Ikalima

"Oh sige, kuha lang ako ng gamit sa bahay then sleepover ulit ako sa inyo," paalam ko kay Jemimah nang makita ko na ang bahay niya ngunit paglingon ko sa kaniya, hindi ko na siya nakita.

Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon? At hindi nagpaalam?

Nakita kong nagbukas ang pinto ng bahay nila at lumabas doon ang kaniyang mga magulang. Umiiyak. Na-curious ako kung kaya't nilapitan ko sila.

"A-ano pong nangyari? Okay lang po kayo?" Tanong ko ngunit hindi nila ako pinapansin. Patuloy pa rin sa pag-iyak si tita at pinatatahan siya ng kaniyang asawa.

"Sabihin mo sa 'kin, nananaginip lang ako. Hindi ito totoo," sambit ni tita sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Hinahaplos ni tito ang kaniyang likod habang niyayakap ito.

Muntikan nang mapaluhod si tita nang mahawakan ko siya. Mali. Hindi ko siya nahawakan. Tumagos ang kamay ko sa kaniya.

Napaatras ako. Anong nangyayari? Bakit tumagos ang kamay ko? Bakit hindi ko sila mahawakan?

"Tita? Nasaan po si Jemimah? Tito? Ano pong nangyayari?" Nagpa-panic kong tanong ngunit hindi nila ako naririnig. Tumakbo ako papasok ng bahay nila at hindi ko inakalang makikita ko sa kwarto ang dalawang babaeng wala nang malay. Kami 'yon.

Kaming dalawa ni Jemimah.

Nakahiga ang katawan ko sa kama niya samantalang ang katawan naman ni Jemimah ay nasa sahig. Bakit kami nasa ganoong sitwasyon? Patay na ba ako? 

Nilapitan ko si Jemimah. Nadudurog ang puso ko habang nakikita siya sa ganitong kalagayan. Anong nangyari? Bakit?

Napansin ko ang hawak niyang bote ng gamot at dalawang notebook. Ang isa ay ang diary ko. Nalaglag mula sa kamay niya ang isang notebook na mukhang pagmamay-ari niya. Kusa iyong bumuklat at doon ko napatunayang diary niya iyon.

Halos gumuho ang mundo ko nang mabasa ko ang mga sumusunod. 

Dear Jena,

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit mo ako iniwan? Pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Sobrang bigat sa puso. Lalo ngayong mag-isa na lang ako. Bakit hindi mo sinabi? Nagtatawanan pa tayo kagabi. Nag-uusap pa tayo ng mga pangarap natin. 

Bakit hindi mo sinabi sa 'kin yang bigat na dinadala mo? Alam mo bang pareho lang tayo? Inisahan din ako ni Professor Clemency. Sinabi niya sa 'king babagsak ako sa subject niya at kung gusto kong gawan ng paraan, sundin ko ang gusto niya. Sinunod ko 'yung gusto niya, Jena kahit labag sa loob ko. Binigay ko 'yung gusto niya sa takot na bumagsak at hindi maka-graduate. Pero alam mo ba kung anong ginawa niya? Binagsak niya pa rin ako. Bakit niya raw ako ipapasa eh bobo raw ako?

Bobo ba ako, Jena kung susundan kita? Gusto kong sumama sa iyo. Ikaw ang lobo ko, kung wala ka, wala rin ako.

---

Napapikit ako at hindi ko na napigilang umiyak. Ganoon din ang nangyari sa akin. Naalala ko na ang dahilan kung bakit nasa ganoon akong sitwasyon. Wala akong masabihan. Natatakot din akong may makaalam kaya kinimkim kong lahat hanggang sa hindi ko na kinaya ang lumalaking lungkot.

Nakita ko ang drawing ng isang kalapati sa dulo ng sulat niya para sa akin. Doon ko naalala, 'yon nga pala ang simbolo ng pangalan niya. Isang kalapati. 

Jemimah...

Sorry, nahuli ako sa pagsagip sa iyo.

Sorry, iniwan kita.

Patawad.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top