CHAPTER 3

CHAPTER THREE


"EKAW?!"

Gustong matawa ni Natalie sa hitsura at pagka-slang ng lalaking kaharap niya na ngayon ay namumula na ang mukha at katawan. Kung dahil ba sa sikat ng tirik na tirik na araw o sa alak na iniinom nito ay hindi niya alam.

Pinamaywangan niya ito at tinaasan ng isang kilay. "Saang lupalop ka ba galing at bakit ganyan ka magsalita?" tanong niya habang tinitingnan ang mga muscles sa katawan nito. May tattoo rin itong dragon sa gilid ng baywang pataas sa likod na bahagi ng katawan nito. Maangas, brusko at hambog ang lalaking kaharap pero guwapo. Walang duda iyon dahil na rin sa pinaghalong dugo na nananalaytay sa katawan nito.

"What? Ano sabi mo?" Dahan-dahan nitong binanggit ang bawat salita. Lumapit pa sa kanya na tila ba pinag-aaralan ang buong mukha niya. "Ekaw nga. Ekaw!" sabi nito na akala mo nakakita ng lumilipad na anghel sa personal dahil kuminang ang mga matang kakulay ng ulap at dagat—asul. He actually caught her attention because of his attractive blue eyes.

"Ekaw eyon, ekaw."

Kinagat ni Natalie ang magkabilang loob ng kanyang pisngi upang pigilang matawa. Bakit ba kasi pinipilit nitong magsalita ng Tagalog? Nakakatawa tuloy sa pandinig niya.

"Ano ba iyang sinasabi mo?" pagtataray niya uli at umupo sa kahoy na upuan sa tapat niya, saka pinagkrus ang dalawang binti. She was wearing a black two-piece bikini and big sunglasses pero nasa ulo lang niya iyon.

"Ekaw!" sabi nito pagkatapos sumimsim sa beer na hawak.

"IKAW!" pagtatama niya. "At hindi ikaw ang pangalan ko."

"Mey otang ka se 'ken."

Tuluyan nang lumabas ang isang hagalpak na tawa sa kanya pero agad niyang sinupil iyon. "How did that happen? Excuse me, baka nagkakamali ka lang, Sir—"

"Scott."

"Baka nagkakamali ka lang, Scott. I don't know you, so paano ako magkaka-otang sa 'yo?" panggagaya niya sa salita nito at inilibot ang paningin sa karagatan. Nahagip ng mga mata niya ang kaibigang si Amber at si Clarkson sa hanggang baywang na tubig ng dagat at magkayakap. Tumaas ang sulok ng mga labi niya sa magandang pangitaing iyon at ibinalik ang tingin sa mestisong kausap.

"Pay your debt, Miss. You made a scene in my bar," saad nito na nakatingin lang sa kanya.

Pilit na inisip ni Natalie kung saan ba niya unang nakita ang lalaking ito dahil pamilyar sa kanya. Inilagay niya ang mga daliri sa ibabaw ng mesa at iginalaw iyon na tila ba nagta-type sa keyboard habang pinipiga ang utak, iniisip kung saan unang nasilayan ang mukha ng kaharap. Muli niya itong tiningnan at napamura nang mahina nang mapagsino ito.

Scott Murphy, the film director based in Paris. Damn you, Natalie! How come you forgot about him?!

He lifted his eyebrows and spread his arms, showing his eight-pack abs to her. Sanay na siyang makakita ng ganitong katawan ng mga lalaki dahil halos lahat ng kilala niya ay may mga abs, pati nga ang kaibigan niyang si Carlie ay mayroon din. But this man was different, lalong lumakas ang dating at angas nito dahil sa tattoo nito. Well, may tattoo rin siya pero sa tagong parte ng katawan niya nakatatak iyon.

"Remember me, baby?" he asked and flashed a naughty smile.

Never niyang sasabihin kung bakit ito pamilyar sa kanya. Sila lang ni Carlie ang nakakaalam ng bagay na iyon. "Hindi kita naaalala! Umalis ka na sa harap ko!" taboy niya rito.

"Pay your debt."

Tinapunan niya ito ng malamig na tingin na madalas niyang gawin upang matakot ang mga nakakausap.

"I know you remember me. The man you used to make your plan successful," nakangiting wika nito na tila ba hindi tinablan ng nakamamatay niyang tingin.

"I don't remember anything."

"Oh, come on. Throwing a cold water to one of my women wasn't a good memory, how come you don't remember that night? I still remember your face."

Pinigilan ni Natalie na kontrolin ang sarili upang hindi manlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Scott. Naaalala na niya! Ito rin 'yong lalaking ginamit niya para buhusan ng tubig at alak ang babaeng sumira ng gabi niya ilang buwan na ang nakalipas.

"So what? Ilang buwan na ang nakalipas, bakit parang sariwang-sariwa pa rin sa isip mo ang bagay na 'yon? Am I too beautiful for my own good para hindi mo malimutan ang mukha ko?" sarkastikong wika niya at ininom ang iced tea na inilapag sa mesa niya kanina lang ng isa sa mga tauhan sa resort. Kung hindi nito naiintindihan ang sinabi niya ay wala siyang pakialam. Hindi na niya uulitin iyon kapag nag-what na naman ito sa kanya.

Imbes na sa mukha niya ito tumingin ay sa dibdib niya naglakbay ang mga mata nito pababa sa tiyan niya hanggang sa mga binti at ibinalik muli ang tingin sa kanyang mukha. Nanlilisik ang mata niya dahil mukha itong rapist sa paningin niya. Kaunti na lang ay tatamaan na talaga ito sa kanya.

"I like your body and I'm sure that my warm palms would fit to your thirty-six cup— Ouch, hey!" reklamo ni Scott habang patalon-talon hawak ang isang binting sinipa niya dahil sa kabastusan nito.

Paano nalaman ng lalaking ito ang sukat ng dibdib niya sa isang tingin lang?

Muli niyang inayos ang upo at nagpalinga-linga uli. Tatayo na sana siya nang makitang buhat-buhat ni Clarkson si Amber papasok sa rest house kaya lang ay naunahan siyang maglakad ni Scott palapit sa direksiyon ng dalawa.

"Newlyweds, eh?" sabi nito.

Hindi naman malayo ang pagitan nila kaya dinig niya ang sinabi nito. Nakita niya tuloy nang buo ang dragon na tattoo nito sa likod. Para sa kanya, ang lakas ng dating ng tattoo na iyon ni Scott pero ito ay walang kadating-dating sa kanya.

"Maghanap ka rin ng bride mo para hindi ka naiinggit!" sigaw niya dahil gusto niya lang itong asarin.

Lumingon ito sa gawi niya. "Shut up or I will kiss you in front of many people," banta nito.

Hindi naman siya nasisindak sa kahit anong banta na natatanggap niya dahil siya mismo ang madalas manakot at manindak. Hindi siya natatakot sa sariling multo.

Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi siya papayag na mahalikan nito kahit sa pisngi. Never. Hindi na siya nagsalita dahil tumingin sa gawi niya ang mga nakarinig ng sinabi ni Scott. As her defense mechanism, she stared at them, 'yong nakakatakot na tingin niya na madalas niyang ginagawa. At wala pang isang segundo ay wala na sa kanya ang mga mata ng mga taong 'yon.

Naglakad si Natalie palabas para maglibot lang dahil hindi niya trip maligo dahil sobrang tirik ng araw. Naglakad-lakad pa siya hanggang sa makakita siya ng henna tattoo booth kaya naman doon siya dinala ng mga paa.

Umupo siya sa isang bakanteng upuan nang makapili na ng gustong design.

"The baby dragon," sagot niya sa lalaking nakaitim na T-shirt at puro pierce ang tainga. Sa sobrang daming designs, iyong dragon pa ang natipuhan niya. "To my ankle." At bahagyang inangat ang kanang paa.

Hindi niya pinansin ang mestisong naka-topless na tumabi sa katabing upuan niya.

"I like the baby dragon too," sabi ni Scott nang lapitan din ito ng isa pang lalaking nakaitim. Maraming artists sa shop kaya kahit marami ang customers ay nabibigyan ng magandang accommodation.

Nakaarko ang kilay ni Natalie nang tingnan ito. "Wala ka na bang ibang mapili na designs? Huwag kang manggaya."

"I like dragons, isn't that obvious?" Itinaas nito ang isang braso para ipakita sa kanya ang tattoo nito. Hindi niya pinansin iyon dahil kabisado na niya sa utak ang dragon na tattoo na iyon.

Nag-angat siya ng tingin dahil parang kanina pa may mga nagbubulungan at may mga matang nakatingin sa gawi niya—mali, gawi pala ng katabi niya. Pinaikot niya ang mga mata nang makita si Scott na panay bigay ng makalaglag-panty na ngiti sa mga babae sa loob ng booth. Kahit tuloy hindi magpapa-henna tattoo ay napapapili ng designs para lang matitigan nang matagal ang katabi niya.

Ilang minuto pa ay natapos na ang paglalagay sa kanya ng tattoo. Tumayo siya para magbayad nang maalalang wala naman siyang dalang pera.

Nilapitan niya ang lalaking nag-tattoo sa kanya. "Siya ang magbabayad ng sa 'kin," turo niya kay Scott na walang kaalam-alam.

"Okay po, Madam. Sabihin na lang namin kay Sir."

Tumango si Natalie at naglakad na palabas, sabay huminto sa kababaihang nag-uumpukan na nakatingin kay Scott. "I heard he's gay," bulong niya sa mga ito.

Natawa siya sa isip dahil biglang nagsialis ang mga babae kasabay niya.

Sa kitchen ng tinutuluyan dumeretso si Natalie pagkagaling sa henna tattoo booth para kumuha ng maiinom.

"Natalie," tawag sa kanya ni Axer na nasa mesa.

Isinara niya ang ref at hinarap ito. "Yes?" sabi niya at tinungga ang Coke in can na nakuha.

"Hmm, I need to stay here until tomorrow. Is it okay with you kung kay Scott ka sasabay pauwi?"

"Where's Elisse?"

"Umuwi na with Mandy and our other friends."

"How about Amber?" tanong niya uli at muling sumimsim sa inumin na hawak.

Tumingin ito sa ikalawang palapag ng bahay. Nandoon ang mga kuwarto. At bumalik ang tingin sa kanya. "In Clarkson's room."

Napaubo siya sa narinig. "Ano'ng ginagawa niya roon?" patay-malisya niyang tanong kahit nakita niya na karga ni Clarkson si Amber. Hindi lang niya alam na sa kuwarto pala ng lalaki dinala ang kaibigan niya.

"Oh, come on. Don't play innocent, Natalie." A sly smile appeared on Axer's lips.

Kung tama ang hinala niya at ang hinala ng kaharap, pabor sa part niya 'yon. Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya. "Siguro natutulog dahil napagod."

"Yes, I think so," pilosopong sabi nito.

"Anyway, magko-commute na lang ako pau—"

"As if I would let you do that."

Lumipad ang tingin ni Natalie sa lalaking kadarating lang na nasa pintuan ng kusina at bahagyang naglakad palapit sa kanya.

"And I just want to prove to you that I am not gay." Mabilis nitong hinapit ang baywang niya at hinalikan siya sa mga labi. Mabilis din ang naging reflex ng katawan niya kaya as a counterattack ay malakas niya itong siniko sa tiyan kahit mukha siyang naniko ng pader dahil sa tigas n'on.

Tatlong palakpak mula kay Axer ang natanggap nila. "You're the man!" Ngumisi ito kay Scott at nakipag-fist bump pa.

Ang sama-sama ng loob ni Natalie dahil isang hangal ang kumuha ng first kiss niya. Nilapitan niya ito at sinikmuraan. Ayaw talaga niyang nagagalit siya dahil talagang may masasaktan, pisikal.

"Damn!" mura ni Scott na sapo-sapo ang tiyan.

Naglakad siya palabas ng kusina at huminto sa gilid ni Axer. Mukhang alam na nito ang gagawin niya kaya mabilis itong nakalayo sa kanya. Parang gusto nang sirain ng mga paa niya ang sahig dahil sa sobrang galit.

"Baby dragon!" sigaw ni Scott.

Bago niya maihakbang ang isang paa sa unang baitang ng hagdan ay nilingon niya ito gamit ang nag-aapoy na mga mata at malakas na ibinato rito ang hawak niyang Coke in can na may kaunti pang laman. Kung hindi nakaiwas si Axer ay tatamaan ito dahil palabas na rin ito ng kusina.

At dahil mukhang minamalas siya ngayon, mabilis ding naiwasan ni Scott ang lata.

Magkasalubong ang dalawang kilay nang pumasok si Natalie sa silid at ayusin ang mga gamit niya. Nagsuot lang siya ng blouse at jeans, saka isinukbit ang hindi kalakihang bag na dala niya at lumabas na ng bahay. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid, baka kasi makita siya ni Scott. Nang masiguro na clear ang daraanan ay mabilis siyang naglakad na parang isang magnanakaw patungo sa bandang likod ng kabahayan. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa. She dialed her friend's number.

"Hello? Where are you?"

"Somewhere. Why?" sagot ni Carlie.

"Nasa resort ako nina Axer. Wala akong sasakyan."

"Pumunta ka sa bayan. I'll be there." And the line was cut off.

Papara na sana siya ng trycicle nang mahagip ng mga mata niya si Axer sa likod-bahay. May kausap itong babae.

Hillary? Nakita niya si Hillary noong unang araw nila sa resort. Hindi nga siya makapaniwala na ang nawawalang anak ng isang senador ay matatagpuan niya sa isla. May number na rin siya ng babae dahil kinaibigan niya agad ito.

Sa hitsura nito ay para nang sasakmalin si Axer. Pinalo ni Hillary ng manipis na sanga ang braso ng lalaki kaya ito napaigik. Pinigil niyang huwag matawa sa nakita.

"Bagay sila," usal niya at pumara na ng trycicle. "Sa bayan ho," sabi niya sa driver.

Isinuot ni Natalie ang black cap at sunglasses para maiwasan ang mga alikabok sa daan habang bumibiyahe. Ilang minuto lang ay ibinaba na siya nito malapit pa talaga sa presinto. Naglakad siya pakanan kaya lang ay umatras din siya nang makita ang lalaking naka-black leather jacket. May kasama itong dalawang nakaunipormeng pulis na nakisindi pa ng sigarilyo rito. Nagpaalam ito sa dalawa nang makita siya. Mukhang zombie si Carlie sa paningin niya ngayon.

"Mukha kang zombie, ang pangit mo."

"May tinapos kasi akong business."

Marami itong negosyo pero alam niya kung ano ang main business na sinasabi nito dahil minsan na siyang naisama ng kaibigan sa trabaho nito. Nagpapasalamat siya sa ibinibigay nitong tiwala sa kanya. Kung malihim siya, mas malihim ito sa kanya at naiintindihan niya naman kung bakit.

Tangkang aagawin sa kamay ni Carlie ang susi ng sasakyan na may key chain na maliit na black sports car pero hindi siya nagtagumpay. Kung sa iba niya inagaw ang susi ay baka hawak-hawak niya na 'yon. Kaya lang ay nakalimutan niyang mas mabilis kumilos si Carlie kaysa sa kanya.

"Ako ang magda-drive. At isa pa, may sasabihin pala ako sa 'yong importanteng bagay," wika nito na pinaglalaruan ang susi habang naglalakad papunta sa sasakyan.

Siya naman ay binuksan ang passenger seat, saka isinara ang pinto n'on.

"So nakausap mo na pala si Murphy?" Sinulyapan siya nito at ngumisi. "The hottest dragon in the country."

Hindi niya ito pinansin, bagkus ay kinuha ang lighter at sigarilyo sa dashboard ng sasakyan. Binuksan niya ang bintana bago nagsindi.

"Seems like you don't want to talk about him."

"It's none of your business." At binuga niya ang sigarilyo sa harap nito. Pero imbes na maasar ay pagak lang itong tumawa na tila ba natutuwa pa sa ginawa niya.

May kinuha si Carlie na folder sa tabi nito at hinagis sa kanya. Agad niya namang nasalo iyon. He then started the engine after and drove away.

"Huwag mong itanong sa akin kung ano 'yan. Basahin mo," utos nito.

Hinampas niya rito ang folder. "Huwag mo akong mautos-utusan, Carlie."

"Sorry, baby dragon."

"What?" inosenteng tanong niya. "Stop playing with me." Napakapit siya sa bintana at agad na isinuot ang seat belt dahil bumilis ang pagmamaneho nito. "Gusto ko pang mabuhay. Kung gusto mo, mauna ka na sa langit," sita niya rito. Hindi niya na mabilang kung ilang sasakyan na ang nalampasan nila.

Bumagal lang ang takbo ni Carlie nang wala na sila sa expressway. Ilang oras nila dapat binagtas iyon pero pakiramdam niya, wala pang isang oras ay nabaybay na nila ang kahabaan ng kalsadang iyon. Naibuga niya ang hangin na kanina pa naipon sa dibdib. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa pagmamaneho ni Carlie pero hindi niya maiwasang nerbiyusin. Dahil hindi naman nila masasabi kung kailan mangyayari ang aksidente. Kaya kahit hindi pa tuloy ubos ang sigarilyo niya ay naitapon niya agad iyon.

"Read," utos uli nito.

Kinuha ni Natalie ang folder at kasabay ng pagbuklat niya n'on ay ang pagsara ng mga bintana ng sasakyan. Pinigilan niyang huwag mapasinghap sa nakita. Well, sanay lang siyang kontrolin ang anumang emosyon na gustong lumabas sa mukha niya.

Isang litrato lang ng tao ang naroon na sobrang pamilyar na sa kanya.

"Bakit siya?" tanong niya sa sarili at kay Carlie.

"Take it or leave it?" Imbes na sagutin ay pinapili pa siya nito.

She smiled wickedly. "I'll take it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top