prologue
Naglalakad ang isang binatang naka-brown leather jacket sa unang palapag ng campus. Hindi mapigilang titigan siya ng mga estudyante sa paligid, pasimple siyang sumulyap sa mga ito saglit. Pagkatapos noon ay tinuon niya na ang atensyon sa dinaraanan kasabay ng mabibigat niyang paghinga. Binilisan niya ang paglalakad upang maikubli na ang sarili mula sa mga tingin nito.
Dahil sa maamo niyang mukha ay imbes na pag-isipan siyang snobber at kainisan, naghagikgikan pa ang mga ito dahil— "Ang cute niya talaga!" Hinampas ng isang babae ang kasama.
Nang makarating sa pintuan ng men's restroom, napatitig siya sa loob nito. Patay ang ilaw, walang tao, at nag-e-echo ang patak ng tubig mula sa maluwag na gripo. Hinayaan niya na lang dahil kahit papaano ay may pumapasok namang liwanag ng malumbay na kalangitan sa mga bintana ng bawat cubicle.
Umapak siya sa maputik na tiles at tuluyang pumasok sa madilim na banyo. Tumayo siya sa gitna. Tumutok ang mga mata niya sa gitna ng magkakatapat na linya ng cubicles dahil hindi nilalamon ng dilim ang dulo no'n. Ilang saglit ay lumapit na siya sa urinal.
Kaswal na gumalaw ang mga mata niya pakaliwa at nagulat dahil hindi niya namalayang may pumasok na sa banyo at naglalakad na papalapit. Iniwas niya ang tingin, tumitig sa pader habang pinupwersa ang sarili na matapos sa lalong madaling panahon.
Heto na naman. Napakunot ang noo niya. Naiinis na kinakabahan.
Gaya ng inaasahan ay tumabi ang bagong dating na lalaking estudyante sa kaniya. Binaba nito ang salawal habang nakangisi't nakatingin sa kaniya.
Umungol ito. Dinig din ang mabilis na pagtaas-baba sa ari ng kamay nito habang nakatingin sa kaniya. Mariin siyang napapikit sa pandidiri.
Nagkumahog siyang isuot ang pantalon at ikabit ang belt. Nakatalikod na siya nang magsalita ang lalaki.
"Ayaw mo ba talaga sa'kin o pakipot ka lang? Hindi ko nga pinapansin mga may gusto sa'kin dito. Ang swerte mo."
Lalong naglapit ang mga kilay niya ngunit huminga siya nang malalim. "Ayoko sa'yo."
"I can make you gay."
Tama na, pagmamakaawa niya sa isip. School's supposed to be every student's second home. It shouldn't be uncomfortable and unsafe as this.
Ibinaling niya ang ulo nang hindi direktang tumitingin dito. "Pasensya na," kalmado niyang sagot. Nagtungo siya sa lababo. Pinapanalangin niya na sana ay may pumasok nang ibang estudyante habang naghuhugas siya ng mga kamay.
Nagsalubong ang nanlalaki niyang mga mata sa salamin.
"If I can't have you, no one will. Mararanasan mo ngayon pakiramdam ng ipagtabuyan at pandirihan," deklara ng lalaki. Magkatitigan sila sa salamin habang nasa likod niya ito.
Lumabas ang lalaki at naiwan siyang gulat at takot. Nang makabawi ay sinipat niya ang braso kung saan ramdam niya ang kirot.
Namuo ang luha sa mga mata niya nang mapagtantong may nakaturok sa kaniyang syringe.
Hinigit niya 'yon at hinawakan pataas upang makita nang maigi.
Napaatras siya at naibagsak ang syringe. Kung abot-langit ang nararamdan niyang takot ay ganoon din ang nararamdaman niyang poot.
Tumakbo siya palabas upang sundan ang lalaki.
Naiwan naman sa sahig ng madilim na restroom ang syringe na may nakadikit na puting papel at may nakasulat na:
Welcome to HIV world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top