Chapter 15

Elliana's Point Of View

A few months had passed and Yvonne kept updating me about the blueprint. Simula rin no'ng huling usap namin ni Papa ay hindi ko na siya nakausap ulit. Mama is the only one whom I talk to often.

Maganda naman ang naging progress ng mga updates ni Yvonne. Masyado itong focus kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap. She would just send pictures to me. I kept on reminding her about taking some rest and not to starve herself.

In an uneventful day, I received a call from Yvonne's mom. I was surprised, of course. Who wouldn't?

"Hi po, Tita. Napatawag po kayo?" tanong ko.

"Elli, kailangan ko ang tulong mo."

"Hm? Bakit po?"

"Nag-aalala ako kay Yvonne. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya nitong mga nakaraang buwan. Nakatanggap ako ng tawag galing sa professor niya, hindi na daw masyadong pumapasok si Yvonne. Kung patuloy na ganito ay hindi makaka-graduate ang anak ko."

"P-po?" gulantang kong tanong.

"Araw-araw na wala sa bahay si Yvonne. Akala ko ay pumapasok sa school dahil pagod na pagod rin ang mukha nito sa tuwing uuwi. Hindi namin alam kung saan siya pumupunta kapag umaalis na bahay. Bumaba rin ang timbang nito. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa anak ko, hind naman siya ganito dati," rinig na rinig ang hikbi ni Tita sa kabilang linya.

"Natanong ko na si Yvonne kung saan siya pumupunta kapag wala sa bahay. Wala akong nakukuhang sagot. Sasabihin lang nitong pagod siya at agad ring aalis. Tinawagan na kita. Baka kapag nakausap mo ang anak ko ay sabihin niya sa 'yo kung saan siya pumupunta. A-ano bang nangyayari kay Yvonne?"

Tita sounded so sad and it's breaking me. Hindi ko alam kung tama ba 'tong iniisip ko pero malakas ang kutob ko na tama nga ako. Love, why are you doing this?

"Nandiyan po ba si Yvonne ngayon?"

"Wala, umalis na naman at hindi namin alam kung saan pumunta. Tinawagan ko si Kaicy kanina at hindi na naman daw pumasok. Hindi niya nakita si Yvonne sa loob ng campus."

"Sige, Tita. Tatawagan ko agad si Yvonne."

"Thank you, anak. Sorry sa istorbo."

"No, Tita. Thank you... for letting me know."

Napaisip ako saglit. Bitbit ang hand bag ay pinaalam ko kay Catherine na aalis ako saglit at may pupuntahan lang. Pinuntahan ko si Yelena sa bagong tayo nitong boutique. Doon ay natagpuan ko silang dalawa ni Dart. Dart's helping her in arranging everything and he seems like he's enjoying it.

"May trabaho ka ah, bakit nandito ka?" tanong ni Yelena ng makita ko.

"Why is he here?" turo ko kay Dart.

"Ewan ko diyan," masungit niyang sagot.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat nasa kompanya ka ngayon at nagt-trabaho."

Dart frowned at me. He slid his hands inside his pants.

"My girlfriend is here," he answered.

"Dart, hindi pa kita sinasagot," irap ni Yelena.

"Burn," ngisi ko.

"What are you doing here? Kita mong nagm-moment kaming dalawa dito," salubong ang kilay na sabi i Dart.

Speaking off...

"Pwede bang iwan mo muna kami? Kakausapin ko lang si Yel. Aalis din ako agad," sagot ko.

"Fine. I'll go buy something for you, moró," he bid her a goodbye kiss in the forehead.

"Sa totoo lang, hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ni Dart minsan. Katulad nalang no'ng sinabi niya."

Hinila ako ni Yelena paupo sa waiting area ng kaniyang botique.

"If I am not mistaken, moró is a Greek word which means baby. So basically, he called you baby," ani ko.

"Dami niyang alam. Anyways, napabisita ka?"

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Yvonne, Yel."

Yvonne's solemn face flashed through my mind. Naging panatag ako sa kung ano sa tingin ko ang mangyayari. I gave her the freedom to do it whenever she wants, pero hindi ganito na umabot na sa point na napapabayaan niya na ang pag-aaral niya. That's just absurd!

"Hm? Ano na namang problema?" mahinahong tanong nito.

"Tumawag sa 'kin si Tita."

"Importante siguro, si Mama na ang tumawag sa 'to eh."

"Hindi ko alam kung maiinis ka o magagalit ka na talaga sa 'kin, Yel. This is clearly my fault. Sinabi ni Tita sa 'kin na palaging wala si Yvonne sa bahay niyo at nakatanggap rin siya ng tawag galing sa school nila na hindi naman daw pumapasok si Yvonne. Kung patuloy na gano'n ay hindi makaka-graduate si Yvonne. Yvonne's been updating me about the hotel's blueprint at malakas ang kutob ko na 'yon ang dahilan kung bakit hindi siya pumapasok," litanya ko.

I avoided Yelena's eye contact. I am timid all over.

"Hindi ako galit, Elli. Pinilit mo ba si Yvonne na gawin 'yon?"

"N-no, but—"

"E 'di hindi mo kasalanan. 'Yan kasi ang problema ng mga tao, palaging sinisisi ang sarili. Nakuha mo ang point ko, Elli, ayaw mo lang tanggapin kaya may but ka na gustong idagdag. Listen, marami na kaming nagsabi sa 'yo na matigas ang ulo ni Yvonne, 'di ba? She'll do whatever she wants. Stop blaming yourself, call Yvonne and talk to her about this matter."

Huminga ako ng malalim at tumango. I still feel guilty. If only I had stood my ground not to accept her offer, this wouldn't happen.

"Hindi ako galit sa 'yo, disappointed ako sa kapatid ko. Pero alam ko namang kahit pagalitan ko 'yon ay hindi pa rin 'yon makikinig sa 'kin."

"Lalo naman sa 'kin. Sa kapatid nga hindi nakikinig, sa 'kin pa kaya na girlfriend lang," iling ko.

The boutique's door opened but I didn't budge. Alam naman naming si Dart 'yon na akababalik lang.

"You're more than just my girlfriend, Elli. Kailan ba kita sinuway?"

My jaw hung open when I saw my girlfriend in the entrance, with her usual style, jogger pants and hoodie together with her solemn soft face. May bitbit rin itong drawing tube sa kaliwang kamay.

"You! I need to talk to you," I glared at her.

Hinila ko agad ito palabas. Wala rin naman itong imik at basta lang nagpahila sa 'kin. Pinasakay ko ito sa kotse. Nang makapasok na rin ako sa kotse ay sinabi ko kay Manong na ihatid kami pabalik sa kompanya.

As soon as we stepped inside my office, agad kong hinarap si Yvonne. I can feel the rage inside me.

"Yvonne, what's wrong with you?!"

"This is the reason why I personally came here."

"Tumawag sa 'kin si Tita. Tinawagan ako ng Mama mo. She was asking for help, kasi katulad ko ay hindi na rin alam ang gagawin sa 'yo. Are you out of your mind?"

"Love."

"No, Yvonne. Listen to me. Natapos mo man 'yong blueprint o hindi, tumigil ka na. What I wanted you to do the most is to focus on your studies. Kung alam ko lang na hahantong din sa ganito e 'di sana pala hindi mo nalang ako naging girlfriend."

She did that for me, but if it meant to ruin her future then I'll pass. Hard pass.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top