CHAPTER 15
CHAPTER FIFTEEN
PANAY ang sulyap ni Axer sa cell phone niyang nakalapag sa ibabaw ng mahabang mesa. Nasa pinaka-center ang puwesto niya at sa magkabilang gilid naman ay ang mga investor at iba pang ka-meeting. Kanina pa kasi siya text nang text at tawag nang tawag kay Hillary pero hindi ito sumasagot. Nami-miss niya agad ito kahit ilang oras pa lang silang hindi nagkikita.
Iniisip niya na baka tulog pa ito hanggang ngayon dahil pinagod niya kagabi at hindi tinantanan. Napangiti siya nang maalala ang pinagsaluhan nila ng babaeng mahal niya.
I'm her first, proud na sabi niya sa utak.
Pangatlong meeting na niya ngayong araw. Actually, hindi niya nga naiintindihan ang pinag-uusapan dahil occupied ang utak niya ng babaeng tagaisla. Bahagya niyang sinilip ang kanyang wristwatch at muntik nang mapamura nang malaman kung anong oras na.
Nine in the evening na pero bakit hindi pa rin sumasagot si Hillary sa mga message niya? Imposible na tulog pa ito dahil tanghali pa lang ay umalis na siya sa resort.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Axer sa isiping baka may nangyaring masama rito o kaya pinasok ng magnanakaw ang bahay nito at ni-rape ang babae. Nagtagis ang mga bagang niya sa sariling ideya. Walang sabi-sabing nilayasan niya ang mga ka-meeting na nagtaka at nagulat.
Who cares? Mas importante si Hillary kaysa sa meeting nila ngayon. At isa pa, siya ang boss at walang magagawa ang mga ito kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Gusto niyang masiguro kung safe si Hillary.
Kung puwede lang paliparin ang Bugatti Veyron niya ay ginawa na niya makarating lang agad sa resort. Habang bumibilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan ay ganoon din kabilis ang tibok ng puso niya sa kaba na nararamdaman. Kahit hindi paladasal palagi ay nag-usal siya ng dasal na sana ay okay lang si Hillary. Mababaliw siguro siya kapag iniwan siya ng babae.
"Sweetheart, wait for me," usal niya.
Ilang minuto o ilang oras na ba ang lumipas? Hindi na alam ni Axer. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa bahay ng babae nang makarating. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang mga gamit sa loob ng bahay na akala mo dinaanan ng bagyo.
"Hillary," tawag niya. Pumunta siya sa kusina pero wala ito roon.
Pabagsak niyang tinungo ang banyo pero wala siyang makitang bakas ni Hillary doon. Patakbo niyang tinungo ang kuwarto nito at nanalangin na sana ay nandoon ang babaeng mahal niya.
Marahas niyang binuksan ang pinto ng silid nito. "Hillary, sweethea—"
At para siyang natulos sa kinatatayuan nang makita itong mahimbing na natutulog at nakayakap...
Sa ex-boyfriend nito.
Kay Paul.
Sa lalaking mahal nito. Sa lalaking patuloy na mamahalin nito.
Siguradong walang kahit anong suot na damit si Hillary sa ilalim ng kumot na nakatakip sa katawan nito. Ayaw mang tanggapin ng utak niya ang nakikita pero iyon ang katotohanan. Ipikit at ibukas man niya ang mga mata nang paulit-ulit ay iyon at iyon pa rin ang nakikita niya.
'Yong babaeng mahal niya na kasama ang lalaking talagang mahal nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nagawang magustuhan ni Hillary.
Bakit? paulit-ulit na tanong ni Axer sa isip.
Parang kanina lang ay siya ang kayakap nito, siya ang kasama at siya ang kasiping. Ganoon na ba siya kawalang kuwentang tao para gawin sa kanya ito ng babae? Masakit. Masakit na halos buong katawan niya ay gusto nang sumuko. Iniisip niyang baka panaginip lang iyon, baka nananaginip lang siya. Pero nasagot ang tanong niya nang magsalita ang babae.
"Axer?" tila kinakabahang tawag ni Hillary sa pangalan niya. Gusto nang kumawala ng luha sa mga mata niya dahil sa sakit na nadarama. "B-bakit ka nandito? 'Di ba may meeting ka?"
Gumalaw ang lalaking katabi nito at nagmulat ng mga mata. Gusto na niya itong patayin nang halikan nito sa pisngi si Hillary at napabalikwas nang makita siya.
Hindi niya alam kung bakit walang lumalabas na salita mula sa bibig niya. Naikuyom niya ang mga kamay at walang sabi-sabing pinagsusuntok ang lalaki dahil sa galit at sakit na nararamdaman.
"Axer, ano ba, tama na!" awat ni Hillary sa kanya na hawak-hawak pa ang kumot upang itakip sa hubad nitong katawan. "Axer!"
Napatigil siya nang sumigaw ito. Kitang-kita niya ang dugo sa mukha ng lalaki at ang galit sa mga mata ni Hillary.
Gusto niyang matawa. Kasalanan pa niya ngayon? Ito pa ang galit sa kanya?
Tumawa si Axer nang pagak at hinarap si Hillary. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan nito na kagabi lang ay inangkin niya, 'tapos ngayon ay ibang lalaki naman. Nakakadiri, pero bakit ang sakit pa rin? "Bakit, Hillary? Bakit?!" Nagtatagis ang mga bagang niya at parang gusto na naman niyang manuntok.
Hindi ito nagsalita. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Ipagtatanggol siya nito?
"Axer, may sasa—"
"Ano, masarap ba? Hindi ka pa ba nakontento kanina?!" pang-uuyam niya dahilan para sampalin siya nito.
Natawa siya. "Masaya ka ba? Masaya ka ba na nakikita akong ganito? Masaya ka ba na pagmukhain akong tanga sa harap n'yong dalawa?"
Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Siguro ay natatakot sa kanya. Dapat lang na matakot ito sa kanya dahil pakiramdam niya ay makakapatay siya ngayon. Ganoon pala iyong pakiramdam kapag sinaktan ka ng taong mahal mo, parang hindi ka makahinga dahil sa sobrang sakit na ibinibigay nila sa iyo.
"Axer, hindi mo naiintindihan."
"Ang ano, Hillary? Ang ginawa n'yo?" Itinuro niya ang buong kuwarto kung saan niya rin ito inangkin. "Ganyan mo ba talaga kamahal ang lalaking 'yan?" duro niya sa lalaking duguan ang mukha at nakaupo sa sahig.
Hindi nagsalita si Hillary dahilan para muli na namang manikip ang dibdib niya. Gusto niyang marinig mula rito na hindi na si Paul ang mahal nito, na siya na ang mahal nito dahil kahit ano ang gawin ni Hillary na pananakit sa kanya ay buong puso pa rin niya itong tatanggapin at mamahalin kapag bumalik ito sa kanya. Ganoon niya kamahal ang babae. Mas matindi pa sa pagmamahal ng kahit kanino ang nararamdaman niya rito na kahit hindi na siya pumasok sa trabaho ay gagawin niya makasama lang ito.
"Hillary, kahit kailan ba hindi mo ako nagawang mahalin kahit katiting?" Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at tumingala dahil pakiramdam niya, ilang segundo na lang ay may lalabas nang tubig sa kanyang mga mata. It was so unmanly, but he didn't care.
Umiling-iling ito habang nag-aagusan ang luha sa mga mata na lalong mas nagpabigat at nagpasikip sa dibdib niya. Hindi man ito magsalita pero alam na niya ang sagot.
HINDI. Hindi siya mahal ni Hillary, hindi siya nito nagawang mahalin kahit katiting, kahit kaunti.
Muling naikuyom ni Axer ang mga kamay, bara-barang itinaas si Paul at isinandal sa pader, saka sinakal. Kung makukulong siya ay wala siyang pakialam basta mapatay lang niya ang lalaking ito, ang lalaking kaagaw niya sa puso ni Hillary.
"Damn, I can't breathe!" tila nahihirapang sabi nito. Sigurado siyang ilang minuto na lang ay malalagutan na ito ng hininga dahil sa higpit ng sakal niya.
"Axer! Tama na, tumigil ka na! Mapapatay mo si Paul! Please!" sigaw ni Hillary na humahagulhol.
Napapikit siya sa isiping nasasaktan ito dahil sinasaktan niya ang lalaking mahal nito.
Marahas niyang binitiwan si Paul at ibinalandra sa kama. Ayaw niya mang tingnan si Hillary, pero kailangan. "Wala ba talaga akong puwang sa puso mo? Siya pa rin ba?" tanong niya na nagpipigil ng sakit na makita ito sa ganoong hitsura.
Sa dinami-rami ng babaeng dumaan sa buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong uri ng sakit, iyong feeling na sana bato na lang siya para hindi na siya makaramdam ng kahit ano.
"Kahit kailan ba hindi mo talaga ako nagawang mahalin?" tanong niya uli. Gusto niyang marinig mula rito ang sagot na pakiramdam niya ay ikamamatay niya.
"Hindi," sagot nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at nagpunas ng mga luha.
Nakagat ni Axer ang ibabang labi kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilang huwag kumawala. Tumawa siya, iyong mapait na. "Ganito pala kapag nagmamahal, nagiging tanga tayo dahil iniisip natin na mahal din tayo ng taong mahal natin kahit hindi naman talaga." Tiningnan niya ang babae at lumapit dito. Pinunasan niya ang luha sa mga mata nito na pumipiga sa puso niya dahil hindi para sa kanya ang mga iyon. "I'm stupid to love you, to keep loving you kahit alam kong hindi ko siya kayang palitan diyan sa puso mo." Napahinto siya at mariing ipinikit ang mga mata. "Bakit ikaw pa, bakit ikaw pa ang minahal ko... Hillary?" tanong niya. Napayuko siya para kahit paano ay matakpan at hindi nito makita na umiiyak siya. Natatakot siyang pagtawanan nito sa harap niya mismo.
Sa buong buhay niya, ngayon lang siya umiyak at sa babae pa. Mas sanay kasi siyang siya ang iniiyakan at siya ang nananakit. Nabaligtad na ngayon, siya na ang pinapaiyak at siya na rin ang paulit-ulit na sinasaktan ng isang babae lang.
"Axer—"
Tinakpan niya ng isang daliri ang mga labi nito. "Enough. This is too much. Huwag ka nang magsalita dahil bawat sabihin mo, katumbas n'on ay ang pagdurog mo sa puso ko. Go back to sleep. Sorry sa istorbo."
Parang sinaksak nang paulit-ulit iyong puso niya nang hindi man lang siya nito pigilan nang umalis siya.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta gusto niyang malimutan ang babae kahit ilang oras lang. Dinala siya ng sasakyan niya sa isang hindi kilalang lugar, nadaanan lang niya iyon mula sa resort. Bar iyon at may live band. He wasn't into music pero dahil brokenhearted, parang mas maganda paminsan-minsan na makarinig naman siya ng musika.
Parang walang buhay na umupo si Axer sa isang gilid. Agad namang lumapit ang isang waitress sa kanya na ang lapad ng pagkakangiti pero hindi niya pinansin 'yon. Sinabi niya ang alak na iinumin hanggang umaga.
Malakas ang tugtog sa loob ng bar na halos mabingi na siya. Iba't ibang amoy ng alak at sigarilyo pero sanay na sanay na ang katawan niya roon.
Ang kaninang loud music ay napalitan ng mas medyo slow pero hindi niya alam ang kanta. Ang alam lang niya ay foreign music 'yon.
Bright lights, fancy restaurants
Everything in this world that a man could want
Got a bank account bigger than the law should allow
Still, I'm lonely now
Pretty faces from the covers of the magazines
From their covers to my covers wanna lay with me
Fame and fortune still I find
Just a grown man runnin' out of time
Hindi iyon typical na love songs na madalas pakinggan ng mga taong sawi sa pag-ibig.
Sinadya ba ang kanta para sa kanya? Yes, he had everything.
Even though it seems I have everything
I don't wanna be a lonely fool
All of the women, all the expensive cars
All of the money don't amount to you
So, I can make believe I have everything
But I can't pretend that I don't see
That without you, girl
my life is incomplete
Said without you, girl
Natawa siya nang marinig ang chorus ng kanta, lalo na iyong last part. Mayroon nga siya ng lahat, pero hindi pa rin kumpleto ang buhay niya dahil wala si Hillary sa kanya, wala iyong babaeng mahal niya.
His life was incomplete without Hillary.
Your perfume, your sexy lingerie
Girl, I remember it just like it was on yesterday
A Thursday you told me you had fallen in love
I wasn't sure that I was
It's been a year, winter, summer, spring and fall
But bein' without you just ain't livin' ain't nothing at all
If I could travel back in time
I'd relive the says you were mine
Inubos niya ang beer nang isang tunggaan lang at muntik nang mapamura nang malakas nang gumuhit iyon sa lalamunan niya.
Even though it seems I have everything
I don't wanna be a lonely fool
All of the women, all the expensive cars
All of the money don't amount to you
So, I can make believe I have everything
But I can't pretend that I don't see
That without you girl my life is incomplete
I just can't help loving you
But I love you much too late
I'd give anything
And everything
To hear you say
That you'll stay
She wouldn't stay. She wouldn't.
Napapapikit na ang mga mata ni Axer dahil sa pagod, puyat, antok at sakit. Kahit ilang bote ng beer pa yata ang ubusin niya ay hindi mawawala ang nararamdaman niya. Tuwing pipikit siya ay mukha ni Hillary ang nakikita niya na mas lalong nagpapasakit ng loob niya.
"Damn!" paulit-ulit na mura niya.
Unti-unti nang umeepekto ang alak na nainom niya. Ilang babae na rin ang sinabihan niya ng "I'm not interested" or "Stay away."
Isang babae lang ang gusto niya. Si Hillary Thompson lang. Pero hindi na siya magpapakatanga uli. Ayaw na niya.
Akala niya mahal na siya nito dahil ibinigay nito sa kanya ang sarili. He had even spread his seeds inside her two times. Pero magbunga man ang ginawa nila ay hindi na siya sigurado ngayon kung kanya nga ba ang bata.
He wanted her to be free. He wanted to forget her, to forget Hillary. To forget the pain he was feeling right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top