Chapter 13
Elliana's Point Of View
Truth to Yvonne's words, pagbalik sa probinsiya ay gabi-gabi siya kung tumawag. Wala talagang palya. Kapag may oras ay nagv-video call kami. Ako nasa trabaho, siya gumagawa ng project.
Time flies so fast. Ako nalang mag-isa sa bahay. Mama and Papa started exploring the world. Mama calls me from time to time, once a week to be exact. Kine-kwento niya sa 'kin lahat ng ginawa nila ni Papa. I can sense the happiness in Mama's voice. Madalang ko lang makausap si Papa, wala kasi ito sa tuwing tumatawag si Mama.
"Love, umuwi ka na."
Napatingin ako sa screen ng Ipod ko. Naka-video call sa 'kin si Yvonne. It's ten PM and I'm still finishing my paperwork. Basa dito, basa doon.
"Ikaw, matulog ka na," ani ko sa malamyos na boses.
"Hindi ako matutulog hanggat hindi ka nakakauwi," seryosong sabi nito.
"I can sleep here. May secret chamber naman si Dad dito."
"Ikaw lang mag-isa? Hindi ba delikado? May guard ba diyan? Night shift?" sunod-sunod na tanong nito.
"Love, il-lock ko ang pinto ng office at chamber ni Dad. And yes, may guard at iilang empleyado sa baba. I'll be fine here. May cctv naman so..."
"Matulog ka na kung gano'n."
"Hindi pa ako tapos—"
"At may bukas pa. Don't tire yourself too much, Love. Stop making me worried."
"Maaga pa naman."
"Love, may bukas pa. Tulungan kita bukas, gusto mo? Prioritize your health, hm?"
Niligpit ko ang lahat ng gamit sa desk na ikinangiti mi Yvonne. Bitbit ang Ipod ay lumapit ako sa pinto ng chamber ni Dad at binuksan iyon. Namangha ako sa ganda ng disenyo ng kwarto. May nakalagay pang letter sa gitna ng malaking kama.
Money is luxury, health is power.
— Elton Josiah Castley, CEO
"May letter si Papa sa 'kin," nakagat ko ang sariling labi.
"Anong sabi?"
"Money is luxury, health is power."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Yvonne sa kabilang linya.
"Maski si Tito ay alam na magpupuyat ka. Matulog ka na, mahal ko."
Nilapag ko sa kama ang Ipod ko at nagmamadali sa pagbihis. From business attire to pajamas. Nagdala na ako ng extra na damit in case of emergency or something, katulad nito. I asked Yvonne to sing for me until I fall asleep and she happily obliged. Tumayo ito at kumuha ng gitara. I closed my eyes when she started strumming.
The softness of Yvonne's voice lingered on my ear. Napaka-komportable sa pandinig ng boses niya. Ito na ba 'yong tamang oras na masasabi ko ng si Yvonne ang mundo ko? I just need someone in my life to understand me, spoil me, and give me everything I want. I'm asking for too much, I know, but damn, God really gave me the perfect girl. Not gonna lie she's too much for me. She means a lot to me. She means the world to me.
I woke up with the sun hitting my face. Cellphone agad ang kinapa ko at nakita kong may iniwang message si Yvonne sa 'kin. No, it was actually a video that she sent to me. It was our video call last night, she recorded it. Mahimbing na ang tulog ko at siya naman ay kumakanta lang. I saved the vid and transfered it to my hard drive, where I store our memories together. The videos, pictures, records, everything. Lahat ng ginawa namin ni Yvonne, naka-save 'yon. Natatakot ako na baka isang araw... makalimutan ko si Yvonne. Ang babaeng tinatangi ko. Ayokong dumating ang araw na 'yon.
I started my day with drinking milk, which Yvonne advised me to drink every morning. Kulang nalang ay gawan niya na ako ng PowerPoint patungkol sa mga benefits ng gatas. Hanggang ngayon, kahit ilang buwan na ang nakalipas, naninibago pa rin ako. Nakasanayan ko na kasing alak ang inumin sa umaga. I couldn't blame anyone except for myself, ginawa kong labasan ng sama ng loob at problema ang alak. You see, I am a very problematic person. Gawin ba namang comfort ang alak.
"These are the reports, Ma'am," inilapag ni Catherine ang iilang folders sa table ko. "Nagka-problema po ang isang villa, Ma'am, at kailangan ng agarang assistance. Kakatawag lang sa 'kin ng manager doon."
"Why? What happened?" nangunot ang noo ko.
"May aksidenteng nangyari. Muntik ng tupukin ng apoy ang buong hotel."
Napatayo ako ng wala sa oras dahil do'n.
"The people? How about the people? May nasaktan ba? Tumawag na ba ng medical assistance?"
God, kabago-bago ko palang may sumalubong na agad. This will be on the headlines and I'm so sure Papa will lash on me. I am so dead for this.
"Na-aksyonan naman agad, Ma'am. Iyon nga lang ay malaki ang sira na gawa ng apoy. Isasara ba 'yon pansamantala, Ma'am?"
"Common sense, Catherine. Alangan namang patuluyin natin ang mga tao eh sirang-sira na ang buong lugar. Damn! I-ready mo ang private jet ni Papa, we'll go there. Asap!"
I frustratedly sat on my swivel chair and closed my eyes. I need to think this through. Papa will be so disappointed.
When the private jet was already on the rooftop of the building, Catherine hurriedly informed me. Agad kong dinala lahat ng kailangan ko at walang sinayang na oras. We reached the place within an hour and all I can do is gasp in pure shock and disbelief.
"What happened? Bakit nagkaganito? The last time I checked, lahat naman ay maayos."
Lahat ng crew at staff ng hotel ay nasa lounge. Sa harap nila ay nakatayo ako. Hindi ko na naitago ang disgusto sa mukha ko. Magiging laman ito ng balita. Ano nalang ang iisipin ng mga tao sa 'kin?
"Ma'am, aksidente po ang nangyari," sagot ng isang staff.
"I know it's an accident. Ang kailangan ko ay sagot kung bakit nga nangyari ito? Don't tell me the hotel lit up for no reason?" sarkastikong tanong ko.
"According to the investigation, the fire started at the fifth floor of the hotel," Catherine said. "Iniimbistigahan pa kung ano talaga ang dahilan ng nasabing sunog. Tinitignan rin ng mga imbestigador kung maa-access pa ba ang cctv footage ng hotel."
"Give me the full details later, Catherine. Ang mga nag-book dito sa hotel, nasaan sila?" sa halip ay tanong ko.
This will surely have a very bad review.
"Nailipat na sila sa kabilang villa, Ma'am. Wala naman pong nasaktan dahil nalabas agad ang mga tao bago pa kumalat ang apoy," sagot ng manager.
I nodded. "This villa will be closed temporarily."
Nagulat ang mga nagt-trabaho dahil do'n. Ano bang ine-expect nila? Na open pa rin 'tong villa despite what happened?
"Paano ang trabaho namin, Ma'am?" tanong ng isang staff.
"Ia-assign ko kayo sa iba for the mean time. Kapag natapos na ang renovation nito ay babalik rin kayo. It'll take a year... no, more than a year to repair this. The structures were so damaged. I might as well request to change the blueprint of this hotel. Ayos lang ba iyon sa inyo?" tanong ko.
"Ayos na ayos, Ma'am."
"Thank you, Ma'am."
"Maraming salamat, Ma'am. Akala namin mawawalan kami ng trabaho."
"Oo nga po. Ang hirap pa naman maghanap buhay ngayon."
They showered me with praises. Mukha ba akong masamang tao?
"That's enough. Everyone should go to rest. Pumunta rin kayo doon sa villa kung saan dinala ang mga tao. Assist them. Kung gusto nila ng refund sa mga binayad nila dito, we'll give it to them. Safe ba ang lahat? Walang nasugatan?" paninigurado ko.
"Rest assured, Ma'am. Safe na safe ang lahat. Maliit pa ang apoy ng mapalabas namin ang lahat. Natagalan lang ang pagtawag namin ng tulong dahil sa pagp-panic ng lahat. Inuna namin ang mga tao kaya kumalat ang apoy. Pasensya na, Ma'am."
"No, you did the right thing. Maibabalik natin ito lahat. Ang buhay ng tao hindi na natin maibabalik."
Nang makaalis ang lahat ay ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng hotel. Sirang-sira. Maraming abo na nagkalat kahit saan. Maski dito sa lounge, may ibang parte na kinain ng apoy. Nakakapanghinayang titigan. In just a snap nasunog lahat. This is one of the largest villa we had and it earns eight digits a month. I'm filled with worries and stress. Kailangan kong harapin ang kung ano mang sasabihin ni Papa.
"Ma'am, may tumatawag po sa inyo," untag ni Catherine.
"Oh."
Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Agad nawala ang takot at pag-aalala sa dibdib ko ng makitang si Yvonne ito.
"Love, how are you feeling? Are you okay? Do you want to talk it out? I'm free."
"Hm? Why? Ayos lang ako," mahinang sagot ko.
"Pag-aari mo ang Villa Élla, hindi ba? It's all over the news. Ano? Kamusta?"
"I'm upset," I honestly answered.
"Hm? What do you want me to do? Gagawin ko."
"I don't know. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Any moment tatawag si Papa at natatakot ako sa sasabihin niya."
"I'm gonna be with you. You need to stay calm. Saka ka na matakot kapag tumawag na siya. I'm here if you need help. May maitutulong ba ako?"
"Love, it's okay. Kaya ko 'to. Isa pa, busy ka. Finals niyo na hindi ba?"
"I'll always have time for you, Elliana."
"I'll be fine."
"You don't sound like it. I'll help. Ano ba ang mga kailangan?"
"Probably a new blueprint of the hotel."
"Love, BS in Architecture yata 'tong girlfriend mo. Graduating palang pala. Do you want me to help with the design?"
"Masyadong hassle 'yon. Hindi basta-basta 'yon. Love, kaya ko na talaga 'to."
"Don't underestimate the things that I can do for you, Elliana. This is literally what I'm willing to do for you. Come on, tell me your plan."
"What did I do to deserve you?" bulong ko.
"The process will take several months or years, about more than a year maybe. Makapapaghintay ba, mahal ko? Libre 'tong serbisyo ko. I love you."
Natawa ako sa sinabi nito. Para kasing banat. Mabuti nalang talaga at nandito si Yvonne para pakalmahin ako. Sobrang gulo ng sistema ko kanina, hindi na alam kung anong gagawin.
And so, I told her the plan as the day ends. Ang payo lang nito sa 'kin ay ang magdahan-dahan at unahin ang dapat unahin. The fear didn't left, but it lessen. Yvonne was with me when the process was still on board. She didn't let me do all of it, she wants to be part of it. Ang girlfriend ko, sobrang inii-spoil ako. Kaya sa tingin ko, oras na talaga. Oras na para ipakilala kay Mama at Papa.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top