CHAPTER 4
CHAPTER FOUR
ILANG buwan na lang ay ga-graduate na si Amber. Ilang buwan na lang din ay ite-take over na sa kanya ng kanyang ama ang posisyon nito. She would face the reality of being an heiress. Her parents would be there to support her of course.
She decided to live in her condo na ang daddy niya ang bumili mismo, advance gift daw. She moved in two months ago. Kaso hindi naman ganoon kadali nila napapayag ang mommy niya. May kondisyon pa nga ito na dapat daw kapag weekend ay doon siya sa bahay nila mag-stay. Kahit naman siguro hindi sabihin iyon ng mommy niya ay pupuntahan niya pa rin ang mga ito.
Noong una ay nahirapan si Amber dahil hindi naman siya sanay mag-isa. Hindi rin siya marunong masyado sa gawaing bahay. Pero dahil na rin sa kagustuhang magpaka-independent ay kinaya niya at achievement na para sa kanya 'yon.
She was cooking her favorite carbonara when she heard a knock on her door. Kumunot ang noo niya dahil may doorbell naman ang bawat unit ng condominium.
"Surprise!" Elisse welcomed her with a big hug nang pagbuksan niya ng pinto. Kung gaano katahimik si Natalie ay siya namang ikinaingay ng kaharap.
"What brought you here?"
"Dinadalaw ka. Ayaw mo yata. Sige, uuwi na ako." Elisse turned around. Amber, on the other hand, stayed still dahil alam naman niyang umaarte lang ang kaibigan. Elisse faced her once again. "Hindi mo man lang ba ako pipigilan?"
Umiling-iling siya habang kagat-kagat ang isang daliri.
Huminga si Elisse nang malalim at hinawi siya para makadaan. Umupo ito sa sofa na animo isang reyna at ngumisi sa kanya.
"I have something to tell you. Pero bago iyon, tingnan mo muna 'yong niluluto mo dahil ayokong masunog nang buhay."
Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling pinuntahan ang niluluto. Medyo nagrambulan lang ang pasta pero hindi naman nasunog lahat. Ipinagpatuloy niya muna ang ginagawa bago bumalik uli kay Elisse na nanonood na ng news.
"Ang guwapo niya, 'di ba?" sabi ni Elisse na tutok na tutok ang mga mata sa guwapong lalaki sa screen. Hindi siya sumagot dahil para sa kanya, isa lang ang guwapo sa paningin niya.
"Who's that?"
"Dr. Steven Drew Lucas ang nakalagay, eh." She turned off the TV noong hindi na ipinakita ang mukha ng guwapong doktor.
"Ano uli 'yong sasabihin mo?" tanong niya kay Elisse.
"About Natalie."
"What about her?" she asked curiously.
Busy ang kaibigan nila nitong mga nakalipas na araw dahil malapit na ang board exam nito. Naunang nag-aral si Natalie kaysa sa kanila kaya nauna rin itong gumraduate.
"I think she's pregnant."
"What?!" sigaw niya dahil nabigla naman talaga siya. Wala namang boyfriend si Natalie, iyon ang alam nila.
"God! Amber, my ears!" maktol nito at tinakpan pa ang tainga.
Napatingin sila sa pinto nang may nag-doorbell. Siguro si Natalie na 'yon. Pero bago siya tumayo at pagbuksan ang kaibigan ay tiningnan niya muna si Elisse.
"You're joking, right?"
"Ask her if you don't believe in me."
"Of course. I will ask her," sabi niya at tumungo na sa pinto. Agad niyang nakita sa peephole si Natalie.
"You busy?" tanong ni Natalie nang pagbuksan niya. Nainip na siguro kakahintay.
"Hindi. Ang kulit kasi ni Elisse."
Nagkibit-balikat lang ito at umupo sa harap ni Elisse. "Nasabi mo na ba kay Amber?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ni Natalie at tumingin dito. "So totoo nga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumingin ito sa kanya. "Umupo ka nga muna, Amber. Yes, it's true."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Elisse at Natalie pero huminto sa huli. "Kailan mo ipapakilala sa amin ang daddy ng baby mo?"
Natalie's eyes widened in disbelief upon hearing her question. "What do you mean? What are you talking about?"
They glared at Elisse na pilit na ngumiti sa kanilang dalawa at nag-peace sign pa. Naisahan na naman siya ng kaibigan. Puro talaga ito kalokohan. Such a brat.
Pinagbabato nila ito ng unan na nasa sofa pero tawa lang ito nang tawa. Maagang tatanda ang magiging boyfriend ni Elisse dahil sa kalokohan nito.
"Girls, enough!" She raised her hands. "You two, what brought you here?"
Kilala ni Amber ang mga kaibigan. Hindi pupunta ang dalawa nang wala lang, lahat ng gagawin ng mga ito ay may dahilan. Siguradong may plano nang nabuo sa isip ng dalawa bago sumabak sa giyera.
Elisse cleared her throat. "My brother is inviting us to their new resort somewhere. Exciting, isn't it? Knowing my kuya's friends, I'm pretty sure uulan ng mga guwapo at macho roon." Impit itong napatili. Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay kasabay ng pagkislap ng mga mata.
"Tonight na tayo aalis kaya hindi puwedeng tumanggi. I already bought you a swimsuit," Natalie added, then smirked.
Kinuha ni Amber ang heart-shaped na throw pillow sa tabi niya para yakapin at tumingin sa mga paa niya na tila ba may kung anong bagay roon na nagbigay sa kanya ng interes. Ginalaw-galaw niya pa ang kanyang mga paa.
Alam niyang naghihintay ng sagot niya ang mga kaibigan kaso umiiral ang pagiging pilya niya. Lihim siyang napangiti nang maramdamang nakatitig na ang dalawa sa kanya at mukhang kinakabahan sa maririnig.
"Hmmmmm."
"Amber Collins!" banggit ng mga ito sa pangalan niya.
"Fine, count me in. Besides, gusto ko ring makapag-relax muna. Masyadong stressful sa university."
"Susunduin namin kayo ni Kuya Axer mamaya," sabi ni Elisse. "Natalie, are you going to stay here tonight?"
Natalie nodded. "Yes, para isang sunduan na lang."
"Much better. Wait lang, girls, puntahan ko muna 'yong niluluto ko. Dito na kayo kumain, ha?"
Natahimik 'yong dalawa at nagkatinginan. Kumibot-kibot ang mga labi ni Amber. Siguro ayaw ng mga itong tikman ang niluto niya.
"Okay lang kung ayaw—"
"Of course not. Nagugutom na rin kami. Right, Natalie? Hindi pa tayo kumakain kanina," wika ni Elisse, habang si Natalie ay tumango-tango lang.
Tumungo na siya sa kusina para ipatikim sa mga kaibigan ang medyo sunog na pasta ng kanyang carbonara. Nagpaalam din naman kaagad ang dalawa pagkatapos kumain. Si Natalie ay babalik din agad gaya ng napag-usapan at kukuha lang ng mga gamit sa tinutuluyan nito.
Nakaupo na si Amber sa kama habang nag-aayos ng mga damit na dadalhin niya nang biglang may pumasok na naman sa utak niya.
Malaki ang posibilidad na magkita sila ni Clarkson doon dahil isa ito sa mga best friend ni Axer. According to Elisse, busy ang magkaibigan dahil may bagong branch ang mga ito sa Singapore, pero most of the time ay si Clarkson lang ang nag-aasikaso niyon dahil mas malaki ang shares nito roon.
He didn't bother to contact her these past few months kahit phone calls lang. Siguro ay nakalimutan na siya ng lalaki. Napabalita rin kasi na may girlfriend ito sa Singapore. Hindi siya sigurado kung totoo o tsismis lang. Somehow, iniisip niya na magkikita sila at siyempre, aminin man o hindi, nami-miss niya ito.
"JOIN US, man. May ipapakilala ako sa 'yo." Boses iyon ni Axer nang sagutin ni Clarkson ang tawag nito.
"I'm not interested, man, alam mo naman na—"
"Pupunta ang mga kaibigan ng kapatid ko and I also invited Scott to come. Kauuwi niya lang from Paris."
Sean Scott Murphy, their long-lost friend. And he already met Elisse—Axer's bratty sister and Natalie, the best friend.
"Okay, man. See you there." And the line was cut off.
Clarkson really wanted a cold shower and a good sleep. Papasok na siya sa kuwarto nang muling tumunog ang cell phone niya. Agad naman niyang sinagot iyon. Isang malambing na boses mula sa kabilang linya ang nagsalita.
"Sweetheart, can we go to the resort together? Axer invited me but Mom wouldn't allow me to drive that far."
"Yeah, sure. I'll pick you there at five PM tomorrow."
"Thank you. I love you talaga! See you tomorrow."
"No problem, Mandy. Good night."
He heard her giggle. Ang babaw talaga ng kaligayahan nito. Napangiti tuloy siya.
He took a cold shower and laid down on his bed. He closed his eyes, only to see her beautiful face.
Amber Collins.
He didn't want her to be one of his women because he had this feeling na masasaktan ang babae kapag nangyari iyon kaya kung maaari, ayaw niyang magpakita ng motibo na mayroon siyang interes dito.
He had always made sure that his women knew the score between them or where they stood in his life. Para sa huli ay hindi siya guguluhin ng mga ito kapag nakipaghiwalay na siya.
Yes, he would admit it, attracted siya kay Amber una pa lang itong nakita kasi talaga namang maganda ito. Pero hanggang doon lang iyon at wala siyang balak palalimin pa ang feelings niya.
Mahirap na...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top