CHAPTER 3
CHAPTER THREE
MARIING ipinikit ni Amber ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang pumapasok sa isip niya ang imahe ni Clarkson. Nakakaloka ang lalaking iyon! Malakas siyang bumuntong-hininga bago lumabas ng sasakyan.
She was wearing a high waist shorts and an apple green hanging blouse. She tied her brown hair in a messy bun and didn't even bother to remove her black sunglasses. With her black purse and four inches stiletto, she walked inside the hotel like a ramp model. Sanay naman siya na tinitingnan ng mga tao kaya hindi niya na lang pinansin iyon at naglakad patungo sa front desk ng nasabing hotel.
"Good day, Madam," bati ng receptionist. "May reservation po ba kayo?"
"Ah, yes."
"What's your name, Madam?"
"Amber Collins."
Magalang na ngumiti sa kanya ang babae, saka hinanap ang pangalan niya sa monitor. "Si Miss Xandra Elisse Wilson and Miss Beatrice Natalie Clawson po ba ang kasama n'yo?"
"Hmm, yes."
"Table fourteen po, Miss Amber."
"Okay. Thank you."
"Thank you rin, Madam."
Nagtungo na si Amber kung nasaan ang table na 'yon. Hindi gano'n karami ang tao dahil talagang ang mga may pera lang ang may kakayahang magpunta at magpa-reserve sa hotel na iyon.
"You are two minutes late," reklamo ng kaibigan niyang si Elisse.
Bumeso lang siya rito at lumingon kay Natalie na ngayon ay nakaupo na at may hawak na glass of wine.
"Amber, I saw you last night with Clarkson," Natalie said and crossed her legs. "Care to share?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito nang hindi siya makasagot.
Akala kasi niya ay maaga itong umuwi kahapon kaya hindi na siya nag-abalang tawagan ito para sana dito na lang sumabay pauwi.
"Really? Are you guys dating or something? Is he a good kisser?" bulalas ni Elisse na nanlalaki ang mga mata at napatayo pa sa kinauupuan. "Answer me, Amber! He is my brother's best friend and they are business partners. He is such a good catch!"
Sa kanilang tatlo, si Elisse ang pinakamaraming sinasabi. Hindi niya nga alam kung bakit Architecture ang kinuha nito, eh, mukhang mas bagay dito ang MassComm. But that was one of the things she liked about Elisse. Walang takot ipakita kung ano ang nararamdaman. She knew her brother, Axer. He was known for being playboy. No wonder nagkasundo ito at si Clarkson.
Sasagot na sana siya nang dumating ang order nila. Saved by the bell.
"Girls, let me eat first bago n'yo ako isalang sa hot seat," sabi niya.
Sa totoo lang, ayaw niyang pag-usapan ang lalaki kasi una niya pa lang itong nakita ay hindi na maalis sa isip niya ang guwapong mukha nito at mapang-akit na ngiti. Aminin man o hindi, attracted siya kay Clarkson. Sino ba ang hindi? Aware na rin siya kung gaano ito kasikat pagdating sa larangan ng negosyo. Pati nga mga na-link na babae rito ay nalaman na rin niya.
"May business sila ni Kuya Axer sa Singapore," basag ni Elisse sa katahimikan. "May bago rin silang resort na nabili and I think malapit nang mag-opening 'yon pagkatapos siguro ng renovation."
"Talaga?"
"Marami rin siyang babae."
Muntik na siyang maubo sa sinabi nito kaya nginisian siya ng kaibigan.
"Puro fling lang 'yon pero may magandang babae talagang isinasama iyon kapag a-atend ng mga business party."
Ang daming alam ni Elisse. Binalingan niya si Natalie na as usual ay tahimik lang na nakikinig pero mayamaya ay nagtanong na rin.
"Sino naman ang babaeng tinutukoy mo, Xandra Elisse?" tanong nito sana sa tanong na itatanong niya.
Nag-isip muna si Elisse saglit.
"Gumagawa ka lang yata ng kwento."
"Hindi, 'no," magaap na sambit nito. "Si Mandy Lane. 'Yon ang laging kasama ni Clarkson sa mga party."
"Mandy Lane? The lingerie model?" curious na tanong niya.
Tumango-tango ang kaibigan. "Nakuha mo, friend, siya nga."
Tila nanliit si Amber sa ideyang iyon. That Mandy was a famous lingerie model, the perfect example of a goddess.
"O-okay."
"May business party nga tonight at sigurado akong pupunta ang mga 'yon," dagdag pa ni Elisse. "Puwede tayong magpunta, gusto n'yo? May access kami ni Kuya Axer do'n."
Umiling si Natalie na halatang ayaw sa mga ganoong klaseng pagdiriwang. "How about you, Amber?"
"Hmm, actually I have a date tonight with Clarkson," nahihiyang sabi niya.
"Goodness! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napahilot pa si Elisse sa sentido. "So, may something na sa inyo?"
Tumabingi ang ngiti niya nang makita ang labis na pagkinang ng mga mata ng kaibigan. Palagay niya, nakakaisip na naman ito ng kabulastugan.
Kaya nga siya nakipagkita sa mga ito para kahit paano ay mawala sa utak niya ang lalaking iyon pero heto at main topic pa nila.
"Wala kaming something. Bigla niya na lang akong inayang makipag-date sa kanya o kung date bang matatawag 'yon dahil business party naman pala ang pupuntahan namin."
Siguro hindi puwede si Mandy Lane kaya siya ang inaya ni Clarkson. That man! Ano ang akala nito, panakip-butas siya? Sa inis ay naubos niya ang laman ng plato.
Hindi rin naman sila nagtagal doon dahil may emergency sa ospital na pinagtatrabahuhan at kailangang umalis ni Natalie. Siyempre sumama si Elisse dito para makita ang guwapong doktor doon na pinagpapantasyahan nito. Siya naman ay nagpasya na dumaan muna sa mall.
"MA'AM, nasa 'baba na po si Sir Clarkson," imporma kay Amber ng katulong nila nang katukin siya nito sa kuwarto niya.
"Okay, Manang, pakisabi po pababa na ako." Dali-dali niyang inayos ang sarili. She grabbed her silver purse with crystals around it.
She was wearing a backless fitted black dress above the knee and her four inches silver sandals. Kahit matangkad na siya, sigurado namang mas mataas pa rin sa kanya si Clarkson. She put a light makeup on her angelic face and matched it with brown sparkle contact lenses.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at nakita niyang nakaupo sa sofa ang lalaki habang nagbabasa ng magazine. Mukhang hindi naman talaga nito binabasa iyon. Siguro naiinip lang ito kaya kumuha ng isa. Lalo itong gumuwapo sa suot na white polo long sleeve na nakatupi hanggang siko. Bagong gupit din ito. Mukhang natigilan ito nang makita siya pero agad din namang tumayo at naglakad palapit sa kanya.
"Stunning," he uttered.
Marahan nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ang likod n'on. Naramdaman na naman niya ang kuryenteng gumapang sa kanyang katawan sa ginawa nito.
She forced a smile. "Thank you, handsome." Muntik niya nang matutop ang bibig dahil sa lumabas na salita ro'n.
"I know. It's a pleasure to hear it from you. At least alam ko na ngayon na tinablan ka ng charm ko."
Nagsisi siya kung bakit hindi niya napigilan ang sariling purihin ito. "Let's go baka ma-late pa tayo," aya niya rito.
Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay pero hindi na siya nagprotesta pa.
The venue of the party was a five-star hotel kaya hindi na siya magtataka kung napapaligiran din sila ng mayayamang tao sa bansa. She was used to it.
Clarkson snaked his arm around her waist when they entered the room and walked with pride on his face. Maraming nagpa-flash na camera sa harap nila so all they have to do was to smile. May mga media rin at ilang reporters. Mahigpit din ang seguridad ng hotel dahil na rin siguro kilala ang mga tao na naroon at mahalaga ang safety ng mga ito.
They found their seats at awtomatikong may lumapit na waiter sa kanila, saka naglagay ng wine sa table nila.
"I'm glad to see you here, hijo." An old man patted Clarkson's shoulder and motioned his head to her. "And who is this beautiful lady?"
Halos kasing-edad lang ito ng daddy niya at malamang, ito ang nagpa-party.
"She's the only daughter of Mr. Charles Collins. Meet Amber."
"Nice to meet you, Miss Collins. Enjoy the party," wika nito at umalis din agad.
May iilan pang lumapit sa kanila to congrats Clarkson for his achievements. Actually, nangangawit na nga ang mga labi niya kakangiti.
"Hey, you okay? Gusto mo na bang umuwi?" Napansin yata ng lalaki na nabo-bore na siya which was good dahil gusto niya nang umuwi.
She nodded. Isa pa, inaantok na rin siya at kanina pa sila ro'n. Marami na rin itong ipinakilala sa kanya. Halos lahat ay businessman. Hindi na nga niya maalala 'yong iba pero at least kilala ng mga ito ang daddy niya. Namangha siya kung paano makipag-usap si Clarkson sa mga lumalapit sa kanila. You could sense how intelligent he was, playboy yes, but he was responsible to his career and to his businesses. He was indeed a businessman with a heart.
Almost eleven in the evening na nang ihatid siya ni Clarkson sa bahay nila. This time, she tried really hard na huwag nang makatulog uli sa sasakyan dahil baka matagpuan niya na naman ang sarili sa kama nito.
"Thanks for the ride." Akmang bababa na si Amber ng sasakyan nang hawakan nito ang braso niya kaya naman napalingon siya rito. Magtatanong sana siya kung bakit kaya lang ay nagdampi na ang mga labi nila.
He gently kissed her. Hindi niya alam ang gagawin dahil huminto sa paggalaw ang katawan niya. Naramdaman siguro ni Clarkson na naestatwa siya kaya marahan nitong kinagat ang ibabang labi niya dahilan para magkaroon ito ng pagkakataon na palalimin ang halik.
She answered his kiss even if she tried not to. He held her nape to deepen the kiss. Tila ba uhaw ito at siya lang ang makakapawi sa nararamdaman nitong iyon.
"You taste sweet," he whispered in the middle of the kiss.
Hindi niya alam kung ilang minuto silang nagbakbakan ng halik kaya naman pareho nilang habol ang hininga nang pakawalan ni Clarkson ang mga labi niya.
Silent. Awkward.
Gustong batukan ni Amber ang sarili kung bakit tinugon pa niya ang mga halik nito.
But a playful smile curved on his lips when he looked at her. Pakiramdam niya, nangangamatis na sa pula ang kanyang mukha. Sana hindi iyon napansin ng lalaki. Mabuti na lang din at hindi nakabukas ang ilaw ng sasakyan nito.
"D-don't you dare look at me that way!" ngitngit niya at pilit umaastang hindi apektado sa mga halik nito.
"Why?" tanong nito na nakadukwang sa kanya.
"I didn't expect that k-kiss!"
"Don't you like it?" Kahit madilim ay kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata ni Clarkson at ang mapanuyang ngiti.
Hindi siya nakapagsalita. Nalunok niya na yata 'yong dila niya. Lihim niyang minura ang sarili. May mga pagkakataon pala talaga na hindi mo maisasagot ang mga salitang "yes" or "no."
He moved closer and kissed the top of her head. "Thank you for coming with me. Good night, Amber."
"G-good night. Bye." Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan, baka kasi pigilan na naman siya nito.
Dumeretso agad si Amber sa kuwarto niya. Pabagsak siyang humiga sa kama habang hawak ang kanyang mga labi. Hindi dapat siya pumayag na basta-basta na lang siya nitong hahalikan. Baka isipin nitong katulad din siya ng mga babaeng nagkakandarapa rito. Hinding-hindi niya gagawin 'yon. Hindi siya ganoong klase. Ayaw niyang matulad sa mga babae nito.
Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok isip niya. Ang dami kasing ikinuwento ni Elisse tungkol kay Clarkson kahit hindi niya naman ginustong malaman ang mga iyon.
Nagpagulong-gulong siya sa kama. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin dahil lalong nagugulo ang utak niya dahil kay Clarkson.
Hindi kaya... in love na siya rito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top