CHAPTER 7

CHAPTER SEVEN


MAAGANG nagpunta si Hillary sa gym sa bayan para makapag-work out at mag-grocery na rin. Kinuha at ipinaayos na rin ni Axer noong nakaraang araw iyong sasakyan niyang tumirik sa gitna ng daan noong maabutan sila ng ulan nang magpunta siya sa bahay nila.

"Ma'am, lahat na po ito?" untag sa kanya ng cashier.

Tumango lang siya at ibinigay ang card niya. Tamad siyang mag-withdraw kaya kadalasan ay card talaga ang gamit niya kahit noon pa. Pero noong tumira siya sa isla ay napilitan siyang mag-withdraw nang mag-withdraw dahil na rin walang malapit na bangko sa resort unless pupunta ka pa sa bayan.

Tatlong malaking plastic bags ang bitbit ni Hillary at ipinasok iyon sa sasakyan. Kailangan pa niyang bumalik sa loob ng mall dahil nakalimutan niyang bilhin iyong part two ng binabasa niyang horror story.

Hanggang sa nahagip ng mga mata niya ang hindi kalakihang tarpaulin kung saan nakasulat ang mga pangalan ng writer at ang araw ng book signing ng mga ito. Napapalatak siya. Nakalimutan niya na may book signing pala siya ngayong araw. Mabuti na lang at mamayang hapon pa iyon.

Binili niya ang librong kailangan at napalingon sa ilang college student na nag-uumpukan sa isang gilid na para bang may pinagkakaguluhan. Out of curiosity ay nilapitan niya ang mga ito nang hindi nagpapahalata.

Bahagya siyang napasinghap nang makita ang hawak na magazine ng mga ito. Hindi siya puwedeng magkamali sa nakita at sigurado siya roon. Si Axer lang naman ang cover ng magazine na pinag-uumpukan ng mga ito! He was showing his eight-pack abs while wearing his jeans that was dangerously hanging on his hips. Tan din ang skin nito roon at mukhang nilagyan ng oil ang katawan na parang kapag hinawakan mo ay dudulas na lang bigla ang kamay mo pababa sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Nang-aakit ang mga mata ni Axer na akala mo ay sa iyo nakatingin at kagat din ang ibabang labi kaya naman parang ang sarap-sarap nitong halikan.

Kaya naman pala hindi mapigilan ng kababaihan ang mga impit na tili.

Kitang-kita rin ang kaunting balahibo mula sa pusod nito pababa sa...

Napalunok si Hillary at napaatras. She was sweating! Hindi rin mabura sa isip niya ang hitsura ng lalaki. She couldn't imagine that Axer could be seductive as that.

"I heard na pagmamay-ari niya ang isang resort malapit dito sa atin," kinikilig na wika ng isa at hinalikan pa ang hawak na magazine. "At mabait daw ito sa personal, 'tapos sobrang guwapo. Gosh!"

"Why don't we visit the resort? Sana ay matiyempuhan natin siya roon."

Naglakad na lang si Hillary papunta sa cashier. Mga sampung tao pa ang nasa unahan niya bago siya. Napatingin siya sa dalawang babaeng nasa harap niya. Mukhang magkaklase ang mga ito dahil naka-uniform pa. Tiningnan niya ang libro na hawak ng isa at napangiti nang makitang siya ang may gawa n'on. Ito iyong libro na si Axer ang dahilan kung bakit natapos niya agad. Natutuwa siyang isipin na marami pa ring kabataan ang nagbabasa ng libro.

"Wala na po bang ibang horror book na si TheBlackPen ang nagsulat?" tila nanghihinayang na tanong ng estudyante.

"Sold out na lahat ng books ni BlackPen, Miss. Wala pang isang linggo ay ubos na po ang stocks ng books niya rito," magalang na sagot ng kahera.

Siya naman ay tahimik lang. Kung mayroon lang siyang spare copy ng libro niya, sana ibinigay na lang niya iyon sa mga estudyanteng ito.

BAGO mananghalian ay nakauwi na si Hillary at naghahanda na bago bumalik sa mall kung saan ang book signing niya.

She wore a plain white fitted blouse and black skinny jeans. She matched it with her black stiletto and black sling bag. Powder and lip gloss lang ang in-apply niya sa kanyang mukha. Inilugay na lang din niya ang kanyang light brown wavy hair.

Nang matapos mag-ayos ay agad na siyang nagmaneho papunta sa mall. Nang makarating sa venue ay agad siyang sinalubong ng mag-a-assist sa kanya para sa event.

"Nice to see you again, Hillary. Ang ganda-ganda mo pa rin na kahit ako ay hindi makapaniwala na ikaw ang sikat na si TheBlackPen," bati ng matandang babae na hindi nalalayo ang edad sa kanyang ama.

"Salamat po."

"Kanina pa ang mga tao diyan sa labas. Okay ka na ba?"

Tumango lang siya kaya iginiya na siya nito sa isang mahabang mesa na may isang upuan. Agad na nagtilian ang mga naroon na mahigit dalawang daang katao. Napalunok siya pero kumaway rin sa mga ito.

Hindi puwede ang camera sa mga nagpapa-sign sa kanya to keep herself mysterious. Nobody knew that she was TheBlackPen. Kahit ang pamilya niya ay hindi alam na siya iyon.

Mahigit limampung katao na ang natatapos niyang pirmahan nang may tumawag sa kanya. Napakunot ang noo niya kasi hindi siya nito tinawag sa pangalan kundi...

"Sweetheart!"

Nagtaas siya ng tingin dahil tatlong beses na may sumisigaw ng sweetheart at si Axer lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Hell, naalala na naman niya ang hitsura ng lalaki kanina sa magazine.

"Kayo po yata 'yong tinatawag n'ong lalaki sa likod?" untag ng babae na ngayon ay kinuha niya ang libro at pinirmahan.

Ngumiti siya rito. "Hindi ako iyon. Thanks for reading my stories."

"Lahat po kami sa bahay ay mayroong copy ng bawat story n'yo."

"Thank you." And she smiled at her.

"Sir, hintayin n'yo pong matapos ang nasa unahan n'yo bago po kayo magpapirma," narinig niyang sita ng security guard kaya naman napalingon siya sa gawi ng mga ito, sa pinakadulo ng pila.

Napakurap siya nang ilang beses sa lalaking nakikipagtagisan sa pobreng guard dahil hindi hamak na mas malaki ito roon.

"Axer?" wala sa saring usal niya.

"Boyfriend n'yo po? Bagay po kayo," sabi ng kaharap niya na kanina pa pala naghihintay na pirmahan niya ang dala nitong libro.

Napangiti na lang siya. "Nope, he's my friend."

"Sweetheart! Look at me, ayaw ako palapitin sa iyo nitong security guard," maktol ni Axer at may hawak din itong... libro niya? Seriously? Fan din niya ito? At dalawa pa talaga ang dala nito!

She motioned her head to him and mouthed, behave. Nag-sign pa siya ng, zip your mouth. Ito naman ay parang bata na sinunod siya at bumalik kung saan ito nakapila.

"Childish," she whispered and found herself smiling.

"Sweetheart, faster. I'm hungry already!" sigaw uli nito kaya naman tuwang-tuwa ang mga taong natira doon. "Sweetheart!" muli naman nitong tawag kaya nagtaas siya ng tingin at pinandilatan ito.

Hindi sa dami ng pinipirmahan sumasakit ang ulo ni Hillary kundi sa lalaking kanina pa sigaw nang sigaw ng sweetheart sa kanya. Hindi man lang ito nahihiya sa mga tao roon samantalang siya ay nakayuko na lang dahil namumula ang mga pisngi niya sa pinaggagagawa nito.

Ilang tao pa at si Axer na ang kaharap niya. Ito talaga ang pinakahuli sa pila.

"Damn it! I still can't believe na ikaw ang writer ng story na ito," eksaheradong bulalas nito na inilapag na ang dalawang libro na hawak sa mesa.

"Did you read my books? Are you a fan?"

"Yes, me and my sister. Pinilit lang niya ako na magpunta rito pero kung ako lang ay hindi ako pipila nang ganito kahaba makapagpapirma lang."

Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"Puwede naman akong magpa-sign sa iyo sa resort kung una pa lang ay na-discover ko nang ikaw si TheBlackPen."

Tumango lang siya at nagpipigil ng ngiti. Pinagpapawisan na kasi ang kaharap at lukot na rin ang mukha.

"Sweetheart, let's go. Nagugutom na talaga ako at nakakapagod maghintay."

Bumuntong-hininga siya at tumayo. Hinila niya si Axer sa kamay at nagpaalam na sa matandang babae na nag-assist sa kanya.

"Salamat, Hillary," sabi nito at tinapunan ng tingin ang katabi niya. "Kay guwapong lalaki naman nitong kasama mo. Bagay na bagay kayo."

"Magkaka-baby na po kami."

Tinakpan niya ang bibig ni Axer dahil hindi naman totoo iyon. Wala namang nangyari sa kanila, kahit kiss ay wala rin. Yakap lang.

"Talaga? Puwede bang—"

"Nagbibiro lang po siya. Sige po, aalis na kami." Galit na hinatak niya ang lalaki palabas. "Bakit mo sinabi iyon?!"

Nagkibit-balikat lang ito. Hindi na nila napansin na kanina pa magkahawak ang kamay nila.

Pakiramdam ni Hillary ay nasasanay na siya sa presensiya ni Axer. Sa pangungulit at pang-iistorbo nito sa kanya.

Hindi ito nagsalita hanggang makapasok sa sasakyan niya hanggang sa daan. Dinala siya nito sa isang exclusive na restaurant. Hindi na siya nagreklamo dahil pati siya ay nagugutom na rin.

"You are reading my story pero takot ka naman sa multo," tudyo niya rito nang naghihintay na sila ng pagkain na in-order nila.

"Of course not. I'm not that scared. Hindi ko lang inaasahan na makakakita ako ng multo sa katauhan mo."

"Kaya napatakbo ka noong nakita mo akong papalapit sa iyo noon?"

"Nope. Nawiwiwi lang ako that time kaya tumakbo ako." At nag-iwas ito ng tingin. Halata naman kasi na nagsisinungaling lang.

"Sabihin mo, baka maihi ka sa salawal mo kaya ka tumakbo!" Tumawa siya nang malakas.

"Yeah, keep laughing, sweetheart. You look more beautiful in my eyes now."

Hindi napansin ni Hillary na nakatingin lang ang lalaki sa kanya. Kumikislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan siyang tumatawa. Nahiya tuloy siya bigla.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan, Axer. You are making me uncomfortable."

"I like seeing you every day. I want to be with you every day, Hillary."

Hindi niya alam kung ano ba ang sinasabi nito. Para kasing may mali at ayaw niya sa mga narinig mula rito.

"Hillary..." Hinawakan ni Axer ang kamay niya.

Nag-angat siya ng tingin dito mula sa cell phone niya. Nag-text kasi si Natalie. "Hmm? Bakit?"

"I like you."

Kinuha niya ang kamay niyang hawak nito at pilit na ngumiti. "You're joking, right?"

Umiling ito at mataman pa ring nakatingin sa mga mata niya. "I don't know when it started. I don't know how it happened. I just found myself looking for you. My eyes always want to see you, Hillary. My mind keeps telling me na puntahan ka palagi." Puno ng emosyon sa mukha at boses nito.

"Baka nagkakamali ka lang, Axer. Nasanay ka lang kasi na lagi mo akong kinukulit kaya siguro ganyan ang nararamdaman mo." Ngumiti siya. Baka sakaling tama siya at nagkakamali lang ito.

Marahas itong umiling. "No! This is the very first time I felt this kind of feeling and it's... it's different and I don't understand why."

"You're just saying that because you—"

"I think I'm in love with you."

Umawang ang mga labi ni Hillary at hindi nakapagsalita. Nagko-confess ito sa kanya? Sa harap niya mismo? Ang isang Axer Lance Wilson, in love sa kanya? That was unbelievable!

"Hillary..."

Tumayo siya at naglakad palabas. Ayaw muna niya itong makita dahil sa nangyari ngayon. Iiwasan niya ito hanggang kaya niya para mawala ang nararamdaman nito para sa kanya.

I'm sorry, Axer, but I can't love you back... I still love Paul.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top