chapter two | green light

"You okay there, Ate Lillian?" Binasag ni Ran ang katahimikan sa loob ng malamig na sasakyan.

Lillian smiled withouth looking. "Yeah, thanks!" She continued to tap the wheel, staring blankly at the tail lights of the cars ahead of them.

"Buti na lang dumaan tayo sa drive through kasi I'm so gutom na!" Kahit hindi sila nakatingin ay alam nilang binuksan na ni Nova ang takip ng Jollibee chicken joy dahil mas nangibabaw na ang amoy nito.

"Better than the car's air freshener," Ran joked.

Gumalaw ang isang kamay ni Lillian upang kuhanin ang coke float sa tabi niya at sumipsip.

"Anong oras tayo makakarating du'n?" reklamo ni London.

"Maybe, 2 AM or later."

"Grabe naman ang traffic! Sana bukas na lang tayong umaga." London sighed roughly. He felt suffocated inside the unmoving car.

"Bakasyon na eh, marami na ring uuwi ngayon sa mga probinsya nila."

"Sana naisip mo rin 'yan bago magplano ng out of town trip," bulong ni London.

Lillian hissed. Lumubog sa kinauupuan nila sina Ran, Karina at Nova.

"We can get there by 12 tops if we use the Patid Road." She smiled.

"Ang galing talaga ni Lillian, may alam na shortcuts!" Mabilis ang pananalita ni Nova sa likod kaya naman impit na natawa sina Lillian at Ran.

"Tara!" pag-aatubili ni London.

"Hey, Karina, you okay?" Sinulyapan siya ni Lillian. Napatingin din ang tatlo.

"Oo nga, ang tahimik mo," segundo ni Nova na ngayon naman ay kumakain ng fries.

"Let her be, mas okay nga 'pag tahimik 'yan." London snickered.

"No, na-bother lang ako. Sa Patid Road ba talaga tayo dadaan?"

Natahimik sila at napakunot, namumuo ang mga haka-haka.

"What's the matter?" tanong ni Ran.

"Maraming nagsasabi na mysterious daw ang Patid Road. May nag-confess sa Facebook na noong dumaan sila, nagbago raw ang paligid. Naging luma, mas dumilim. At para raw may buhay 'yung malalaking puno na pinapanood sila," bahagi ni Karina.

"There she goes again."

Tumingin si Nova kay London. "But what if it's real? Sa main road na lang tayo dumaan!" Nagpapadyak siya ng paa.

"I'd rather arrive late than to take that road," Karina said, pouting. Her decision is final.

"Ikaw lang, pa'no kami? Porket okay lang sa'yo, wala ka nang pakialam kung hindi okay sa'min?"

Their hearts started to beat faster at Karina and London's heated argument.

"Para din naman sa'ting 'tong lahat! Damay-damay tayong mapapahamak dahil nakasakay tayo sa iisang kotse, tapos sasabihin mo selfish ako? Lahat na lang ng sinasabi ko minamasama mo. May prejudice ka ba sa 'kin?"

"Guys..."

Naalarma sila sa takot na boses ni Lillian.

"Malapit nang mag-green light, decide if we're taking the road where there's a heavy traffic or are we going to use the shortcut." Mahinahon pa rin ang pananalita ni Lillian, bagay na nagpahupa rin sa kanila.

"Shortcut!" sagot agad ni London.

Sumilip din si Nova sa labas. Nabasa niya sa bandang kanan ang sign ng Patid Road. Madilim doon at walang pumipihit na kotse para doon dumaan. She made a crying sound.

"Oh my gosh! Baka magaya pa tayo sa wrong turn!" Kinilabutan siya. Bakit walang dumadaan doon? Siguro hindi magandang gamitin ang kalsada na 'yon.

"Look! May pumasok nang kotse sa Patid Road." Lillian pointed in front.

Nakita nila ang itim na kotse na pumihit at pumasok sa Patid Road.

"I think we'll be okay. Tara na kasi!" Kumapit si London sa headrest ng upuan nina Karina habang pinapanood ang itim na kotse.

Ran hesitantly looked at Karina. As much as possible, I don't want to do things that makes one of us uncomfortable.

Napaigtad sila at napatili si Nova nang bumusina ang sasakyan sa likod.

Natatakot na baka mapaaway pa sila ay mangiyak-ngiyak na kinausap ni Karina si Lillian. "Sige na nga! Sa Patid Road na lang kung gusto niyo!"

"Okay." Tumango si Lillian at agad na pinihit ang kotse papasok ng Patid Road.

Once they are already on the road, they instantly regret it, even London. Dumoble ang lamig at kinailangan pa ni Lillian buksan ang bim lights para makakita.

Sa tabi ng manibela ay umiilaw ang pulang mga numero. 11:00 PM.

Naabutan pa nila ang itim na kotse kaya nakampante sila kahit papaano dahil may kasama sila sa daan.

Sinundan ni Lillian ang itim na kotse.

"Oh, mud! The fog looks like clouds." Niyakap ni Nova ang headrest ng upuan ni Ran habang manghang nakatitig sa harapan.

Ilang sandali pa ay nawala na ang pakialam nila sa dinaraanan. Wala rin naman silang makita maganda sa labas para mag-sight seeing.

Nagsuot ng airpods si Ran at ipinikit ang mga mata. Si Karina naman ay sinandal ang ulo sa bintana pero iniiwas ang tingin sa labas. Sina London at Nova naman ay naging abala sa kanilang mga phone.

Itinigil ni Lillian ang sasakyan. Naguguluhan siyang kumurap at nilingon ang mga kasama.

Nagkukwentuhan pa rin sina Nova at London sa likod. Nakapikit naman sina Ran at Karina.

"We're here," pukaw niya sa mga ito.

"Huh?"

Napatigil sa pagkukwentuhan sina London at Nova. Samantalang sina Ran at Karina ay biglang napamulat.

Doon na pinatay ni Lillian ang makina.

"Totoo ba? Ang bilis naman." Nakanganga si London at nanlalaki ang mga mata.

Nagta-tantiyahan silang apat.

"Ang smooth kasi mag-drive ni Lillian!" komento ni Nova.

Lillian chuckled. "Hindi niyo alam nasa langit na pala tayo noh."

Idinikit ni Karina ang noo sa bintana. "Wow!" Kahit may mga muta pa ay naidilat niya nang malaki ang mga mata. Nararamdaman niya ang pagkabuhay ng sistema.

Nakatigil ang kotse sa harap ng itim na malaking bahay na pinalilibutan ng patag na damo. Sa gitna ay may fountain at sa gilid no'n ay may nakatayong lalaki na nagsasalin ng tubig gamit ang hose.

"Oh my god, anong add to cart? Check out na agad!" Humagikgik si Karina habang pinagmamasdan ang lalaking may perpektong side profile at healthy black hair.

Tinulak siya ni London. "Baba na!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top