Eenie, Meenie
Pumikit ako habang kinakanta ang "Eenie, Meenie, Miney, Moe" sa utak ko. Kanina pa ko nakatayo rito sa tapat ng isang shelf ng 7-11. Wala naman masyadong tao kaya medyo okay lang na halos five minutes na yata akong nakatayo rito. Paano ba naman, ang hirap mamili kung bibili ba ako nitong paborito kong Hershey's Milk Chocolate o magnu-noodles na lang ako.
Hindi maganda ang araw ko tapos ang lakas pa ng ulan sa labas kaya naman gusto ko sana ng mainit na noodles. Kukunin ko na sana kanina pa 'yong noodles pero nahagip ng mata ko yung nag-iisang Hershey's sa shelf. Ilang araw ko ring cravings ito tapos nag-iisa na lang siya sa shelf kaya lalo kong nahirapang mamili.
Palaging ganito sa buhay ko. Hirap akong mamili. This is why I avoid situations where I have to choose between this and that. And sometimes, this is also why I don't think I have control over my own life.
Kapag kasi hindi ka namili para sa sarili mo, ibang tao ang mamimili para sa'yo.
For years, I let people make the decisions for me. Sobrang tagal ko 'yong hinayaan kaya naman nawalan ako ng tiwala sa sarili kong desisyon. Nakakakaba magdesisyon kasi what if mali ka kasi hindi iyon ang sinabi ng iba? Nakakawala ng sariling identity sa totoo lang.
Parang nakaplano na ang buhay ko kaya ang dapat ko lang gawin ay sumunod sa "storyline" na sinulat ng ibang tao para buoin ang kuwento ko. Kailangan ako 'yong perpektong anak, kapatid, kaibigan, at estudyante sa paningin nila. Kasi doon nakabase ang worth ko bilang tao.
Siguro matatawa 'yong iba kung makita nilang nahihirapan akong mamili between a chocolate and a noodle. 'Di ko kasi puwedeng bilhin pareho. Sakto lang ang perang natira sa allowance ko for this week.
Suwerte ng iba na puwedeng bilhin kahit ilan at kahit ano. Suwerte naman magkaroon ng ganoong pribiliheyo.
I used to have that privilege too. Noong panahong maganda pa ang takbo ng business nila mommy at daddy ay hindi lang ako sa convenience store bumibili. Latest phone, bag, and anything else ay meron kaming magkakapatid. 7 Rings pa ni Mareng Ariana ang theme song ng buhay namin noon. Life was so easy. Until it was not.
Nabankrupt ang business ng magulang namin at doon nagsimula mawala sa amin ang lahat. It was okay kasi sama-sama pa rin naman kami. Nawalan ng privileges pero comfortable pa rin naman ang pamumuhay namin.
Hindi ko kailangang mamili noon because everything was handed to me on a silver platter. They've decided what's best for me and I just had to say "yes" to everything. But not anymore.
Pumunta na ako sa cashier para bayaran ang binili ko. Ilalagay pa sana niya sa paper bag pero pinigilan ko dahil masasayang lang.
Malakas pa rin ang ulan kaya naman nagpatila muna ako rito sa loob ng store habang nakatingin sa mga taong naglalakad sa labas.
Habang kinakagat ko ang Hershey's na binili ko ay napapaisip ako, ano kayang kuwento ng iba? Kagaya ko rin ba sila?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top