CHAPTER 19

CHAPTER NINETEEN




"NAKITA mo ba si Kuya Axer?" Elisse asked Amber. Natapos na kasi lahat-lahat ang misa pero hindi nila nakita kahit ang anino ng kapatid nito.

"Nope. Tinawagan mo na ba?" balik-tanong niya sa kaibigan na ngayon ay palinga-linga sa paligid, umaasang makikita ang kapatid.

"Yes, pero hindi niya sinasagot. I saw him last night. He went outside." Elisse pursed her lips. "He missed Stella's christening."

"Baka may emergency lang kaya hindi nakapagpaalam."

"You think so?"

"Yeah, I think."

"Babe, kanina pa kita hinahanap," wika ni Clarkson at umakbay sa kanya. "May problema ba?" tanong nito sa kanilang magkaibigan.

"Nakita mo si Kuya Axer?" tanong ni Elisse.

Sandaling nag-isip ang katabi niya. "Yes, I saw him last night."

"Eh? How about this morning?"

Kinagat ni Clarkson ang ibabang labi na tila ba iniisip kung nakita nga nito si Axer. Umiling ito. "Hindi ko na siya nakita."

Napapalatak si Elisse. "Baka nagpakalunod na si Kuya?"

"H-hindi niya naman siguro gagawin 'yon. Baka kasama si Hillary?" sabi niya at ipinulupot ang isang kamay sa braso ng katabi.

Nagkibit-balikat lang si Elisse. "Siguro nga dahil wala rin si Hillary. Kinuha ko pa naman siyang ninang. Nasaan na kaya ang dalawang 'yon?"

"Puntahan na lang—"

Napalingon sila sa may bandang pinto nang may biglang kumalabog.

"Kuya? God, ano ba'ng ginagawa mo? Stop it!" sigaw ni Elisse nang bigla na lang dumating ang kapatid niya at nagbasag.

Agad na lumapit sina Clarkson, Scott, Matthew at Steven sa lalaking wala yatang balak magpaawat sa pagwawala.

"Hey, man! What's the problem?" Scott asked.

Tumingin sa kanilang lahat si Axer at bigla na lang nanghihinang napaupo. Nag-iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay maluluha siya sa nakikitang hitsura ng lalaki.

Nakakaawa ito, hindi niya maintindihan kung bakit naaawa siya rito. Pasimple niyang tiningnan ang mga kasama nila roon. Lahat ay tahimik lang at nakatingin lang din kay Axer.

Lumapit si Elisse sa kapatid at bahagyang umupo para magkapantay ang dalawa. "Kuya, what happened?" tanong nito na kaunti na lang ay iiyak na.

"I'm sorry for doing this shit, I just can't help it," sabi nito na halos mabasag na ang boses.

Namumula rin ang mga mata ni Axer at mukhang wala ring tulog. May kaunting dugo rin siyang napansin sa suot nitong gray sando at mukhang hindi lang siya ang nakapansin n'on.

"Kuya, bakit may dugo ka sa damit mo?" nag-aalalang tanong ni Elisse.

"Because he's a jerk!" galit na turan ni Natalie na halos umapoy ang mga mata sa paraan ng pagtitig nito sa lalaki.

Nagtaas ng tingin si Axer sa babae. "Alam mo ang nangyari?"

"I was there."

"Ang sakit dito!" turo nito sa dibdib.

Napakagat siya sa ibabang labi at agad na lumapit kay Clarkson para lang isiksik ang mukha sa malapad na dibdib nito. Axer was crying, for Pete's sake!

Nakita niyang panay punas ng luha si Elisse. Alam niyang mahal na mahal nito ang kapatid. Kung siya at si Mandy nga ay naiyak sa nasasaksihan, si Elisse pa kaya?

Naramdaman niyang hinaplos ni Clarkson ang buhok niya. "Hush, babe," masuyong wika nito.

Nakita niyang lumabas si Natalie na hindi man lang pinansin ang pagtawag ni Scott dito.

Ano ba kasi ang nangyayari?



"GUSTONG mo na bang umuwi?" tanong ni Clarkson nang nasa kuwarto na sila.

Tumango lang si Amber.

"Okay, aayusin ko muna ang mga gamit natin."

"Clarkson," tawag niya rito.

"Hmm?"

"Ano kaya ang nangyari kina Axer and Hillary?" maang na tanong niya at kinuha ang unan sa gilid niya upang ilagay sa paanan niya.

"I'm not sure, babe. But I think may alam si Natalie."

"Maybe I will ask her na lang at sana sabihin niya. Knowing Natalie, masyado siyang misteryosa."

Napalingon sa kanya si Clarkson habang inilalagay nito ang mga damit nila sa summer bag niya. "She is hard to read."

"She is," pagsang-ayon niya. Masyadong misteryosa ang kaibigan niyang 'yon at sanay na siya ro'n.

"Ilalagay ko lang ang mga gamit sa sasakyan. Wait for me here, okay?"

She rolled her eyes. Saan naman siya pupunta? Ni hindi nga siya makalakad nang mabilis, 'tapos kung makapagsalita ang kaharap, akala mo tatakasan niya.

"Yes, Sir," sarkastikong tugon niya at napatili nang siniil siya nito ng halik sa buong mukha pati sa mga labi. "Ahm! Stop, Clarkson!"

Hanggang sa lumalim ang halik nito sa kanya at wala siyang nagawa kundi sagutin ang mga iyon. Ipinulupot niya ang mga kamay sa batok nito. Nahinto lang ang ginagawa nila nang hindi natuloy ang pag-ibabaw nito sa kanya dahil sa malaki niyang tiyan.

He hissed. "Ayaw ni baby, paglabas na lang daw niya."

Pinalo niya ito sa braso. "Wala nang kasunod." Biro niya lang naman 'yon.

Umupo si Clarkson sa gilid ng kama at hinawakan ang tiyan niya. "Marami pang kasunod, babe."

"Magaling ka lang gumawa ng bata pero—"

"Pero ano?"

"Hindi ka marunong mag-alaga."

Sumimangot ito. "Pag-aaralan ko para matulungan kita sa pag-aalaga sa mga anak natin."

"Anong mga anak ka diyan!" Nag-isang linya ang mga kilay niya.

"I want three."

"I want two."

"Okay, fine, two," pagsuko nito at tumayo na.

"Clarkson," tawag niya kaya naman umupo uli ito.

"Bakit? May masakit ba sa 'yo?"

Umiling siya. "Wala pa kasi akong naiisip na pangalan ng baby natin," nakangusong sabi niya. Nag-search na siya sa Google ng baby names pero wala siyang magustuhan.

"Let's give him a name that starts with letter C."

"How about Cass—uhm, never mind."

"Huwag muna nating pag-usapan ang bagay na 'yan sa ngayon, baka sumakit pa ang ulo mo."

Nag-uumpisa na ngang sumakit ang ulo niya ngayon pa lang.

"Sasabay ba kayo sa amin?" tanong ni Mandy na nakatayo na sa harap ng pinto ng kuwarto nila.

Tumango sila ni Clarkson. "Yes, wait for a while."

"Okay," maarteng wika nito at rumampa na paalis.

"Let's go baka may hinahabol na meeting na naman si Matthew," Clarkson said while chuckling.

Mabuti at nagkaayos na ito at ang senador. Well, wala namang dapat iayos dahil si Clarkson lang naman ang may problema.

Tumayo na siya at maagap naman siyang inalalayan ng katabi. "Babe, careful," paalala nito habang pababa sila ng hagdan. "Buhatin na lang kaya kita?"

"Kaya kong maglakad," pagtataray niya kahit hindi niya na makita ang dinadaanan dahil nakaharang 'yong tiyan niya na kung titingnan ay parang kabuwanan na ang laki.

Niyakap siya ni Elisse at hinatid sila nito hanggang sa sasakyan. Humalik din siya kay Baby Stella. "Babalik na kami ni Steven next week," wika nito na mukhang excited na ring manirahan sa siyudad.

"Yeah, hihintayin namin kayo." Pumasok na siya sa sasakyan at kumaway sa mag-anak. Masaya siya para sa kaibigan dahil nagkaayos na ito at si Steven, plus may Baby Stella Venisse pa ang mga ito.

Paano kaya sila ni Clarkson? Tuluyan na ba silang magkakaayos?



"KUNG hindi ko pa tinakot ay hindi pa pipirmahan ang mga papel na ito," sabi niya sa kausap.

"Effective naman dahil pinirmahan niya. They are separated now and Amber will be happy."

"That's what we really want, right? Ang maging masaya sila. Silang magkakaibigan."

"I know you'll be happy too. Matatapos din lahat ng ito, malapit na."

"Soon. I will be free from all of this," sabi niya.

"You did a good job to Elisse and Steven's marriage. You did very well."

Siya rin ang nagtrabaho kaya naging legal ang wedding ng mag-asawang Lucas. Sa tulong na rin ni Axer Lance Wilson.

"Business is business."

"And now, you did another good job. Job well done to Clarkson and Amber's love story."

"Who's next?" tanong niya.

"Axer and Hillary. But I guess nag-umpisa ka nang manipulahin ang anumang namamagitan sa dalawang 'yon."

"No, not yet. May mga nagbabantay kay Hillary at hindi ganoon kadaling pasukin ang buhay ng babae dahil na rin sa seguridad ng senador niyang ama."

"You can do it. Alam kong magagawan mo ng paraan 'yan."

"And Axer knows about my job," wika niya.

"You have to be more careful."

"I need to dahil may isa sa kanila na mukhang nakakahalata nang mayroong isang taong gumagalaw sa likod ng mga pangyayari sa buhay-pag-ibig nila."

"That's why you need to be more observant at mas lalo pang pagbutihin ang trabaho mo para hindi sila magduda," payo nito sa kanya. "I have to go." At nagpaalam na ito.

Siya naman ay nanatili nang ilang minuto roon bago nagpasya nang umuwi sa bahay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top