CHAPTER 17

CHAPTER SEVENTEEN

KANINA pa nararamdaman ni Amber na may mga matang nakatingin sa kanya mula pa nang umalis siya ng bahay nila hanggang sa mall kung saan siya naroon.

"Paranoid," usal niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa ay nagpasya na siyang umuwi dahil gusto niya na namang matulog. Feeling niya ang laki na ng itinaas ng timbang niya dahil puro kain at tulog lang naman ang ginagawa niya.

Mabilis siyang gumilid sa sasakyan niya nang may humintong itim na van sa tapat niya. Gusto niyang matawa dahil parang sa pelikula lang siya nakakapanood ng ganoong kidnap for ransom thing.

Literal na nanlaki ang mga mata ni Amber nang bumukas ang pinto ng van at may isang lalaki na nakatakip ang mukha ang bumaba mula roon at binuhat siya papasok sa van! Inilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan, tatlo lang sila roon.

"Magkano ba ang kailangan n'yo?" inis na tanong niya sa mga ito.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya nakaramdam ng takot. Hindi nagsalita ang isa sa mga lalaki kaya kinagat niya sa braso ang katabi na pinagsisihan niya dahil parang kumagat siya sa isang matigas na bagay.

Nakaramdam lang siya ng takot nang hapitin siya ng katabi papalapit dito at yakapin nang mahigpit. Natakot siya baka kasi hindi ito mga kidnapper at mga rapist pala.

"Matthew, help!" sigaw niya at pilit kumakawala sa yakap sa kanya ng lalaki.

Hell! Hindi niya alam kung bakit pangalan ni Matthew ang nabanggit. Maybe because she had always felt safe and secured kapag kasama ang lalaki.

Pero mukhang hindi siya maililigtas ngayon ng lalaki sa kamay ng mga kidnapper. Gusto niya nang maiyak dahil hindi na biro ang nararamdaman niyang takot, lalo na at hindi na siya familiar sa daan na binabagtas nila.

"Please, sabihin n'yo lang kung magkano ang kailangan n'yo! Kahit magkano, ibibigay ko huwag n'yo lang akong saktan at ang baby ko." Tuluyan na siyang lumuha nang maisip ang baby niya, ang baby nila ni Clarkson.

Masyadong maselan ang pagbubuntis niya, lalo at dinugo na siya noong nag-away sila ni Clarkson. At kapag nalagay na naman sa masama ang baby niya ay sisiguruhin niyang siya mismo ang papatay sa dalawang ito, lalo na sa katabi niya.

Napatingin siya sa lalaking katabi nang punasan nito ang mga luha sa mga mata niya at agad namang nag-iwas ng tingin na akala mo nakikita niya ang mukha nito. Masyadong dark ang sunglasses na suot nito, nakatakip din ang buong mukha at katawan.

Huminto sila sa isang hindi kalakihang bahay pero halata naman na puro antique ang mga gamit na naroon. Binuhat siya ng lalaking katabi niya na parang wala lang dito ang bigat niya. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang ipasok siya nito sa bahay, kasabay n'on ay ang pag-alis ng van.

Nanginginig ang mga tuhod ni Amber at napaupo na lang sa sofa kaysa bumagsak siya sa sahig. Pilit niyang pinalakas ang loob at sinamaan ng tingin ang lalaki na ngayon ay nakatayo sa harap niya.

Nangingilid ang luha niya sa mga mata at tuluyan nang tumulo 'yon nang lumuhod ito sa harap niya at niyakap siya bigla. Takot na takot siya na kahit itulak ito ay hindi niya na magawa dahil baka saktan siya nito, siguradong madadamay ang baby niya.

"Please, what do you want? I can give everything. I'm begging you, paalisin mo na ako," she said while sobbing.

Lalong humigpit ang yakap nito na halos mapipi na ang tiyan niya. "Amber, please forgive me."

Kilala niya ang boses na 'yon at hindi siya puwedeng magkamali. It was Clarkson's voice!

Halos one month itong hindi nagpakita sa kanya at buong akala niya ay nakalimutan na siya nito. Kahit sobrang miss na miss niya na ang lalaki ay nagawa niya pa rin itong itulak at agad naman itong lumayo.

Unti-unti nitong tinanggal ang mga bagay na nagsisilbing takip sa mukha at katawan nito habang patuloy sa pagdaloy ang luha sa kanyang mukha.

Paulit-ulit na bumalik sa utak ni Amber ang ginawa nitong panloloko. Kung kanina takot ang nararamdaman niya, ngayon naman ay galit at sakit na.

"Nababaliw ka na ba talaga, Clarkson? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako at pati ang anak natin ay sasaktan mo rin? Paano kung dinugo na naman ako dahil sa sobrang takot dahil dito sa ginawa mo!" sigaw niya at napilitang tumayo para lang pagpapaluin ito sa dibdib. "Hindi ka nag-iisip, palibhasa sarili mo lang ang iniisip mo. Ang selfish mo." Napasubsob siya sa malapad na dibdib nito dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman niya.

"I'm scared. I'm sorry, hindi ko sinasadya. I just want to talk to you. Please, Amber, bumalik ka na sa akin."

Umiling siya. "It's not that easy. Ano ba'ng akala mo, ganoon lang kabilis 'yon? You're wrong, huwag na nating ipilit ang hindi dapat dahil pareho lang tayong masasaktan."

"Nakipag-divorce na ako, we're free. I can marry you if that's what you want."

She smiled bitterly. "You don't need to do that. I'm perfectly fine without you." Liar! Marahan siyang umalis sa mga bisig nito. "I wanna go home."

"Let's talk first, please," sabi nito na hinawakan ang dalawang kamay niya pero agad niyang iwinaksi 'yon.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Clarkson?"

"I want you to come back to me. I want you, Amber, and I want our baby."

Dahil lang siguro sa baby nila kaya kailangan din siya nito. Kahit masakit, at least may isang bahagi pa rin ng isip niya na masaya siya dahil alam niyang mahal nito ang anak nila.

Isa pang nagpabigat ng loob ni Amber ay ang malaman na may anak din ito sa dati nitong asawa. Dahil sa muli na namang sakit na nararamdaman niya ay tumakbo siya palayo rito. Hindi niya pa pala talaga kayang tumagal sa piling nito, masakit pa rin pala.

"Amber, hey," habol ni Clarkson sa kanya pero patuloy lang siya sa paglalakad kahit hindi niya alam kung saan ba ang daan pauwi. Napilitan siyang huminto dahil nahawakan na nito ang kamay niya at nagmamakaawang tiningnan siya. "Babe, please stay."

"Gusto ko nang umuwi, Clarkson. Alin ba ang hindi mo naiintindihan do'n?"

Napatayo siya nang tuwid nang yakapin siya nito at isiniksik ang mukha sa leeg niya. "Mababaliw na ako kapag hindi pa kita nakasama ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hinayaan na naman kitang lumayo sa akin. I'm sorry kasi nagawa kong lokohin ka. I'm sorry kasi hindi ako naging tapat sa 'yo. Sorry, Amber, kasi sinaktan kita. Please patawarin mo na ako." Halos mabasag na ang boses nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo 'yon nang paulit-ulit."

Natawa siya. "Mahal? Kailan mo pa natutunan ang salitang pagmamahal? Stop lying, Clarkson, hindi mo na ako maloloko uli. Hindi na ako 'yong dating Amber na mabilis maniwala sa sinasabi mo. Hindi na ako 'yong babaeng lagi kang iintindihin at hindi na ako si Amber na mahal ka," she lied for the second time.

Napakaipokrita niya kung sasabihin niyang hindi niya na mahal ang kaharap dahil kung pagmamahal lang ang pag-uusapan ay sigurado siyang mahal na mahal niya pa rin ito at hindi nagbago 'yon kahit sinaktan siya nito.

Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, 'di ba? Kahit paulit-ulit ka niyang saktan, mahal mo pa rin siya. Kasi nga nagiging tanga ang isang tao kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan.

Mataman siya nitong tiningnan na para bang sinasabi na nagsisinungaling siya. "Hindi mo na ba talaga ako mahal?" tanong nito dahilan para agad niyang iiwas ang tingin dito.

"I already told you the answer."

"You're lying."

"I am not. Hindi na kita mahal, Clarkson."

Ito naman ang nag-iwas ng tingin at napapikit nang mariin habang nakakuyom ang mga kamay. "Si Matthew na ba ang mahal mo ngayon?"

Napaatras siya sa tanong nito dahil hindi niya inaasahan na madadamay ang senador na kaibigan nila pareho.

"Siya na ba, Amber? Kailan pa?"

"It's—"

"Akala mo ba hindi ko alam na palagi kayong magkasama noong wala ako?" He clenched his jaw.

Hindi puwedeng madamay si Matthew. Masyadong mabait sa kanya ang lalaki para bigyan niya ng problema at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan ng dalawa.

"Walang kinalaman dito si Matthew. Huwag mo siyang idamay."

"'Tapos ngayon, ipinagtatanggol mo pa?"

"Hindi sa—ay! Ano ba, ibaba mo nga ako, Clarkson!" sigaw niya dahil bigla na lang siya nitong binuhat papasok sa loob ng bahay.

Dumeretso sila sa kuwarto. Marahan siya nitong ibinaba sa kama at tumitig sa kanya.

"Hindi ka aalis sa tabi ko unless ako na uli ang mahal mo," wika nito at naglakad na palabas.

"Baliw ka! Nababaliw ka na!" inis na sigaw niya.

Lumingon si Clarkson sa kanya. "Yes, babe. I am damn crazy," sagot nito at tuluyan nang isinara ang pinto.

Nanghihina na napahiga si Amber sa kama at pinigilang huwag mapaluha. Nag-uumpisa na naman siyang magpakatanga. Ni wala man lang siyang magawa nang dalhin siya ni Clarkson sa loob ng kuwarto. Ang weak-weak niya pagdating sa lalaki.

Bumukas ang pinto mayamaya pero hindi niya na binigyang pansin 'yon, bakit pa?

Nakahiga siya patagilid at ginawang unan ang dalawang kamay. Simangot na simangot ang mukha niya. Napaigtad siya nang dampian ni Clarkson ng halik ang balikat niya. Naka-sleeveless dress siya kaya ramdam niya ang mga labi nito roon.

"Babe, you need to eat. Bawal kayong magutom ni baby."

Kumuha si Amber ng unan at isiniksik do'n ang kanyang mukha. Ayaw niya itong makausap. Isa pa, marami siyang kinain sa mall kaya hindi pa sila nagugutom ng baby niya.

Narinig niyang napabuntong-hininga si Clarkson at iginapang ang kamay sa six-month baby bump niya.

"Baby, nagta-tantrums ang mommy mo," pagkausap nito sa anak nila at bahagya pang yumukod upang mailapit ang mukha sa tiyan niya. "I don't know what she wants. Please, baby, ask her para maibigay ko."

Pinigilan niyang huwag mapangiti dahil mukha itong tanga sa pakikipag-usap sa baby nila samantalang hindi pa naman ito naririnig. Napapikit siya nang humiga si Clarkson sa tabi niya at hindi inalis ang kamay sa tiyan niya.

"Babe..." tawag nito sa kanya.

"Clarkson, I'm sleepy."

Tumango-tango ito at hindi na nagsalita. Siya naman ay ipinikit na ang mga mata para makapagpahinga na rin at hinayaan na lang ang lalaki na yapusin siya. Napansin niyang may maliliit na bigote ito that made him look rugged na lalo lang nagpadagdag sa appeal nito sa kanya. He never failed to impress her, lalo na kung hitsura nito ang pagbabasehan.

But being good-looking was just a bonus, iba pa rin talaga kung naging tapat ang lalaki sa kanya na hindi nito ginawa noong una pa lang.

Cheater! Bastard! Jerk! Lahat na nasa kanya pero sa kabila ng lahat ng 'yon... Bakit nangingibabaw pa rin 'yong pagmamahal niya para kay Clarkson?

Naging kasintanga rin ba siya ni Elisse noong mga panahon na sinaktan din ito ni Steven?

Siguro ay mas malala pa ang pagiging tanga niya kaysa sa kaibigan. Tanging si Natalie na lang ang hindi naging tanga sa pag-ibig o baka maging tanga rin ito isang araw?

Si Mandy ba ay nagpakatanga na rin? Hindi niya rin alam. Nobody knew what would happen next at kahit siya, hindi niya kayang sagutin kung hanggang kailan siya magpapakaestupida dahil lang sa pag-ibig.



PAGGISING ni Amber ay agad niyang hinawi ang mga braso ni Clarkson na nakapalupot sa buong katawan niya. She checked her cell phone and read her friend's text message. It was from Elisse.

"Baby Stella's christening," usal niya habang binabasa ang message ng kaibigan na hanggang ngayon ay nasa resort pa rin.

Well, she couldn't blame Elisse for choosing to stay there dahil talaga namang napaka-peaceful ng lugar na 'yon.

"This Sunday?" tanong niya sa sarili nang mabasa ang time and date ng binyag. At talagang ginawa siyang ninang pati na rin ang lalaking natutulog ngayon sa tabi niya.

"Sino'ng ka-text mo?"

Napaigtad siya nang magsalita ang katabi, para bang galit pa ito dahil may ka-text siya. Agad nitong inagaw sa kanya ang pobreng cell phone nang hindi niya ito sinagot.

"Give it back to me. Hindi pa ako nakakapag-reply kay Elisse."

"Done."

"What?" inis na tanong niya.

"I told her to expect us on Sunday." And he hid her cell phone under his pillow.

She rolled her eyes. "Give it to me. Tatawagan ko si Mommy."

He smirked. "I already called them, babe. I told them that you're going to stay with me until you give birth to our first child."

Ngitngit ang kalooban at salubong ang mga kilay nang tumayo si Amber. Padabog na naglakad siya palabas ng silid.

"He's really good at this, manipulating people!"

She was really annoyed.

Nagbukas siya ng ref at muntik nang mapapalatak nang makitang punong-puno 'yon ng mga pagkain na parang aabot ng isang buwan.

"Surprising, isn't it?" Parang habagat si Clarkson na mabilis na nakayakap mula sa likuran niya.

"It's not funny."

"I know but you have to deal with it, babe, because you're mine. You are mine, Amber." He emphasized the last four words.

She glared at him na para bang sinasabing nababaliw na talaga ito. "You are really crazy, Mr. Forbes."

"You are, soon-to-be Mrs. Forbes," bulong nito sa kanya at hinalikan siya nang mabilis sa mga labi. "Soon, baby, soon." And he walked away.

Being Clarkson's behalf was her greatest dream before pero hindi na ngayon, hindi niya na nakikita ang sarili na magiging kabiyak nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top