CHAPTER 4

CHAPTER FOUR

HILLARY automatically threw her cell phone after reading a message from a friend. "You really need to face them. It's been two years now," she muttered while folding her clothes.

Suddenly, she finally decided to do the thing that she had been avoiding for years now. Mabilis siyang nagbihis at bumaba para maghanda na sa pag-alis.

"Manang, aalis po muna ako. Kayo po muna ang bahala dito, ha," paalam niya kay Manang Rosa nang maabutan niya itong naglilinis ng bahay.

"Saan ka pupunta, hija?"

"Babalik po muna ako sa amin." Tipid siyang ngumiti dahil kung maaari lang ay ayaw niyang mabanggit-banggit ang pinagmulan niya.

"Mag-iingat ka, Hillary." Nagulat man ay alam niyang masaya ito sa naging desisyon niya.

"Salamat po." Naglakad na siya papunta kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

Nahagip pa ng mga mata niya sa side mirror ang isang pamilyar na pigura na kausap si Manang Rosa. Dali-dali siyang nagmaniobra nang makitang tumatakbo palapit sa kanya si Axer.

Napabuntong-hininga siya. Paano ba naman, tinatapik na nito ang bintana niya. Runner yata ang lalaki dati kaya mabilis tumakbo. Binuksan niya ang bintana ng driver's seat.

"What?" tanong niya nang hindi ito tinitingnan.

"Look at me, sweetheart."

Napapikit si Hillary at marahas itong nilingon. Parang umurong ang dila niya nang makita ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Bakit naman ito mag-aalala? Baka nagkakamali lang siya ng interpretasyon sa mukha ng lalaki.

"Bakit ba, Axer Lance?!"

"Where are you going? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

Napaubo siya sa narinig. Kunot-noong tiningnan niya ito. "At bakit naman ako magpapaalam sa iyo, aber?"

Agad itong nag-iwas ng tingin sa hindi niya malamang dahilan. "Saan ka nga kasi pupunta? Ayaw mo na ba dito sa isla?" Nakahawak ang dalawang kamay nito sa bubong ng sasakyan niya at nakadukwang na sa kanya. Ngayon lang niya napansin ang suot nitong three-piece suit.

"Saan ka ba galing? Bakit ganyan ang suot mo?"

"Galing ako sa meeting at dito ako dumeretso kasi... ano..." He cleared his throat. "Nami-miss kita." Nag-iwas uli ito ng tingin matapos mabanggit ang huling salita.

Lihim siyang nagbilang kung ilang araw na ba silang hindi nagkikita kasi parang hinahanap na rin ng sistema niya ang presensiya nito.

One, two, three, four... five. Limang araw lang pala.

"I don't miss you," she lied.

"I know. Where are you going? Sasama ako." Pilit nitong binubuksan ang pinto ng sasakyan niya.

Pinalo niya ang braso nito dahil nasa loob na iyon ng sasakyan at nabuksan na ang pinto.

Nakita pa niyang napangiti ito. "I told you, sweetheart. No one can stop me."

Napatanga lang si Hillary kahit naramdaman niyang binuhat siya nito sa kabilang side ng upuan.

Lumingon si Axer sa kanya. "Ready? Tell me kung saan tayo pupunta." At tumingin ito sa likuran dahil umaatras ang sasakyan.

Ang bagal mag-react ng katawan niya kasi nakatingin pa rin siya sa lalaki. Kung hindi pa ikinulong ng dalawang palad nito ang pisngi niya ay hindi siya magsasalita.

"P-pupunta ako sa bahay at hindi ka puwedeng sumama."

"Sasama ako." At hinalikan siya nito sa noo, pagkatapos ay nagmaneho na. "Lead me the way, sweetheart."

Tumango lang si Hillary. Hindi na nga siya matapos kakaisip kung ano ang gagawin niya oras na makaharap niyang muli ang dalawang tao na nanakit sa kanya, 'tapos... may isa pang lalaki ngayon na lalong nagpapagulo sa takbo ng utak niya.

"Tell me your name. Baka kasi tanungin ako sa inyo kung ano ang pangalan mo, sweetheart," basag nito sa katahimikan habang tutok na tutok ang mga mata sa daan.

"Hillary Thompson."

"The lost daughter of David Thompson?!" Bahagya pa siyang nilingon ni Axer dahil mukhang kahit ito ay nagulat din sa nalaman.

Maging siya ay nagulat din dahil kakaunting tao lang ang hinayaan nilang makaalam ng pagkawala niya.

Her dad was a politician. Mabait ito at mapagmahal sa kanila ng kanyang ina. Her mom died because of heart attack when she was eight years old, then after two years, he married another woman. Her stepmother—Bianca. Nagkaroon ang mga ito ng isang anak na babae—Bea, who happened to be her rival. Ito rin ang umagaw sa dapat ay asawa na niya ngayon na si Paul.

"Yes."

"I know your dad." Everyone does. "They kept your case as confidential. Walang nakakaalam na nawawala ka. Tanging ang pamilya mo lang ang nakakaalam at ang mga pinagkakatiwalaan ng daddy mo."

Hindi basta-basta nagtitiwala ang kanyang ama sa mga tao kaya nakakapagtaka kung bakit isa si Axer sa nakakuha sa tiwalang iyon.

"Paano mo nagawa iyon? Paano mo nakuha ang tiwala ng ama ko?"

"I promised not to tell it to anyone and you're not an exception. Sorry, sweetheart."

Alam niyang maraming sekreto ang mga tao, lalo pa 'yong mga nasa gobyerno at iba pang mabibigat na tao and this man was one of those. Hindi nga siya nagtagumpay na makuha ang whereabouts ni Axer dahil masyadong mataas ang seguridad ng lalaki. Sa security pa lang ng pagkatao nito ay siguradong hindi ito basta si Axer Lance Wilson lang. Kaya nitong makipagsabayan sa kahit anong bagay sa mundo.

"You can use me."

Her forehead knotted. "What are you talking about, Axer?"

"You can use me for your revenge."

"How did you know?" Fine, she was a bit curious on how this man knew what happened to her.

"I have my ways, sweetheart. I am not Axer Lance Wilson for nothing."

Yeah, right! "Can you play as my boyfriend?"

Nakahinto ang sasakyan nila dahil traffic. "Gusto mo, totohanin na natin, sweetheart." Kumislap ang mga mata nito.

Pinalo niya ito sa braso. "It's a deal. Take it or leave it?"

"Ano ang magiging kapalit once na mag-success tayo?"

"Just tell me how much you want."

"I don't need money. I have lots of that. I want something from you."

Oo nga pala mayaman ang ka-deal niya. "Anong something naman iyon?"

"You'll know soon after this deal is over."

Nagkibit-balikat lang si Hillary. Kaya niyang ibigay ang lahat basta magtagumpay lang siya.

Paano kung hingin niya ang makipag-one-night stand sa iyo? Isusuko mo ba ang Bataan?

Yes.

"Of course not!" bulalas niya.

"Hmm? May sinasabi ka, sweetheart?"

Natutop niya ang bibig. Bakit ba kasi napalakas ang sagot niya, narinig tuloy ni Axer. Namilog ang mga mata niya nang maalala ang kaninang iniisip. Hilingin na ang lahat huwag lang ang virginity niya!

Paano nga kung iyon ang gusto niya?

"Hindi puwede!" sigaw niya.

Akala niya magkakaroon na sila ni Axer ng malaking bukol sa noo dahil bigla itong pumreno, nagulat siguro sa sigaw niya. Mabuti na lang at naka-seat belt sila.

Iginilid nito ang sasakyan. "May problema ba?" tanong nito na nakahilig ang ulo sa manibela at nakaharap ang mukha sa kanya.

Pilit siyang ngumiti at umiling. "May iniisip lang ako."

"The reason why you almost broke my eardrums?"

She nodded. Napalakas yata ang sigaw niya at um-echo iyon sa loob ng sasakyan.

"What is it, Hillary?" tanong nito.

Hindi niya inaasahan na babanggitin nito ang pangalan niya. Siguro ay nasanay siya sa tawag nitong sweetheart.

"'Yong sinasabi mong kapalit, ano ba kasi 'yon, Axer?"

Umayos ito ng upo. "Ikaw."

Napasinghap siya at napayakap sa sarili. Sabi na nga ba at katawan lang niya ang habol nito. Mga lalaki talaga!

"Huwag iyon, Axer, iba na lang. Masakit daw kasi kapag first time." Marami na siyang narinig tungkol sa ganoong bagay. Lahat halos ay masakit ang sinasabi.

Kumunot ang noo nito. "What? I don't understand you, sweetheart. Be specific."

Huminga muna si Hillary nang malalim bago nagsalita. "Y-you want my body as a payment. Am I right?"

Namilog ang brown na mga mata nito at parang namangha sa sinabi niya. "How did you know that?"

Hinampas niya ito sa braso nang tatlong beses. "Sabi ko na nga ba! Hindi puwede iyang gusto mo, Axer Lance Wilson! Iba na lang."

"Metal ba iyang kamay mo? Ang sakit mong mamalo."

"Hindi."

"Listen, sweetheart, hindi ang katawan mo ang gusto ko, okay?"

"So... ano pala?"

Umiling ito. "I don't want to talk about our deal right now. We have something to do first and we need to be successful before I can finally get what I want, baby."

Baby?

Baby daw.

Hindi ba sweetheart ka niya?

"Sinong baby, ha?!" pakli niya. "Hindi baby ang tawag mo sa akin! Sino 'yon, Axer?! Sino?!"

Natawa ito. "Seriously, Hillary? Nagseselos ka ba sa baby ko?" he asked in amusement.

Inirapan niya ito at tumingin sa bintana nang mapagtanto ang reaksiyon niya. "Let's go," aya niya, baka kasi kung ano pa ang masabi niya.

Hindi maayos ang takbo ng utak niya ngayon dahil ilang oras na lang ay haharapin na niya ang bangungot na dalawang taon nang gumugulo sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahang bumuntong-hininga.

"Axer, thank you," usal niya.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil. Para bang binibigyan siya nito ng lakas ng loob na harapin ang takot niya. At hindi siya nito papabayaang mag-isa, sasamahan siya nito.

Sasamahan siya nito hanggang sa huli kasi may kasunduan sila. Iyon ang dahilan.

Wala nang iba, Hillary. Wala na.

Hindi niya namalayan na may isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata niya habang nakapikit siya. Wala na ba talaga siyang karapatang sumaya? Wala na ba talagang matinong tao na hindi siya paglalaruan at sasaktan? Iyong mamahalin siya nang siya lang at wala siyang kaagaw?

Paano kung si Axer pala ang taong 'yon?

Umiling siya. Axer is not that type of person. Hindi ito iyong tipo na mananatili sa isang babae dahil sa dami ng babaeng nag-uunahan dito.

He wasn't the one she was looking for and would never be.

Kulitin at palukutin lang naman ang mukha niya ang hobby ng lalaki. Masasabi niya bang may gusto ito sa kanya dahil doon? Alam naman niya na ginagawa lang siyang libangan ni Axer kapag nasa resort ito at alam din niya na marami itong girlfriend.

Naramdaman niya ang pagdampi ng kamay nito sa mukha niya, kasabay ng pagpunas nito sa kanyang mga luha.

"Sweetheart, don't cry. Hindi ko hahayaang masaktan ka nila uli. I am always here for you," masuyo nitong sabi.

Muli na namang bumagsak ang ilang butil ng luha sa mga mata ni Hillary. Well, first, hindi niya inaasahan na maririnig dito ang mga katagang iyon. He was Axer Lance Wilson, for Pete's sake! Kasasabi lang niya kanina na hindi ito mananatili sa isang babae pero noong narinig niya ang sinabi nito... "I am always here for you," ay parang gusto niyang maniwala dahil sa assurance sa tono ng pananalita nito. Pangalawa, sa dami ng tao, bakit sa isang playboy pa niya narinig ang mga salitang 'yon? Pangatlo, aminin man niya o hindi, gumaan nang sobra ang pakiramdam niya at nawala ang takot niya kapag iniisip na kasama niya ang lalaki na haharapin ang bangungot ng kanyang nakaraan.



"SWEETHEART, we're here."

Boses iyon ni Axer. Napakapit si Hillary sa lalaki nang makita ang bahay nila at parang ayaw niya nang bumaba.

Hinawakan nito ang pisngi niya. "I'm here, okay? Hindi kita iiwan."

Tumango-tango siya na parang masunuring bata. "Promise?"

He nodded. "I promise."

Magkahawak-kamay na naglakad sila ni Axer papunta sa gate ng bahay nila.

Umpisa na ng pagpapanggap n'yo. Your pretend boyfriend plays his role very well. You should cooperate too, Hillary, sabi niya sa sarili.

Agad tumambad sa kanila ang mga maid at security guard ng mansiyon nang makapasok sila.

"Hillary?"

Muling bumalik ang sakit sa puso niya nang marinig ang boses na iyon.

Paul.

She was still into him.

The plan is doomed from the start, Hillary.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top