Una
"Jena, look."
Tiningnan ko ang papel na iniabot niya sa akin. Mukhang luma na ito dahil sa texture ng papel.
"Nakita kong nakaipit sa libro."
Binasa ko ang papel na tila ba nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Ako ay may lobo,
Lumipad sa langit.
Di ko na nakita,
Pumutok na pala.
Sayang lang ang pera ko,
Pambili ng lobo.
Kung pagkain sana, nabusog pa ako.
Hindi ko maiwasang kantahin ang pambatang kantang nakasulat sa lumang papel na 'yon.
"Anong meron dito, Jemimah?"
"Edicius tone, Jena," sambit niya. Seryoso ang tono ng kaniyang pananalita na nagdudulot lalo ng kaba sa dibdib ko. "Suicide note."
Napanganga ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa dahil pambatang kanta lang naman ang nasa papel. Paanong magiging suicide note ang kantang iyon?
"Paanong suicide note?"
"Ako ay may lobo, lumipad sa langit..."
Mabagal niyang kinanta ang kantang 'yon. Nakaramdam ako ng takot.
"Di ko na nakita, pumutok na pala..."
Patuloy lang siya sa pagkanta. Napatingin ako sa paligid. Baka kasi nakakaabala na kami sa mga estudyanteng nag-aaral dito sa library. Mabuti na lang at masyado silang focus sa studies nila.
"Sayang lang ang pera ko, pambili ng lobo..."
Para bang nagkakaroon ng simbolo ang mga salitang ginamit sa kantang iyon.
"Kung pagkain sana, nabusog pa ako."
Malakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi ako mapakali. Sino ang may ari ng suicide note na ito? Huli na ba ang lahat para mailigtas ko siya?
Narinig kong tumawa nang malakas si Jemimah kaya tinakpan ko ang bibig niya. Nakakahiya kasi baka pagtinginan kami rito.
"Grabe 'yung mukha mo! Kung nakita mo lang, Jena! Naisahan kita!"
Tumatawa siya sabay takbo palabas ng library. At naiwan akong nakatunganga dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, joke lang 'yung tungkol sa suicide note? Naisahan ako do'n ah! Nagkaroon pa ako ng maling isipin sa kantang pambata na 'Ako ay may lobo'.
Napatingin ako sa lapag nang makita ko 'yung papel na hawak ko kanina. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang pamilyar na simbolo na parang nakita ko na noon.
Isang kalapati.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top