CHAPTER 9
CHAPTER NINE
NAPAPIKIT si Hillary nang humampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Nakaupo siya sa hindi kahabaang wooden chair malapit sa dalampasigan. Hinahangin din ang white summer dress na suot niya pati na rin ang nakalugay niyang buhok.
Sana pati 'yong iniisip niya ay hanginin na rin.
Napatingala siya sa nagdidilim nang kalangitan. Alam niyang ilang minuto na lang ay papatak na ang ulan at gusto niyang marinig ang bawat patak n'on.
Inilibot niya ang paningin sa kabuan ng isla at nahagip ng mga mata niya ang isang babae na nakaupo rin sa kaparehong upuan na inuupuan niya, sa tapat ng rest house ni Axer.
Kumurap siya ng isa o dalawang beses para masiguro kung tama ba ang nakikita niya. Naka-summer dress din ang babae at medyo nakaumbok ang tiyan. Buntis ba ito?
Nag-iwas siya ng tingin nang tumayo ito. Kasabay n'on ay ang pagbagsak ng maliliit na patak ng ulan sa kanyang mukha.
Ipinikit ni Hillary ang mga mata at kasabay n'on ay ang pag-agos ng mumunting luha. Hinayaan niyang dumaloy lang 'yon sa kanyang mukha tutal wala namang makakapansin at iisipin na tubig lang 'yon mula sa itaas.
"I really don't understand how I feel right now. Why do I have this sudden feeling na si Axer ang hinahanap ng mga mata ko? Bakit siya?" mahinang usal niya sa sarili na kahit siya ay hindi na marinig dahil sa hampas ng alon at malalaking patak ng ulan. "Why do I need to miss him this much? Why?"
Napatakip siya sa bibig at mahinang humikbi dahil sa frustration na nadarama sa lalaki. Feeling niya, sobrang miss na miss niya ito. Samantalang kung ipagtabuyan niya ito noon ay parang hindi niya kilala.
Pumasok lang si Hillary sa loob ng bahay nang malakas na ang kulog at kidlat. Mabilis siyang naglinis ng katawan, lalo na sa bandang paanan dahil puro buhangin iyon. Nang matapos ay nagtimpla siya ng kape. Dinala niya ang tinimplang black coffee sa silid niya.
Ano pa ba ang gagawin niya kung ganitong umuulan?
Ito iyong ayaw niya kahit noon pa, 'yong maiwan siyang mag-isa. Bumabalik kasi 'yong sakit ng nakaraan. 'Yong mga pagtataksil sa kanya.
Napahawak siya bigla sa dibdib at dinama ang tibok ng kanyang puso. She even closed her eyes to make sure if what she felt right now was same as before every time she thought about her miserable past. Pero wala, wala siyang maramdaman na kahit ano. Hindi na masakit kapag naaalala niya ang nakaraan. Ibang sakit na...
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at ilang oras. Hanggang sa may malalakas na katok mula sa pinto ng bahay. At nang pagbuksan niya iyon ay halos tumalon siya sa tuwa nang masilayan kung sino iyon.
Her sweetheart.
"Bakit ka nandito?" gulat na tanong niya.
"Oh, my God! Sweetheart, let me in. It's freaking cold here," ungot ni Axer, niluwagan ang pinto upang makapasok at ini-lock pa talaga.
Nakatingin lang siya sa lalaki dahil siyempre na-miss niya ito.
"Quit staring. I know you missed me." Basang-basa ang buong katawan ng lalaki at nakahalukipkip.
Inirapan niya ito at umakyat sa silid niya upang kumuha ng towel.
"Hey, don't leave me here."
"Kukuha lang ako ng tuwalya. Maligo ka na diyan!" sigaw niya dahil nakapasok na siya sa silid niya.
Lihim siyang napangiti. Ang isipin na nandito si Axer, feeling niya ang gaan-gaan ng loob niya.
Napakamot si Hillary sa pisngi dahil hindi niya alam kung ano ang ipapasuot sa lalaki. Kinuha niya 'yong malaking T-shirt na binili niya kaso wala siyang shorts na kakasya rito.
"Sweetheart, ang tagal mo naman. 'Yong tuwalya, faster!" sigaw nito.
Agad naman siyang bumaba at kinatok ito sa banyo. "Axer, open the door."
"Do you really want me to open the door?" tukso nito.
"I mean, kunin mo na itong tuwalya at T-shirt para may suotin ka."
"Bakit walang shorts? You want to see me half naked?" tanong nito nang nakadungaw ang mukha sa maliit na pagkakabukas ng pinto.
Napaatras siya at nag-iwas ng tingin nang iabot niya rito ang tuwalya. "Wear this. Wala akong shorts na kakasya sa iyo. Look at me—"
"I'm looking at you," he said using his sexy voice.
Ang gusto sana niyang sabihin ay, tingnan mo ako at ang sarili mo kung magkakasya ba ang shorts ko sa iyo.
"Wash your clothes and wait for it hanggang sa matuyo," utos niya.
Bumalik si Axer sa loob ng banyo nang hindi isinasara ang pinto. Isasara na sana niya iyon nang may iladlad ito sa harap niya.
"Ito ba, sweetheart?" maang na tanong nito hawak ang boxer shorts sa dalawang kamay at itinaas pa upang ipakita sa kanya. "I don't know how to wash clothes." Sumimangot ito.
There was something in her throat that stopped her from talking. She couldn't even utter any single word. Knowing Axer without clothes on behind that door... made her sweaty.
"Sweetheart, hold this. Ikaw na ang maglaba," utos nito at ibinigay sa kanya ang basang boxer shorts. Siya naman ay parang nahipnotismo at kinuha iyon. Kasabay n'on ay ang pagsara nito ng pinto.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa basang damit at bigla na lang siyang napatili at binitiwan iyon.
"Axer, kadiri ka talaga! Lumabas ka nga diyan at ikaw ang maglaba nito!" Gamit ang dalawang kamay ay kinalampag niya ang pinto ng banyo. "Axer! Lumaba—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla nitong buksan ang pinto. He was holding her wrist while staring at her. "A-ano... Wash your clothes." At nag-iwas siya ng tingin dahil naka-topless lang ito at nakapalulot sa baywang ang puting tuwalya.
"I don't know how."
"I will teach you how to wash your clothes, get in." At itinulak niya ito papasok sa loob ng banyo, saka siya tumalikod at nandidiring dinampot ang boxer shorts sa sahig na kanina lang ay hinagis niya. Pumasok na siya sa loob ng banyo pagkatapos. 'Buti na lang may kalakihan iyon kaya kasyang-kasya sila.
"Kunin mo 'yang pabilog na 'yan at lagyan mo ng tubig," turo niya sa maliit na palanggana at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang baywang.
Tumingala si Axer sa kanya kasi nakatayo siya sa bandang gilid nito. "Wala ka bang washing machine?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "I have pero isa lang naman iyang lalabhan mo kaya hand wash na lang at para matuto ka na rin."
Tumango-tango ito. "Yeah, right, para kapag nagkaanak tayo, ako na lang ang maglalaba ng mga damit niya."
"Hindi, washing machine and gagamitin natin dahil maselan ang skin ng mga baby." Binuksan nito ang tubig. "Ilagay mo na 'yong powder," utos niya.
"Ilan ba ang gusto mong baby?" he asked.
Siya naman ay nag-isip sandali. "Hmm, three."
"I want four, two boys and two girls," wika nito na ibinuhos lahat ng powder sa tubig.
"Axer, stop! That's too much, masisira ang damit mo."
Nagkibit-balikat lang ito at itinapon 'yong tubig. Siya naman ay namilog ang mga mata. Hindi naman kailangang itapon, sana dinagdagan na lang ng tubig.
"Ulitin ko uli, sweetheart. Kailangang maging perfect ang paglalaba ko para sa future natin."
Siya naman ay tumango-tango lang na animo sumasang-ayon sa sinabi nito.
"Saan na nga tayo natapos?" tanong uli nito.
"Sa baby," mabilis na sagot niya. Matalas kasi ang memorya niya.
"Ilan nga uli 'yong gusto mo?"
"Three, 'tapos ikaw, four. Two boys and two girls," proud na proud na sabi niya.
"Sweetheart, paano ba ito? Ano ang gagawin?" Itinaas ni Axer ang boxer shorts na hawak nito na puro bula na.
"Ganituhin mo," sagot niya na umaktong nagkukusot ng damit.
Halos mapunit na 'yong telang hawak ni Axer dahil sa mali-maling pagkusot. At sigurado siya na uulit itong maligo dahil lahat ng bula ay nagtatalsikan sa dibdib at braso nito. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa nakikita.
Pero ito 'yong na-miss niya... 'yong pasakitin ang ulo niya at palukutin ng lalaki ang mukha niya.
"Enough, sweetheart. Banlawan mo na 'yan," sabi niya.
Napatingala si Axer mula sa paglalaba, o paglalaba nga bang matatawag iyon dahil parang sinisira nito ang damit? "What did you say?" manghang tanong nito.
There, nakita na uli niya 'yong kislap sa mga mata nito at pati na ang magandang ngiti.
"Sabi ko, banlawan mo na kasi baka masira na 'yang boxers mo."
"Hindi 'yon. 'Yong una mong sinabi, 'yong tinawag mo sa'kin."
Nag-isip siya bigla. "Sweetheart..." mahinang usal niya pero narinig iyon ng lalaki at napatayo pa ito bigla.
"Tinawag mo akong sweetheart?" Parang may nagkikislapang bituin sa mga mata ng kaharap.
Masaya siya na bumalik na ang dating Axer na nakilala niya, na mahal siya.
Mahal?
Agad na nag-iwas ng tingin si Hillary kahit gusto pa niyang pagmasdan ang saya sa guwapong mukha nito. "Hindi, ha. Hindi kita tinawag na sweetheart..."
Napahinto siya dahil hinapit siya nito at niyakap. "See? You said sweetheart," wika nito na para bang tuwang-tuwa at nakakabigkas na siya ng salita. "Sweetheart, you called me sweetheart." Paulit-ulit ito na parang bata kaya naman natawa siya at mahina itong hinampas sa likod.
"Let go. You're making me wet," reklamo niya.
"I love making you wet," he whispered seductively. Hinawakan nito ang dalawang pisngi niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mukha niya. Alam niyang hahalikan siya ni Axer pero bakit parang ayaw niya itong pigilan?
Then she felt his lips against her, he was kissing her! She answered his kiss. Para bang pareho nilang hinahanap ang mga labi ng isa't isa. Siguro na-miss lang niya talaga ito kaya pumayag siyang mahalikan.
Naging mapusok ang mga halik ni Axer na kahit siya ay nadadala sa apoy na iyon. He gripped her wrists and placed it above her head. Isiniksik nito ang matigas na katawan sa kanya at hinapit siya papalapit gamit ang isang kamay. His lips went down to her neck. Kissing and licking it. Hanggang sa marahan nitong kinagat ang isang nipple niya kaya napaliyad siya.
"Axer..." tawag niya sa lalaki. "Stop, please."
Pero parang wala itong narinig. He continued sucking her breast. At kahit may suot siyang damit ay ramdam na ramdam niya 'yon. Bakit ba kasi hindi siya nag-bra? Malaya tuloy nitong nahahalikan at kinakagat-kagat ang dibdib niya.
Pero napayakap siya bigla rito dahil sa malakas na kulog. Kung paano nakawala ang kamay niya sa pagkakahawak nito kanina ay hindi niya alam. Ang alam lang niya ay binuhat siya nito sa silid at ibinaba sa malambot na kama.
"Don't be scared. Kulog lang 'yon, sweetheart."
Tumango lang si Hillary. Bata pa siya ay takot na siya sa kulog at kidlat at hindi iyon naalis hanggang ngayon. Hanggang magkaanak yata siya ay matatakot pa rin siya roon.
Pinagmasdan lang niya si Axer na naglakad papunta sa cabinet. Kahit nakatalikod ay hindi maipagkakaila na maganda at perpekto talaga ang katawan nito.
Namula ang pisngi ni Hillary nang humarap ito at may dalang bra. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa kanya. Naalala na naman niya ang nangyari sa kanila sa banyo kanina lang.
"Wear this, sweetheart. Hindi ko alam kung makokontrol ko pa ang sarili ko kapag nahalikan ko uli 'yan," nguso pa nito sa dibdib niya.
"Manyak!" inis na pakli niya at kinuha ang bra na hawak nito. Kumunot ang noo niya nang iiwas nito 'yon. "Ano ba, Axer?! Akin na 'yan!"
Inamoy-amoy pa nito iyon at hinalik-halikan. Kinuha niya ang unan sa gilid niya hindi para batuhin ito kundi para takpan ang nangangamatis niyang mukha.
"Axer, naman..."
"Smells good," tila pamumuri nito at naglakad palapit sa kanya.
Naramdaman niyang umupo ito sa bandang likuran niya. Napaupo siya nang tuwid nang hapitin siya nito papalapit at ipinasok ang mainit na kamay sa loob ng kanyang damit.
"W-what are you doing?"
"Kailangan kong matutunan kung paano isuot ito sa iyo. Sa pagtatanggal lang kasi ako nito magaling," tukoy nito sa hawak na bra.
"Ako na lang. Sa iba ka na lang mag-aral sa pagsuot niyan," tanggi niya at humarap dito para kunin ang kapirasong telang hawak nito. Nakaluhod na siya sa harap ng lalaki, ito naman ay naka-Indian seat. Itinaas pa ang bra at iniwas sa kanya. "Axer, ano ba? Give it to me."
Hinawakan siya ni Axer sa bandang likod gamit ang isang kamay at hinapit na naman papalapit. Hindi niya pinansin iyon dahil ang goal niya ay makuha ang pulang bra.
"Akin na kasi—Ay, Axer!" Impit siyang napatili nang marahan nitong nakagat ang isang nipple niya.
Bakit ba lagi na lang nakaka-face-to-face ng dibdib niya ang mukha nito?
Napalayo siya at pinagpapalo ito. "Ang manyak! Manyak mo!" Naluluha na siya. Hindi niya alam kung para saan.
Niyakap siya nito kahit nagpapasag pa siya. "I'm sorry, sweetheart. Don't cry, but I won't promise na hindi ko na uulitin 'yon. Hindi lang 'yon ang gagawin ko kapag hindi mo pa isinuot itong hawak kong bra," banta pa nito.
Nag-sorry, 'tapos nagbanta?
Kinagat muna niya ito sa leeg bago kumalas. Hindi naman ito nagreklamo. He seemed to be enjoying bitting him on his neck.
"Turn around," utos nito.
"Ayoko."
"I promise, sweetheart, hindi ko hahawakan ngayon, pero next time hahawakan ko na."
Sumasakit na talaga ang ulo niya sa kakulitan ng kaharap. Bumuntong-hininga siya at tumango na lang kaysa naman abutin sila ng umaga dahil lang sa bra.
"Huwag na pala. Kukuha na lang ako sa cabinet ng bra." Akmang tatayo na siya nang magsalita si Axer.
"I will make love to you kapag hindi mo ako pinayagang isuot ko sa iyo ito." At itinaas pa nito ang bra niya.
Nanghihinang bumalik siya sa pagkakaupo at sinunod ang trip ng lalaki.
"I won," bulong pa nito sa tainga niya. Gumapang ang kamay nito sa bandang tiyan niya at ang isang kamay ay nasa likod niya.
"Axer." She used her warning tone. Malapit na kasi sa dibdib niya ang palad nito at hindi niya gusto ang nararamdaman ngayon. She was freaking hot.
"Malapit na, sweetheart," bulong nito na animo nagko-concentrate sa ginagawa. "Saan ko ikakabit? Pang-ilang row?" maang na tanong nito na dumukwang pa sa mukha niya.
"Pang-two," sagot naman niya at nag-sign pa ng number two.
"Face me, sweetheart. Let me check."
Siya naman ay umikot para maharap ito na nagpunas pa ng pawis sa noo. Gaano ba kahirap magsuot ng bra at pinagpawisan pa ito? Samantalang malamig ang panahon at naka-topless pa ito. Iaangat na ng lalaki ang damit niya upang tingnan kung tama ba ang gawa nito.
Pinalo niya ang kamay nito bigla. "Nakakarami ka na, Axer Lance!" sita niya.
"Tiningnan ko lang kung makakalusot."
Umalis siya sa harap nito. "Umuwi ka na."
"No way! I'm sure Elisse is already sleeping and I don't want to disturb her sleep dahil naninipa iyon."
Elisse?
Ito ba iyong buntis na nakita niya kanina? It means sa bahay ni Axer iyon nakatira?
His wife?
"Your wife?" alangan na tanong niya.
Mataman siya nitong tiningnan. "Yes."
Napatayo si Hillary at lumayo sa lalaki. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Bakit ba hindi niya naisip na kahit playboy ito ay darating din ang babaeng magpapabago rito?
Hindi niya alam kung bakit biglang tumulo 'yong luha niya. Maybe because she pitied the woman? Pakiramdam niya ang sama-sama niya. She knew the feeling of being cheated at iyon ang ginawa nila ngayon ni Axer.
Ang kaso hindi siya ang niloko ngayon... Sila ang nagtaksil. Sila ni Axer. Kahit kiss lang ang ginawa nila, cheating pa rin ang tawag doon.
"Leave, Axer."
Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang luha sa mga mata niya. "Sshh, sweetheart. Why are you crying?" Hinalikan siya nito sa tungki ng ilong at sa noo. "Tell me. I don't like to see you crying. Damn it!" Pinagdikit nito ang noo nila at sinapo ang kanyang mukha.
Bakit ba ang sweet-sweet ng lalaking ito?
"I don't want to hurt Elisse. I know the feeling of being cheated and I don't want her to feel that kind of pain I felt before. So please, Axer, go back to her," paliwanag niya na humihikbi na.
Mahina itong tumawa na ikinakunot ng noo niya. "God, hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo." Niyakap na siya nito nang mahigpit. "Don't cry, baby. Ikaw lang ang gusto kong mapangasawa at maging mommy ng magiging anak natin."
"What do you mean? I don't understand."
"She's my sister. Elisse is my little bratty sister."
Itinulak niya ito. "You're making fun of me."
"No, sweetheart, she's my sister. Nag-away kasi sila ng husband niya who happened to be my friend. That bastard hurt my lovely sister!"
Mas pinili niyang manahimik muna. Why? Axer being married had hurt her awile ago, but knowing that he was still single? Para bang natuwa siyang malaman iyon.
Maybe because you're starting to fall in love with him?
Hindi siya sigurado. Basta ang alam lang niya, masaya siya kapag kasama ang lalaki at alam niyang ganoon din ito.
"Sweetheart?" untag nito sa kanya.
"Hmm?"
"I want you."
At bigla na lang siya nitong hinalikan at inihiga sa kama.
Hillary, you're in love with this man.
In love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top