chapter one | green team
mga alagad ni plankton🦠
11:32 AM
Lillian:
Guys, I'm already at the canteen
Just come down here once you're done 😁
"Hi, Lillian!"
Inalis ni Lillian ang tuon sa screen ng laptop at nilingon ang dumaang babae. "Hello!" Kumaway at ngumiti siya pabalik. Pansin niyang sinalamin ng schoolmate ang kaniyang kilos nang may nahihiyang ngiti bago siya tuluyang nilagpasan.
11:34 PM
Lillian:
Ran's sitting in front of me too na pala.
Actually, mas nauna siya sa'kin dito.
Tinapunan niya muli ng tingin ang kaibigan na tahimik na nagbabasa ng notes. Napangiti si Lillian.
"Sipag naman talaga ng bunso namin." She stared at her for a while, admiring her fair white skin which complemented her black hair tied into a half ponytail.
12:01 PM
London:
Tapos na 'ko now. Daan muna ko cr 😘
Sa canteen lang tayo ngayon? Let's eat sa KFC!
12:11 PM
Karina:
Yay! Tapos na rin ako, see you!
Isinuksok ni Karina ang phone sa bag at mabilis na pumanaog pababa na parang nag-ja-jogging.
"O-" Pumreno siya at tumingin sa kanang corridor nang makarating sa 3rd floor.
12:12 PM
Karina:
Sunduin ko na rin si Nova hihi
Tinakbo niya ang corridor na gawa sa concrete ang sahig. Biglang sunod-sunod na lumabas ang mga estudyante sa room ni Nova, sa taranta ay nadulas siya at sumalampak ang pwet sa sahig.
Nag-alala ang mga nakakita pero humagikgik lang si Karina.
Nakasuot siya ng blue off-shoulder top at black mini skirt. Hindi na nakatiis ang isang lalaki at inalalayan siya patayo.
Sumilip si Karina sa bintana ng classroom ni Nova. "Ang lungkot mo diyan!" Tumawa siya at binati ang professor na masama ang tingin.
Napalingon si Nova sa bintana at mas lalong nag-iiyak. "Ahhh! Ayoko na!" Nag-iisa na lang siyang nakaupo sa loob.
Padabog na tumayo si Nova at nakanguso ngunit may bakas namang ngiti habang nililigpit ang ballpen at pencil case sa desk.
"Ma'am, pasa ko na nga 'to. Kawawa ka naman eh. Para makauwi ka na rin."
Tawang-tawang inakbayan ni Karina si Nova nang salubungin niya ito palabas ng classroom.
Nang makarating silang dalawa sa canteen ay naabutan pa nilang nag-ra-rant si London kay Lillian. Inirapan pa sila nito.
"Kumusta exam?" bati ni Lillian.
"Okay lang," mayabang na sagot ni Nova. Ikinatawa nila ang matinis nitong boses.
"Ayaw ko talaga ng exam, pero at least, patapos na 'tong sem." Bumuntong-hininga si Nova habang paupo. Natawa na naman sila.
"Ikaw, Ran?" Baling ni Karina sa kaniya. "Kain na tayo!"
"Aight! Ano sa inyo? Ako na o-order." Tumayo si Lillian at iniwan ang laptop sa lamesa.
Pagkaalis ni Lillian ay doon nagsalita si Ran. "I like exam weeks. No boring discussions... You just have to sit down and write your answers. The students are also quiet. And you can leave the room when you're done."
"Hmph! Eh kasi matalino ka kaya hindi sumasakit ang ulo mo sa questionnaires. Mabilis ka na lang din magsagot." Pinagkrus ni Nova ang mga braso.
"Being good at memorization and being smart are two different things," singit ni London. "Hindi naman siya matalino, magaling lang siya mag-memorize."
"She's still smart, bhie! Word smart! Word smart." Dahil matinis at maliit din ang boses ni Karina na parang anime ay nag-mukha lang siyang baby imbes na nakikipag-argumento.
"Someone with a lower IQ than mine is correcting me?" London scoffed. Bida-bida ka talaga.
"Why must you be bitter kasi when others are getting praised?"
"Shh!"
Kinabahan sila at tumigil sa pagtatalo. Pero si Lillian lang pala na naglalakad na pabalik sa lamesa nila.
"Bakit ba kasama natin 'to sa squad? Eh lagi lang namang tanso sa ML," sabi ni London kay Lillian.
"Aren't I the visual? Shini-ship nga nila ako kay Theo kaya mas dumami ang sumusuporta sa squad natin."
"So, aware ka pala na ganda lang ambag mo?"
"At least may ambag."
"I heard most of the students are planning to spend their sem break with their families. Kaya tayo lang ang maiiwan sa dorm. Gusto niyo ba 'yon?' Natigilan sila sa sinabi ni Lillian.
"Okay lang," agad na sagot ni Ran. Lillian sighed.
"But my mom's probably want me to also spend the week with her and kuya," paglilinaw ni Ran.
"I have a suggestion... I was wondering if we could go on an out of town trip." Lillian carefully looked at them over her laptop.
"I'm gonna book a house." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa apat nang walang sumagot.
"Magkano ambagan?" tanong ni London.
"Don't worry about it. Our stay for one week is on me."
"For one week?!"
"Uh-huh." Nagtipa si Lillian sa laptop kaya naman lumapit ang apat para makisilip. "I'm gonna rent a vacation house sa airbnb."
Napanganga si Karina. "Wait! Have you watched Creep Nation?"
Natatakot naman agad na tinignan siya ni Nova. "Ano 'yon? Zombie?"
"No! Nag-book 'yung babae sa airbnb tapos pagdating niya may ibang lalaki doon sa place. Ang palusot ng lalaki, nag-book din daw siya sa same place. Tapos 'yung bahay may mga bugs, kaya kita lahat ng ginagawa ng babae pati pag-shower. Creepy!"
"Oh my god!!!" Parang kinatay na manok na sumigaw si Nova. Pinapadyak niya pa ang paa. Inutusan siya ni London na tumahimik na inirapan niya naman.
"Tapos narinig ko rin sa taga-ibang school, nag-rent sila ng farm house nang walang host. Sa airbnb din! Pagdating nila marami raw insekto. Kinagabihan, nagising na lang daw sila kasi parang may kumakatok. And then, they spot their friend hitting her head on the wall. Tumawag na raw sila ambulansya kasi maraming lumabas na insekto sa bibig nu'ng friend nila. Ang sabi baka may mambabarang daw malapit doon at kinulam ang kaibigan nila."
Pati si Ran ay nag-alala sa kinuwento ni Karina habang nakatingin siya sa mukha nito.
"Hindi 'yan. Grabe naman 'yang nasasagap mong chismis, girl. OA mo." Nakangisi sa kaniya si London. Nova hates how he patronizes Karina.
"Well, then, maghanap tayo ng may host. How about this?"
Nagsiksikan sila sa likod ni Lillian at tinuon ang tingin sa laptop.
"Nakakatakot naman black 'yung bahay," ipit ang boses na komento ni Nova. Naghagikgikan na naman sila.
Nag-scroll si Lillian pababa. "Ito 'yung interior."
"Wow!" Nagliwanag ang mga mata ni Karina.
Luxury Vacation House, Personal Chef, Housekeeper service, SUV and more!
Dutaw, Philippines
Entire villa hosted by Franco
15 guests • 5 bedrooms • 10 beds • 5 baths
Whats this place offers
Mountain view
Kitchen
Wifi
Pool
Home Cinema
Indoor gym
Playroom
Massage room
"Ate Lillian, are you serious? Dito talaga, tapos one week pa?" Hindi makapaniwala si Ran. "Is there a catch?"
"Franco is giving a huge discount-"
"Okay, I'm in!" Nakita nilang malawak na nakangiti si London.
"Kakasawa naman kasi sa dorm, and I was disowned, remember?" Bumaba ang tingin nito sa gilid. "Pwede naman kayong hindi sumama, lalo ka na, Karina."
"Sasama ako!" Hawak nito ang phone malapit sa tainga. "Kakapaalam ko lang, pumayag na parents ko."
"Ako rin, sasama!" Itinaas ni Nova ang dalawang palad habang nakatirik ang mga mata, tumitili.
Pare-parehas nilang binalingan si Ran.
"I need my mom's permis first. But just letting you know that I wanna go too."
"Yay!"
***
You still support that squad kahit may homophobic na member?
Susuportahan ko pa rin sila dahil kay Lillian :p
Sana palitan na lang nila si Karina
Dapat si London na lang tanggalin nila, bakla!
Lillian should kick those two members out!
Lillian niyo nang-to-tolerate
Green team with red flag members
"That 'green team with red flag members' is so witty." Tumawa si Ran habang bahagyang nakatakip ang gilid ng kamao sa kaniyang labi.
Ngumiwi si London. "Nagawa mo pang tumawa? Sa bagay kami lang naman ang naba-bash. Good for you."
"Deserve."
Hinila ni Nova si London paupo sa backseat bago pa nito pagsalitaan si Ran na nakaupo sa gitna katabi si Karina.
"As much as possible, don't make a scene later, guys," aniya ni Lillian na nasa driver's seat.
Nainis si London sa pagiging kalmado nito.
"Chill lang tayo." Karina stretched her arms, trying to convince them. "It will be okay."
***
The crowd's cheer creates a genuine smile on their faces. May mga hawak pa itong banners, posters at light up signs. Karamihan doon ay mga mukha nina Karina at Theo. Todo tili pa ang mga tao tuwing naglalapit ang heroes ng dalawa.
Nasa isang mall sila para sa Mobile Legends exhibition game kalaban ang squad nina Theo, isa ring video game streamer gaya ni Lillian.
"Londooon!" sigaw ng mga kababaihan. He gave them a smile and they admired his perfect teeth.
Natapos ang panghuling match, hindi man nanalo ang team nila ay masaya naman silang makita ang mga taong sumusuporta sa kanila sa personal.
Tumayo sila sa entablado para magbigay ng pasasalamat at magpaalam. Gaya ng mga miyembro ng kalabang team ay nilibot din nila ang entablado.
Kinakawayan nila ang mga fans sa baba maging ang mga taong nakikisilip sa itaas na floor.
Nag-flying kiss si Karina sa mga nagtataas ng kamay at sa mga tumatawag sa kaniya.
Karina let out a sigh of relief as she was finally the last to get in Lillian's car, on the second row of the passenger's seat. She slammed the door, watching some fans wave goodbye through the window.
"Ready?" pukaw ni Lillian sa atensyon nilang apat.
Ang pwesto nila sa loob ng sasakyan at katulad ng kanina. Si Lillian ang driver, sa likod naman niya ay si Ran na katabi si Karina. Si London ay nasa likod ni Ran, sa kanan niya ay si Nova. Ang mga suitcases naman nila ay nasa compartment.
"Let's gaur!"
Umalingawngaw ang musika mula sa kotse kasabay ng pag-andar nito palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top