Prologue

Habang naglalakad ako kasama ang aking mga siga-sigang friends sa gilid ng kalsada ay tumitingin-tingin ako sa paligid.

Tinitignan ko ang mga pulis. Kung makita nila kami, lagot kami.

Dito lang ako nakaatensyon dahil ako ang leader at hindi ko alam kung saan na ako patungo sa aking pagtitingin-tingin kung saan.

Hindi ko alam na papunta na pala ako sa gitna ng kalsada sa katitingin sa kanila. Hays, naku, para na akong baliw sa sobrang katitingin.

Mabuti nalang ay agad akong hinila ng aking isang kasama dahil ayaw ko pang mamatay sa oras na iyon.

Matapos iyon ay nasundot ko din ang aking ngulangot at naging magaan ang aking pakiramdam.

Nang nakapunta na kami sa aming teritoryo ay nainis ako sa isa kong kasama dahil nakita kong parang siya na ang leader ng gang at napakaambisyoso.

Ang ginawa ko ay sinabi ko sa kanya na siya na ang papalit bilang leader at hindi na ako.

Agad naman niyang sinabi sa akin na siya pa raw palagi ang inuutusan kaya agad akong tumawa sa kanya.

Sinabi kong mabuti kung ganon at inuutusan siya.

Dahil doon ay nakita ko ang kanyang reaksiyon sa kanyang pangit na mukha na parang may ibinulong siyang "Edi-Wow!"

Hindi ko na pinansin pa at hinayaan ko nalang siya.

Matapos iyon ay tinanong ko ang isa pang kasama ko na ang pangalan ay Bukasit.

Tinanong ko sa kanya kung may lalaban pa sa aming grupo ng gang. Pero ang sinabi niya sa akin ay positibo dahil pana'y nababaklahan na raw sila sa amin.

Sinabi pa sa akin ni Bukasit na kami na ang pinakamalakas na grupo ng gang sa maingay na lungsod na iyon.

Doon ay nagpugay kami at isinigaw ang "Ngulangot" ng tatlong beses.

Dahil nga sa ingay namin ay agad kaming narinig ng matandang dalaga sa taas ng kanyang bahay.

Sumigaw siya at sinabing kainin na raw lang namin ang ngulangot namin para tumigil na kami.

Dahil dito ay humingi kami ng paumanhin sa magagaliting matandang dalagang iyon at kami ay pumunta sa ikalawang teritoryo namin para hindi na na siya magambala.

Noong nakapunta na kami roon ay ipinagpatuloy namin ang aming kasiyahan.

Isinigaw namin ang pangalan ng aming grupo.

Ipinagpatuloy namin hanggang sa inutusan ko si Bukasit na bumili ng Lemon Juice at Biscuit.

Sinabi kong "bumili ka ng Lemon Juice at Biscuit pangit."

Pangit kasi ang palayaw niya at ako ang nagbigay sa kanyang iyon bago siya sumali sa grupo namin.

Noong nakabili na siya ay nagtimpla na ito agad ng Lemon Juice.

Agad niyang ibinigay ang maraming baso ng Lemon Juice sa aming mga kasama.

Ako palagi ang huli niyang binibigyan dahil iyon na ang kanyang nakasanayan tuwing kami ay nagkakasiyahan.

Ibinigay nga niya sa akin ang isang baso nito at dahil sa uhaw ko ay agad ko itong ininom.

Noong nainom ko na ay nakita ko ang creepy na mukha ni Bukasit.

Tinanong ko siya kung bakit parang naging parang antagonista na ang kanyang mukha.

Sinabi nito na masaya raw siya dahil sa kanilang kasiyahan.

Nakaramdam nga ako ng pagkahilo at bigla nalang akong napaluhod.

Dito ay nag-iba nanaman ang reaksyon ni Bukasit at tinawagan ang aking mga kasama para tulungan ako.

Sinabi nito na naatake raw ako eh binata pa lamang ako at ang taon ko palang ay 19 years old pero pwede na akong makulong.

Hindi nga sila naniwala kay Bukasit hanggang ako ay napahiga na lamang sa semento at may lumalabas na bula sa aking bibig.

Dito ay nagulat silang lahat at mabilis nila akong binuhat papuntang ospital.

Sa totoo lang, ang nasa isip ko nalang sa araw na iyon ay doon na magwawakas ang aking buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top