CHAPTER 8

CHAPTER EIGHT


"HONEY, sabihin mo na kay Amber," malambing na wika ng mommy niya sa daddy niya. Nasa isang sikat na hotel sila sa mga oras na 'yon to celebrate her graduation day.

Yes, graduate na siya!

"What is it, Dad?" Amber asked.

Nagpunas muna ito ng tissue sa bibig at tumingin sa kanya. She knew that kind of look from her father.

"Amber, you know me and your mom. We're not getting any younger and we want you to start running the company. I know you expected this."

Nalunok niya bigla ang kinakain na dark chocolate cake. Yes, of course she expected this, but it was too early. Come on, kaka-graduate niya lang. Wala pang isang araw ang nakakalipas. She didn't even know when or how to start. She was afraid. What if she didn't make it right?

Mataman lang na nakatingin sa kanya ang mga magulang.

"Don't worry, baby. We're here to guide you. The staff will help you and Clarkson also offered his help." Her mom carressed her face and smiled at her.

Alam niya iyon dahil napag-usapan nila ng lalaki ang tungkol sa magiging trabaho niya bago ito tumungo sa Singapore.

"Yes, Mom. I know."

"Clarkson is a big help, lalo na sa iyo. We gladly accepted his offer kasi alam namin na gusto ka talaga niyang matuto. Look at that man, he is very successful now."

"Paano po kung hindi ko magawa iyon nang tama? Paano kung magkamali ako?"

Bumababa ang self-esteem niya sa mga naiisip. Magaling ang daddy niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila, paano kung hindi niya mapantayan iyon?

"We're here to help you, okay? Me and your dad will always be here for you, anak. You don't have to worry."

She stood up and hugged her parents. "I don't know how to thank God for giving me these wonderful parents." Nanunubig na ang kanyang mga mata sa tuwang nararamdaman.

Her dad patted her arm. "We are happy to have you in our life."

"Daddy, you are making me cry."

"Always be our crying baby."

Humiwalay siya sa mga magulang at bumalik sa upuan niya. "Dad, give me a one-week vacation first bago mo ako ipakilala as a new CEO, please?" She pouted her lips and gave her parents a puppy eyes. Since only child lang siya kaya naman sanay na sanay siyang maglambing sa mga magulang.

"Sure, baby. We can't say no to you." Her mom smiled at her.

"Thanks, Mom! Thanks, Dad!" Masaya siya roon.

Amber was sipping her glass of wine when her cell phone suddenly rang. She excused herself to her parents and walked through the garden.

"Hello. Who's this?" Unregistered number kasi.

"Missed me?"

Gusto niyang mapatili nang marinig ang boses ni Clarkson.

"Yes, babe. Kailan ka uuwi?" Pinalungkot niya ang boses para malaman nitong gusto niya na itong makasama. Two weeks nang nasa Singapore ang lalaki dahil may inaasikaso pa.

"Soon. I have to finish some business here first then uuwi na ako diyan."

Ang husky ng boses nito at mukhang nakainom.

"Uminom ka?"

May narinig siyang kung anong ingay sa kabilang linya kasabay n'on ay ang pagputol ng tawag. Kumunot ang noo niya. Hindi naman basta-basta ibinababa ni Clarkson ang tawag. Siguro may connection problem lang. Nagkibit-balikat na lang siya at bumalik sa loob ng hotel.

Matapos kumain ay hinatid siya ng mga magulang sa condo unit niya at umalis din naman agad ang mga ito.

Agad na dumeretso si Amber sa kuwarto at napatingin sa paligid. Natutuwa siya kapag nakikita ang mga ibinigay sa kanya ni Clarkson. Tinotoo nga nito ang panliligaw sa kanya. Halos araw-araw ay may nagpapadala ng kung ano-ano sa kanya. Naipon niya na nga ang mga iyon sa kuwarto niya—ang chocolates na mga kaibigan niya ang kumakain kapag binibisita siya, mga bulaklak na nanghihinayang siyang itinatapon kapag nalalanta na.

Siguro mas magandang sabihin niya na kay Clarkson na enough na ang panliligaw.

Napatingin siya sa cell phone niya nang mag-ring iyon. Si Natalie ang caller kaya sinagot niya agad.

"Hello, Natalie?" Ang ingay sa paligid. Parang nasa loob ito ng bar.

"Let's party, Amber! Come here—ano ba, bitiwan mo nga ako!" Parang may nabasag sa kabilang linya.

"Hey, what happened? Where are you, Alie? Pupuntahan kita!"

"No, she's fine with me," a man answered. Lalaking-lalaki ang boses nito.

"S-Scott?"

"Exactly."

"Hey, bastard! Give it back to me. My phone, my damn phone!" maktol ng kaibigan niya na tila ba nakikipag-agawan kay Scott.

"Shut up." Sa boses ng lalaki, mukhang uubusin ni Natalie ang pasensiya nito.

Narinig niya na lang ang pagtili ng kaibigan at naputol na ang linya.

Ano ba ang problema ng mga tao? Dalawang beses na siyang binababaan ng tawag ngayong araw.



"THANK YOU, everyone. Sana lahat tayo dito magkasundo. Enjoy the night."

Pagkatapos mag-speech ay pumunta na si Amber kung saan naroon ang kanyang mga magulang. Yes, she was the new CEO of Charles Collins Enterprise.

"Great job, anak. We're very proud of you. I'm sure all the employees here will like you," wika ng daddy niya at yumakap sa kanya.

Napangiti siya sa isipin na mahal siya ng mga magulang. Naluha tuloy siya sa nararamdamang saya. Her parents were her weakness.

"Sshh. Baby, don't cry." Her mom wiped her tears and kissed her forehead.

"Thank you, Mommy. Thank you, Dad." Talagang hindi niya mapigilan ang mga luha kahit anong pilit niya.

"Baby ka pa talaga dahil umiiyak ka na naman."

"Dad, I told you, 'di ba? I'm not a baby anymore. Naririnig nila, it's so embarrassing." Luminga-linga pa siya at nakitang nasa kanila nga ang atensiyon ng mga empleyado nila. "I told you." Nakanguso pa siya.

"I didn't know that the new CEO is a crying lady."

Napaigtad si Amber sa narinig. "Clarkson?" Dali-dali siyang naglakad papalapit sa lalaki at yumakap.

He hugged her back and kissed the top of her head. "I know you missed me."

"Yeah, as always."

He cupped her face with his palms and leaned forward to her ears. "Na-miss din kita."

Napatuwid siya ng pagkakatayo dahil parang may ibang meaning pa kasi ang sinabi nito.

"Akala namin hindi ka na makakapunta, hijo," sabi ng kanyang ama sa lalaki at tinapik pa ang balikat nito.

Ngumiti si Clarkson. "I want to see the new CEO, Tito, kaya dito ako dumeretso from Singapore." Tumingin ito sa kanya at kumindat.

"Clarkson, it's nice to see you again." Lumapit din ang mommy niya at bumeso.

Nakatingin ang mga empleyado at iba pang staff na narooon sa gawi nila. Kilala ng mga ito si Clarkson, sino ba ang hindi? Bilang tugon, kumaway lang ang lalaki sa mga ito at ngumiti.

Maayos na natapos ang party. Bukas din ay mag-uumpisa na siyang magtrabaho.



"I'M TIRED, I can't drive, I want to sleep." Clarkson groaned. Nakadapa ito sa kama niya yakap ang isang unan niya. Ayaw kasi nitong umuwi sa penthouse nito pagkatapos siyang ihatid.

"Hindi ka puwedeng matulog dito, Clarkson. Ihahatid kita."

Tiningnan siya nito na mukhang naiinis na dahil kanina niya pa ito pinapauwi. "Uuwi lang ako kapag nakipag-make love ka sa akin pero kung hindi, dito ako matutulog." At muli nitong isinubsob ang mukha sa unan.

Bigla namang lumayo si Amber at tumayo dahil baka totohanin nito iyon. Maarte niyang inilagay sa noo ang mga daliri at bumuntong-hininga nang dahan-dahan.

"Fine, pero doon ka sa couch. Huwag ka diyan sa kama ko." Hindi niya na ito hinintay sumagot at dumeretso na sa shower room.

Ilang minuto siyang nagliwaliw sa loob. Siguro tulog na si Clarkson dahil mukha talaga itong pagod pero guwapo pa rin ito sa paningin niya. Ibinalot niya ang sarili ng yellow bathrobe at binuksan ang pinto pero gusto niyang isara uli iyon dahil nakatingin sa kanya ang lalaki at nakangisi ito.

Nakatayo ito sa gilid ng kama at naglakad papalapit sa direksiyon niya. Parang natulos siya sa kinatatayuan at hindi nakagalaw nang lapitan siya nito at hawakan ang dalawang balikat niya. Wala siyang suot na kahit anong panloob! Hell, no!

"I'm going to take a cold shower," bulong nito sa tainga niya.

Tumango-tango siya at gumilid para makadaan ito. Nakahinga siya nang maluwag. Dali-dali siyang kumuha ng damit-pantulog at nagbihis. Cotton shorts and mint green sando. Pinatuyo niya muna ang buhok bago humiga.

Napapapikit na ang mga mata niya nang may mga brasong yumapos sa baywang niya. Of course, kay Clarkson iyon, kanino pa ba?

"Matulog ka na," usal niya habang nakapikit ang mga mata.

Hinila siya nito paharap sa kanya. "Where's my good-night kiss?"

Nanlaki ang kaninang pikit niyang mga mata. "Ha? Bakit ba—"

Hindi na natapos ni Amber ang sasabihin dahil hinalikan siya ni Clarkson na agad naman niyang tinugon. The kiss was different this time, mapusok. His hands roamed around her back hanggang sa mapunta iyon sa dibdib niya. He massaged it and pinched her nips. His lips went down to her neck. Itinaas nito ang suot niyang sando and sucked her breasts. Sinisipsip nito ang nipple niya dahilan para mapaungol siya.

His palm caressed her thighs at para siyang binuhusan ng malamig na tubig at agad na hinawakan ang braso ni Clarkson. Napatingin ito sa kanya at nagmura bago siya niyakap.

"I'm sorry. I shouldn't do that."

"Let's sleep. I'm sorry din." She hugged him back and closed her eyes.

He kissed her forehead. "Good night, babe. I'm sorry uli. Na-miss lang talaga kita."

Hindi na nagsalita si Amber dahil ang totoo, natatakot siya na baka sa susunod ay hindi niya na ito matanggihan. Hindi ibinabase sa bagay na iyon ang isang relasyon, dapat ilagay niya sa isip iyon. Marami pa siyang responsibilidad sa buhay.

Paano na lang kung magbunga ang kapusukan nila?

Sigurado ba siya na papanagutan at papakasalan siya ni Clarkson?

Hindi siya sigurado, tama hindi pa siya sigurado kung mahal ba siya nito dahil hindi niya pa ito narinig na nag-"I love you" sa kanya.

Napaisip tuloy siya. Mahal ka ba talaga niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top