chapter three | black house

Franco

Lillian:
Good evening, nasa labas na po kami

"Baba na!" Tinulak ni London ang balikat ni Karina.

Bumaba ang babae, nakapukol ang tingin sa gwapong naglalagay ng tubig sa fountain. Handa na siyang puntahan ito nang mapansin niya ang itim na kotseng nakita nila kanina na nakaparada sa hindi kalayuan. May bumaba roong lalaki, nanlaki ang mata ni Karina dahil sa laki ng mga braso nito.

Napakunot siya pero may nakasilay na ngiti sa labi. Mukhang wrestler si koya. Umangat ang tingin niya sa ulo nitong natatakpan ang mga mata hanggang ilong ng helmet.

"Bwisit talaga 'tong bilat na 'to eh, hindi man lang binaba 'yung upuan!"

Nang makabalas si Ran ng sasakyan ay inunahan niya na si London sa pagbaba ng upuan bago pa lumala ang inis nito kay Karina at madamay pa sila.

Sinundan ng tingin ni Karina ang driver ng itim na kotse na dire-diretsong naglakad papunta sa direksyon ng bahay.

She pursed her lips. Ang mga mata niya ay nanlaki ulit, naging kamukha niya ang Shiba Inu meme.

Mama! Baka siya na 'yung sa mga palabas na naka-book din dito kagaya namin pero mamamatay-tao pala.

"He must be our chauffeur." Biglang sumulpot sa likod niya si Lillian.

Napatingin silang apat. "May magda-drive para sa'tin?"

"Yeah. Kasama sa booking ang pag-tour nila sa'tin sa Dutaw. At bakasyon ko rin naman kaya day off ko na rin bilang driver niyo."

Natahamik ang apat.

"Grabe naman ang traffic! Sana bukas na lang tayong umaga."

"Sana naisip mo 'yan bago nagplano ng out of town trip."

Nilamon ng hiya si London nang maalala ang mga sinabi niya. Lillian's our friend, not our driver. Who am I to complain like that?

Unti-unting humupa ang kabog ng dibdib ni Karina kaya naman sinimulan niya na ang paghakbang. Sa pathway siya naglalakad pero hindi niya mapigilang mapahanga sa patag at malusog na damong nakapaligid sa kanila.

Malapit na siya sa lalaki, tinitignan niya ang mukhang nitong hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa. Humagigik siya dahil malapit na talaga siya sa kinatatayuan nito at iwinawasiwas na rin niya ang kaniyang mga kamay.

Baka masyado lang talagang focus sa pagsasalin ng tubig kaya hindi niya 'ko napapansin. O talagang snob siya? Or baka bawal nila kaming kausapin?

"Hi!" bati ni Karina. Nagulat siya nang lingunin nga siya ng lalaki.

Nang makabawi ay ngumiti siya rito ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Inangat ni Karina ang isa niyang kamay. "I'm Karina! Are you single?"

Sa likod niya ay napairap si London.

Napahinto rin si Lillian sa tabi ni Karina, tinanaw niya ang driver na patuloy lang sa paglalakad papasok sa bahay.

Bumuga ng hininga si Lillian at naglakad muli.

Oh my gosh, ang lambot ng kamay niya—

Nagulat si Karina nang bigla na lang siyang natangay pabalik sa pathway. Lumingon siya at nakita si London na nakakapit sa backpack niya. Binalik niya ang tingin sa harap at nakita si Lillian na papasok sa bahay. She doesn't have time to process everything but she already made sense why London grabbed her. Sumunod na lang siya sa mga kasama.

Tumambad sa kanila ang napakalawak na living room. Halos lahat sila ay nakatingala dahil kahit ang kisame ay napakataas. Moderno ang loob ng bahay maging ang mga kagamitan. Simple lang din ang kulay, puti, itim, at abo.

"Good that you have arrived safely!"

Napatingin sila sa naglalakad papalapit na lalaki. Malapad ang balikat nito, sobrang laki at matipuno rin ang mga balikat at dibdib nito.

"Let me introduce myself and the staff that will be with you the entire week." Pumila sila ng isang linya paharap sa kina Lillian. Pare-parehas na naka-plain black shirt ang mga ito.

"I'm Franco, every body calls me Mang Franco. I am the owner and I will be your personal chef."

"Nice to meet you po, Mang Franco," bati ni Lillian.

"Wow." Karina.

"Wooh." Nova did little claps. Ang nasa isip ay ang magiging pagkain nila.

"This is Johnson, your driver." Ibinuka ni Mang Franco ang palad sa direksyon ng lalaking kalahati ang helmet.

"Knew it!" said Lillian.

Biglang napatingin si Karina kay Lillian. Hindi mapakali ang pagpilig ng ulo, sa huli ay minabuti na lang niyang patapusin si Mang Franco.

"I'm sorry if he didn't even talk to you, he's brusque but shy. Wala rin 'yang kwentang kausap sa biyahe kaya okay lang kahit hindi niyo daldalin. It's better kung tahimik ang sasakay sa passenger seat," paliwanag ni Mang Franco.

"Next, we have Panic! She will be your tour guide."

"What?" Napataas ng kilay si London sa batang babaeng nakatingala sa kaniya. Blanko ang ekspresyon nito na ikinatawa ni Karina.

"Panic ba talaga name niya?" Tumango si Mang Franco. "Bakit 'yan pinangalan ng parents mo?" Natawa ulit siya sa walang reaksyon na bata.

"Ang kalmado niya." Nagtinginan sina Karina, Nova at Lillian.

Napatitig si Karina sa mukha ni Panic, "hmmmmp!" Hindi niya na napigilan ang pagpisil sa mataba nitong pisngi. "You're so cute!" Humagikgik naman si Panic.

"Isn't she too young to work? Lalo na po sa mga strangers?" seryoso ngunit magalang na tanong ni Ran kay Mang Franco.

"I agree," segundo ni London.

"Oh, if you only knew. Kung saan-saan nakakarating 'yang batang 'yan kasama mga kalaro niya. Tiwala lang po," pangungumbinsi ni Mang Franco.

"This isn't my first time na bata ang company sa tour," bulong ni Lillian sa kanila. "Let's just trust them."

"The last one here is Faron, the co-owner of the house. He's the cleaner." Pumunta sa likod ni Faron si Mang Franco at hinawakan ang mga balikat nito. "If you want, pwedeng dalawa sila ni Panic ang mag-tour sa inyo." Nakatitig si Mang Franco kay Karina habang bahagyang tinutulak si Faron.

"Ah..." Nauutal-utal si Karina at pinamumulahan ng pisngi.

"You must be tired from the trip. I'll give you a quick tour sa kabuuan ng bahay pati sa bedrooms."

Sumang-ayon sila at sinundan si Mang Franco. Nagtulong naman sina Johnson at Faron sa pagbubuhat ng mga bagahe.

"So here's the kitchen, there's also a mini bar. I could also serve you drinks. Kapag may gusto kayong ipaluto, huwag kayong mahiyang magsabi sa'kin. Kung wala naman kayong maisip na kainin, I have a menu here."

Sunod-sunod silang umakyat. Kasya ang tatlong tao sa isang baitang ng hagdan. Napapasilip sila sa baba at napakaluwag tignan ng unang palapag mula sa hagdan.

"On the right wing, nando'n ang indoor gym, play room, home cinema, massage chair room at infinity pool na may view ng Dutaw Volcano at lake."

"Grabe! Edi marami pong nagbo-book dito, noh?" bulalas ni Karina.

Nagtaka sila nang hindi agad sumagot si Mang Franco.

"You are our first guests. That's why we offered a huge discount. I really hope you enjoy your stay and leave a good review."

Napanganga si Karina. Kasunod no'n ay hindi na sila nakapagbigay ng komento.

"On the left wing, there are your bedrooms. Bukod sa common bathroom on the first floor, may en suite din bawat bedroom niyo for convenience."

Binuksan ni Mang Franco ang isang pinto at tumambad sa kanila ang malawak na kwartong may dalawang malalaking kama. May LED lights din sa kisame na nagbabago ang kulay.

"This looks cozy!" manghang komento ni Lillian.

"There are two beds each of the five bedrooms," dagdag ni Mang Franco.

Hinarap ni Lillian ang mga kasama. "Gusto niyo ng roommate or tig isa tayo ng room?"

Nagningning ang mga mata ng apat.

"Solo us!" talima ni London sa mga kasama. Sinulyapan niya si Faron.

Nilapag naman naman nina Johnson at Faron ang mga bagahe nila sa tutuluyang kwarto.

"Okay, if you need anything, nasa kabilang bahay lang kami. You can call us anytime through the telephone inside your rooms," bilhin ni Mang Franco at tuluyan nang nagkalakad paalis.

"Thank you!" magiliw na sabi ni Karina nang ilapag ni Faron ang bagahe niya sa gilid ng pintuan. Nasa loob na si Karina ng silid habang si Faron naman ay nakatayo at nakatingin sa kaniya sa bungad ng pintuan.

"You're welcome." Itinuro ni Faron ang itim na telepono na nakadikit sa pader. Katabi lang din ito ng pinto. "Just call if you need anything."

Nakangiting tumango si Karina.

Pagkasara ng pinto ay agad niyang hinubad ang lahat ng suot at iniwan sa sahig. Dumiretso siya sa en suit na transparent ang pintuan.

Sabi na, may bathrobe dito. Complete na rin ang toiletry.

mga alagad ni plankton 🦠

London changed Karina's nickname to Karinang malandi

Karina changed London's nickname to London's brief is falling down

London's brief is falling down:
Wtf?!

Karinang malandi:
You asked for it

Napangisi si Karina habang nakaupo sa loob ng bathtub. Ang kaniyang katawan ay natatakpan ng bula.

Ran:
This place is good. Nice pick, Ate @Lillian

Lillian:
I'm glad you liked it ☺

Nova:
Guys, is it just me or familiar yung mga staff?

Ran:
How come?

London's brief is falling down:
Itulog mo na yan, sis

Napairap na lang si Nova. Inaliw na lang niya ang sarili sa panonood ng YouTube videos pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya makatulog. Sigh after sigh.

Umalis siya ng kama at lumabas ng kwarto. Papunta siya sa kwarto ni Ran para makitulog dito nang may marinig siyang ingay sa baba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top