CHAPTER 18

CHAPTER EIGHTEEN

"WE CAN stay there for one night or kahit ilang araw pa ang gusto mo, babe," sabi ni Clarkson. On the way na sila sa resort kahit bukas pa talaga ang binyag ng anak ni Elisse.

And Amber wanted to stay at the resort without Clarkson pero matigas ang ulo ng lalaking ito at gustong kasama ito kapag nag-stay siya sa lugar.

"Gusto ko kahit two days lang at puwede ka naman nang umuwi after ng binyag."

Mabilis siya nitong tinapunan ng tingin. "You're impossible. I want to stay with you wherever you are and that's final."

Hindi na siya nagsalita kasi mukhang hindi siya mananalo sa argumento nilang dalawa. Hinawakan ni Clarkson ang kamay niya pero agad niyang binawi 'yon.

"Kailan uli ang checkup mo?" untag nito sa kanya nang hindi siya nagsasalita.

"Next week pa."

"I'll go with you."

"Okay."

"Do you want to eat? Baka nagugutom na si baby."

Baby na naman. Ang baby lang talaga nila ang mahal nito at hindi siya.

"Busog pa kami. Mamaya na lang."

"Did you hear about Axer's car accident with Mandy?" parang wala lang na tanong nito.

Napasinghap siya sa narinig. Wala siyang alam sa balitang 'yon. "No! Kailan nangyari 'yon?"

"Hmm, one month ago, I guess. Mild injury lang naman ang nangyari kay Axer at—"

"How about Mandy?" nag-aalalang tanong niya.

"She's fine and may mga gasgas lang sa mukha."

Ang kinis-kinis pa naman ng mukha ni Mandy, 'tapos magagasgasan lang. "Ano ba ang nangyari at bakit magkasama sila?"

"Nagkita lang sila sa isang bar malapit sa resort and Axer was drunk that night."

"Bakit naman kasi nagpakalasing siya?" inis na tanong niya.

"Because of that island girl."

"You mean si Hillary?" She heard about Hillary from Elisse of course. Isang beses niya pa lang nakikita si Hillary at sa resort din. Mabait ang babae at isa pa, kakaiba ang ganda ng isang 'yon.

"Yes, babe. Ang tagal niya nang sinusuyo pero hindi pa rin siya sinasagot. Masyadong matigas ang isang 'yon," tukoy nito kay Hillary.

Ilang buwan nang nanliligaw si Axer sa babae. At ayon kina Clarkson ay never pang nasaksihan ng mga ito na nanligaw si Axer dahil sa isang kisapmata lang ay nakukuha na nito agad kahit ilan pang babae ang gusto. So bakit pa nga manliligaw kung sa isang kindat lang ay magsisilapitan na rito ang mga babae?

"Hindi na nga pumapasok sa trabaho si Axer para lang makasama si Hillary. I think in love talaga ang kaibigan ko."

Sinulyapan ni Amber ang lalaki dahil mukhang seryoso ito sa pagkukuwento tungkol sa love life ng kaibigan. "In love? That's unbelievable!"

"Hey, I'm a man kaya alam ko ang feeling kapag in love din ang isang lalaki and Axer is in love with that woman. I'm sure about that."

"So bakit hindi pa siya sinasagot ni Hillary?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Kahit siya ay nase-sense na mahihirapan nga si Axer dahil kakaiba ang babaeng 'yon. Parang may something sa aura nito na hindi niya ma-explain.

"You don't need to lift your eyebrow, babe."

"Answer me. Bakit kaya?"

"Hindi ko rin alam."

"Baka si Hillary na ang karma niya? God!"

"Baby, watch your word. He's still my friend."

"I believe that karma exists."

"I don't know."

"Hillary is different. I found it weird pero parang same sila ni Natalie ng aura. Napansin mo ba?"

"Yes, they are both intimidating. Mas malala nga lang si Natalie."

"She's still my friend!" pagtatanggol na rin niya sa kaibigan.

"I know. Alam mo bang takot sa kaibigan mo si Scott?" Clarkson asked in amusement, para bang natutuwa pa ito na natatakot ang kaibigan na film director.

She nodded. "Yes, he told me about that. He's funny." Bahagya pa siyang natawa nang maalala ang pag-uusap nila ni Scott noon sa bar kung saan kasama nila si Natalie. Pero bigla ring nawala ang ngiti niya.

"What's with that look, Amber?" tanong nito at ibinalik muli ang tingin sa kalsada.

Hindi siya nagsalita dahil wala siyang balak kausapin ito pero bakit parang ang saya-saya pa niya na makakuwentuhan ito?

Huminto ang sasakyan nila dahil naka-red light. Si Clarkson naman ay dumukwang sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa gilid ng mga labi.

"Maganda ka pa rin kahit masungit ka na," sabi nito at bahagyang yumukod sa tiyan niya at binigyan ng magaan na halik 'yon. "Ang sungit ng mommy mo, baby. If she continued doing that, bibigyan na kita agad ng kapatid para may kasama ka diyan."

Hinila niya ang tainga nito palayo sa tiyan. "Perv."

"I am," proud na sabi nito at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Magse-seven months na ang tiyan niya at para na siyang nakalunok ng malaking pakwan. Mabuti na lang at hindi natu-turn off sa kanya si Clarkson. Feeling niya ang taba-taba na rin niya.

"Clarkson," tawag niya.

"Yes, baby?"

"Mataba na ba ako?" Fine, napakawalang sense ng tanong niya. She was confused.

"Hindi. Sexy at maganda ka pa rin."

Kumibot-kibot ang mga labi niya. Obviously, he was lying. Ang laki kaya ng tiyan niya.

"That's not true, you're lying."

"I am not. Kahit ilang beses pang lumaki ang tiyan mo or tumaba ka, wala naman akong pakialam doon as long as ako ang dahilan ng paglaki ng tiyan mo." At kumindat pa ito sa kanya with his killer smile. 'Yong parang model ng toothpaste.

Agad siyang nag-iwas ng tingin upang hindi nito makita ang pagguhit ng maliit na ngiti mula sa mga labi niya.



NAPATAKIP si Amber sa magkabilang tainga nang marinig ang matinis na tili ni Elisse nang makita siya. Ibinigay nito kay Steven ang five months old baby na si Stella Venisse at dali-daling lumakad para salubungin sila ni Clarkson. Kaya lang ay hindi siya nito nayakap dahil nakaharang ang malaki niyang tiyan.

Parang hindi nanganak ang kaibigan dahil mas lalo lang itong sumexy. Pero nagtataka siya dahil mukhang hindi naman ito umitim samantalang ilang buwan na itong nakatira sa isla.

"Malapit na ang due date mo, Amber."

She smiled. "Yes, and excited na ako."

Elisse motioned her head to Clarkson na ngayon ay papunta sa direksiyon kung nasaan si Axer na ang aga-aga ay alak ang kaharap. May kasama rin itong dalawang babae at sigurado siya na hindi si Hillary 'yon.

"What happened to your brother? He looks like hell."

Totoo naman na mukhang ewan si Axer. Dati ang guwapo nito lagi sa paningin niya pero ngayon ay hindi na. May nawala rito... Nawala 'yong kislap ng mga mata nito na ginagamit nito sa pang-aakit ng mga babae dati.

"Ayoko sanang maniwala but I think Hillary broke her," malungkot na sagot ni Elisse na ngayon ay matamang nakatingin sa kapatid.

"Tingin mo ba totoo na 'yong feelings niya para kay Hillary?" tanong niya at umupo sa malambot na sofa dahil ayaw niyang maupo sa mga wooden chair na naroon.

Inabutan siya ng maiinom ni Elisse at umupo sa katapat na upuan niya. "First time kong nakitang ganyan si Kuya, so siguro tinamaan na talaga siya ng love."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa magkakaibigan. Pati si Scott ay nandoon na rin kaya lang busy ito sa cell phone nito.

"Ang aga naman yata ni Scott," pagbabago niya ng topic. "On the way pa lang kasi si Natalie," dagdag pa niya na bahagyang umayos ng pagkakaupo.

"Magkasabay sila ni Kuya Axer kagabi na nagpunta dito with Mandy kaya lang nasa bayan siya ngayon."

"Si Mandy? Did you know about their car accident?"

Napasinghap ito at namilog ang mga mata. "Hindi ko alam na may ganyan." Tumayo ito at naglakad papunta kung nasaan ang kuya nito.

Siya naman ay tumayo na rin para sumunod dito, dala-dala ang isang piling na grapes na kinakain niya. "Baby, lumabas ka na para makapaglakad na nang mabilis si Mommy," pagkausap niya sa anak.

"Kuya, kailan 'yong car accident? Bakit hindi ko alam?" tanong ni Elisse na nakapamaywang pa.

Kung umasta, akala mo ang laki-laking babae. Napapailing at napapangiti na lang tuloy ang asawa nito na karga-karga si Baby Stella.

"Matagal na, baby sis. And don't worry, okay naman na 'yong braso at balikat ko." Iginalaw-galaw pa nito ang braso at balikat. "See?" sabay ngumiti pero hindi naman iyon umabot sa mga mata nito.

Dahan-dahang bumuntong-hininga si Elisse. "Sino ang nag-alaga sa 'yo?"

"Si Hilla—I mean, si Mandy at hindi naman talaga ako kailangang alagaan." Inubos nito ang laman ng baso at tumayo. "Excuse me."

Lahat sila ay nagkatinginan nang umalis bigla si Axer.

"My friend is in love. Let's celebrate!" basag ni Scott sa katahimikan at itinaas pa ang hawak na bote pero ibinaba lang iyon ni Clarkson.

"He's not in love."

"Then what?"

"Brokenhearted." Si Elisse ang sumagot.

Marahas na nilingon ito ni Scott. "That's unbelievable! You got to be kidding me, baby sis."

"We're not siblings, so stop calling me baby sis. Si Kuya Axer lang ang big brother ko," reklamo nito at sumimangot pa.

Itinaas ni Scott ang dalawang kamay as a sign of defeat. "Fine. Who's the lucky girl then?"

"Hillary Thompson."

Napalingon silang lahat sa nagsalita.

"Mandy?" tawag nilang lahat sa pangalan nito.

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis sa kanilang lahat at tinanggal ang malaking sunglasses na suot. "The one and only," she answered while batting her eyelashes.

"How did you know about her?" Scott asked curiously.

Mandy shrugged. "I have my ways, sweetie." At kumindat pa ito kay Scott.

Dali-daling lumapit si Mandy sa kanya nang makita siya at yayakapin sana siya kaya lang hindi rin nangyari dahil sa tiyan niya kaya nagbeso na lang sila.

"Ang ganda mong buntis. I think baby girl 'yan," turo nito sa malaki niyang tiyan.

"It's a baby boy," nakangusong kontra ni Clarkson.

Gusto na niyang maghanap ng kaldero upang isabit sa nguso nito.

"Nagpa-ultrasound ka na ba, Amber?" tanong sa kanya ni Elisse.

Umiling siya. "Hindi pa."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Mandy. "So wala pang gender ang baby n'yo, Kuya Clarkson. Let's make a bet."

"Game ako diyan," sulsol ni Scott.

"Bet on your baby!" singit ni Elisse na kumikislap ang mga mata. "How much ang pustahan?" tanong pa nito.

Nagkatinginan sila ni Clarkson. Loko-loko ang mga kaibigan nila, pagpustahan daw ba ang gender ng baby nila?

"Sali ako diyan," sagot ng bagong dating na si Natalie at agad na humalik sa pisngi niya at bumulong sa kanya. "Baby boy."

Namilog ang mga mata niya at na-excite bigla nang marinig ang ibinulong nito.

"Let's start the bet now," tila naiinip na wika ni Scott at nag-angat ng tingin kay Natalie. "Come here, love."

Inirapan ito ng babae pero tumabi rin naman. Nanlaki ang mga mata niya nang halikan nito sa mga labi ang kaibigan niya at hindi nagreklamo si Natalie!

Miracle!

"Hey, Scott!" mataray na tawag niya rito.

"Yes, Amber?"

"Bakit mo hinalikan si Natalie?"

"Because she's my girlfriend. What's wrong with that?" maang na tanong nito.

She motioned her head to her friend. "Is that true?"

Natalie nodded as an answer.

She gave her a let's-talk-later look. Tumango lang uli ang kaibigan. Ganyan iyan, tamad magsalita minsan.

"Let's start the betting." Inip na inip na talaga ang Scott na ito.

Lumapit siya kay Clarkson at kumandong. Tila wala naman itong pakialam sa bigat niya. Hinawakan pa ang tiyan niya at bumulong.

"Baby boy," he whispered.

"Sino ang pupusta sa baby boy?" tanong ni Elisse.

"Ako." Isang baritonong boses ang umagaw sa atensiyon nila.

"Senator Matthew, hey." Sumipol pa si Scott.

"Stop mocking me, Scott," malamig na wika nito at tumabi malapit kung nasaan si Mandy.

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Clarkson.

"Naiipit na si baby," mahinang usal niya.

Agad naman nitong niluwagan ang pagkahawak. "He's here," bulong nito na akala mo ay natatakot kay Matthew.

Baka nagseselos?

"Are you jealous?" tudyo niya.

"Yes."

Napatingin siya rito at ang nakangusong mukha nito ang bumungad sa kanya. She found it cute. "Don't be," sabi niya.

Ipinatong nito ang baba sa balikat niya pero nanatili pa ring hindi maipinta ang guwapong mukha nito.

"Matthew, Natalie, Steven and Clarkson sa boy," imporma sa kanila ni Elisse at isinulat pa talaga iyon. "Mandy, Scott and ako naman ang sa girl." Sumimangot ito nang may mapansin. Tumingin ito kay Steven. "Honey, bakit magkaiba tayo ng hula?"

Nagkibit-balikat lang ang asawa nito habang karga ang tulog na si Baby Stella.

Siya kaya? Ano ang ipapangalan sa anak nila ni Clarkson?

"What are the consequences?" Matthew asked.

"Pick your partner. Basta kami na ni Steven ang mag-partner."

Nagkatinginan silang lahat. Agad na sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Scott nang tumingin ito kay Natalie.

"So... Si Matthew and Mandy, then Scott and Natalie ang mag-partner. Wala na kayong choice, guys," dagdag pa ni Elisse na akala mo seryosong-seryoso sa ginagawa.

"What if we win?" Matthew asked. Seryoso rin ito, well, serious type naman talaga ang senador.

"Sa partner n'yo hihilingin ang wish n'yo kapag kayo ang nanalo. Vice versa," sagot ng leader ng pustahan, Elisse. "Let's start with Scott and Natalie, ano ang wish n'yo? Scott, you first."

"I want to be with her for one week," ngingiti-ngiting sagot nito.

"How about you, Natalie?"

"I want to stay away from him for one week."

"Hey, love, that's too much," reklamo ni Scott na isiniksik pa ang mukha sa leeg ng babae.

"Stay away or I will kick your ass out?" Natalie in her warning tone. Scary, isn't she?

"Next, Matthew and Mandy. Mandy, you first."

"Hey, ba't ako?" reklamo ng modelo na ngayon ay nakapatong na ang dalawang paa sa inuupuan habang may yakap na star design throw pillow.

"Matthew, ikaw na ang mauna. Ang hirap talaga kapag virgin pa, ayaw mauna," biro ni Elisse.

"I'm not virg—" Agad na tinakpan ni Matthew ang bibig ni Mandy kaya hindi nito natapos ang sasabihin.

They gave Matthew a suspicious look. Mukhang may nangyayari na sa dalawa na hindi nila alam. Well, they were both famous kaya siguro secret lang dapat kung ano ang meron sila.

"What?" Matthew asked them dryly nang titigan nila ito.

Umiling-iling silang lahat na akala mo mga cute puppies na nasa isang dashboard ng sasakyan. Puwera sa brat na si Elisse na mahilig mang-uyam.

"May hindi na pala virgin dito," tatawa-tawang wika nito.

Pulang-pula na ang magandang mukha ni Mandy dahilan para matawa silang lahat, lalo na nang paluin nito ng unan ang senador.

"Stop it, Mandy. It's your fault kaya nila nalaman."

"Ikaw kasi," ungot nito nang nakasimangot at yumakap sa lalaki.

Napangiti si Amber sa nakikita. Ang sweet-sweet ng mga kaibigan nilang nakapaligid sa kanila ngayon. Sana ay maging maayos na ang pagsasama nila ni Clarkson.

"Let's continue the betting dahil mamaya magigising na ang baby namin. Matthew, spill."

"I want her to be my personal assistant for one week, so she doesn't need to argue with my secretary every time she wants to see me."

The longest words they heard from Matthew so far.

"Sweet. Mandy, your turn."

Umayos ng upo ang babae. "I want to be his secretary so I can always see him," maarteng sagot nito at inilagay pa ang dalawang binti sa kandungan ng senador.

"How many days?" Elisse asked.

"Forever."

"Walang forever!" sigaw nilang lahat except kay Matthew.

"Alam mong hindi puwede ang gusto mo." Mataman itong nakatingin sa babae. "May access ka na sa office ko, 'di ba?"

Tumango ito. "Fine, one week lang."

"Okay, tama na muna ang lambingan ninyo. Next month na natin malalaman ang resulta. Let's go inside and eat," aya sa kanila ng pinakamadaldal sa lahat—Xandra Elisse Wilson-Lucas.

Nanatiling nakaupo si Clarkson kaya naman siya ay ganoon din. "Babe, I want to eat," reklamo niya.

"Tinawag mo akong babe? It means okay na tayo?" tuwang-tuwang tanong nito.

"No, not yet. Let's eat na."

Tumayo na ito at inalalayan na siyang maglakad. "Baby, pinatawad na ako ng mommy mo," masayang sabi nito sa anak nila.

"Hindi pa, Clarkson," tanggi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top