CHAPTER 3
CHAPTER THREE
SINAMAAN ni Hillary ng tingin ang kausap. "Lumayas ka sa harap ko o gusto mong batuhin naman kita?"
Kanina pa kasing umaga si Axer sa harap ng bahay niya at tinatawag siya sa kung ano-anong pangalan. Masisiraan na talaga siya ng ulo sa lalaking ito. Actually, ilang araw na itong nangungulit simula noong unang pagkikita nila. Iniisip niya nga kung hindi ba ito nagtatrabaho? Kasi mas lamang ang oras nito sa resort.
"Ana? Ano ba kasi ang pangalan mo?" ungot nito. Kanina ay tinawag siya nitong Brenda, Ryza at kung ano pang naisip nito. "Inday Badida—"
Naputol ang sasabihin nito dahil inambahan niya ng kamao.
"Sweetheart na lang nga ang itatawag ko sa iyo." Kumislap ang mga mata ng lalaki. "Sweetheart," ulit pa nito na tila ba pinag-aaralan ang salitang iyon.
Napasabunot si Hillary sa sarili dahil sa sobrang kulit ng kaharap. Iniisip niya, paano ito nagugustuhan ng kababaihan kung ganoon ito kakulit?
"Get out and don't show your face again here, Axer Lance Wilson!"
Namilog ang mga mata nito. "How did you know my full name, sweetheart?"
Gusto niyang tampalin ang bibig. Para saan pa ang Internet connection kung hindi niya malalaman kung sino ito? Isa pa, napanood na niya ito noon sa isang TV show kung saan may mga kasama rin itong iba't ibang lalaki. Hindi lang niya maalala kung bakit napasama roon si Axer pero sigurado siya na businessman ang isang 'to.
"Natalie told me." Okay, she lied.
"Wait, sweetheart, magkakilala kayo?"
Tumango lang si Hillary. "So... can you leave now? Marami pa kasi akong gagawin at kailangang tapusin." Itinulak niya ang malapad na dibdib nito gamit ang isang kamay.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Tutulungan kita. Tara na."
Pumasok sila sa bahay niya habang hawak nito ang kamay niya. Akala mo ito ang may-ari ng bahay kasi hatak-hatak siya nito.
Napatingin siya sa magkadaupang palad nila. Agad niyang hinila ang kanyang kamay pero hindi nito binitawan iyon, sa halip ay lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak do'n at lumingon sa kanya.
"Nararamdaman mo ba kung ano 'yong nararamdaman ko?"
Napatanga siya sa lalaki dahil hindi niya maintindihan ang tanong nito.
"Look, sweetheart, parang may electricity na dumaan sa kamay ko no'ng hinawakan ko itong kamay mo." Itinaas pa ni Axer ang magkahawak nilang kamay.
Tumango lang siya bilang sagot. Ang dahilan kung bakit gusto niyang alisin ang kamay niya ay dahil naramdaman din niya iyon.
"It's weird," usal pa nito at binitiwan na ang kamay niya.
Wala nang nagawa si Hillary at hinayaan na lang ito na tumambay sa bahay niya habang siya naman ay umakyat sa kuwarto at kinuha ang lapatop niya. Ipagpapatuloy lang niya 'yong isinusulat at sana ay hindi siya istorbohin ni Axer.
"What's that?" tanong nito nang makaupo na siya sa sala dala ang itim na dress at wig.
Mataman niya itong tiningnan. "Promise me na hindi ka manggugulo kung hindi papauwiin talaga kita."
Para naman itong mabait na bata na tumango-tango lang. "Ano'ng gagawin mo diyan sa black dress at wig? Sweetheart, you don't need to disguise just to get my attention."
Nanliliit na ang mga mata niya kakatapon ng masasamang tingin dito. "Ipapasuot ko sa iyo ang mga 'yan kapag hindi ka tumigil."
"No way!"
"Good." Binuksan na niya ang laptop at nag-umpisa nang tumipa. Ito naman ay nakaupo sa sahig at nakapangalumbaba lang sa mesa na nasa harap nila kung saan nakapatong ang laptop niya.
"Ano ba iyang tina-type mo, bakit hindi ko puwedeng makita?" maktol nito dahil ayaw niyang mabasa nito ang ginagawa niya. "Siguro nanonood ka ng porn." Kuminang ang mga mata nito. "Sweetheart, panood din. Lagyan mo ng sounds." Akmang tatayo na 'to at tatabi sa kanya pero kasabay n'on ang pagsara niya ng laptop.
Bumuntong-hininga si Hillary at nilingon ang lalaki na ngayon ay katabi na niya sa mahabang sofa na pilit binubuksan iyong laptop niya.
"God! Axer, ano ba ang gagawin ko sa iyo?" napu-frustrate niyang tanong.
Tila hindi naman nito alintana ang frustration niya. "Let me see. Dali na, sweetheart," pangungulit nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at nakahawak lang sa laptop habang nakikipagtagisan sa kanyang mabuksan iyon.
Kinuha niya ang laptop at niyakap iyon. "Umuwi ka na nga!"
Parang natauhan naman ito sa narinig at biglang umamo ang mukha. "I'm hungry. Magluto ka na ng pagkain natin."
Aba at inutusan pa siya sa loob ng pamamahay niya? Ayos din ito.
"Ikaw ang magluto."
Sumimangot si Axer. "I don't know how." At humiga ito sa kandungan niya. "Patikim naman ng luto mo, sweetheart, kahit hindi masarap."
Hindi siya makagalaw. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Tumagilid ito kaya naman nakaharap na ang mukha nito sa tiyan niya.
"Smells good," he whispered.
Sinabunutan niya ito. Tumawa lang ito sa ginawa niya. Dahil sa inis ay inalog na talaga niya ang ulo nito pataas.
Feeling close masyado ang isang 'to.
"Sweetheart, stop! I could almost kiss your 34 cup B brassiere."
Napatigil si Hillary sa ginawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Axer na ngayon ay ka-face-to-face na ang dibdib niya. Hindi niya napansin na masyado na itong malapit sa kanya kakasabunot niya rito.
Agad siyang tumayo at hinayaan itong mahulog. "Manyak!"
"I know." At kumindat si Axer sa kanya. Nakaupo pa rin ito sa sahig. "Sweetheart, nagugutom na talaga ako. Marami ang aaway sa iyo kapag pumayat ako."
Padabog siyang naglakad sa kusina upang magluto. Hindi siya nakapag-almusal dahil maaga siyang binisita ng buwisita niya.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo at hinayaan mong makasama iyang lalaking 'yan?!" bulong niya habang naghahanap sa refrigerator ng puwedeng lutuin— "Ay, shooting star!" bulalas niya nang gulatin siya nito! "Huwag mong ipaglandakan 'yang katawan mo sa harap ko, Axer. Mabuti pa, suotin mo uli 'yang sando mo!"
"It's freaking hot." Naka-topless na kasi ito kahit air conditioned naman ang bahay niya. "Women love my body. Ikaw lang ang kaisa-isang babae na pinagsalitaan ako nang ganyan. Siguro lesbian ka."
"Yes, I am." Naramdaman niyang napatayo ito sa kinauupuan. Lihim siyang napangiti. "Kaya never kitang magugustuhan."
"Let's see. I can make you fall for me in just a snap of a finger."
Nagkibit-balikat lang siya. Let's see kung mangyayari ang sinasabi nito.
"GOING home now, babe. See you soon," paalam ni Axer sa girlfriend. Ito ang new flavor of the week niya. Sa bar niya ito nakilala as usual.
Galing siya sa resort at nagmamaneho ngayon pauwi sa bahay nila. May inayos lang siyang kaunting problema sa resort at kinulit lang din ang sweetheart niya. Nakasanayan niya nang laging puntahan ang babae kapag nasa resort siya. Tutal wala naman siyang masyadong ginagawa pagkatapos kausapin ang mga tao niya na nagtatrabaho roon. At least, hindi siya nabo-bore kapag kausap ang babae.
Magpapalit lang siya ng sasakyan at pupuntahan na ang girlfriend niya sa hotel. Kailangan na nila ng quality time. Isang linggo kasi siyang nagtagal sa resort at ayaw naman niyang papuntahin ito roon.
Naabutan niya si Elisse sa veranda. Mukha itong may malalim na iniisip dahil kahit ang pagdating niya ay hindi napansin.
Hinalikan niya ito sa ulo. "You can tell me your problem, baby sis."
Tumingala ito sa kanya at ngumiti pero hindi 'yon umabot sa mga mata nito. "Nandiyan ka na pala, Kuya. Wala naman akong problema, may iniisip lang."
Nagkibit-balikat lang siya. "Okay. Magsabi ka lang kung may kailangan ka."
Tumango lang ito.
Nag-shower lang siya at umalis din agad. Mabilis din naman siyang nakarating sa hotel.
"Sweetheart," malambing na tawag ng girlfriend niya na ngayon ay nakahiga na sa kama na walang kahit anong saplot kundi kumot.
"Don't call me with that endearment," sabi niya at lumapit, sabay hinalikan ito.
Ayaw niyang kahit sinong babae ang tumawag n'on sa kanya. Ang babaeng nasa isla lang ang tatawag n'on sa kanya. So far, hindi pa nya naririnig ang salitang iyon mula sa babae pero naniniwala siya na soon ay maririnig na niya 'yon mula rito.
"Hey," agaw-pansin ng babae na ngayon ay pinupupog na ng halik ang leeg niya. "Don't you miss me?" dagdag pa nito.
Hindi alam ni Axer kung bakit bigla siyang nawalan ng gana. Inilayo niya ito sa kanya. "I have an important meeting I forgot to tell you. Let's continue this kapag hindi na ako busy." Walang lingon-likod na nilisan niya ang silid.
Napamura siya at pinalo ang manibela ng kanyang Bugatti Veyron.
Come'on, Axer, you're acting stupid. Nakahubad na, tinanggihan mo pa! "Dahil lang naalala mo ang sweetheart mo?"
Napailing siya sa ideyang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top