CHAPTER 18
CHAPTER EIGHTEEN
IYON na yata ang hinihintay ni Natalie na tamang oras, tamang pagkakataon at panahon.
Narinig nila mula sa inookupa niyang silid sa ospital ang matinis na tili mula sa emergency room. Naroon silang dalawa ni Steven dahil may mahalaga silang pinag-uusapan.
Tumayo si Steven upang silipin kung sino ba iyon. Mabilis na isinara nito ang pinto at sumandal doon.
Nag-angat siya ng tingin mula sa kanyang cell phone at kinunutan ito ng noo. "Bakit namumutla ka?" tanong niya. Pinagpapawisan din ito at parang napako sa kinatatayuan.
"Nandito si Elisse."
"Manganganak na siya?" Tumayo si Natalie at sisilip sana sa pinto nang harangan siya ni Steven. "Kailangan ko na siyang paanakin, baka magising lahat ng pasyente na natutulog dito sa sobrang lakas ng boses nilang magkapatid." Naririnig din niya kasi si Axer na tinatakot ang mga nurse na naroon.
"Ako na lang."
"Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan? Bilis." Ipinagtulakan niya ito palabas. "Turn left. Nandoon ang delivery room," pahabol na sabi niya at saktong may dumaan na isang nurse. "Dalhin n'yo na sa delivery room 'yong babae na panay ang sigaw."
"Pero, Doktora, wala pong—"
"Ako na ang magpapaanak sa kanya," pagsisinungaling niya. Agad namang tumango ang nurse at umalis na.
Bumalik si Natalie sa inuupuan at inayos ang mga gamit na naroon pero mayamaya lang din ay aalis siya kapag natapos na niya ang kanyang plano.
Kinuha niya ang cell phone. She dialed Paul's number.
"Puwede mo nang bisitahin si Hillary. I will send you the address."
"That's great. I can't wait for that."
"May pinag-usapan tayo. Sana tumupad ka."
"Of course."
"Don't touch her," bilin niya uli.
"Hindi puwede. I want to hug her."
"Bahala ka. Basta ang usapan ay usapan. Galingan mo sa pagpapanggap na may nangyari sa inyo. Huwag kang umalis ng bahay niya hangga't hindi kayo nakikita ni Axer," mahabang paalala niya.
"Walang problema. Makakaasa ka. I respect her too much and I swear, I won't do anything stupid."
"That's good then," she said and ended the line.
Tumayo siya mula sa inuupuan nang makarinig na naman ng malakas na sigaw ng babae. Mahirap talagang manganak, lalo kapag nagle-labor na. Isang sakripisyo talaga iyon. Nakalagay nga raw sa hukay ang isang paa ng babae kapag manganganak na ito.
Mas gusto pa niyang tamaan ng bala ng baril kaysa manganak. Kaya siguro hindi rin pumapasok sa isip niya ang magka-baby. Mahirap na. Hindi madali ang trabaho niya at ni isa sa mahal niya sa buhay ay ayaw niyang mapahamak nang dahil lang sa kanya.
Kinuha ni Natalie ang shoulder bag at lumabas na ng kanyang opisina. Tatalikod na sana siya dahil sa likuran niya balak dumaan nang mahagip ng mga mata niya sina Axer at Hillary na magkasama. Malaki ang ipinagbago ng aura ng mukha ng babae, blooming na ito though hindi rin palangiti. Habang si Axer naman ay mas lalong nangingislap ang mga mata habang nakatingin kay Hillary.
Napailing na lang siya, saka tuluyan nang naglakad.
NAKAHINGA si Natalie nang maluwag nang lumayo sa kanya si Scott. Ang higpit-higpit kasi ng pagkakayakap nito sa kanya. Nakabalik na sila sa kanya-kanya nilang buhay. Nanganak na rin si Elisse, baby girl iyon. Si Amber naman, ilang buwan na lang ay manganganak na rin.
Nasa bar silang dalawa ngayon ni Scott at kanina pa siya naaasiwa dahil panay ang yapos sa kanya ng lalaki. Hindi tuloy maiwasan na pagtinginan sila.
"I'm going to leave soon," he said and drank his beer.
Biglang may kung anong sumikdo sa dibdib niya nang malaman na aalis ito. Hindi niya na lang pinansin iyon at baka dala lang ng nainom niya.
"Saan ka naman pupunta?" pormal na tanong niya.
"Going back to Paris." And he shrugged na para bang wala lang dito ang paglabas ng bansa samantalang ang mga ugat niya sa katawan ay nag-uumpisa nang magkagulo.
May parte ng pagkatao niya na ayaw itong paalisin, na para bang ayaw niyang mawalay rito.
"Ano ang gagawin mo ro'n? Ilang araw kang mawawala? Kailan ka babalik?" sunod-sunod na tanong niya na mahina nitong ikinatawa. "What's funny?" Nakaarko ang isa niyang kilay habang pinagmamasdan ang asul na mga mata ni Scott na tila ba namamangha na naman sa kanya.
Ano ba ang nakakatawa sa tanong niya?
"Babalik ako kapag na-miss mo na ako."
Malakas siyang napasinghap. "Hindi kita mami-miss!" Pero hindi iyon ang isinisigaw ng puso niya. Nagtatalo na naman ang puso't isipan niya at ayaw niya ng ganoong klaseng laban. Baka matalo ng mahina niyang puso ang wais niyang pag-iisip.
"Kailan ang flight mo?" muli ay tanong niya.
"Tomorrow night."
Napaupo siya nang tuwid. Ang bilis naman yatang magdesisyon ng isang ito, hindi man lang sinabi sa kanya agad!
"Ihahatid kita."
"No."
"Bakit? May maghahatid na ba sa 'yo?"
"Wala pa, but I—"
"Okay, ihahatid kita."
"Wife." Halata sa boses ni Scott ang hindi pagsang-ayon pero gusto niya itong ihatid. Baka may iba pang maghatid dito.
"May babae ka siguro," sabi niya, saka inubos ang alak na nasa bote. "Okay, sa kanya ka na lang magpahatid," pinal na sagot niya at tumayo na sa inuupuan.
Nag-init ang ulo niya bigla. Pati ang katawan niya ay nag-iinit na rin dahil sa alak na nainom nila.
Maagap siyang nahawakan ni Scott nang akmang maglalakad na siya palayo at iniharap dito. "Wala akong iba. Wala akong babae." Tila nagsusumamo ang asul na mga mata nito. Mapula na rin ang mukha nito dahil sa alak.
"I want to be with you tonight, please?"
Napalunok si Natalie at bahagyang ipinilig pa ang ulo.
"Wife?" untag nito sa kanya. Nakahawak ito sa magkabilang balikat niya.
Lasing na siya kaya naman tumango-tango na lang siya. Masyado siyang speechless nang makita ang nangungusap nitong mga mata at hindi niya kayang tanggihan ang ganoong uring tingin. Nakakatunaw, nasisira ang pader na itinayo niya; nababaklas na nang paunti-unti dahil sa lalaking ito.
Dinala siya ni Scott sa condo unit nito. Nang makapasok sila ay inihiga siya nito sa malambot na kama. Ito rin ang nagtanggal ng sapatos niya. Hindi naman siya sobrang lasing na lasing pero feeling niya, ang hina-hina niya. Medyo nahihilo rin siya pero gising na gising pa ang diwa niya kaya naman naramdaman niya ang pagtanggal nito ng mga damit niya. Ipinikit niya lang ang mga mata at dinama ang mga daliri nito na dumadampi sa mainit niyang balat. Alam na niya ang mangyayari pero hinahayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin.
"Scott," tawag niya sa pangalan nito nang bumaba ang mga labi nito sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Hindi niya kaya ang sensasyon, mahina ang kanyang katawan ngayon. Baka mahimatay na lang siya bigla kapag ipinagpatuloy nito ang pagpapaligaya sa kanya.
"Give me five minutes, wife." Tumawad pa ito samantalang siya ay napapaangat na ang katawan. Ang bilis kasi ng bawat galaw nito, nabibigla siya.
"Scott!" malakas na sigaw niya sa pangalan nito at halos ipitin niya ang ulo nito na nasa pagitan ng kanyang mga hita. "Hindi ko na kaya..." mahinang sambit niya habang pinipigilan ang paggalaw ng ulo nito.
Ngayon lang siya sumuko. Tuwing gumagawa kasi sila ng milagro ay lagi siyang maraming energy. Alam niya na nga yata halos lahat ng posisyon dahil magaling ang tutor nya. Magaling magturo si Scott.
"Please!" pakiusap niya nang bumilis ang galaw ng dila nito roon. Mahina pa siyang napamura at napaliyad nang may lumabas sa kanya.
"Alis..." utos niya kay Scott. "Alis sabi."
Naiinis na siya dahil hindi siya nito sinusunod. Sinasadya rin nitong iparinig sa kanya ang pagsipsip nito sa lumabas sa kanya. At hindi siya nagpapahalik kay Scott kapag ganoon. Pinagtu-toothbrush niya muna ito bago makahalik sa kanya. Naaasiwa kasi siya.
Pinalo pa niya ito sa braso nang magkapantay na ang mukha nila. Nakangiti lang ito na tila ba inaasar siya. Isiniksik nito ang ulo sa kanyang leeg.
"I like you, Natalie."
Mahina lang iyon pero narinig niya.
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Para siyang teenager, feeling niya ay kinikilig siya. It was not her! It was not really her! Never siyang nakaramdam ng kilig, ngayon lang.
Bigla na lang nag-init ang magkabila niyang pisngi nang paulit-ulit nitong sabihin iyon.
"Gusto kita."
"Alam ko," mahina niyang sabi.
Nag-angat si Scott ng tingin sa kanya. "Sinasagot mo na ako?" May himig ng saya sa boses nito.
Hindi niya alam kung dahil lang ba sa alak o sa kilig, basta tumango na lang siya bilang tugon.
Umalis ito sa ibabaw niya. "Are you for real?"
"Yes?" Tila hindi siya sigurado pero ang puso't isip ay sigurado. Sinasagot na nga niya si Scott, though hindi naman talaga ito nagsabi na manliligaw sa kanya.
"Sinasagot mo na ako?"
"Hindi na pala. Ang kulit mo kasi, paulit-ulit ka," sabi niya, pero biro lang 'yon, at tumalikod dito ng higa.
"Girlfriend na kita." Yumakap ito mula sa likuran niya at hinalik-halikan ang batok niya.
Hindi na niya pinigilang mapangiti. Paminsan-minsan ay maganda rin pala na nabibigyan mo ng oras ang sarili mo. Ang tagal niya na kasing naka-focus sa iba't ibang bagay at hindi niya na nabibigyang pansin ang sariling kaligayahan.
INALIS ni Natalie ang mabigat na bagay na dumadagan sa katawan niya. Braso iyon ni Scott na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya lang ito sandali at bumangon na. Alas-nuwebe na ng umaga kaya pala magaan ang pakidamdam niya. Medyo napahaba ang tulog nila kagabi at hindi siya inistorbo ni Scott.
Nagpunta siya sa kusina at naghanap ng puwedeng lutuin. Tiyak na hihingi ng pagkain ang boyfriend niya kapag nagising iyon.
Boyfriend, in a relationship na sila. Sana lang ay huwag niyang pagsisihan ang naging desisyon.
First boyfriend niya si Scott at siguro ito rin ang magiging first heartbreak niya. Ihahanda na lang niya ang sarili sa bagay na 'yon. Marami na siyang sakit na napagdaanan, gasino na lang ba ang sakit na dahil sa pag-ibig? Kakayanin niya lahat ng sakit na maaaring idulot ni Scott sa kanya, katulad kung paano niya nalagpasan ang masasakit niyang nakaraan.
Narinig ni Natalie ang pagbukas ng pinto pati na rin ang mga yabag palapit sa kanya. Napaigtad siya nang ipasok ni Scott ang kamay sa ilalim ng roba na suot niya. Hinahaplos ang baywang at tiyan niya.
"Good morning, wife." Nakatingin lang ito sa niluluto niya habang patuloy sa ginagawa. Hanggang sa umabot ang kamay nito sa dibdib niya at minasahe 'yon.
"Scott." She was using her warning tone. Ang aga-aga, ang wild ng kasama niya. Palibhasa walang nangyari sa kanila buong gabi kundi ang pagpapaligaya lang nito sa pagkababae niya. Dinatnan kasi sila pareho ng antok matapos niya itong sagutin.
Pinatay ni Natalie ang apoy at hinarap ito na sana ay hindi na lang dahil siniil siya nito ng halik. Agad iyong tinugon ng katawan niya. Naramdaman din niya ang pagkakalaki nito sa bandang tiyan niya kaya naman hanggang maaga pa at hindi pa galit na galit ang alaga nito ay siya na ang pumutol ng halik.
"Wife..." he groaned. Halata sa boses nito na nabitin.
"Huwag ako ang gawin mong almusal," wika niya na nag-umpisa nang maghain.
Napilitan tuloy umupo si Scott at naghintay sa ihahain niya. Dati, ayaw na ayaw niyang pagsilbihan ito. Hanggang sa nasanay na lang siya dahil matagal silang nanirahan sa iisang bahay.
"Ikaw na lang ang gagawin kong tanghalian at hapunan." And he winked at her.
Parang nabuhay naman ang dugo niya nang marinig ang husky voice na iyon. Halata kasi na inaakit siya nito.
"Are you trying to seduce me?"
"Halata ba, wife?" He smiled evilly.
Isinubo niya rito ang cheesedog para mawala ang ngiting iyon. Kahit kailan talaga, napaka ng lalaking ito.
Matapos kumain ay bumalik si Natalie sa silid. Si Scott naman ay pinaghugas niya ng pinagkainan nila.
May gagawin sana siya ngayong araw, kaya lang ay ipinagpaliban niya muna iyon sa kagustushang makasama ang lalaki. Saka na lang niya gagawin ang mga dapat gawin kapag nakaalis na ito. Ilang beses na rin siyang inaya ni Mandy na lumabas pero tinatanggihan niya ang kaibigan.
Movie marathon, food trip and make love ang ginawa nila ni Scott buong maghapon. Para bang sinusulit nila ang mga oras na magkasama pa sila. Ang weird lang kasi kung kailan official na silang mag-boyfriend-girlfriend ay saka naman siya lalayasan ni Scott.
Hanggang sa dumating na ang araw ng pag-alis ni Scott.
"Ano ba kasi ang gagawin mo ro'n?"
"I need to fix something, a very important thing. Don't worry, sweetie, babalik din ako agad, babalikan ko ang girlfriend ko." He emphasized the word "girlfriend."
Tumingin si Natalie sa bintana ng sasakyan para hindi nito makita ang ano mang emosyon na gustong kumawala mula sa kanya. Ayaw kasi niyang aminin na kinikilig siya. Hindi siya si Natalie kapag ganoon.
"Iba na naman ang endearment mo sa 'kin."
Hindi naman sa nagrereklamo siya, gusto niya kasi, isang tawagan lang. Hindi siya nagde-demand, basta gusto niya, isang endearment lang. Para itong si Mandy, kung ano-ano ang tawag sa kanila.
"Ano ba'ng gusto mong itawag ko sa 'yo?"
Actually, "love" ang natitipuhan niya. Maganda ang salitang iyon sa pandinig niya pero never niyang aaminin dito ang bagay na 'yon.
"Baby?" Tila pinapapili siya nito.
She looked at him in disgust. It means ayaw niya at mukhang na-gets naman agad ni Scott iyon dahil bahagya itong natawa.
"Sweetheart?"
Nanatili siyang naka-poker face. Tawag ni Axer iyon kay Hillary. Ayaw niya ng may kapareho.
"Darling? Cutiepie? Honey?"
"Ayoko."
"Wife?" Sinulyapan siya nito nang nakangisi.
Umingos lang siya.
"Love na lang." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Okay," tipid na sabi niya pero deep inside ay natutuwa siya. Love nga kasi ang gusto niya.
Hindi na hinintay ni Natalie si Scott na makaikot para lang pagbuksan siya. Alam niyang gentleman ito kaya hindi na nito kailangan pang ipagduldulan iyon sa kanya. Kinuha na lang nito ang isang maleta sa compartment ng sasakyan, saka umakbay sa kanya at naglakad papasok sa entrance ng airport.
"Sabihan mo ako kapag pauwi ka na."
"Yes, love." Humalik ito sa ulo niya habang siya ay ikinawit ang isang braso sa baywang nito.
Hindi ba nakikita ng mga babae na taken na ang kasama niya? Nakaakbay na nga ito sa kanya pero panay sulyap pa rin ang kababaihan dito. Nagwawala ang mga kung ano niya sa katawan sa sobrang inis.
Ang sarap dukutin ng mga mata.
"You're so cute," he said.
Ayaw niyang may tumitingin kay Scott kaya naman hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa ulo nito.
"What's with this, love?" Napahinto ito at tumingin sa kanya habang hawak ang jacket. 'Yong tingin na inaanalisa kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Bakas sa mukha niya ang inis. Magkasalubong din ang mga kilay niya.
"They are all staring at you." Baka may masama silang binabalak, baka kunin ka nila sa akin!
"It's normal, what's the problem?"
"Anong normal?!" sabi niya. "Normal ba na titigan ka na parang gusto ka nilang iuwi sa bahay nila at—"
Halik. Halik na naman ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Parang slow motion ang nangyayari. Naghahalikan sila sa harap ng maraming tao pero feeling niya, silang dalawa lang ni Scott ang naroon. The kiss was passionate, damang-dama niya ang mabagal at tantiyadong galaw ng mga labi nito.
Lihim niyang kinagat ang ibabang labi nang pakawalan nito 'yon. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Hindi niya kayang kontrolin ang emosyon tuwing ang lalaking ito ang kasama. Mabuti na nga sigurong umalis muna ito sa buhay niya pansamantala baka sakaling maibalik niya ang dating siya noong hindi pa niya ito nakikilala.
Hinawakan ni Scott ang baba niya at inangat iyon para magtama ang mga mata nila. Pinatatag niya ang kalooban at muling ibinalik ang pagka-poker face.
"I don't care to those women who are looking at me." He took a deep breath. "Sa 'yo lang ako may pakialam, ikaw lang ang gusto kong makita. Kung papipiliin man ako kung sino ang gusto kong makasama..." He paused and stared at her lovingly. "Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, Natalie, wala nang iba."
Parang timang na tumango-tango siya sa mga sinabi nito. Magaling si Scott pagdating sa pagpapagaan ng loob niya at pagpapakalma sa sistema niya.
Ngumiti ito sa kanya. "So... stop giving them your death glare."
Inihilig niya ang mukha sa malapad nitong dibdib. Inilibot niya ang mga mata. Ang dami palang tao at parang nakakahiya 'yong ginawa niya pero wala siyang pakialam.
"Have a safe trip," sabi niya nang humiwalay rito. Hindi naman kasi siya puwedeng pumasok sa mismong loob ng airport.
Tinapik niya ito sa balikat. Para kasing nagbago pa ang isip nito na huwag na lang umalis.
Mahina siyang natawa nang hindi ito umaalis sa harap niya. "Gusto mong itulak kita papasok?"
"No need, love," tatawa-tawa rin nitong sabi. "Turn around."
"Ha?"
"Turn around and don't look back."
"Bakit?"
"I don't want to leave you but I need to." Marahan din siya nitong tinapik sa balikat. "Turn around, love."
Nagkibit-balikat lang si Natalie pero tumalikod na rin. Ayaw rin niyang makita na naglalakad ito palayo sa kanya.
"Don't look back," paalala uli ni Scott. "In the count of three, sabay tayong maglalakad palayo."
"Copy!"
"One..."
Para silang tanga. Ayaw man nilang maghiwalay, wala silang magagawa. Isa pa, ayaw niyang pakialaman ang desisyon ni Scott, kasi ayaw rin niyang pakialaman nito ang anumang desisyon na gagawin niya.
"Two..."
Her turn.
"Three!" sabay nilang banggit.
Inihakbang ni Natalie ang paa paabante at kahit nakatalikod siya kay Scott ay ramdam niyang ganoon din ang ginawa nito.
Don't look back! sigaw niya sa utak. Baka kasi pigilan na lang niya ito bigla kapag nakitang naglalakad palayo sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top