Kabanata 14

Nakangiti ako ng bumaba sa motor ni Drake habang nakasuot ng school uniform na kulay asul.

"Susunduin kita mamaya ha?" Drake said, before he kissed me on my cheek.

Tumango lang ako sa kaniya. Habang sobra-sobra ang talahib na kabog ng dibdib ko. First day of school, first day of being college student. Kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Hinintay ko munang makaalis si Drake bago pumasok sa bagong school. Napangiti ako dahil wala akong makakaaway ngayon dahil wala naman nakakaalam ng nangyari months ago.

Habang naglalakad hindi ko napansin ang bulto ng tao kaya nabangga ko ito. At nahulog ang dala niyang dalawang law book. Kaya agad ko iyong pinulot. Pag angat ko ng tingin tumambad sa akin ang pamilyar na mukha.

"Esther! What a coincidence" masayang sabi niya.

"Kinno."

Nahihiya kong inabot sa kaniya ang nahulog na libro. Sabay tipid na ngumiti. "M-Mauuna ako ah-"

"Wait! Saang building ka?" biglang tanong niya.

"College building, tourism course."

"Oh nice. Sabay na tayo. Doon din ang punta ko."

Napakunot ang noo ko. Diba magkasalungat ang daan namin kanina?

He chuckled. "I think, I know what you were thinking. I'm not stalking you, okay?"

"Wala naman akong sinabi!" depensa ko.

"Freshmen ka rin?" tanong niya. Kaya napatango ako. "Same us, so I think, tayo ang madalas magkakasama nito." natatawang aniya.

"Pano mo naman nasabi?" takang tanong ko.

"Ikaw pa lang ang kilala ko rito. We also both new, kaya hindi pa natin alam lahat dito." he explained.

Napatango naman ako. May point siya. "Tara na, baka ma late tayo." pag-aya ko bago nagpatiunang naglakad.

Nagkahiwalay lamang kami dahil magkaiba ang department namin although we both the same building. Nang makita ang block section na nakapaskil sa labas ng room. Mabilis na akong pumasok sa loob at umupo sa pinakalikod. Konti pa lang kami hanggang sa dumarami na.

Dumaan ang buong araw ngunit wala pang pumapasok na Professor sa amin kahit isa. Hangang sa naisipan na lang naming umuwi.

May mga kumakausap na sa akin. Pero medyo may hiyaan pa, kaya hindi muna ako sumama sa kanila ng magkayayang kumain.

Mabilis kong kinuha ang cellphone saktong may message mula kay Drake.

From: Drake

I'm outside already, babe.

Napangiti ako habang tinatago ang cellphone sa bulsa ng uniforme at patakbong naglakad palabas ng gate. Bumungad sa'kin ang naka school uniform na si Drake.

Nakayuko siya habang chinicheck ang motor. Ngunit ng mapansin ang bulto kong papalapit sa kaniya, mabilis siyang nag-angat sa akin ng tingin na may bakas na ngiti.

Mabilis niya akong niyakap ng makalapit sa kaniya. "How's your first day?" bungad na tanong niya.

I sighed, "Wala kaming Professor buong araw." nakangusong sagot ko.

"Ganiyan talaga sa una. Pero sa susunod na araw, mayroon na iyan."

Tumango lang ako sa kaniya. Bago niya pinaandar ang motor. Kaya umangkas na rin ako habang nakayakap sa baywang niya. Nalanghap ko pa ang mabanagong pabango niya. Habang iniimagine na hanggang matapos ang school year ganito kami. Pero paano kapag graduate na siya?

Pero ang tanong. Kami kaya hanggang sa huli? I sighed deeply before I hugged him more tighter, while he's driving.


***


DAYS passed he continue dropping ang fetching me to our school. I know they're already busy with their school activities. But he still managed to took care of me first.

"Estella, may vlog kana?" biglang tanong Aisa nang makapasok ako sa room.

Kailangan pala namin gumawa ng first vlog. Practice daw para sa communication skills namin. And also for entertainment.

"Wala pa."

"May grupo kana?" muling tanong niya. Kaya umiling lang ako.

"Edi tayo na lang mag partner. Just give me your phone number, so I can contact you when we'll do the vlog." she said politely, sabay abot ng cellphone niya. Kaya mabilis kong tinipa doon ang numero ko.

"Thank you. Just wait my text by next day." sabi niya bago bumalik sa upuan niya.

Napaayos kami ng upo. Nang dumating na ang Professor namin. Lesson dito lesson doon. Kaya buong araw pagod ang mata at katawan namin dahil kompleto ang Professor na pumasok sa amin.

Mabilis akong lumabas ng room at nagtungo na sa labas ng gate, Dahil alam kong naghihintay na si Drake. Ngunit pagdating ko doon wala pa siya. Kaya nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.

Me:

Saan kana?

Ngunit wala akong natanggap na reply. Kaya naghintay na lamang ako. Hanggang sa umabot ng isang oras wala parin siya. Kaya nag-aalala na akong tinawagan siya. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang dinadial ang number niya. Napatalon ako sa tuwa ng dalawang ring lang ay sinagot na niya.

"Hello?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses babae sa kabilang linya.

"Uh, Nasaan si Drake?"

Ngunit wala akong natanggap sa sagot at bigla na lamang namatay ang tawag. Muli kong dinial ang number ni Drake, ngunit out of coverage na. Napatingin ako sa paligid ng makitang magdidilim na at iilan na lang ang studyante.

Malalim akong bumuntong hininga bago nagtipa ng mensahe kay Drake.

Me:

Dapat nagsabi ka kung hindi mo ako masusundo.

Masama ang loob ko bago in-off ang cellphone. At nag-abang ng tricycle sa gilid ng kalasada. Medyo nangangatog na rin ang tuhod ko sa kaba. Dahil hindi ako sanay umuwi ng gabi. Kung sana sinabi ni Drake na hindi niya ako masusundo. Sana mas maaga akong nakauwi.

Palingon-lingon lamang ako baka sakaling may dumaan na tricycle ngunit wala. Kaya nag-umpisa na akong maglakad pauwi. Ngunit may humintong sasakyan sa gilid ko kaya napahinto ako sa paglalakad at napabaling sa pulang kotse. Bumukas ang bintana noon at tumambad ang nakakunot noong mukha ni Kinno.

"Esther. Gabi na ah," puna niya. Sabay bumaba sa sasakyan at lumapit sa akin. "Wala ka ng masasakyan sa ganitong oras. Kaunti lang ang bumabyaheng tricycle," dagdag niya.

Malalim akong bumuntong hininga at tipid na ngumiti. "Maglalakad na lang ako..." saad ko.

His jaw tightened. "No. Sumabay kana sa'kin, dilikado sa daan."

"Hindi na--"

"Hind kita pipilitan kung maaga pa. Pero gabi na Esther. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasabay ka. Let's go!" seryosong aniya at mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ko bago ako inalalayang makasakay sa kotse.

Wala na rin akong nagawa, kaysa naman mas lalo rin akong gabihin sa daan.

"Salamat, Kinno." nahihiyang sabi ko nang ibaba niya ako sa harap ng bahay namin.

"Don't mention it. Pero next time 'wag kana magpapagabi, delikado para sa katulad mo," sermon niya kaya napatango lamang ako.

"Salamat ulit." huling sabi ko, bago siya nag drive palayo.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng bahay ngunit ng makarinig ng malakas na tunog ng motor, ramdam kong huminto sa tapat ng bahay. Pagbaling ko sa likuran ko bumungad ang kabadong mukha ni Drake na bumaba mula sa motor niya.

"Babe."

Hindi ko siya pinansin at muling bumaling sa door knob dahil naka lock pa. Pero natulos ako sa kinatatayuan ko ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit mula sa likuran.

"I'm sorry..."

I took a deep breath before I faced him, "Okay lang, Drake. Umuwi kana gusto ko na rin magpahinga."

"Let me explain first, babe."

I sighed, "Bukas na lang Drake. Pagod na talaga ako ang dami naming ginawa kanina." pinaghintay mo pa ako ng matagal, porket kasama mo siya.

"Please. Just a minute." he begged.

Mariin akong napapikit. Gusto ko na talaga matulog. Ayokong mag-away kami kaya nga umiiwas na muna ako eh.

"Bukas na lang Drake. May buong araw ka para magpaliwanag. Just not now. I'm so fvcking tired!" napataas na ang boses ko. Dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"S-Sorry. Hmm... Goodnight then," he said, bago ako pinatakan ng halik sa pisngi.

Tumango lang ako at tuluyan ng pumasok ng bahay bago sinara ang pin to, without looking at him.

Pabagsak akong naupo sa upuang kahoy at mabilis na nahiga. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Mama!"

Napabalikwas ako ng bagon mula sa higaan ng managinip ng masama tungkol kay mama. Habang habol ang sariling hininga. Nasaan kana kaya ma?

Napabaling ako sa cellphone kong nagpatay-sindi ang ilaw. Kaya mabilis ko iyong binuksan. Na may unread message.

From: Drake

I love you, babe. Goodnight.

Nang tinignan ko ang oras. Kagabi pa'to pagkauwi ko. Hindi na ako nagreply at nag-ayos na lamang ng sarili. Upang makapasok ng maaga.

Nag commute na lang ako papasok ng school. May trenta minutos pa bago pumunta si Drake sa bahay upang ihatid ako. Kaya nagtipa na lamang ako ng mensahe sa kaniya.

Me:

Morning. Nasa school na ako.

Ilang segunod lang ay nagreply na siya.

From: Drake
Good morning. Hindi mo ako hinintay babe?

Me:
Okay lang.

Drake:
Still mad babe?

Me:
Hindi ako galit.

Drake:
I'll fetch you later, okay? Promise I won't be late.

Me:
Ok.

Drake:
I love you, babe. Take care.

Me:
Ily2. Ingat din.

Drake:
Short cut :(

Tipid akong natawa. Hindi naman talaga ako ganoon magtipa ng reply. But I just don't feel saying it in complete words. But I know I love him.

Naglakad na ako patungo sa room ko ng makita si Kinno na nagmamadaling naglalakad papuntang department nila. Kaya hindi ko mapigilan mapangiti. Dahil para siyang kabuting pasulpot-sulpot kung saan.

"Okay, class. Pass your papers now," untag ng professor namin.

Pinagawa niya kasi kami ng essay, Why we have to follow our dreams?' buti na lang at napuno ko ang papel ko.

"Okay class, Dismiss."

Lahat ng block mates ko ay maiingay na nagsitayuan habang palabas ng room. Last subject na kasi namin. Kaya umuwian na rin.

Tinanguan ko lang ang mga kaklase kong nagpapalam na uuwi na. Dumiretso na rin ako palabas dahil baka nandiyan na si Drake. Ngunit sa pangalawang pagkakataon. Wala ulit siya.

I was about to type a message for him. Nang marinig ang tunog ng motor niya. Ngunit sa kabilang kalsada ito lumitaw. Saan siya galing?

"Sorry babe, may hinatid lang." untag niya.

"Sino?" tanong ko habang pasakay sa motor.

"Si Paula. Hinatid ko lang sa bahay nila."

Great! Ang sarap pakinggan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top