Kabanata 11

Kumekembot-kembot pa ako habang nasa harap ng kalan at may hawak na sandok.

"Nanay! Okay na po ba 'to?" excited na tanong ko.

Tinikman naman ni nanay ang niluto kong menudo. Kaya napatalon ako sa tuwa nang tinaas niya ang dalawang hinlalaki.

"Perfect!" she exclaimed while clapping her hands.

Kaya hindi ko naitago ang labis na saya sa dibdib. Sana magustuhan 'to ni Drake.

"Osige na, pakuluin mo na lang tapos okay na. I-aayos ko kang ang paglalagyan ng pagkain." sabi ni nanay kaya tumango lang ako.

Mabilis kong kinuha ang ang bagong cellphone ko, na galing kay mama. Kasama pala sa sobreng iniwan niya sa akin.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Drake.

Me:
Lunch break niyo na?

Pinatay ko ang kalan ng makitang kumukulo na ang niluto ko, bago bumaling sa cellphone, sakto namang nagreply si Drake.

From: Drake
20 minutes pa. Bakit?

Hindi na ako nagreply pa at tinulungan na lang si nanay na ayusin ang baunan.

"Nanay, magugustuhan kaya ni Drake ang niluto ko?" kinakabahang tanong ko. Habang naglalakad na kami papunta sa Hacienda Cervantes kung saan nagtatrabaho siya bilang Assistant sa farm ng Cervantes family. Isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Sitio Pinaglabanan sa lalawigan ng Zambales.

"Abay syempre naman. Paborito niya 'yan eh."

Lihim akong napapangiti habang hindi mapakali sa magiging reaksyon ni Drake. This is the first time I cooked for other people. Sometimes I'm too lazy to cook for myself, kaya bumibili lang ako ng de lata o kaya noodles.

Mabilis kaming pinapasok ng bantay sa gate ng Family Cervantes dahil kilala naman si Nanay Sona. Ramdam ko ang sobrang kaba sa dibdib.

Nang makarating kami sa balkonahe ng hacienda, nakita naming lumabas si Drake mula sa loob ng hacienda Cervantes habang masayang nakangiti sa kausap na katulong. Kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Dahil sa biglaang pagkirot ng puso ko.

"Mama? Esther?"

Bakas ang gulat sa boses ni Drake. Kaya dahan-dahan akong napatingin sa kaniya, habang nakangiti parin. Kaya sinimangutan ko siya bigla.

Nagpaalam siya sa kausap niya bago naglakad palapit sa amin. Habang inaayos ang manggas ng damit.

"Hey, bakit kayo nandito?"

Nagulat pa ako ng alalayan niya akong makaupo. Same with nanay.

"Wala kasi kaming magawa ni Esther, kaya naisipan naming dalhan ka ng pagkain."

He chuckled sexily, while suddenly sat down beside us.

"How sweet my girls." he commented.

Natawa lang si nanay. Bago inilabas ang pagkain sa tupperware. Ako naman ay nanatiling nakasimangot. Who's that girl? Kaya siguro ang sipag niya magtrabaho dahil may nilalandi siya dito.

"Why so quite?" puna niya sa'kin.

I smiled fakely, "Wala. Namamangha lang ako dito." palusot ko.

Tumaas ang kabilang kilay niya, na parang hindi naniniwala. Ngunit ng malanghap namin pareho ang amoy ng ulam. Sabay kaming napabaling doon.

"Wow!" he exclaimed.

Mabilis na inabot sa kaniya ni Nanay ang baunang tupperware, na may kanin at ulam.

"Sabayan niyo ako, Nay."

"Hindi na Drake, kumain na kami. Para sa'yo talaga 'yan." agarang sagot ni nanay.

Napatingin pa siya sa akin. Kaya tumango lang ako. Hanggang sa inumpisahan na niyang kumain. Ngunit wala akong narinig na kahit ano sa kaniya, kaya mas lalong sumama ang mukha.

Hindi ba masarap ang luto mo? I was expecting na bawat subo niya, pupurihin niya ang lasa. Pero wala. Hanggang sa matapos siyang kumain. He burped kaya natawa si nanay sona.

"Ang sarap! Nakakalimot ng pangalan." he suddenly commented, kaya nagkatinginan kami ni nanay sona.

"Pinagluluto rin naman kita niyan Drake. Pero hindi mo sinasabi 'yan." Nanay Sona chuckled.

"Eh kasi ma, ang sarap ngayon. Kakaiba ang lasa." he grinned, "I even forgot my girls, while eating." he added,

Lihim akong napapangiti. At pilit tinatago ang kilig na nadarama.

"So, papasa na ba si Esther?" tukso ni nanay.

"What?!" gulat niyang tanong.

Mabilis akong nag excuse, dahil ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko. Narinig ko ang sinabi ni nanay na ako ang nagluto. Kaya mabilis akong pumunta sa kung saan man itong parte ng hacienda. Ngunit nagulat ako ng may nagsalita mula sa gilid ko.

"Who you?"

Mabilis akong napalingon sa pinaggalingan ng boses. At tumambad sa akin ang topless na pangangatawan ng isang lalaki. Kasabay ng pamimilog ng mata ko.

"Kinno?"

"Esther?"

Sabay kaming napatawa ng makita ang reaksyon ng bawat isa. Naglakad si kinno palapit sa akin, ngunit agad akong napaiwas ng tingin dahil sa topless niyang katawan. May abs...

"So what are you doing here?"

"A-Ah, sinama ako ni nanay sona."

Kinno was about to say something more, When the other voice interrupted in bettween of us.

"Hey!"

Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Nang marinig ang baritono niyang boses.

"I have to go. Bye Esther, it's nice to see you again." Kinno said, before he walked away.

"Bakit ka umalis? At bakit mo kausap iyon?"

Nakakunot noo akong napatingin sa kaniya. Anong problema niya?

"We were just talking."

His brows furrowed. As his face darkened. "Tsk." supladong aniya, bago ako tinalikuran. Kaya mabilis ko siyang hinabol.

"Uy, anong nangyari sa'yo?" harang ko sa kaniya.

"Nothing."

Muli siyang naglakad palayo kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya. Kaya napatingin sa doon. Na madilim ang mukha.

"Ano nga kasing problema mo?"

"Tsk, pinagluto mo pa ako. Iba pala gusto mong kausap." he murmured.

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa kaniyang tinuran. Ngunit mabilis din akong napatikom ng tinignan niya ako ng masama.

"Baliw kana naman." pabirong sabi ko. But I was shocked when he pulled me for a hug.

"Yeah. Baliw na baliw na sa'yo..." napapaos na bulong niya.

Mabilis na pumintig ang puso ko. As I felt his heart beat, na malakas din ang kalabog.

"Drake..."

"I know, I know. I can wait. But everytime I saw you talking with other monkey man, I'm so scared. I'm scared that you might find another man that is more better than me." hinaing na sabi niya. Kaya nakadama ako ng konsensya.

Hindi ko naman siya pinapaasa dahil sasagutin ko naman talaga siya. Pero hindi ko alam na ganito pala ang nafi-feel niya.

Mabilis kong inipit ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad. Habang magkasalubong parin ang makakapal niyang kilay.

Matamis akong ngumiti sa kaniya. Nang magkatitigan kami. Nakita ko ang kakaibang ningning sa kaniyang mga mata.

"Yes."

"Huh?" gulat niyang tanong.

"Sabi ko, yes na."

"Yes? As in, sinasagot mo na ako?" natawa akong dahil para siyang batang nakatanggap ng regalo.

Mabilis akong tumango. Pero nagulat ako ng bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko. Ngunit mabilis din niyang pinaghiwalay.

"I-I'm sorry." tumalikod siya sa akin, "Damn it! Nakabakla, pero kinikilig ako." rinig kong bulong niya, kaya niyakap ko siya mula sa likuran.

"H'wag mo akong sasaktan hah?" bulong ko sa kaniya.

Mabilis siya humarap sa akin. Habang namumula ang tenga at ang mata. Hinaplos niya ang mukha ko. Bago ako pinatakan ng halik sa noo.

"I will not baby. I promise." he gently whispered. Before he embraced me with his arms.

I hope I could fix my broken heart prompted by my mother. And hopefully, I could finally find my happiness with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top