chapter 2
Elliana's Point Of View
Attraction, a force acting mutually between particles of matter, tending to draw them together, and resisting their separation. Wrong. I was the one who was exerting the force of attraction, kaya hindi mutual.
"Inuman mamaya, sunduin kita."
"I'll pass. May awa pa naman ako sa atay ko, Brad," sagot ko.
"Okay. Just call me if you want to come, you can still change your mind. Mamayang gabi pa naman."
This guy is a bad influence to me. But he's my cousin kaya tiwalang-tiwala si Mama at Papa sa kaniya. Ako hindi, mukha pa lang kahina-hinala na. Iyong mukha niya wala pang krimen mukha ng kriminal.
"Anong ginagawa ni Brad dito?" Mama asked as we watch Brad entering his car.
"Returning some of my stuff, Ma."
"Uminom ka pa hanggang sa hindi ka na makalakad, Elliana Ellaine. Hindi mo namamalayan may nawawala na pala sa 'yo."
Palihim akong napangisi sa sinabi ni Mama. Sermon na naman. Hindi na talaga sila nasanay sa pagiging lasinggera ko.
"Alam mong walang magandang naidudulot sa 'yo iyang pag-iinom, Elli. Pang-ilang uwi mo na 'to na sobrang lasing. Diyos ko, bata ka. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa 'yo," napahawak si Mama sa noo.
"Umiinom lang naman ako ng marami kapag kasama ko si Brad, Ma. Kailan mo ba ako nakitang nakipag-inuman na kasama sina Yelena, Evelyn o Karen?"
"I'm just thankful you're not pregnant yet."
"Ma, ano ba! Hindi mangyayari 'yon! Jesus!" sigaw ko.
Kaka-graduate ko lang last year at wala akong balak mag-anak. I'm scared. Sobrang sakit daw talaga manganak. I hate pain. The thought of me having a child of my own is just... hindi kayang i-proseso ng utak ko, my God.
I don't hate kids, I'm fond of them actually. Pero ayoko talaga magka-anak. They want to have a grandchild from me, of course, ako lang naman ang nag-iisa nilang anak pero no! I would never! Hindi! Ayoko! Mas bet ko pa mag-ampon kaysa manganak. Bahala kayo diyan.
Afternoon came and Yelena unexpectedly showed up in front of our house. Napaka talaga ng babaeng ito, bigla-bigla lang nagpapakita na parang kabute.
"Nandito ka no'ng isang araw, nandito ka na naman ulit," bungad ko.
"Sama ka sa 'kin," aya niya.
Walang araw talaga na nasa bahay lang ako. Kung wala ako sa inuman, gumagala sa bahay ng kaibigan.
"Where? Wala ako sa mood gumala ngayon, Yel. I deserve to rest for a day," tinatamad na sabi ko.
"Talaga? Ayaw mo? Nando'n si Yvonne."
"Hindi mo ako madadala sa ganiyan. Yes, I like your sister, but I won't risk my nap time just to go with you," irap ko.
Pilitin mo pa ako, Yelena. Please lang. Isang pilit pa, sasama na ako.
"Ayaw mo talaga? Pwede ka mag-sleepover sa apartment ko, pagtatabihin ko kayo ni Yvonne."
Yes!
"Sige na nga," kunyari ay napipilitan kong sagot.
"Don't me, Elliana. Alam kong gusto mo lang makatabi si Yvo."
"I only agreed cause you said I can do sleepover at your place."
"Mag-impake ka na, ako na magpapaalam kay Tita."
Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Nagkukusa talaga siyang ipaalam ako kay Mama. Kahit naman hindi siya magpaalam ay papayag pa rin si Mama. I'm old enough to do whatever I want. Only child ako pero hindi sila mahigpit sa 'kin.
I went to my room and pack some of my things. Isang bag lang ang dala ko dahil pantulog lang din naman ang dadalhin ko. Some skin care and make up. Gigising ako ng maaga bukas para magpaganda kay Yvonne aking tinatangi.
"Bakit nga pala? Anong mayro'n?" tanong ko pagkasakay namin sa sasakyan niya.
"As your friend, tinutulungan kitang mapalapit sa taong gusto mo. Magpapatulong na rin sana ako sa designing ng bagong style na il-launch ko."
Yelena is a fashion designer at heart, though she graduated with her course Business Ad. Nagpapatulong siya sa 'kin minsan for designs na malugod ko namang tinutulungan.
"Ano nga pa lang ginagawa ni Yvonne ngayon?" tanong ko.
"Kung hindi nagi-gitara ay kaharap ang computer niya. Isang side na hindi mo nalalaman kay Yvonne. Magaling sa online games 'yon, siya rin technician namin sa bahay. Kapag may nasisira, siya nag-aayos. ICT student moments," litanya ni Yelena.
Truth to her words, pagdating namin ay nasa sala si Yvonne at nakaharap sa computer. Hindi niya yata napansin ang pagdating namin dahil naka-headphones. Tumatabon ang iilang hibla ng buhok niya sa mukha niya. Naka-glasses at may lolipop sa bibig. So hot, my love.
"Yvonne, umayos ka. May bisita tayo," tinapik siya ni Yelena.
Yvonne automatically scanned the place and her cold eyes landed on me. She removed her headphones. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito bago bumalik sa ginagawa.
"Hi, Ate Elli!" bati ni Yvette.
"Hi. Wala si Isaac?" tanong ko.
"Nope. Naiwan sa bahay kasama si Mama at Papa. Dito gustong mag-aral ni Yvette, si Yvonne naman nagbabalak na bumalik sa probinsiya, fourth-year college na, one year na lang," sabat ni Yelena na may bitbit na biscuits.
Lumapit ako kay Yelena at kumuha ng isa sa bitbit niya.
"Usog ka do'n, Yvonne. Magpapatulong ako kay Ate Elliana mo sa designing," utos ni Yelena.
"Ate?" matalim ang mga matang lumingon si Yvonne sa 'min.
"Oo, alangan namang kuya. Usog na."
Yvonne had no choice but to do what Yelena said. Pinaupo ako ni Yelena sa tabi ni Yvonne. Magkatabi ang computer ni Yelena at Yvonne at pinagigitnaan ako ng dalawa.
"Anong il-launch mo ngayon?" tanong ko.
"Wedding dress. I have some sample but I think there's something lacking on the designs," she answered.
Napatango-tango ako. I really like how eager she is to have what she wants. Kung si Brad bad influence, kabaliktaran si Yelena. Siya iyong anghel sa buhay ko na magdadala sa 'kin sa tamang landas.
"Walang kulang, nasobrahan lang. Most of the clients wants diamonds on their dresses, kung mayayaman ang target mo. Dapat may iba't ibang log books ka for designs— whatever that magazine thing is. For over designs, simple designs and just right designs."
"Wala pa akong budget," nanlulumong sabi ni Yelena.
"My God, Yel! I'm here. Karen, Evelyn, and I. We can be your business partners, for life. Kung anong ikina-talino mo siya namang ikina-slow mo. Huwag mo muna problemahin ang budget, maraming paraan para diyan. For now, let's focus on the designs."
Dinamba ako nito ng yakap. "Love you, Elli!"
"Gross!" I shouted.
Si Yvonne lang ang may karapatang yumakap sa 'kin.
"Kukuha lang ako ng papel at ballpen para isulat lahat ng details. Be right back," paalam nito.
I nodded and scrolled to her designs. Magaganda talaga. Talented to be exact.
"Ipanalo mo na 'yan, Ate Yvonne! Ilang beses mo na inulit ang level na 'yan."
Napalingon ako kay Yvette. Nasa likod na ito ni Yvonne at nanonood sa ginagawa ng kapatid.
"Hirap," imik nito.
Napalingon ito saglit sa 'kin.
"Ipanalo mo kay Ate Elliana," tumawa si Yvette.
Napahinto ako at wala sa sariling napangiti. Nawala ang ngiti sa labi ko nang lumingon ulit si Yvonne sa 'kin. Ngumuso ako at bumalik sa computer ni Yelena.
"Kamay."
Sa pangalawang pagkakataon ay napalingon ulit ako kay Yvonne.
"B-bakit?" tanong ko.
"Akin na kamay mo."
Hindi ako gumalaw dahil sa pagtataka. She leaned in and took my hand. She intertwined our hands and went back to playing using only one hand. Napatitig ako sa kamay naming dalawa saka na-angat ng tingin sa kamay niyang nagtitipa. Her fingers were so fast. Iisang kamay lang pero ang bilis.
Napalunok ako nang mapatawa ito. Papalit-palit ang kamay niya sa keyboard at computer mouse. She turned to me and clicked the mouse.
"Panalo," ngisi niya.
"What the hell! Ang galing no'n!" gulat na sigaw ni Yvette.
"Hindi pala masama maging pabida minsan."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top