Kaicy kaya marami talaga ang nagkakagusto dito, karamihan nga ay nagseselos sa 'kin dahil sa closeness naming dalawa.

"G-good morning. Anong oras na?" wala sa sariling tanong nito.

"Four AM."

"Eh? Ang aga mo naman!" reklamo nito at bumalik sa pagpikit.

"Maghahanda pa tayo doon, ala-sais ng umaga magsisimula 'yong live band, Kaicy."

"Hays! Paki-ready no'ng mga susuotin ko, please," tamad na tumayo ito.

"Hindi mo ako kasambahay," I flatly replied.

"I know, pero gusto ko 'yong mga taste mo eh kaya I'll let you decide. Thanks Yvo!" humalik ito sa pisngi ko at pumasok sa bathroom na konektado sa kwarto nito.

I wiped her kiss from my cheeks. Napailing ako at dahan-dahang binuksan ang walk-in-closet nito. Pumasok ako sa loob at kumuha ng undergarments, skirt at t-shirt nito.

Nilapag ko sa kama nito ang damit at maya-maya pa ay lumabas ito ng bathroom, nakatapis lang ito ng tuwalya at may tuwalya din sa ulo.

"Ang galing mo talaga pumili!" tili nito.

Nagbihis ito sa harap ko mismo at nag-ayos. Hindi naman awkward, I mean, we've been friends for a decade now at nasanay na kami sa ganitong set up.

Kasalukuyan kong minamaneho ang kotse niya at ramdam ko ang mainit na titig ni Kaicy sa 'kin. Lumingon ako sa side mirror para tignan kung may nakasunod ba o wala dahil mag-u-U turn ako.

"Quit staring."

"Can't help it, ang pogi mo sa side na 'yan. Kung hindi ka lang babae, pinatulan na kita," she giggled.

I chuckled. Nakatali ang buhok ko at dahil naka-side view, nagmumukha talaga akong lalaki.

"Should I take it as a compliment?" mapanglarong tanong ko.

"Of course."

Pagka-park ko ng kotse nito sa parking lot ay hindi muna ito lumabas, hinihintay na pagbuksan ko ito. Pagbukas ko ay automatic na lumaki ang ngiti nito.

"Such a gentlewoman," she laughed.

Napailing ako at kinuha ang mga gamit namin sa back seat ng kotse.

Natapos ang buong araw na live namin, hinatid ko si Kaicy sa bahay nila at naglakad pauwi. Pagdating sa gate ng bahay ay may nakaparadang mga kotse na halatang mamahalin. May ilaw din sa loob ng bahay at mukhang may mga tao.

Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Nasa sala si Ate at may mga kausap ito na hindi ko kilala, probably her friends from her school.

"Yvonne! I miss you!" nagtatakbo ito papunta sa 'kin at dinamba ako ng yakap.

Napaatras ako sa pagyakap nito. Buti nalang ay hindi natumba dahil naka-abante agad ang kaliwang paa. Gamit ang isang kamay ay hinaplos ko ang likod nito nang magsimula itong humikbi.

I chuckled softly. "Still a cry baby, I see."

"Bakit ngayon ka lang? Bakit ka ba kasi umalis!?" singhal nito.

"Hinatid ko pa si Kaicy sa bahay nila, may live band kami kanina," sagot ko.

"Nandito ka na pala, Yvonne. Kamusta 'yong live niyo?" tanong ni Mama.

"The best, Ma. Si Papa?" tanong ko.

"Nasa trabaho pa," sagot ni Ate.

Tumango lang ako dahil wala na rin naman na akong masabi.

"Nga pala, mga kaibigan ko. Si Karen, Evelyn at Elliana. Kapatid ko nga pala, 'yong kine-kwento ko sa inyo, si Yvonne."

I simply waved my hand with an unknowing poker face.

"Nice to meet you," boses no'ng Evelyn na tinuro ni Ate Yelena.

Nakatulala lang iyong si Karen at Elliana sa 'kin at mukhang sinusuri ako. Do I look like an alien to them? Hah! Funny. I unconsciously found myself captivated by those tantalizing green orbs.

One, two, three for, five, six, seven, eight... fuck! I'm doomed.

"B-bihis muna ako," paalam ko.

Tumango si Ate at bumalik sa pagkakaupo. Ako naman ay umakyat sa kwarto at nagpalit ng komportableng damit pambahay. Pagbukas ng pintuan ko sa kwarto ay bumungad sa 'kin ang kulay beredeng mga mata at ang magandang mukha ni Elliana.

Green eyes are rare, I must say. Such a beauty.

"B-bakit?" I asked, startled.

"Yvonne, right?" tanong nito sa malambing na boses.

I nodded absentmindedly.

"I'm Elliana."

"I know."

"I like you, be my boyfriend," she grinned.

"You do realize... I'm a girl," as a matter of fact na ani ko. Well, not really, but—

Is she gone crazy? What the heck? My sister does have a crazy friend.

"That, I know. I don't care, I like girls too. Be my boyfriend, Yvonne," she demanded.

"Woah, woah. Take it slowly, ni hindi mo pa nga ako kilala."

"You're a good person."

"What if I'm not? Lasing ka ba? Baka dahil lang 'yan sa pagod, you better sleep, goodnight."

Isasara ko na sana ulit nang agad nitong naharang ang pagsara ng pinto dahilan ng pagkaipit nito. Nagmamadaling kinuha ko ang kamay nito at sinuri.

"Damn it," I hissed.

Hinila ko ito papasok sa kwarto ko at sinara ang pinto. Mahina ang halinghing ng pag-iyak nito at halatang nasasaktan ng sobra.

"I'm sorry, huwag ka na umiyak. Maghahanap ako ng panggamot," hinawakan ko ang mukha nito at pinunasan ang dumadaloy na luha sa pisngi.

"Sorry. You shouldn't have done that."

"Masakit," she cried.

Hinawakan ko ang kamay nito na namumula at dinahan-dahan sa paghahaplos ng towel. Maya-maya pa ay nanahimik na ito, 'yon pala ay nakatitig na sa 'kin.

"Hindi ko alam ang trip mo sa buhay pero sa kung ano mang binabalak mo sa 'kin, huwag mo na ituloy," pakiusap ko.

Ngumuso ito at lumapit sa 'kin.

"I told you, I like you. The moment you entered the house like a freaking cool guy, my heart instantly melted!" she said dreamily.

This girl really is a crazy one.

"I'm not a cool guy, and I'm not trying to be one," iling ko.

"But you're a lesbian, am I right? So, pumapatol ka sa babae. Patulan mo na kasi ako!" she stamps her feet like a kid throwing a tantrums.

"Ayoko. Kaibigan ka ng kapatid ko."

"Then I'll stop being her friend tanggapin mo lang ako."

What the hell?

"Crazy. Mahirap maghanap ng totoong kaibigan ngayon, my sister is one of a kind. I don't do romantic relationships, I'm sorry."

"I don't care, you can have a romantic relationship with me," she smiled.

"Do you even realize you're older than me?"

"I like younger, I like you. I want you, okay?" she pleaded.

"Pagod ka lang, the door's open. Feel free to leave and have a good rest."

Humiga ako sa kama. Inilagay ang isang braso sa mata para hindi masilaw sa ilaw ng kwarto. Maya-maya pa ay ramdam ko na ang pagtayo nito at ang pagsara ng pinto. Napaupo ako at napahinga ng malalim. I brushed my hair with my fingers, I turned off the light and went back to lying on bed. Ang gandang babae.

Tuluyan na sana akong matutulog nang bumukas ulit ang pinto. Napabangon ako at tinignan kung sino ang pumasok.

"What the hell are you doing here?" naguguluhang tanong ko kay Elliana.

May bitbit itong extra na unan at comforter.

"Nagpaalam ako kay Yelena na dito matulog, she agreed and that's why I'm here! Tabi tayo," she giggled and jumped on the bed.

"Fine, fine! Dito ka sa kama, sa lapag ako matutulog."

"Try and I'll shout on top of my lungs," banta nito.

"Are you serious?"

"Try me," she smirked.

"Fine! Doon ka, ako dito."

Masayang umusog ito at humiga sa kama. She tapped the bed space next to her. I rolled my eyes and laid down.

A moment of silence between us encircled. Maya-maya pa ay naglikot ito at parang hindi yata makatuloy. Namamahay yata.

"Stop moving," I hissed.

Nagsimula itong humikbi na ikinabahala ko.

"Anong nangyari?" tanong ko at hinarap ito.

"Masakit," ipinakita nito sa 'kin ang naipit na kamay.

"What do you want me to do then?" tanong ko.

Umusog ito palapit sa 'kin at dumantay. Ang paa nito ay nasa hita ko at ang kamay nito ay nasa bewang ko.

"There. This is better, hindi na sumasakit," she smiled.

"You and your excuses," kunyari ay iritadong ani ko.

Ayaw ko na gusto ko. Physical touch isn't my love language. Noon 'yon, ngayon love language ko na.

"Goodnight, Yvo!"

"Hm, night."

A moment later, her breathing became heavy. Senyales na tulog na ito. I tried moving away but she'll just pull me close. I let it that way and decided to sleep.

Kinabukasan ay nauna akong magising. Naghihilik pa ito sa tabi ko nang magising ako. Her cute snoring kept repeating on my head.

"How was your night?" Ate Yelena asked when she saw me at our backyard, on my guitar and notes again, as usual.

"Fine. Why ask?" tanong ko.

"Nagpaalam si Elliana sa 'kin kagabi na kung pwede sa 'yo siya tatabi."

"And why did you let her? Hindi ako nakatulog ng maayos." What a lie.

She shrugged. "Why wouldn't I?"

I rolled my eyes in annoyance.

"May nagugustuhan ka na ba ngayon, Yvo? Kung wala ir-reto ko na si Elli sa 'yo, napatol naman 'yon sa babae at mukhang gusto ka niya," she grinned.

"Ayoko. Quit bugging me, bumalik ka na nga sa loob. One more thing, hindi dahil sa papatol siya sa babae ay papatulan niya na ako. It doesn't work that way. Puntahan ko lang saglit si Kaicy, nakalimutan ko 'yong notebook ko," paalam ko.

"Who's Kaicy?" Elliana appeared with a straighe face.

Natawa ang kapatid ko at lumapit sa kaibigan.

"Nililigawan niya," inosenteng sagot ng kapatid ko.

Namula ang mukha ni Elliana at nag-martsa paalis.

"You better talk to her," utos ko.

"No, you better," tulak niya.

"Why me? What did I do?"

"Can't you see? She's jealous."

"Jealous of?"

"Manhid mo, halata ngang may crush sa 'yo!" sigaw niya at umalis.

I shrugged and headed to Kaicy's house.

"Mind if I come?" bago makalabas ng gate ay may humawak sa kamay ko.

"Yes, I do mind. Mainit na, mangingitim ka bigla," poker faced, I answered.

"I won't," she insisted.

I heaved a sigh and brought her with me.

"Tita, nasa loob ho ba si Kaicy?" salubong ko kay Tita Kaede na nagdidilig sa labas.

"Ah oo, tulog pa yata 'yon. Sino 'tong magandang kasama mo, Yvo? Ang ganda," pinasadahan nito ng tingin si Elliana.

"Hello po, ako po si Elliana," magiliw na pakilala nito.

"Magandang umaga, Elliana," bati ni Tita.

Nagpaalam ako kay Tita na aakyat langsa kwarto ni Kaicy. Pagbukas ng kwarto ni Kaicy ay as usual, magulo na naman ito at parang na knockout kagabi.

"Kaicy," yugyog ko.

"This is her room? Ang liit naman," Elliana whispered.

"It's still a room after all," ani ko.

Umismid ito at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Y-yvonne? Ang aga mo naman mambulabog!" hikab ni Kaicy at sumandal sa headrest ng kama.

Bumaba ang takip nito na comforter kaya kitang-kita ang suot nitong nighties.

"I'm Elliana," she said.

"Nasa drawer sa loob 'yong notebook mo," umirap si Kaicy at bumaling sa 'kin.

Tumango ako at pumasok saglit sa walk-in-closet nito. Pagbalik ko ay nasa lapag na si Kaicy at namumula ang mukha, si Elliana naman ay mukhang naguguluhan.

"What the fuck happened?" tanong ko at tinulungang tumayo si Kaicy.

"She happened! She pushed me and slap me afterwards, who's this bitch ba?! Kapag nainis ako papatulan ko itong babaeng 'to, Yvo! Tandaan mo, nasa teritoryo kita, I can do whatever I want to do to you," Kaicy said, irritated.

"Liar! You did that to yourself! Sino ka din ba para pag-aksayahan ko ng oras?" asik ni Elliana.

"Tama na 'yan," awat ko. "I'm sorry, Kaicy. Elliana, let's go."

Galit na sumunod sa 'kin si Elliana. Maya-maya pa ay nagsimula na itong suminghot at humikbi.

"I didn't do anything! Why do you have to say sorry for the thing I didn't do?" iyak nito.

Naiiling ba lumapit ako dito at pinatahan ito.

"I know, Kaicy always pull pranks. We've been friends for a decade so, I know her very well. Pagpasensyahan mo na si Kaicy, she's a brat sometimes. Spoiled ng magulang eh, tumahan ka na," litanya ko.

"You're not mad at me?" she asked.

"No, why would I be? Let's go, your stomach is growling," I chuckled.

Tumango-tango ito at sinabayan ako sa paglalakad. Ngayon ay ngingiti-ngiti ito habang naglalakad.

That's more like it, she look more pretty and adorable when she's smiling.

"I like you, Yvonne."

Nilingon ko ito.

"I know it's hard to believe but you did capture my heart. Gusto kita."

Sa ganda mong 'yan, papatol ka lang sa isang tulad ko? Hindi imposible pero alam ko balang araw, lalaki pa rin ang magpapasaya sa 'yo. Lalaki pa rin ang sasalubong sa 'yo sa altar. Sa lalaki ka pa rin ikakasal.

"Naguguluhan ka lang, Elliana. Dapat nga ay Ate ang tawag ko sa 'yo kasi mas matanda ka sa 'kin."

"No! Don't you dare!" banta niya.

"I won't."

"Ah basta! Maniwala ka man o hindi, gusto pa rin kita. Nothing will change! And I'll do anything for you to like me too, hanggang sa mabaliw ka sa 'kin!" she laughed like a witch at naunang maglakad. Wala sa sariling napangiti ako at napailing.

Elliana Ellaine Castley, the adorable green-eyed stubborn lady. Eight seconds... eight seconds for eight letters.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top