Kabanata 12
Nag-aayos na ako upang maagang makapunta sa papasukan kong paaralan. Yes I want to take the tourism course, pero sa kabilang school pa 'yon.
Napag-alaman ko rin kasi na since we are graduated from Grade 12, half of our tuition fee was free dahil pasok sa voucher. So I won't waste this opportunity. Lalo na't malaki ang perang iniwan ni mama, sapat na para sa buong pagkokolehiyo ko.
Muli akong sumulyap sa maliit na salamin upang tignan kung maayos ba ang mukha ko. Nagsuot lamang ako simpleng high waist pants with a mustard croptop. Kaya litaw na litaw ang kurba ng katawan ko lalo pa't matangkad ako. Napangiti ako ng marinig ang katok mula sa labas ng pinto. Kaya nakangiti ko 'yong binuksan.
Tumambad sa akin ang bagong ligong si Drake habang malapad na nakangiti. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang makapasok siya.
"Good morning, babe." he greeted, bago pumasok sa bahay at niyakap ako. Bahagya niya pang inamoy ang leeg ko. Kaya natatawa akong lumayo sa kaniya.
"Morning. Hmm... Kumain kana? Gumawa ako ng sandwich."
Muli niya akong niyakap. He really like hugging me. "I'm done babe." he whispered, I can feel his hot breath, "Bukas kana mag endroll. Let's just cuddle the whole day." he said huskily, kaya natampal ko ang braso niya. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko.
"Baliw! Tara na, baka hindi ako makahabol." sabay pitik sa ilong niya.
"Just kidding babe," he chuckled, "Let's go-- bakit ang liit ng damit mo?" biglang masungit na tanong niya kaya napahagalpak ako ng tawa.
"Croptop 'yan." nakangusong sagot ko.
"Ang liit," reklamo niya.
"Ganyan talaga ang croptop."
"Tsk. Dapat nag tee shirt kana lang."
Napasimangot ako, "Pinaghandaan ko pa 'to, tapos magrereklamo ka lang." masungit na ani ko bago siya inirapan.
He looked at me intently, "I like it, babe, okay? I just don't want other men to see your skin." malumanay na aniya. So possessive.
I pouted, "Nagsusuot lang naman ako ng ganito kapag kasama kita e."
He suddenly caresses my face, "You mean, you won't wear those kinds of clothes when I'm not with you?"
Tumango ako, "Gusto ko sa'kin ka lang titingin," napanguso ako, "Kapag magkasama tayo."
"Ikaw lang naman ang tinitignan ko." he chuckled, "But babe, isn't a big deal with me whatever clothes you're going to wear. I just don't want people disrespecting you, if I'm not around. Lalo na at iba na ang pag-iisip ng tao ngayon." malumanay na paliwanag niya.
Tumango lang ako, bago tumingkayad para patakan siya ng halik sa labi. "I understand..." I uttered.
"You're so sweet. Let's go."
Mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at sabay na kaming lumabas. Agad niyang pinaandar ang Honda niyang motor bago ako umangkas sa likuran niya.
Nang malarating kami sa bagong school na papasukan ko dumiretso ako sa registration office para mag fill up ng form. Pagkatapos ay pinaupo muna kami sa waiting area.
"Gutom kana ba?" biglang tanong ni Drake. Kaya mabilis akong umiling.
"Kamusta pala enrollment mo?"
"I'm done. Kaso tingin ko magiging busy ako this year." mabilis kong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa hita ko.
"Alam ko. Ang hirap kaya ng course mo."
Mahina siyang humalakhak bago pinisil ang pisngi ko. "It's my passion, babe."
Nakaramdam ako ng lungkot sa dibdib, "Magkaiba na tayo ng school. Hindi na tayo madalas magkita." malungkot na saad ko.
"Don't worry. Bibisitahin kita dito. Hahatid sundo kita." nakangiting aniya.
"You don't have to do that Drake, I can commute by myself."
"Nah, I insist. Anong silbi ng motor ko kung hindi kita ihahatid-sundo?" malambing na hanas niya.
"Pero--"
"No buts babe. Just let me take care of you." pamimilit niya. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.
A few minutes later tinawag na ako kaya mabilis akong lumapit sa registration at inabot sa'kin ang papel. Sabay turo sa kabilang window. Payment window. Pinasadahan ko ng tingin ang papel na hawak, kung magkano ang babayaran ko bago naglabas ng pera.
Sinulyapan ko si Drake na matamang nakatingin sa'kin. Kaya sumenyas ako na magbabayad lang ngunit mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.
"Are you done?" he asked while holding my waist.
"Hindi pa. Mababayad na lang ako. Hintayin mo na lang ako."
Pero napanguso ako ng hilain niya ako papunta sa payment window. Pinasadahan niya ng tingin ang papel na hawak ko, bago tumingin sa akin.
"Voucher?"
I nodded, bago tumingin sa payment window. Akmang ipapatong ko na ang pera sa payment bills nang unahan ako ni Drake. Mabilis niyang pinatong ang pera niya bago ipinasok paloob ang papel at pambayad.
"Drake!" gulat na sambit ko.
Hinalikan niya lang ang noo ko at tipid na ngumiti.
"May pambayad ako, Drake." nahihiyang bulong ko. Sabay pakita ng pera sa kamay.
"Save that for yourself."
Napabaling ako sa payment window ng iabot ng casher ang resibo. Fully paid na ako, pero hindi ako ang nagbayad.
Malalim akong bumuntong hininga bago naglakad paalis at tinalikuran si Drake. Na agad naman akong hinabol.
"Babe!"
Tawag niya ngunit dere-deretso lamang akong lumabas ng gate. Tumigil lamang ako ng nasa harap na kami ng motor niya.
"Babe! Ang sungit mo na naman." komento niya ng makarating sa tabi ko.
"You're insulting me, Drake. I can pay my bills. May pera ako!" singhal ko sa kaniya.
I can see how his face seemed so hurt, "I-I know babe. I just want to help you." utal na sabi niya.
Naiintindihan ko naman siya. Pero kasi kaya ko naman magbayad eh. Ayokong isipin niyang inaabuso ko siya.
"May pera naman ako Drake. Hindi mo kailangan gawin 'yon." nakangusong sambit ko.
Pero bigla niya akong niyakap mula sa likuran. Kaya kumalma ang loob ko.
"Sorry na babe. H'wag kana magalit. Ilista mo na lang 'yon na utang, if that's what you want."
Mabilis kong dinukot ang pera ko sa bulsa ng pantalon, ngunit pinigilan niya ang kamay ko.
"You can pay me soon, just not now babe. You will need that money." malambing na bulong niya. Kaya napasimangot muli ako. Kailan ba ako mananalo sa taong ito.
"Paano 'pag naubos na ang pera ko? Anong ibabayad ko sa'yo?"
"Silly! Of course ibang bayad ang sisingilin ko." he whispered huskily.
My eyes widened, as I trembled.
"Drake..."
He laughed, "I can feel you, nervous babe. Calm down."
Mabilis kong kinurot ang tagiliran niya.
"Ano ba kasing bayad ang sisingilin mo?"
"What do you think?"
"D-Drake. H-Hindi pa'ko handa..." nauutal na sambit ko.
He laughed so hard. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You're so green-minded, babe. Of course, I won't take you... Yet." so may balak.
"Tsk. Ano kasi?"
Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Bago sinubsob ang mukha sa leeg ko... "Just stay with me babe. That's all I want." he whispered.
Muling kumalabog ang puso ko dahil sa labis na kasiyahan. Kaya niyakap ko na rin siya ng mahigpit.
"I will not, Drake. I promise." I respond.
"I love you so much, Babe..." napapaos na aniya. Ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko.
Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. This is the first na sabihin niya iyon. Hindi ko makapa ang sasabihin ko. Basta masaya ako. Masayang masaya.
"I can't wait to hear your I love you too." muling bulong niya. Kaya mas umub-on na lamang ako sa leeg niya, dahil sa pamumula ng mukha ko.
We stayed hugging each other, until we heard a female voice.
"Drake Owen?"
Mabilis kaming napahiwalay ni Drake sa isa't-isa. At napabaling sa pinaggalingan ng boses. Nakita ko pa ang gulat sa mukha ng magandang babae. She's morena pero bumagay sa hugis ng mukha niya.
"Drake, ikaw nga!" gulat na sabi ng babae at mabilis na niyakap si Drake.
Nakita ko naman ang naiilang na expression ni Drake. Bago dahan-dahang humiwalay sa babae.
"H-Hi, Paula." nauutal na saad ni Drake.
Hindi ko alam kung dapat kong maramdaman. Parang naging extra ako sa moment nila. Habang nakatayo sa gilid nila.
"Kamusta kana, Drake? Long time no see ah?" the girl said, kaya napairap ako sa hangin.
"I'm good. How about you? Hindi ko alam na nakabalik kana." napabaling ako kay Drake, sa labis ang saya sa tinig niya.
Ano Drake? Wala kang balak ipakilala ako?
"Oo, kahapon lang. Dito na rin ako mag-aaral." sabi ng babae.
"Really? What course?"
Parang sinasaksak ang puso nang mamataan ang excitement sa boses ni Drake. Sino ka ba Paula?
"A-Architecture, like what I said before." the girl uttered. Muli naman silang nagkatitigan.
Excuse me! Am I a ghost here?
"That's nice. I'm taking an Engineering course." Drake respond, "So saang school ka?" muling tanong ni Drake.
"Dito sana sa La Soledad, kaso wala ng slot sa Architecture. Kaya naghahanap pa ako."
"Oh wait. I'll ask my friend, kung may slot pa sa Campus namin." sabat ni Drake. Bago nagtipa ng mensahe sa cellphone.
Nang mag-angat siya ng tingin kay Paula. Muli silang nagkatitigan. Tangina! Ano ako dito display?
"So, it's been a years..." muling saad ng babae.
Hindi ko na siya hinantay na dugtungan ang sasabihin, dahil iba na ang pakiramdam ko. Kaya malakas akong tumikhim to get their attention. Kaya sabay silang napabaling sa akin.
Nilapitan ako ni Drake at hinawakan sa likod. "Paula, si Esther nga pala... Hmm, G-Girlfriend ko," nauutal na pakilala ni Drake sa'kin.
Diba dapat masaya ako? Pero bakit mas lalo akong nasaktan? The way he introduced me as his girlfriend, parang nag-aalinlangan pa siya.
"Hi," tipid na bati ko.
Malapad na ngumiti sa akin ang babae. Pero hindi ko feel, iba ang kabang nararamdaman ko sa mga ngiti niya.
"Hello, Esther... I'm Paula, Drake's first love." pagpapakilala niya.
Napatingin ako kay Drake ngunit nag-iwas lang siya ng tingin.
May nararamdaman pa ba sila sa isa't-isa? I smiled bitterly while looking at them.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top