Ikatlo
"Huy alam mo, Jena? Mukha tayong tanga rito," reklamo niya.
"Shhh, 'wag kang magulo. ino-obserbahan ko nga siya, eh."
Mabuti na lang at mabilis naming nahanap si Kath Villacrusis. Engineering student din siya na katulad namin. Base sa mga ikinikilos niya, mukhang masaya naman siya kasama ang mga kaibigan niya. Nakatambay pa sila sa waiting shed at mukhang may hinihintay pa bago umuwi. Nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan. Hindi naman matatanaw sa mukha niyang may malaki siyang problema at balak niyang magpakamatay. Pero ganoon naman talaga siguro ang mga suicidal, kung sino pa ang malakas humalakhak, siya pang may tinatagong malaking problema.
"Ang nonsense ng ginagawa natin. Kung tayo'y umuuwi na," bulong pa ni Jena.
"Ano ka ba? Ngayon lang naman 'to, eh. Tsaka ikaw 'tong nagloko-loko sa 'kin tungkol sa suicide note, eh! Ayan, hindi na ako natahimik."
"Paano kasi, feeling savior ka d'yan! Kung suicidal nga ang isang tao, mapipigilan ba natin siya? The battle is on her head, inside. Hindi natin masosolusyunan 'yon lalo na kung hindi niya pinapakita sa iba. Mga great pretender sila. Akala mo masaya, durog na durog na pala."
Napabuntong-hininga ako.
"But still, we need to know. Baka sa ganitong maliit na paraan, makatulong tayo. Maybe it was meant to be, meant for us na mahanap 'yung note na 'yon so we can help," giit ko.
"Pero 'yung note nga is just a song, we're not sure if it's a suicide note."
"Kaya nga we'll check. Sino 'yung nagsulat no'n at kung bakit niya sinulat 'yon?"
Ibinaling kong muli ang atensyon ko kay Kath Villacrusis at sa mga kaibigan niya.
"Sige! Sa linggo ha! Punta tayo sa EK!" yaya niya sa mga kasama niya.
"Sana someday no? Makapunta tayo sa Hongkong Disneyland," dagdag pa niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon.
"Tara na, Jemimah," sambit ko na ipinagtaka niya. Tiningnan ko muli ang borrower's card at nakita ang pangalan ni Luna Estremera. Sana narito pa siya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top