Chapter 4

LINNEA's POV

Pagpasok ko sa loob ng klase ay bumungad sa akin ang mga kaklase kong naghaharutan at nakakalat ang mga upuan, naglakad ako patungo sa upuan ko at umupo doon.

"Ano ba?! Minimize your voice," inis na wika ni Genyll ngunit wala man lang nakinig sa kaniya.

Kinuha ko ang wireless earphone sa aking bag at isinuot ito sa aking tainga sabay nagplay ng music, isinandal ko naman ang aking ulo sa bintana habang nakatanaw sa labas. Hay! Until now wala pa din balita sa krimen, ang bagal nilang mag-imbestiga. The volume of the music I was listening to was not that loud so I could still hear the noise around ngunit mayroong pumukaw ng aking atensyon--- pinatay ko ang pinakikinggan kong musika ngunit nanatili sa aking tainga ang wireless earphone.

"Balita ko ay babae daw ang pumatay kay Charles" wika ng babaeng nakaupo sa aking harapan.

"How did you know?" tanong ng kaniyang katabi.

"Narinig ko sa usapan ng mga Investigator"

"Hala! Nakikinig ka sa usapan nila?"

"Of course not, napadaan lang ako" depensa niya, "At blockmate raw natin ang killer"

Nakita kong nanlaki ang mata ng babaeng katabi niya at bakas sa mukha nito ang takot, "What? Baka t-tayo ang s-sunod na patayin n-niya" nauutal nitong saad.

"Kumalma ka nga, hindi pa naman sure iyon!"

Muli kong dinagdagan ang volume ng aking cellphone hanggang sa hindi ko na marinig ang ingay ng paligid. May lead na kaya sila kung sino ang killer? Pero sa kupad nilang kumilos ay malabong alam na nila kung sino. I was just shaken by what I was thinking and closed my eyes. Ang payapa makinig ng musika habang nagpapahinga, walang ibang disturbo dahil wala pa ang asungot na si--- napabalikwas ako ng bangon at awtomatikong tinanggal ang earphone sa aking tainga nang maramdaman kong mayroong bagay na tumama sa aking mukha.

Bumungad naman sa akin si Ciara na nakatayo sa aking harapan, naka-cross arms siya at nakataas ang isang kilay, "Mabuti naman gising ka na" mataray niyang wika.

Bumuntong hininga ako sabay muling umupo at ibinaling ang aking atensyon sa bintana ngunit nakita ko sa aking peripheral vision na palapit siya sa akin kaya kaagad akong nagsalita, "Don't come near me" seryosong wika ko.

Napansin kong huminto siya sa paglapit ngunit nanatiling nakatitig sa akin, "Anong problema mo?" inis niyang tanong.

"Ciara, anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Wilfred.

"Shut up, Wilfred"

"Nananahimik si Linnea pero ginugulo---"

"Magkasama sila ni Ziggy kahapon"

Lumingon naman ako sa gawi nila, "Anong problema kung magkasama kami ni Ziggy?"

Muli akong nilingon ni Ciara, "Hindi naman kayo magkasintahan ni Ziggy, right?" mataray niyang tanong.

Bumuntong hininga ako at tumango bilang sang-ayon, "You're right!"

"Then layuan mo siya" maawtoridad niyang wika.

"Why?"

"I'm Ziggy's girlfriend"

"What?" gulat na tanong ng mga kaklase namin.

Gusto kong tumawa sa sinabi ni Ciara ngunit pinigilan ko ang aking sarili at nanatiling nakatitig sa kaniyang mga mata, nang akmang magsasalita na ako ay mayroong nagsalita na hindi ko inaasahan, "I'm Linnea's boyfriend"

Awtomatikong napatingin sa pinto ang lahat ng estudyanteng narito sa loob, nakita kong nakatayo sa pintuan si Jaxson at nakatingin sa akin, "Why are you here?" nagtatakang tanong ko.

"Who is he?" nagtatakang tanong ni Ciara.

"Why? Aangkinin mo na naman ba?" Mataray na tanong ni Genyll.

Napangiwi si Ciara kasabay ng kaniyang pag-irap at nagmadaling lumabas, binangga pa niya sa balikat si Jaxson nang palabas siya ng classroom. Naglakad naman palapit sa akin si Jaxson at huminto sa tapat ng aking upuan, bumuntong hininga lamang ako at muling ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana.

"Hindi mo man lang ba ako papansinin?" tanong niya.

"Why are you here?"

"I have something to tell you"

"Tinawagan mo na lang sana ako," wika ko sabay nilingon siya, "Gumawa ka pa ng eksena"

"Ang taray mo talaga" wika niya ngunit ngumisi lamang ako.

Napalingon naman kami sa kanan nang marinig namin na nagsalita si Wilfred, "Guy's, listen. I have an announcement"

Almost all of us were staring at Wilfred while waiting for his announcement, nanatiling nakatayo sa bandang harap ko si Jaxson at nasa bulsa ng kaniyang pantalon ang dalawang kamay niya habang nakatingin kay Wilfred, "Ano na naman ang nakalap mong balita?" tanong ni Madelief.

Itinaas ni Wilfred ang hawak niyang puting papel, "Alam niyo ba kung ano ang hawak ko?"

"Of course, papel ang hawak mo" pilosopong tugon ni Madelief.

"Tsk! Idiot," pabulong na sambit ni Genyll ngunit narinig namin dahil malapit lang ang pwesto niya sa amin.

"This is a Resignation" wika ni Wilfred, "Red Resignation"

"Red? Paano naging red? Eh, puting papel 'yan!" mataray na wika ni Genyll.

Itinuro ni Wilfred ang pulang bagay sa ibabang bahagi ng papel, "This is a blood thumb mark" paliwanag niya, "So, this is a Red Resignation--- not just an ordinary resignation."

"Paano mo nasabing not ordinary? It's just a one piece of white paper" saad ko.

"Babasahin ko ang nakalagay sa papel," presenta niya at sinimulan ang pagbabasa, "Dear Life" panimula niya, "Please accept this letter as notice of my resignation from my life here in this earth. My last day of my life will be July 13th... It has been a pleasure to live here in this earth with my family, friends and also my ex-girlfriend over tha last 20 years. One of the highlights of my life was that I met my ex-girlfriend... I want them to know that I was very hurt when my girlfriend left me, she is my life and my happiness but she just traded me for a man who is not serious about their relationship. She didn't want to believe what I was saying so I agreed to that break up she wanted, even if it hurt but if she was happy there I would support her. Another of my problem is our company, it is slowly losing money but Dad doesn't know how to solve it so I'm running it. And I’m tired, I’m tired of finding solutions to problems... Before I pass away, I hope I can tell her how much I love her. She is the last woman I will love until my last breath...  Thank you for all the support and opportunities they have provided me over the years. I have truly enjoyed my time here in this earth and am grateful for the encouragement they have given me to pursue my personal and professional goals...  I wish they live longer and achieve their goals in their life and hope to stay in touch... Sincerely,
Charles Simson" mahabang pagbabasa niya.

"So sad" wika ni Ciara na animo'y naawa siya, "A tragic story of his life," dugtong niya habang nakatayo siya sa bandang pinto.

"Yeah! It's a sad ending of his life but--- you look like not a sad after you heard the letter," sumabat naman si Jaxson kaya napalingon ako sa kaniya.

"Jaxson" mahinang sambit ko upang tumigil siya.

Lumingon naman sila sa pwesto namin ng lalaking kaharap ko, "So, anong gusto mong sabihin?" tanong ni Ciara.

"Look, ang paraan ng pagsabi mo kanina sa mga words ay halatang hindi ka naawa sa taong namatay"

"Jaxson" muling sambit ko.

"I'm just saying, mister Jaxson" mataray na wika ni Ciara, "Wala akong ibang ibig sabihin sa mga sinabi ko kanina"

Akmang magsasalita muli si Jaxson ay tumayo na ako at muling tinawag ang kaniyang pangalan, "Jaxson"

Nilingon niya ako at tinitigan sa mga mata, "I'm sorry"

Kinuha ko ang aking bag at naglakad patungo sa pinto, "Let's go, Jaxson," saad ko ngunit nasa kalagitnaan pa lang kami ay muling nagsalita si Ciara.

"Anong alam mo, Jaxson Ferreras?" sarkastikong tanong nito ngunit hindi namin siya pinansin dahil nagpatuloy lamang kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa hallway ng school ay nagsalita ang lalaking kasabay kong maglakad, "Gusto mo bang ihatid na kita?"

"No thanks," tanggi ko at patuloy sa paglalakad habang bahagyang nakayuko.

"Bakit magkasama kayong dalawa?" tanong ng lalaki sa aking harapan kaya napahinto ako sa paglalakad at iniangat ang aking ulo hanggang sa magtama ang paningin namin.

"Ziggy" mahinang sambit ko.

"Natural lang na magkasama kami dahil kapatid ko si Nea" wika naman ni Jaxson.

Nilingon siya ni Ziggy, "I know"

Ngumisi naman si Jaxson, "Iniligtas ko lang ang girlfriend mo dahil inaaway na naman siya ni Ciara at--- wala ka sa tabi niya" paliwanag niya.

Matalim naman siyang tinitigan ni Ziggy kaya tumayo na ako sa pagitan nilang dalawa, nasa likuran ko si Ziggy at kaharap ko naman si Jaxson, "Aalis na kami Jaxson, ingat ka pauwi"

Tumango naman ito bilang sang-ayon ngunit nanatiling nakatitig kay Ziggy, "Ingatan mo ang kapatid ko"

Nang makaalis na si Jaxson ay sinimulan maglakad ni Ziggy, "Let's go, Nea," sambit niya ngunit nanatili lamang akong nakatayo kaya huminto siya sa paglalakad at nilingon ako, "May problema ba?"

"I have something to do, umuwi ka na"

"Why? Mayroon kang hindi pa tapos gawin?"

Tumango naman ako bilang sang-ayon, "Yes, kailangan kong gawin ngayon"

"Okay," saad niya sabay naglakad palapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi, "Take care"

I just stared at him as he walked away from me and when he disappeared from my sight I started walking. Nasasalubong ko ang mga estudyante na palabas ng campus dahil oras na para umuwi, nang makarating ako sa classroom namin ay nakabukas pa ang ilaw ngunit wala ng estudyante. Nang napatingin ako sa black board ay nakasabit pa din doon ang resignation paper na hawak kanina ni Wilfred. Narito pa siya! I entered the classroom and sat in our professor's chair on the black board. Natanaw ko din ang isang bag na itim at nakalagay ito sa upuan mo Wilfred.

Habang hinihintay ko si Wilfred ay kinuha ko sa aking bag ang librong binabasa ko, beyond good and evil. My reading also took minutes until the bathroom door opened but I kept staring at the book I was reading.

"N-Nea" nauutal niyang wika, "Ginulat mo naman ako"

"Paano mo nakuha ang Red Resignation?"

"Pardon?"

"Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha sa ebidensya lalo na't gumugulong pa ang investigation"

"What do you want to say?"

Isinara ko ang librong hawak ko sabay tumingin sa mga mata ni Wilfred, "Nakapagtataka, hindi ba?"

"Inaakusahan mo ba ako?"

"Of course not" saad ko at umarte na animo'y inosente, "I'm just telling the truth"

"Binigyan ako ng permision---"

"Permiso?" putol ko sa kaniyang sinasabi sabay tumawa ng bahagya, "Ang investigator ay magbibigay ng permiso sa isang hamak na estudyante?" sarkastikong tanong ko, "Maliban na lang kung---"

"What?" tanong niya na bakas sa mukha ang pagpipigil ng inis.

"Kung ikaw ang nag-utos na imbestigahan ang krimen"

"Krimen ang nangyari kaya dapat lang na imbestigahan upang mabigyan ng hustisya ang biktima"

"Hustisya?" tanong ko sabay natawa, "Walang hustisya dito sa mundo"

"Mayroon, sadyang gusto lang nilang maghigante"

"You're right! Pero---" putol ko sa aking sinasabi, "Paano kung finger prints mo ang makuha sa resignation na hawak mo kanina? At ikaw ang iturong suspect? Anong gagawin mo?" sarkastikong tanong ko.

Ngumisi siya, "That's impossible"

"Of course, imposibe. Dahil ikaw ang boss nila kaya hindi mo finger prints ang lalabas"

"LINNEA" sigaw niya kaya bumuntong hininga ako sabay tumayo, "Ano ba talaga ang gusto mo?" gigil niyang tanong.

"Simple lang... Itigil mo ang imbestigasyon"

Muli siyang ngumisi, "Why? Takot ka bang mahuli?"

Ngumisi naman ako, "Wilfred. Wilfred" sambit ko, "Nalimutan mo na ba ang usap-usapan ng eskuwelahang ito?" tanong ko ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa aking mga mata, "Brilliant, prestigious, exclusive and elite—these are just a few words to describe Escuela De Gran Dolor" dugtong ko, "Do you have amnesia?"

"Then?"

"Kaya paano nakapasok ang mga police dito sa Escuela De Gran Dolor?" naglakad naman ako palapit sa kaniya sabay huminto sa harap niya na isang metro ang layo, "Isa sa mga investor ng eskuwelahang ito ang iyong ama, tama ba?"

Nakita ko naman na umigting ang kaniyang panga ngunit pinipilit niya pa din pakalmahin ang kaniyang sarili, "How did you know?"

Muli akong natawa, "Ang akala ko ba ay matalino ka?" sarkastikong tanong ko. Bahagya akong nagulat nang bigla niya akong hawakan sa leeg sabay hinila patungo sa black board ngunit nanatiling seryoso ang aking mukha, humawak ako sa kaniyang kamay na pilit akong sinasakal. Ramdam ko ang sakit sa aking leeg kaya hirap na ako sa paghinga, "Huwag mo akong susubukan, Linnea Gallego."

Bigla naman niya akong binitiwan kaya kaagad akong lumanghap ng hangin upang makahinga ng maayos.  Bigla naman akong tumawa na animo'y isang demonyo sabay nilingon siya, "Malaking pagkakamali ang ginawa mo," saad ko sabay tumayo at tinitigan siya sa mga mata, "Be careful, Wilfred Cañego"

Matapos kong sabihin iyon ay kinuha ko ang aking bag sa kinauupuan ko kanina sabay naglakad patungo sa pinto, ngunit huminto ako at muling nilingon si Wilfred, "Anyway! Ex girlfriend mo si Genyll Balbanera, tama ba?" Inosenteng tanong ko, "Masarap siya kausap," dugtong ko at tuluyan na akong lumabas ng classroom.

Ngunit hindi pa ako nakalalayo ay narinig kong isinigaw ni Wilfred ang pangalan ko at bakas sa kaniyang boses ang inis at galit na kaniyang nararamdaman. Napangisi ako habang naglalakad palayo sa classroom. Nang makarating ako sa parking area ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse kaya kaagad akong lumapit doon at sumakay.

"Tinakot mo ang Tao" wika niya.

"Babala lamang iyon"

"Baka ma-trauma iyon" biro niya.

"Shut up, Jaxson"

"What did you say?" inis niyang tanong, "Hindi mo na ginagalang ang kuya mo"

Nilingon ko siya sabay puppy eyes, "I'm sorry, kuya"

"Ha! You're crazy," hindi makapaniwala niyang wika sabay pinaandar ang sasakyan.

Ngumisi naman ako at tumingin sa labas, "Ang akala ko ay umuwi ka na"

"Alam ko naman na hindi ka sasama kay Ziggy kaya naghintay ako sa parking area"

Natawa ako ng bahagya, "How sweet" biro ko.

"Why? Sweet naman talaga akong kuya"

Tumingin naman ako sa kaniya na animo'y nadidiri, "Eww"

"Hey" saway niya sa akin, "Nakakainis ka, Nea"

"Psh! Drive thru muna tayo bago umuwi"

Natawa naman siya, "Nagugutom din pala si Linnea Gallego"

Napangiwi naman ako, "Of course, I'm just a human"

"Tao ka pala? Ang akala ko ay Devil ka"

Kumunot naman ang aking noo, "Jaxson Gallego"

"Why? May mali ba sa sinabi ko?" inosente niyang tanong.

"Hindi mo yata mahal ang buhay mo" sarkastikong wika ko.

Natawa naman siya, "I'm just kidding, bunso. Gutom ka na kaya mag-oorder na ako ng foods," saad niya sabay huminto ang sasakyan namin sa isang drive thru.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top