Chapter 4
Elliana's Point Of View
"Hindi ka na lumalabas. Ayos ka lang ba?" iyon ang bungad ni Yelena sa 'kin nang maabutan ko ito sa sala.
"A-ayos lang naman. Bakit ka nandito?"
Inaya niya akong umupo. Umupo ako sa tabi niya at sinundan ng tingin ang bawat galaw niya.
"May nangyari ba sa inyo ni Yvonne?" seryosong tanong niya.
"What the hell, Yelena!" gulat na sigaw ko.
"Kumalma ka nga. I mean, may napag-usapan ba kayo or something? Hindi mo raw siya pinapasin. No'ng una gustong-gusto mo magpapansin, tapos ngayon umiiwas ka. Ang gulo ng pagkatao mo, Elli."
After that unexpected confession, I wasn't able to communicate well with Yvonne. Nas-sorpresa pa rin ako at nahihiya. Sobrang casual lang ng pag-amin niya, which is I like. Ayoko ng bonggang confession, kasal na lang ang bongga.
"Wala naman. I was just busy these past few days, hindi nga ako nakakasama sa inyo ni Karen at Evelyn, 'di ba?" sagot ko.
"Huwag kang magsinungaling sa 'kin, Elli."
"I'm not lying," diin ko.
Kahit na ang totoo ay nagsisinungaling nga ako. Umiiwas ako kay Yvonne kasi nahihiya akong harapin siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari, kung ano na ang susunod.
"Sinabi sa 'kin ni Yvonne. Umamin daw siya sa 'yo. Gusto ka niya. Ano bang problema, Elli? Ito na 'yong hinihintay mo."
"Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari."
"Simpleng bagay ginagawa mong complicated."
I clearly know that.
"Maawa ka sa kapatid ko, Elli," she pleaded.
Bakit ako maaawa do'n, kaano-ano ko ba 'yon?
"Ayoko," pakipot na ani ko.
"Walang tulog. Ayaw rin kumain kakaisip sa 'yo. Pareho kayong wala na sa tamang katinuan," seryosong sabi nito na ikinagulat ko.
Gano'n kalala? Sira na ba ulo niya?
"Mag-usap nga kayo. Need niyo ng closure kahit hindi naging kayo," naiinis na sabi niya.
I agreed. Inaya ako ni Yelena lumabas para bumili. Kailangan niya na ng maghanda ng maraming tela para sa itatayo niyang business. Hindi na niya kailangan mag-worry about the business permit, para saan pa at naging kaibigan niya ako. Connections will make it a lot easier.
"Ano bang magandang tela—"
"Satin. Magpapa-costumize ako ng dress sa 'yo," I cut her off.
We have this family trusted designer. We don't buy things, we request it, sweetie. Good thing may kaibigan akong designer. She'll make my life easy.
"First costumer, honey," I winked.
Hindi nagtagal ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo mag-isa sa isang cafè. I saw Yelena coming with the receipt in her hand.
"Restroom muna ako. Dadating din 'yong coffee natin mayamaya."
Hindi ako umimik at tumango na lang. I took out my phone and opened the camera. Itinutok ko iyon sa glass wall. I am responsive to what is pleasurable to the senses.
Napatigil ako sa pag-click ng may maglapag ng coffee sa table ko. I smiled and said thank you.
"You're welcome... Elliana."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyon. Standing in front of me as the coolest person I have ever known.
"Dart!" manghang sigaw ko.
"Hi," he smiled a bit.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Vacation. Babalik din ako sa Cali two weeks from now."
Dart was my grade school classmate. Dinala kasi ng mga magulang sa ibang bansa after ng sixth grade graduation namin.
"How's Cali?" I casually asked as he sat next to me.
"Still the same. Who are you with? A date?"
"My friend. She's here," I answered.
Nangunot ang noo ni Yelena nang makitang may kasama ako. Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Issues.
"Dart, this is Yelena. Yel, my colleague, Dart Azriel, or simply Dart."
"Hi. Pleasure to meet you," Yelena greeted.
"Same to you, Milady," Dart flashed a sweet smile.
"Kaano-ano mo 'yan?" bulong ni Yelena sa 'kin.
"A friend."
"Kaibigan? Talaga?" paninigurado niya.
"Yelena, I'm into your sister for Christ's sake," naiinis na sagot ko.
"Oo nga naman."
Walang imik si Yelena habang nag-uusap kami ni Dart. Nakatutok lang ito sa cellphone at dutdot ng dutdot.
"Nandito na si Yvonne," Yelena casually said that almost sent me to heart attack.
She's wearing a black cap, large black tshirt and a gray jogger pants. Nang makalapit ay nagtaas baba ito ng tingin kay Dart na para bang may hinuhusgahan niya ito at may ginawa itong mali.
"Oh, I get it. Happy for you, Elliana," Dart smiled.
"Talk well," Yelena winked.
The both of them left me with Yvonne. I can't even explain what I'm feeling right now. Nahihiya ang buong pagkatao ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi man lang nagbigay ng warning si Yelena, hindi tuloy ako nakapagpaganda. I could've been more pretty.
"Avoiding me, huh?" Yvonne sat in front of me.
"H-hindi. Masama ba maging busy?" kunyari ay naiinis kong sabi.
"Hindi mo sinasagot tawag ko."
"Hindi ko sinasagot 'yong mga unregistered number sa phone ko," sagot ko.
"Imposible. Hindi ako nagpalit ng number. Nakalista ako sa contacts mo, 'di ba? Maliban nalang kung... dinelete mo."
Hindi ko dinelete. Ayaw ko rin namang i-delete.
"What do you want?"
"Mag-usap tayo."
I feel empty inside. My eyes watered and I sadly smiled. Hindi ko na naman alam anong nangyayari. There's always this emptiness.
"May ginawa ba ako?" lumapit si Yvonne sa 'kin.
"Tanga ka kasi."
She softly chuckled. She pulled a chair and sat right beside me. Itinukod nito ang braso sa mesa at may maliit na ngiti sa labi habang pinagmamasdan ako.
"I always wanted to have a loyal masc girlfriend," I started.
"If you want it, you can have it," ngisi niya.
Umirap ako at tumikim sa kape.
"Ayoko na sa 'yo."
"I don't mind," she shrugged.
"Your answer is wrong! You should've told me you'd pursue me!"
"Ayoko nga, swerte mo naman."
"'Di huwag!" singhal ko.
"Biro lang, mahal."
Gulat na lumingon ako sa kaniya. Mas dumoble pa ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito.
"To tell you honestly, you're not actually my ideal type but you accidentally caught my attention."
"Sino namang type mo? 'Yong kaibigan mo? Aminin," my hinanakit kong tanong.
"Siya nga."
"E 'di doon ka na!" I shouted in disbelief. Sumandal ako sa inuupuan ko at tumingin sa taas, preventing my tears from falling. This is ridiculous.
My God, I wanna be yours so bad. 'Di huwag siraulo ako na 'to ayaw mo pa.
"I didn't say she's the one that I want and need."
"What's the point?"
"Slow. Ikaw 'yong gusto ko. Sinabi ko na sa 'yo, inamin ko na. Iniwasan mo naman ako. Wala kang awa, babae."
"Sinabi mo rin na hindi mo ako type. Go back to your Kaicy, ayoko sa 'yo."
"Sakit mo. Ayoko kay Kaicy, gusto ko sa 'yo. Pa'no 'yan?"
Umirap ako at suminghot. My tears betrayed me. I felt my tears falling from my eyes to my cheeks.
"Too precious, love. Come," she pulled me close and embraced me.
Aamin na nga lang dadagdagan pa ng sakit. Nothing can make me fold, except for her.
"Eight letters, Elliana. Ikaw lang ang nag-iisang babeng makakarinig. Ikaw lang."
"Bakit kasi si Kaicy?" I murmured.
"I've promised I won't let you shed a tear, but look at you right now. Gusto kita, Elli. Sobrang gusto kita. Mula ulo hanggang paa, ikaw lang talaga."
"Tayo na?" mahinang tanong ko. Nahihiya pa sa tanong.
"Ayaw mong ligawan muna kita?" natatawang tanong nito.
She kept on tapping my back lightly. I encircled my arms around her and deepened my face on her neck.
"Tayo na. Gusto rin kita, sobra," sagot ko.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top