CHAPTER 18

CHAPTER EIGHTEEN

"WHERE'S my dad?" tanong ng batang lalaki na nakakandong kay Hillary. It was Ryxer—her son.

"There," turo niya sa isang mataas na building.

"Paano po siya nakapunta sa itaas?" maang na tanong uli nito.

Natawa siya. "May elevator and stairs sa loob ng building, anak."

Tumango-tango ito na akala mo ay naiintindihan ang sinasabi niya.

"Daddy!" biglang sigaw nito sa lalaking lumabas ng building, saka umalis sa kandungan niya.

"Ryxer, come back here! Don't run at baka madapa ka," saway niya at sinundan ito.

Kinarga ito ni Axer at naglakad ang dalawa papalapit sa kanya. "Good boy ba ang baby?" tanong nito na agad tinanguan ng anak niya.

"Yes, Dad, you can ask Mom," turo pa nito sa kanya.

"Good boy ba si Ryxer?"

She nodded. Nakita niya agad ang mabilis na pagkislap ng mga mata ng anak niya.

Niyakap siya ni Axer gamit ang isang kamay at hinalikan sa noo.

Her family.



NAPABALIKWAS si Hillary nang may marinig na mahinang iyak sa tabi niya. Masyadong hindi makatotohanan ang panaginip. Panaginip lang talaga 'yon.

"Hush, baby. Mommy is here," pagpapatahan niya sa kanyang one-year-old na anak na si Ryxer.

Agad namang tumigil ang anak sa pag-iyak nang masilayan ang mukha niya at marinig ang boses niya, saka natulog na uli.

Dalawang taon na ang lumipas simula nang umalis siya sa isla pero kahit paano ay may balita pa rin siya kay Axer. At hindi magandang balita ang huli niyang nasagap nitong nakaraan dahil nasangkot na naman daw ito sa isang car accident at malala ang naging lagay sa pagkakataong iyon. Ayaw niyang isipin na naaksidente ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa kanya. Masyado nang mahaba ang panahong lumipas para kalimutan siya nito.

Masaya na rin siya sa buhay niya ngayon—sila ng anak niya.

Bumangon si Hillary at binuksan ang laptop niya upang ipagpatuloy ang isinusulat na romance novel. Yes, nag-start na siyang magsulat ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig at itinigil na muna niya ang pagsusulat ng horror story.

Hanggang sa hindi niya namalayan ang oras. Ala-sais na pala at mayamaya lang ay magigising na si Ryxer. Birthday party ng anak ni Amber ngayon kaya pupunta sila. Malakas ang loob niyang magpunta dahil wala roon si Axer. Nasa ibang bansa ang lalaki at nagpapagaling dahil sa tinamo nitong mga bali at sugat sa katawan noong naaksidente nga ito ilang buwan na ang nakalipas.



"I MISSED you and you, little boy," sabi ni Elisse at niyakap siya pati na si Ryxer.

Wala pang masyadong tao sa hotel kung saan gaganapin ang birthday ng anak nina Amber at Clarkson.

"Hello there," bati sa kanya ni Natalie. "Hi there, little boy. Come to Tita," sabi nito at kinarga ang anak niya na walang pakialam sa mundo dahil busy ang mga mata sa paligid.

"Da... dad... dy. Daddy."

Namilog ang mga mata ni Hillary sa narinig mula sa anak niya at sinundan kung saan nakaturo ang isang daliri nito. Ganoon din ang ginawa nina Natalie at Elisse.

Mga lobo lang pala iyon na dala-dala ng isang lalaki pero hindi nila makita ang mukha nito dahil natatakpan 'yon ng sandamakmak na lobo.

"That's my brother," usal ni Elisse na kagat-kagat ang isang daliri.

Gulat na tumingin siya kay Natalie. "I thought—"

"Akala ko rin wala siya," tipid na wika nito at ibinalik na sa kanya ang anak niyang parang gusto nang maglakad papunta sa mga lobo. Umiyak ito habang nakaturo pa rin sa direksiyon kung nasaan iyon.

"Hush, baby. Kukuha si Mommy. Don't cry." Hinele-hele pa niya si Ryxer pero lalo lang lumakas ang iyak nito na aabot na yata sa kabilang hotel. Mabuti na lang at sila-sila pa lang ang bisitang naroon. Isa pang malakas na iyak ang pinakawalan ni Ryxer dahilan para lumingon ang lalaking may dalang lobo sa gawi nila.

Nakakunot ang noo ni Axer.

Hindi naman masyadong malayo ang agwat nila pero mukhang hindi siya nito nakikilala. Naramdaman niyang umalis si Elisse sa tabi niya nang makita si Axer na naglalakad papalapit sa kinatatayuan niya at ng anak niya.

Siya naman ay hindi malaman ang gagawin. Hindi pa siya handang makaharap uli ang lalaki.

"Hi there, little boy. Why are you crying?" malambing na tanong ni Axer at pinunasan pa ang luha ni Ryxer.

Hindi alam ni Hillary kung ilang minuto siyang nakatitig sa guwapong mukha ng kaharap. Napaigtad lang siya nang dumampi ang daliri nito sa pisngi niya upang punasan ang luhang tumulo mula roon. Hindi niya inaasahan 'yon.

"Pati ang mommy mo tuloy umiiyak na rin." Sinulyapan siya nito at nginitian.

Hindi ba siya nito naaalala? Hindi ba siya nito nakikilala? Hindi sinabi sa kanya ng mga kaibigan na nawala ang memorya ni Axer.

"Da... da... ddy..."

Kumislap ang mga mata ng lalaki nang marinig ang sinabi ng anak niya. "Do I look like your father?" he asked in amusement.

Tumango-tango ang anak niya na akala mo naiintindihan ang sinabi ni Axer.

"May taste ang mommy mo dahil kasingguwapo ko ang daddy mo," wika pa nito na animo tuwang-tuwa na makipag-usap sa isang taong gulang na bata.

Tumingin sa kanya si Axer. Napalunok siya at bahagya pang umatras dahilan para ma-out of balance siya. Agad naman siya nitong nasalo. And she was very thankful to that dahil kung hindi, pareho sila ng anak niyang uuwing may bangas sa mukha dahil hagdan sana ang sasalo sa kanila.

Marahan siya nitong hinawakan sa siko at inalalayang makaupo sa bakanteng upuan. "Be careful."

She nodded. Hell, she couldn't even utter a single word.

Muling umeksena ang anak niya na parang gustong magpakarga sa lalaki.

"Da... daddy," utal-utal na wika ni Ryxer na nakataas ang dalawang kamay.

Ibinigay sa kanya ni Axer ang hawak nitong lobo at kinuha sa kanya ang anak niya, saka inihagis-hagis pataas. At ang guwapo niyang anak, tuwang-tuwa pa.

Gusto niyang maluha sa nakikita. She missed him, she missed Axer so much. Kung puwede lang niya itong yakapin ay gagawin niya.

"Enough, little boy. Baka magsuka ka, malalagot ako sa mommy mo," he said, chuckling. At ibinigay na sa kanya ang anak niya.

Pero sa kasamaang-palad ay parang tuko si Ryxer kung makakapit sa lalaki. Kaya tuloy napilitan siyang tumayo para kunin ang kanyang anak na humagulhol naman nang makuha na niya mula kay Axer.

"Ryxer, anak. Hush."

"Ano uli iyong name niya?" tanong ni Axer.

"R-R-yxer."

"Nice name. Sounds like mine. I'm Axer anyway," sabi nito at inilahad ang isang kamay sa tapat niya kaya lang ay busy siya sa pagpapatahan sa anak niya na nakataas pa ang mga kamay para magpakarga sa lalaki.

"Come to Tito. Huwag mo nang pahirapan si Mommy," malambing na wika ni Axer at kinuha uli ang anak niya.

"Axer, ano—"

Napatingin ito sa kanya. "What did you say?"

"Axer, ano—"

"It sounds good. Parang sanay na sanay ka nang tawagin ang pangalan ko. I like your voice and how you say my name. It's weird but I love it."

Kimi lang siyang ngumiti.

"What's your name?"

She took a deep breath. "Hillary."

Kumunot ang noo nito. "Sounds very familiar. Have we met before?"

"Yes."

"How? When?" tanong nito na parang sasakit na ang ulo.

"It's not really important," pag-iiwas niya sa topic.

"Tell me! Damn it, my head is aching!"

Agad niyang nilapitan si Axer at hindi rin niya alam ang tamang gagawin dahil pati siya ay sumasakit ang ulo sa nakikita.

"Axer, huwag mo nang isipin para hindi na sumakit ang ulo mo," sabi niya habang nakahawak sa isang braso nito at hinahaplos ang ulo nito.

"Hillary, damn! I can't remember!"

"I said stop thinking, makakasama sa iyo! Axer, naman! Ang tigas-tigas pa rin ng ulo mo hanggang ngayon."

"Sinisigawan mo ako, ibig sabihin malapit tayo sa isa't isa."

Umiyak si Ryxer bigla. Siguro ay natakot sa sigaw niya.

"Anak, stop crying," wika ni Axer.

Nagkatinginan silang dalawa na para bang may nasabi itong hindi kapani-paniwala.

Umiling siya. "No."

"Tell me, Hillary, who are you and who's Ryxer in my life?" Frustration was visible in his voice.

"Enough, Axer, just rest." Nakahinga siya nang maluwag nang dumating sina Natalie at Elisse.

"Yeah, right, Kuya. Magpahinga ka muna. Tinatakot mo sina Hillary and Ryxer."

Tumango lang ito at hinila ang isa niyang kamay palayo sa dalawang babae, karga pa nito ang anak niya. "Stay with me. Stay."

Pumasok sila sa isang silid na naroon. Inilapag nito si Ryxer sa kama at agad naman siyang sumunod. Alam niyang gutom at inaantok na rin ang anak niya kaya iyak nang iyak.

Napatingin siya kay Axer na nakatayo lang at pinagmamasdan silang mag-ina. "Sleep, baby," usal niya at tinapik-tapik ang anak pero umiingit-ingit pa rin ito.

"He's hungry and sleepy."

Tumango siya. "Nasa sasakyan iyong bottled milk niya."

Tuluyan nang umiyak si Ryxer kaya naman kinarga niya uli ito at hinele-hele kaso hindi effective. Hindi ito nakakatulog nang walang nakasalpak sa bibig. Maarte ang anak niya, mana sa ama.

Walang siyang choice kundi magpa-breastfeed. May gatas pa naman siya kaya lang ay madalang na siyang magpa-breastfeed kay Ryxer simula noong mag-isang taon ito.

"Don't look at me," taboy niya kay Axer dahil magpapa-breastfeed siya at naiilang siya sa lalaki.

"No, I want to see you."

Sinamaan niya ito ng tingin pero ngumisi lang sa kanya.

"Nakita ko na ba 'yan dati?" turo nito sa dibdib niya.

Nag-iwas siya ng tingin at hindi nagsalita.

"Silence means yes. So nakita ko na 'yan. Come on, Hillary. Nagugutom na si Ryxer," naiinip na wika nito at lumapit sa kanya.

"Stay there and don't look at me."

"You know I can't do that. Ikaw pala ang mas matigas ang ulo sa ating dalawa."

Ibinaba ni Axer ang strap ng suot niyang dress. Hindi siya makatanggi dahil karga niya si Ryxer. Bawat dampi ng daliri nito sa balat niya ay parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya. Nandoon pa rin iyong sparks na tinatawag nila tuwing magdadampi ang mga balat nila.

"Ako na, Axer."

"No. I know what to do."

Agad niyang tinakpan ang isang dibdib nang maibaba na nito ang strap. Nagsimula na siyang i-breastfeed ang anak.

Si Axer naman ay pinapanood lang si Ryxer at mukhang wala namang paki sa dibdib niya. "Dapat lang na i-stop mo na ang pagpapa-breastfeed," nakasimangot na wika nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit naman?"

"Basta. Dapat sa bottle na lang siya at hindi sa iyo."

"Ewan ko sa iyo!"

Humiga ito sa kabilang side. "I can't remember anything, lalo na iyong nakalipas na dalawang taon." Tinakpan nito ng isang braso ang mga mata. "I want to remember what happened, but I'm scared. I have this feeling na masasaktan ako kapag nalaman ko."

Ikinurap-kurap ni Hillary ang mga mata dahil nag-iinit ang magkabilang sulok n'on.

"Did I hurt you before?"

Agad niyang pinunasan ang isang luha na umalpas. "N-no."

"You're lying."

"I am not," she lied.

"I'm sorry. I'm really sorry kung ano man ang nagawa ko sa iyo, Hillary."

Inilapag niya ang anak sa tabi nito at tumakbo papasok sa banyo. Tumingin siya sa salamin at hinayaang dumaloy ang mga luha.

Ganito pala iyong feeling kapag pinagtagpo uli kayo ng lalaking minahal mo noon. Hindi mo ma-explain iyong nararamdaman mo. Kung masaya ka ba o nalulungkot.

Tandang-tanda niya ang mga pinagdaanan nilang dalawa, malinaw pa sa isip niya iyong saya at sakit na pinagsaluhan nila. Samantalang si Axer, kahit pangalan niya ay hindi maalala.

Iniisip niyang minsan, maganda rin na nawalan ka ng alaala para kahit paano ay hindi mo na maisip iyong masasakit na bagay na naramdaman mo noon.

"Hey, are you okay? Open the door," wika ni Axer habang mahinang kinakatok ang pinto para siguro hindi magising si Ryxer. Kasi noon, walang galang kung kumatok ang lalaking ito sa pinto niya kaya tuloy halos madapa siya sa hagdan mapagbuksan lang ito.

Naghilamos siya ng mukha at pinunasan 'yon ng tuyong towel. "Okay lang ako, Axer." Hindi ito nagsalita kaya binuksan niya ang pinto at muntik pang mapatalon dahil nakatayo ito sa tapat n'on. "Excuse me."

"Bakit ka umiyak?" tanong nito kaya napahinto siya sa paglalakad.

"Of course not. Napuwing lang ako."

"You lied again." Niyakap siya nito mula sa likuran.

Ang tagal nila sa ganoong posisyon at wala ring nagbabalak na magsalita. Napapikit lang siya at dinama ang yakap nito sa kanya.

"Hillary."

"Hmm?"

"I'm sorry."

Tumango lang siya at hinawakan ang mga braso nitong nakayakap sa kanya. "Forgiven," usal niya at hinarap ito. Ang totoo, noon pa niya napatawad ang lalaki. She smiled sweetly. "Napatawad na kita, Axer. Matagal na."

Niyakap siya nito. "Thank you. Hindi ko man naaalala ang lahat pero iba ang sinasabi ng puso ko noong nakita kita. My heartbeat went fast noong papalapit ako sa iyo kanina. Kaya sabi ko sa sarili ko, iba ka. Hindi ka ordinaryong babae lang sa akin. You're special."

"Tutulungan kitang maalala lahat. Lahat-lahat."

"Parang ayaw ko nang maalala ang mga bagay na 'yon. My painful past."

Umupo sila sa gilid ng kama. Tumingin ito kay Ryxer na mahimbing na natutulog.

"Sino ang daddy ni Ryxer?" tanong nito bigla dahilan para mag-iwas siya ng tingin. "Please tell me, Hillary."

"I'm—"

Pareho silang napalingon sa may pinto nang may mag-doorbell. Nagkibit-balikat siya at tiningnan si Axer na parang sinasabi rito na pakitingnan kung sino iyon. Wala namang nagawa ang lalaki kundi sundin siya.

Axer opened the door and a gorgeous woman stood in front of them with all her glory. The seductive lingerie model was in the house, rather hotel—Mandy Lane.

"Did I disturb you, guys? The party just started," Mandy said excitedly. "Oops! He's sleeping." Dali-dali nitong tinakpan ang bibig.

Kimi lang siyang ngumiti at tinapik ang anak niya na naputol na ang pagtulog.

"I'll carry him. Come to Daddy, little boy."

Nagkatinginan sila ni Mandy.

"Did you tell—"

Agad niyang tinakpan ang bibig ng babae. Hindi niya alam kung paano siya nakalapit agad nang mabilis mula sa kama patungo sa kinatatayuan nito.

Kunot-noong pinaglipat-lipat ni Axer ang tingin sa kanilang dalawa. "Spill it, Mandy."

"Never mind, darling." She smiled sweetly at him and grabbed her hand so they could get outside. "That was close," mahinang usal pa nito nang makalabas na sila.

Hillary nodded and wiped her sweaty forehead.

Umupo sila sa isang bakanteng upuan katabi ng mga kaibigan nila.

"Where's Axer and Ryxer?" Scott asked her.

"Pababa na," tipid na sagot niya at humalik sa pisngi ni Amber. "Hi there, little boy," nakangiting bati niya sa three years old na anak nito—Cassidy Forbes.

Ang guwapo-guwapong bata rin, pamumuri ng isang bahagi ng utak niya.

"Okay na kayo ni Kuya Axer?" Elisse asked. Her cute little daughter Stella was busy eating an ice cream beside her.

"Not yet. Hindi n'yo sinabi sa 'kin na nawalan siya ng alaala."

She heard Clarkson's chuckle. "Because of you."

"Huh? What do you mean because of me? Wala akong alam sa nangyari sa kanya."

"Are you sure wala kang alam?" Elisse teased.

"I know about the car accident because Natalie told me pero iyong tungkol sa pagkawala ng alaala niya ay hindi ko alam," muling tanggi niya dahil wala namang nasabi sa kanya ang mga kaibigan.

"That was one year ago. Nag-aya siyang mag-car racing," wika ni Scott na mukhang maganda ang gising dahil maaliwalas ang guwapong mukha.

"Then?" tanong niya.

"His Bugatti Veyron exploded. Akala nga namin patay na siya," sabi pa ni Clarkson.

"Dinamay pa niya iyong Saleen S7 Twin Turbo sports car ni Matthew," Scott said, chuckling.

"I bought a new one, color white this time," depensa ng senador.

Alam niyang mahilig mag-car racing ang magkakaibigan pero madalang lang, pampalipas-oras lang nila ang bagay na 'yon.

"Then let's race again," aya pa ni Scott na nakaakbay na kay Natalie.

"Count me in. I need to test my SSC Ultimate Aero," singit ni Steven.

"Daddy, can I ride with you?" Stella asked innocently.

"No, baby," maagap na wika ni Elisse na sinamaan ng tingin ang asawang doktor.

"You can ride kapag big girl ka na."

Stella raised her two hands na para bang siyang-siya sa narinig.

"Babe, okay na iyong McLaren mo?" Amber asked her husband.

"Yes, yes," Clarkson answered.

"I have my new Bugatti Veyron. I can drive now," sabi ng bagong dating na si Axer na karga si Ryxer.

Napatingin ang lahat ng kaibigan nila sa lalaki na para bang sinasabing hindi ito puwedeng magmaneho.

"You can't drive, Kuya."

"Why?"

Sumimangot si Elisse. "Sabi ng doktor mo."

"I already talked to him and sabi niya puwede naman daw akong mag-drive."

"You can't!" sigaw nilang lahat puwera sa kanya.

Ano ba ang nangyayari?

"Hey, what happened? Bakit ayaw n'yo siyang mag-drive?" nagtatakang tanong niya.

"He never knew about his car accident. Hindi niya alam na nabangga ang sasakyan niya kaya nawala ang memory niya," bulong ni Natalie sa kanya.

"Ano lang ang alam niya?" ganting bulong niya.

"Sumabog ang sinasakyan niyang yate noong mga panahon na hinahanap ka niya."

Napasinghap si Hillary. Hell, tago siya nang tago, 'tapos si Axer pala ay hanap nang hanap sa kanya.

"Wala na siyang ibang maalala noong gumising siya," dagdag pa nito.

"You all lied?"

Tumango ang kaibigan.

"Pero bakit?"

"Dahil natatakot kami na maulit uli iyong aksidente na nangyari sa kanya. Sobrang depressed niya that time kasi iniwan mo siya. He almost died."

Kinagat niya ang ibabang labi at tumingin kay Axer. Wala itong kaalam-alam sa nangyari. Parang mas maganda pa na huwag nitong maalala ang lahat. Dahil kapag bumalik na ang alaala nito ay siguradong babalik din ang sakit na ipinadama niya rito.

Sobrang selfish niya noong nagpasya siyang iwan ang lalaki kahit alam niyang wala naman talaga itong kasalanan. Alam niya ang katotohanan at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

Hindi niya alam kung kailan niya sasabihin kay Axer ang lahat. Natatakot siya na masaktan na naman ang lalaki dahil sa paglilihim na ginawa niya rito.

"Axer, akin na si Ryxer. Ano ba ang nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Mandy na buhat-buhat ang anak niya.

Tiningnan niya ang lalaki na ngayon ay nakahawak ang isang kamay sa upuan at ang isa ay sa ulo. Lumapit siya rito, baka sakaling makatulong siya.

"My head is aching!" nahihirapang wika nito.

Muli na naman itong sumigaw kaya lahat sila ay hindi alam ang gagawin puwera kina Steven at Natalie na mataman lang na nakatingin dito.

"What is it?!" parehong wika ng dalawang doktor.

"I heard myself calling someone..."

"W-what?" kinakabahang tanong nilang lahat.

Axer looked at her. Kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

"Sweetheart..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top