Chapter 12
Elliana's Point Of View
Napapikit ako ng mariin ng makita ko si Papa at Mama sa sala. Akala ko nauna na sila para i-entertain ang mga guest na dumadating. It's already six in the evening and the event will start at six-thirty. The event was held on one of our hotels, Villa Élla.
"Breathtaking beauty, Elliana," Mama smiled.
"Of course, saan pa ba magmamana," I smirked.
"Well, you should be. Let's go, we're getting late." Papa announced.
Napairap nalang ako at sumunod sa kanila papunta sa garahe. Papa held Mama's hands which I find sweet. Nakalagay sa likod ni Mama ang isang kamay nito bilang suporta. Mahaba kasi ang suot nito at naka-heels pa kaya kailangan ng alalay ni Papa.
Dumating kami sa venue. Medyo marami na ang tao at may iba pang paparating. If I am not mistaken, Mama invited three hundred guests. Business partners, close friends, family friend, and colleagues.
"Miss President, the prettiest," Evelyn greeted as I sat with them.
Nasa iisang table kami ni Mama at Papa kasama ang mga kaibigan ko. Karen, Evelyn, and Yelena is present, so as Yvette. They look gorgeous with their gowns and make-ups. Yelena designed my gown, the very first gown she made bare handed just for me.
"Buti nakarating kayo. You hate parties like this."
The prefer clubbing than parties like this. I know them very well. Pero nag lie low ang mga ito ngayon dahil may mga boyfriend na. Si Yelena naman, walang oras sa mga gano'n, halata naman. Nahihila lang namin si Yel kapag pumupunta kami pero hindi namin napainom kahit isang beses.
"Of course, we wouldn't miss this for the world. Party mo 'to, you go girl, humayo ka at magpakarami," Karen winked.
"Shut up, Karen. Nadiligan ka na ano?" tanong ko.
Agad naman itong tumahimik at may sinusupil na ngisi sa labi. I turned to Yel and gave her an apologetic smile. We didn't have the chance to see each other for the past days. Pareho kaming busy dahil sa request ko na gown sa kaniya at sa trabaho ko. I'm glad I survived those hellish days. No more crying late at night.
"Take care of your mental health, Elli. Nag-aalala ako sa 'yo," sabi nito sa 'kin.
"Buti ka pa nag-aalala sa 'kin. Kamusta naman 'yong kapatid mo?" may bahid ng sarkasamo ang boses ko ng itanong ko 'yon.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Yelena at binigyan ako ng maliit na ngiti.
"Noong huling nakausap ko ay tambak daw ng projects, kasabay pa 'yong banda nila na sunod-sunod ang gig."
"Nakakapagpahinga naman daw ba ng maayos?" nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko alam. Tinawagan ko nga si Isaac. Bihira nalang daw kung umuwi ng maaga si Yvonne. Katulad mo ay nag-aalala rin ako."
Sa isang iglap ay bigla nalang naglaho ang tampo at inis ko kay Yvonne. Napalitan agad 'yon ng takot at pag-aalala. Nag-aalala ako na baka magkasakit siya sa ginagawa niya. I'm secretly hoping that she eats a lot despite of being busy. I miss her, yes, but she has responsibilities and I need to understand that part. Pilit kong sinasaksak 'yon sa utak ko.
"Good evening, ladies and gentlemen. Would you please join me in welcoming the renown, legendary, and phenomenally successful business tycoon, Elton Josiah Castley."
Napuno ng palakpakan ang paligid. Tunay si Papa at lumapit sa podium. Tinanggap nito ang mic na binigay ng emcee at tumayo ng may pagmamalaki. Ever since I was a kid, I admire how Papa stand with pride. Sanay na sanay na talaga ito at alam na alam na kung ano ang gagawin.
"I've been in the business industry for thirty years," panimula ni Papa.
"I always dedicate myself when it comes to business and hardly had time for fun stuff. I can't even remember when was the last time I got drunk and went home unable to walk. Regardless of being restless and diligent, my wife was always there for me, supporting me from behind. He gave me the best and incomparable woman in the world, more than I could ever wish for."
I looked at Mama's direction. She's teary eyed while staring at Papa. I caressed Mama's back. Papa continued and I listened.
"I want you all to witness as I welcome the new president, owner, and chief executive officer of Roffillevé Élla, Elliana Ellaine Castley."
Agad akong tumayo at naglakad palapit sa podium. Dahan-dahan at taas-noo. Nabingi ako sa palakpakan ng mga tao. Ipinalibot ko ang tingin sa lahat ng walang ngiti. I remained stoic and strict. Show no mercy. Just like what Papa told me.
"Thank you, Pa. Hindi kita bibiguin," bulong ko ng bahagyang niyakap ako ni Papa.
"I hope so, Elliana."
Straight back, chin up, and breast out. I showed them how proudly I am to be Elton Josiah's daughter, the only heiress of the Castley's.
I started by talking about the things I'm capable of as a young entrepreneur. Their faces were impressed— clearly from their expressions —while intently listening to me. Walang bahid ng kaba ang boses ko. I own this night and I have the spotlight. I speak, they listen. Not the other way around.
"This is Elliana Ellaine Castley, the new owner of Roffillevé Élla. Good evening and enjoy the rest of the night," ani ko sa pagmamalaking boses at dahan-dahang bumaba.
Some of Papa's men in black helped me with my gown. Sinalubong ako ng ngiti ni Mama at binigyan lang ako ng tingin ni Papa. I sat there with them quietly. May iilang business partners si Papa na lumalapit sa 'min para makipag-usap sa 'kin. Kalimitan sa kanila ay ka-edad ni Papa.
"Elli, may gustong kumausap sa 'yo," kulbit ni Yelena.
"Sino?"
"Halika."
I excused myself from Mama and Papa. Ngiti lang ang tugon ni Mama sa akin at si Papa naman ay hindi na nag-abalang balingan ako ng tingin.
"Saan ba tayo pupunta? Dahan-dahan lang, Yel, naka-heels ako," reklamo ko.
"Ako nga naka-flat shoes lang eh," nguso niya.
"What the heck, Yelena?" my lips parted in shock.
"Wala namang makakakita sa haba nitong gown ko. 'Tsaka, masakit sa paa."
"Kaya nga tiis ganda 'di ba?" natatawa kong tanong.
Dumating kami sa pool area ng hotel. Hindi madilim dahil maraming ilaw. Wala ring tao rito dahil nasa lounge ang lahat.
"Wala namang tao, Yelena."
"She's here!" may kalakasang sigaw niya.
Lumabas sa madilim na parte ng hotel ang isang taong hindi ko inaasahang makita.
"Love."
"Y-yvonne," I stumbled.
"I'll leave you two, talk well. Ako na ang bahala kay Tita at Tito, sasabihin kong nag-retouch ka."
Pinisil ni Yelena ang kamay ko bago umalis. Nanatili ang titig ko kay Yvonne. She's wearing a formal three-piece suit with a bouquet of roses in hand.
"I'm proud of you."
Inilang hakbang lang ni Yvonne ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit. The familiar warmth encircled me and tears started to flow from my eyes without noticing it. The emptiness inside me instantly vanished the moment she embraced me.
"B-bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong.
I hugged her back with the same ferocity. Her natural scent lingered on my nose.
"Tinapos ko lahat para makita ka. Sorry for not being able to call you. Hindi ko na uulitin. Pangako 'yan."
Yvonne showered me with kisses. From head to neck. I stayed still and let her do what she wants.
"Flowers?" nahihiyang ngumiti ito sa 'kin ng pinakawalan niya ako ng yakap.
Mahinang natawa ako at tinanggap iyong bulaklak. Inamoy ko iyon at napangiti ng malanghap ko ang matamis na amoy ng rosas.
"Thank you, Love."
Napahawak ito sa dibdib st impit na tumawa.
"I missed you, a lot."
"I miss you too, Yvonne. Huwag mo na talagang uulitin 'yon, ip-post kita sa social media," pinandilatan ko ito ng mata.
Humalakhak si Yvonne at hinila ako palapit sa kaniya. Nakayakap sa likod ko ang isa nitong braso habang ang isa naman ay hinahaplos ang mukha ko. Mariin ang titig na binibigay sa 'kin ni Yvonne.
"Nasabi mo na sa 'kin 'yan."
"Huh? Kailan?" nalilitong tanong ko.
I don't remember telling her.
"The night you called Ate Yel. Ako ang sumagot no'n. You missed me that much, huh?" he smirked.
Pinaningkitan ko siya ng mata at mahinang hinampas.
"Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"Surprise," humalakhak ito at hinalikan ako sa noo.
"For real, Yvonne, naiinis ako sa 'yo," seryosong ani ko.
Napalunok ito. Bumaba ang tingin nito sa labi ko at agad ring bumalik sa mga mata ko.
"Sorry na, Love. Hindi ko na talaga uulitin."
"Ayoko."
"Sorry na, mahal ko."
Ngumuso ako at tumalikod. Nagsimula akong maglakad palayo sa kaniya ng walang lingon. Napatigil rin ako agad ng pumulupot ang braso nito sa baywang ko. Ibinaon nito ang kaniyang mukha sa leeg ko.
"Sorry na po. Bati na tayo please."
"Ikaw kasi. Sa susunod na uulitin mo pa 'yong gano'n, isang buwan kitang hindi papansinin."
"Hindi na mauulit, promise."
"Promises are made to be broken," depensa ko.
"Not in my vocabulary, Love. Date tayo bukas, nature date."
"Sige."
"Coffee and library date, museum date, nature date."
"Payag ako."
"Kain rin tayo sa labas. Pakakainin kita ng street foods. Naalala mo 'yon? No'ng nasa probinsiya ka? Kain ulit tayo ng gano'n."
"Yvonne, that's too much for one day. That's impossible," pigil ko.
"Love, nothing's impossible when you're with me."
"Kahit saan naman sasama ako sa 'yo," ngiti ko.
Pagbalik ay kasama ko si Yvonne. Yvonne put distance between us and it low-key hurts. Ako naman talaga ang problema pero ako rin 'yong nasasaktan. Nalaman kong nauna na palang magpahinga si Mama at si Papa naman ay kausap ang mga kasosyo sa negosyo. Lumipat ng upuan si Yvonne sa tabi ko.
"Ang galing mo kanina, Love. Hindi ka nautal."
"Hindi halata pero kinakabahan ako kanina. Tutok na tutok silang lahat sa 'kin."
"Oo nga eh, nakaka-selos."
Pinisil ko ang kamay nito na nasa hita ko.
"I'm jealous, Elliana. I want to keep you for myself. But it would be too selfish of me."
"No need to be jealous, Love. Matagal na kitang binigyan ng assurance, hindi ba?Mag-i-isang taon na nga ilang buwan nalang mula ngayon."
"Yeah. Elli?"
"Yes, love?"
"Tell me you're mine."
"Yvonne, I am all yours. Exclusively yours. I love you."
"I adore you, Elliana. And yes, you are mine. Mine."
"Possessive."
Hinubad nito ang coat at nilagay sa ulo naming dalawa. Wala masyadong nakapansin sa 'min dahil medyo madilim dito sa parte na kinauupuan namin.
"Come on, kiss me."
Napailing ako at dumukwang.
"Ah, I miss this luscious lips," she groaned and caressed my cheeks.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top