Kabanata 18

ILANG buwan ang lumipas stay strong parin kami. Kahit minsan nag-aaway at nagkakasagutan sa tuwing hindi nagkakaintindihan. Pero hindi inaabot ng umaga ay magbabati rin dahil siya ang unang susuyo at nagpapakumbaba.

"Esther, ready kana ba?"

Kinakabahan akong tumango. Ngunit malapad ang pagkakangiti niya.

"Osige, Tatawagan ko na si Drake, ha?"

Muli akong tumango habang ramdam ang pangangatog ng binti ko. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon niya.

Baka nga magalit pa iyon. Pero kasi, sabi ni Aisa. Mas gusto ng mga lalaking sinosorpresa sila. Kaya nagpatulong ako sa kaniya.

"5:00 o'clock na!" untag niya. Bago dinal ang numero ni Drake. Niloud speaker iyon ni Aisa.

Ilang ring lang ay sinagot na sa kabilang linya. Bahagya pang tumalong sa tuwa ang puso ko when I heard his manly voice.

"Hello? Who's this?"

I pursed my lips into a thin line, just not making any sounds.

"I-Is this, Drake?" kunwaring tanong ni Aisa.

"Yeah?" patanong na sagot ni Drake.

"K-Kasi Drake..."

"Kasi what?!" bakas sa boses ni Drake ang inis.

"Kasi si... Esther-"

"What happened to her? Where is she?" sunod-sunod na tanong ni Drake, habang bakas ang labis na pag-aalala sa boses.

Kaya nilagay ko ang dalawang palad sa bibig upang pigilan ang mapatili. Kapag ako talaga ang bilis niya mag-aalala.

"Drake--"

"Oh come on. Please tell me, where she is. I'm on my way."

"Hinatid namin sa bahay nila, bigla na lang siyang nahimatay kanina."

"Okay okay. Please don't leave her alone. I'm on way. Please keep her safe. Thank you bye." sunod-sunod na sabi ni Drake bago pinatay ang tawag.

Mabilis na tumili si Aisa nang mawala na sa linya.

"Grabe ka girl ah. Sobra mag-alala si boyfriend. Parang nahimatay lang naman eh." kinikilkig na komento niya.

Ramdam ko ang nag-iinit na mukha ko habang nilalapitan ang pinagawa kong cake para sa kaniya. Today is our first anniversary. I just want to surprise him.

A few minutes later. May sunod-sunod na katok kaming narinig mula sa labas ng pinto. Kaya mabilis akong nagtago sa likod ng pntuan. Si Aisa naman ang nagbukas.

Dahan-dahang binuksan ni Aisa ang pinto, para hindi ako matamaan sa likuran.

"Where's my girlfriend?!" pumalahaw ang nag-aalang sigaw ni Drake ng makapasok sa loob ng bahay.

"Drake--" Aisa words got cut.

"Damn it! Where's my Esther?!" mas malakas na sigaw ni Drake. Rinig kong umakyat siya taas at isa-isang sinilip ang mga kwarto.

Kaya napilitan na akong lumabas sa pinagtataguan. Pagbaba niya nakita ko ang labis na pag-aalala sa mukha niya.

Napangisi ako ng magtagpo ang mata namin, "Babe..." tawag ko sa kaniya.

Malalaki ang hakabang niyang palapit sa akin. At mabilis akong hinila at niyakap ng mahigpit.

"God! Pinag-aalala mo ako ng sobra."

I chuckled, "Sorry na. I just want to surprise you." I pouted.

"By making me worried?" may inis sa tono ng boses niya. Pero hinalikan niya parin ako sa noo ko. I can smell his manly scent.

I laughed softly, "Happy 1st-anniversary babe." bulong ko bago siya hinarap.

Ngunit napanguso ako ng makitang mariin siyang nakapikit. Nang dumilat siya ay bakas sa mukha ang pagkagulat.

"D-Did you forgot?" nauutal na tanong ko. Parang may tumusok na karayom sa puso ko.

"No babe. May supresa din ako. Pero inunahan mo ako." he said, habang pinupugpog ako ng halik sa mukha.

I blushed, "Pwede pa naman, after dito." sabi ko sabay hila sa kaniya paupo sa may lamesa. Kung nasaan ang pinagawa kong cake.

"Nag effort kapa." bakas sa mukha ni Drake ang pagkamangha. Hindi niya ba inaasahang gagawin ko 'to?

May regalo pa nga ako sa kaniya mamaya eh.

"Tara na kain na tayo." pag-aya ko, "Aisa tara na." tawag ko. Nahihiya naman siyang lumapit. Hanggang sa nag-umpisa na kaming kumain.

Ngunit ng mapabaling ako kay Drake. Parang hindi siya mapakali, habang hawak ang cellphone niya.

Sinong ka text niya?

"Okay ka lang Drake?" tanong ko. Napaiktad pa siya ng mapatingin sa akin.

"Okay lang." tipid na tugon niya. Bago muling yumakap sa akin.

"Kanina ka pa yakap ng yakap." kunwaring reklamo ko. I heard him chuckled,

"I just love your smell." he uttered.

Pero bigla siyang lumayo sa akin, at muling tiningnan ang cellphone. Nang mag-angat ng tingin sakin, bakas sa mukha ang sakit?

"Babe..." he uttered, "I have to go."

"H-Huh? Bakit may pupuntahan kaba? Susunduin mo si Nanay?" tanong ko. Mabilis siyang pumikit at umiling. Kaya bigla akong kinabahan.

"K-Kailangan kong puntahan si Paula."

Tuluyan ng napawi ang ngiti sa labi ko, "K-Kailangan ba talaga? A-Anniversarry natin ngayon." nauutal na wika ko. Sabay iwas ng tingin.

Mabilis siyang lumapit sa akin, bago ako niyakap nang mahigpit at pinatakan ng halik sa noo. "I'm sorry babe, but Paula needs me..." he uttered, bago naglakad palabas ng pinto.

Mabilis na tumulo ang luha ko. Nang magbukas-sara ito.

Anniversary natin, pero mas pinili mo parin siyang puntahan.

Hanggang kailan mo siya uunahin kaysa sa akin na girlfriend mo? Ako ang present pero mas may oras ka pa sa past mo.

Pwede mo namang sabihing may nararamdaman ka pa sa taong mas una mong minahal, kaysa iparamdam mong second option mo lang ako.

Tuluyan na akong napasalampak sa sahig at doon humagulhol.

Kailan ko ba mararanasan ang mahalin ng totoo?

Naramdaman ko na lamang ang malalambot na brasong pumulupot sa katawan ko. "Tahan na Em, you don't deserve him. He don't deserve your tears..." she whispered while caressing my back.

"Please, know your worth," she pleaded.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top