Chapter 11

Elliana's Point Of View

Masyado siguro akong napanatag na hindi mangyayari ang tingin kong imposibleng mangyari.

"Anong balak niyo sa monthsary niyo?" tanong ni Yelena.

"Ang tagal na pala, ano?"

"Kuntento ka ba?" tanong nito.

"Happy and contented."

"Aminin mo, not all times masaya. Be ready for small talks and late replies."

Naiintindihan ko naman ang bagay na 'yon. Yvonne is in her last year as a college student and I know how busy she will be. Pero kahit gano'n ay maghihintay pa rin ako.

"That's fine," I shrugged.

"Sure? Hindi mo alam ang mangyayari, Elli. Hindi sa lahat ng panahon ayos kayo. Remember, circumstances makes a relationship stronger."

"Pinag-o-overthink mo ba ako, Yel? Kasi hindi gumagana."

Matapos ang pag-uusap naming 'yon ni Yelena ay hindi ko nga naiwasang mag-overthink. But I trust her, so it'll be fine.

For the past weeks, Yvonne had been calling me. Gabi-gabi 'yon at walang palya. Kaya nakakapanibago na hindi niya ako natawagan sa mga nagdaang araw.

"Busy siguro 'yon, hindi na rin kami tinatawagan ni Yvette."

Nagkita ulit kami ni Yelena. I was feeling down and lonely these days and it's been bothering me. I know she's busy but she could've told me. Maiintindihan ko naman.

"What if lumabas tayong apat ni Karen at Evelyn?" aya nito.

"I can't. Marami akong dapat na paghandaan. The event will be held after the next two weeks."

She grinned. "Oo nga pala, hihirangin ka na bilang bagong presidente."

"Hihirangin talaga?" patanong na sabi ko.

Papa planned everything. Ang kailangan ko lang gawin ay maging handa at masanay sa dami ng tatrabahuin sa kompanya na hahawakan ko na. Papa will retire and plans to explore the world with Mama. I feel elated for them. Deserve nilang dalawa mag-unwind at libutin ang mundo.

"I'm proud, Elli. Proud ako sa 'yo."

"Thank you, Yel. Thank sa inyong tatlo."

"Sa barkadahang 'to, walang iwanan. Hindi ka ba talaga free? Nagp-plano kaming magpa-spa mamaya."

"Gusto ko talaga sana kaso hindi talaga pwede. Tumakas nga lang ako kay Papa eh."

"Well, there's always a next time. Hindi muna namin itutuloy ang spa na 'yon. Dapat magkakasama tayong apat."

One of the things I love about them. Kung wala ang isa, hindi tuloy ang plano. Dapat kumpleto kami. They don't make one of us feel like an outcast for not being able to come. I really love my girls.

"Babalik na ako kay Papa, Yel."

Tumayo ako at binitbit ang sling bag. Tumayo rin si Yelena at hinatid ako hanggang sa parking lot ng apartment niya.

"Mag-iingat ka. Alalahanin mong may Yvonne pa na mag-aalala sa 'yo."

Natawa ako sa sinabi nito kasabay ng kaunting kirot. Ilang araw ko pa lang hindi nakakausap si Yvonne pero pakiramdam ko may kulang na sa pagkatao ko.

"Salamat ulit."

Pumasok ako sa back seat ng kotse at tinanguan si Manong.

"Tumawag si Papa?" tanong ko.

"Hindi naman, Ma'am," sagot nito.

Pagdating ay sinalubong ako ni Papa ng isang sarkastikong ngiti. He knows what is up. I wasn't around and he knew all along that I escaped from work.

"I'm sorry, okay? Tinamad ako, Pa," I reasoned.

"Elliana, when it comes to work, laziness is just an option but not a choice. Kailan ka ba titino?"

I rolled my eyes in annoyance.

"I already said sorry."

"Don't give me that tone, Elliana Ellaine."

Hindi ako umimik. Minsan ay nakakainis talaga si Papa.

"Be prim and proper. I raised you and educated you well, Elli. Ayokong ikaw ang maging dahilan ng pagkasira ng pangalan natin sa publiko."

Nanatili akong tahimik kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na itong sagutin. I'll act as if I didn't know he only wants to have a perfect daughter. I am a rebel archetype. I ain't a protagonist nor sage.

"Nakikinig ka ba sa 'kin?" tanong nito.

Palihim na umirap ako. " Opo."

"Just understand my point, Elli. Noon pa man ay kilala na tayo sa mundo ng pangangalakal, at dahil ipapasa ako na ito sa 'yo, sana naman ay huwag mong sisirain. Matunog ang pangalan natin, Elli. Isaksak mo 'yan sa utak mo."

Patuloy na gano'n ang eksena namin ni Papa sa pagdating ng mga sumunod na araw. He would always tell me how to act in front of his business colleagues. Be presentable, intimidating, powerful and perfect. The things I need to do and remember.

Umuuwi ako sa bahay ng sobrang late at pagod na pagod. Hindi ako pwedeng umuwi hanggat hindi natatapos ang bagay na ipinapatapos ni Papa. That became my routine for two weeks. I barely had time to eat and take care of myself. Puro trabaho nalang ang nasa isip ko, dagdag na rin ang pagiging strikto ni Papa sa kagustuhan nitong maging isa akong perpektong anak na gusto niya.

"Elton, let your daughter rest. Masyado mo na siyang pine-pressure."

Umalingawngaw sa pandinig ko ang malamyos na boses ni Mama.

"I'm just making sure she'll have a bright future, Ella Lenonor," malamig na sambit ni Papa.

Nasa hapag kainan kaming tatlo at kumakain ng dinner. Halata ang pagod sa mukha ko. Wala rin akong gana at pinaglalaruan lang ang tinidor sa ibabaw ng plato.

"Elliana, finish your food and go to bed. Maaga ka pa bukas," ani Papa sa striktong boses.

I heaved a sigh and forced myself to eat. Gusto kong magdabog. Wala ng paramdam si Yvonne. Sobrang saa ng loob ko to the point na gusto ko nalang maiyak.

"I'm done. Aakyat na ako," paalam ko.

Pagpasok sa kwarto ay agad akong napaupo at napatakip sa bibig. Tumayo ako at halos mabuwal dahil sa sunod-sunod na hikbi at pagtulo ng luha galing sa mga mata ko. Patuloy akong humihikbi hanggang sa makaupo sa kama. Dahan-dahan ay humiga ako at inabot ang cellphone. Kahit hindi masyadong maaninag ay hinanap ko ang pangalan ni Yvonne sa messages. Nang matagpuan ito ay agad ko iyong pinindot at binalikan ang messages namin. Napapangiti nalang ako kasabay rin ng paghikbi habang binabasa ang kulitan namin.

I composed myself and cleared my throat. Mas lalo lang akong napaiyak nang aksidente ay nasagi ng kamay ko ang albums at ang mukha nito ang bumungad. I dialed Yelena's number and broke down in tears when she picked it up.

"Yel. Yel, miss na miss ko na siya."

Patuloy lang ang pagpunas ko sa luha na umaagos. Sumisinghot-singhot pa ako at hula ko ay mukha na akong dugyot sa kalagayan ko ngayon.

"I feel ghosted. Sana man lang tumawag siya saglit o 'di kaya ay nag-text 'di ba? E 'di sana hindi ako umiiyak ng ganito. Hindi naman mahirap gawin 'yon eh. Dumagdag pa si Papa. Pagod na nga ako kakasunod sa mga gusto niya tapos itong kapatid mo masyadong pa-miss? She's all I want, Yel. Please, pabalikin mo siya dito," I begged.

Hindi sumagot si Yelena sa kabilang linya. She's just listening to my rants, giving me the freedom to say whatever the damn I want.

"Mukha na akong dugyot ngayon, mugtong-mugto pa 'yong mga mata. Pasabi sa magaling mong kapatid na hihintayin ko pa rin siya. Huwag siya kamong magkakamaling iwanan ako kasi ip-post ko siya sa social media. Bye, Yel. Thank you for listening."

Tinapos ko 'yong tawag at itinabi ang cellphone. Mapait na napangiti ako saka pinikit ang mga mata. Kahit sa pagtulog ay siya pa rin ang huling taong iniisip ko. I miss your presence, love, please come back to me and let me hear those eight letters.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top