E R R O R F O U R

██████

E U P H O R I A  B U L L E T I N  P A G E

Attention to all Euphoria users, a player named Danica Santos was detected for tracking the Euphoria IP Address, she broke another rule, as a punishment, Euphoria gave a permission to chase and lock her up for her wrong actions.

Anyone who can do the task will be given a big rewards.

Goodluck players!

▪▪▪

██████

•F R I D A Y•

5:30 PM

Tadeo:
-What the fuck again Danica! You broke another rule. Hindi ka ba nadadala?

Danica:
-Ayoko na. I quit Euphoria!

Tadeo:
-What? Why?

Danica:
-Hindi mo ba nakikita, muntik na akong malunod noong isang araw. Hindi mo ba naiintindihan, Euphoria can harm us that's why I'm quitting!

Tadeo:
-What about our partnership?

Danica:
-Forget that fucking partnership, humanap ka nalang ng iba mong partner, yung mas magaling saakin. Ayoko na talaga.

Tadeo:
-You can't do that. Nasaan kaba?

Danica:
-Ayoko na nga, alin ba doon ang salitang hindi mo maintindihan?

Tadeo:
-I don't care too! Where the fuck r u?

Danica:
-Bakit mo ba tinatanong? At anong pakialam mo?

Tadeo:
-I care because you're my partner. Now tell me where the hell r u right now?

Danica:
-Tadeo pls, let's cut ties, ayaw na kitang partner, humanap kana lang ng iba. What's the point kung aalis na ako sa Euphoria diba?

Tadeo:
-Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Wala ka bang natanggap na notification from Euphoria?

Danica:
-Wala at anong notification naman yon?

Tadeo:
-You're on the Euphoria Bulletin Page, target ka ng buong euphoria players dahil sa paglabag mo sa rules.

Tadeo:
-You're really a rule breaker Danica!

seen

██████

Hannah:
-Fevie! Bess help, target ako ng buong euphoria players ngayon. Nandito parin ako sa school pls!

Fevie:
-Tangina ka! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? May rule kana namang nilabag, ngayon target kana ng buong euphoria.

Hannah:
-Kasalanan ko pa ba yon kung gusto ko ng umalis. Fevie hindi na biro yung mga task, noong nakaraang linggo na-comatose si Drake dahil sa failed task niya.

Fevie:
-I know, pero ikaw nilabag mo yung rules. Baka magaya ka kay Trixie.

Hannah:
-Ha? Sinong Trixie?

Tadeo:
-Si Trixie Villamor, yung dating partner ni Tadeo Gonzaga, she also quit euphoria for some reason and she was held to the third category of Euphoria.

Hannah:
-No! Putangina! Bakit ngayon mo lang sinabi saakin yan? At anong third category?

Fevie:
-I'm sorry Hannah, i was about to tell you but that was against Euphoria, binaon na yun sa limot dahil sa pagkamatay ni Trixie, she was declared rule breaker and imprisoned. The third category was Prisoner.

Hannah:
-Shit Fevie! Nanginginig na ako sa takot, ayoko na talaga, baka maging prisoner din ako. Did Trixie killed herself?

Fevie:
-No! Tadeo killed her...

██████

6:00 PM

They said that never trust someone you just met online at hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Tadeo. Nandito ako sa isang bakanteng room at hindi parin ako nakakauwi, nanginginig sa takot at gusto kong umiyak.

Ngayon lang nag-sinked in sa utak ko lahat kung bakit hindi sinasabi ni Tadeo ang tungkol sa partner niya dahil kapag tinatanong ko siya ay yun pala ay pinatay niya ito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero hindi ko naman lubusang kilala si Tadeo at malamang totoo iyon at si Fevie narin ang nagsabi.

Maling-mali talagang pinasok ko pa ang mundo ng Euphoria at mas lalong mali na nakipagkita pa ako sakanya. Isa siyang mamamatay tao at kaya pala sinabihan niya akong rule breaker kasi rule breaker din ang partner niya dati atsaka anong dahilan bakit niya pinatay si Trixie?

Nakarinig ako ng kalabog kaya naalerto ako. May problema pa pala akong kinahaharap, kasalukuyan akong pinaghahanap ngayon dahil sa paglabag ko sa rules ng Euphoria.

Hindi ako nagsisi na sinubukan kong i-tracked ang IP address ng Euphoria dahil kung hindi, partner parin kami ni Tadeo at hindi ko malalamang mamamatay tao siya.

Mabilis akong lumabas ng room atsaka tumakbo palabas, madilim na at sinubukan kong umalis sa school ng hindi ako natutunugan ng ibang players. Lakad takbo ang ginagawa ko at patago-tago dahil may mga nakakasalubong ako.

Mabilis akong nagtago sa isang pader ng may dalawang lalaki akong nakita, palinga-linga sila at mukhang hinahagilap nila ako. Umatras ako ng bahagya pero nasagi ko iyong basurahan at gumawa iyon ng ingay. Fucked!

Patakbo na ako ng may humablot saakin at tinakpan ang bibig ko, pumasok kami sa isang open room na madilim kaya nagpupumiglas ako. Kinagat ko ang kamay niya at napadaing siya sa sakit.

"Fuck! Ano bang problema mo!?"

Gulat akong napatingin kay Tadeo habang hawak-hawak ang palad niyang kinagat ko. Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa takot.

'No! Tadeo killed her'

Agad pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Fevie kaya lumayo ako sakanya, nagtataka naman niya akong tinignan.

"What's wrong? Bakit ka lumalayo saakin?" taka niyang tanong.

"Huwag kang lalapit! You're a killer!" asik ko at nagulat naman siya.

"What? Anong sinasabi mo Danica? I'm not a killer." depensa niya.

"Sinungaling ka, pinatay mo si Trixie diba? Yung dati mong partner bago ako, sinabi saakin na ikaw daw ang pumatay. Kaya lumayo ka saakin!"

"Fucked that! Sinong nagsabi sayo? I didn't killed Trixie, whoever tell you that lie was wrong." pagpupumilit niya.

"Please Tadeo."

"Danica ano ba! Hindi ko nga siya pinatay, they're accusing me that I've killed her but i didn't. We're on a task that day, our task was to hijacked a bus but she can't do it, she tell to the police about Euphoria and it's dark scheme. She received death threats against Euphoria, she got depressed later on and she took her own life infront of me..."

Mahabang paliwanag ni Tadeo at hindi ko alam pero ramdam ko ang sinseridad sa mga mata niya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag pero hindi ko parin binababa ang alerto ko.

"Believed me Danica, i didn't killed her. It was suicide, they blamed me coz i was her partner and she was dead right before me." nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata niya.

I somehow felt his pain and sorrow, it must be hard for him since they blamed him for killing Trixie when in fact he never do it. I don't know but i trusted his words. I know it's stupid but i don't care anymore.

"I believed in you." sabi ko.

"Thank you."

Nakarinig ulit ako ng kalabog kaya naalerto kami, hinila ako ni Tadeo pababa para magtago kaya pinakiramdaman naman namin ang paligid.

"Clear wala dito! Baka nandoon sa kabilang room!"

Mabilis kaming tumayo ng makaalis sila. Seryoso nga si Euphoria, gagawin nila ang lahat para lang mahuli ako, para sa pera.

"Kailangan na nating umalis dito, masyadong delikado para sayo." sabi niya at hinawakan ang kamay ko atsaka kami lumabas ng room.

Agad kaming lumiko sa may quadrangle pero walang daan at nakita kami ng ibang players.

"That's her! Magkasama si Danica at Tadeo!"

Mabilis kaming hinabol kaya wala kaming nagawa kundi tumakbo. I'm running with the person whom i barely know. I just met him online for Euphoria's sake, and here's the situation.

Tumatakbo para iligtas ang buhay ko. May nakasalubong din kami pero mabilis na kumilos si Tadeo at sinapak yung lalaking gustong kumuha saakin, sinipa ko naman yung isa atsaka ulit kami tumakbo.

Unknown:
-You can't run forever!

Danica:
-Sino ka?

Unknown:
-Secret, running with the killer eh?

Danica
-Tangina! Sino ka?

Danica:
-Hindi mamamatay tao si Tadeo!

Unknown:
-How can you be so sure? You don't even know his real name. Hahaha!

Unknown:
-You're just putting yourself into a more complex situation, surrender now Hannah, be a prisoner!

Danica:
-Fuck you! You can't also hide behind the screen forever. Coward!

Ilang minuto na ang nakalipas ng hindi na siya mag-reply pa, isang anonymous number ang nag-text at hindi ko alam kung sino?

Patuloy parin kami sa pagtakbo ni Tadeo at hindi ko alam kung saan na kami nakarating, basta tumatakbo lang ako kasama siya habang tinatakasan ang gustong dumakip saaking mga euphoria players.

Tumigil kami sa pagtakbo at hingal na hingal kami. Tumigil kami sa tapat ng isang coffee shop, habol-habol ko din ang hininga ko dahil sa pagod.

"Seryoso talaga silang kunin ka." asik ni Tadeo.

"It's because I'm a Rule Breaker."

"Indeed."

Napairap nalang ako ng mata dahil sa pagsang-ayon niya. Nagda-dalawang isip ulit tuloy ako dahil sa sinabi saakin ng anonymous person na killer talaga si Tadeo, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.

7:30 PM

Fevie:
-Bess! Nasaan ka?

Hannah:
-In a coffee shop with Tadeo, running away with the players.

Fevie:
-Wait, I'll fetch you two.

Hannah:
-Thanks bess...

Tinext ko kay Fevie kung saang coffee shop kami ni Tadeo at ilang minuto lang ng may makita kaming pulang kotse na huminto sa harap namin.

"Sakay na."

Napangiti naman ako at agad kaming sumakay at agad nagmaneho si Fevie.

"Saan tayo pupunta?" taka kong tanong dahil hindi ako pamilyar sa dinadaanan namin.

"Sa Rest House namin sa Solano. Safe doon, hindi ka mahahanap ng ibang players." sabi niya.

"Sabagay."

Nanahimik nalang ako at ganoon din si Tadeo, kalahating oras ang biyahe at huminto kami sa isang malaking bahay. May kaya talaga ang pamilya ni Fevie kaya hindi na ako magtataka sa yaman nila.

Agad kaming bumaba ng makapasok ang sasakyan, binuksan niya ang pintuan ng bahay nila at pinapasok kami. Malaki at maaliwalas sa loob.

"Upo muna kayo, kukuha lang ako ng tubig." sabi niya.

"Sure bess, uhaw na uhaw na din ako eh." sabi ko at pabagsak na naupo sa sofa, ganoon din si Tadeo na hanggang ngayon tahimik parin.

"Here, you guys looked tired."

Inabot saamin ni Fevie ang dalawang baso tag-isa kami, agad din namang ininom yun ni Tadeo.

"Yeah, ikaw ba naman habulin ng mga gustong dumakip sayo diba?" sabi ko at natawa siya.

"Oo nga, my bad."

Umiling nalang ako sa ka-wirduhan niya at ininom ang tubig. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas nakainom na din ako.

"Fucked! Nahihilo ako." singhal ni Tadeo at nabitawan niya yung baso at nabasag.

"Tadeo!" agad ko naman siyang inalo pero nakaramdam din ako ng pagkahilo at napaupo ulit sa sofa.

"Bwahahaha! You fools!"

Malakas na natawa si Fevie at hindi ko alam kung bakit ganoon ang iniasta niya, sinubukan kong tumayo pero umiikot ang paningin ko. Doon ko nakita ang baso ng malapitan, hindi ko nainom lahat pero nakita ko ang kung anong bumubula sa ininom naming tubig.

"What the hell Fevie! What's this?" nakuha ko pang sumigaw kahit hilong-hilo na ako.

"A drugs. Hahaha!"

"Fucked!"

Hindi narin makatayo si Tadeo sa sobrang pagkahilo. Hindi ako makapaniwala na pinainom kami ng drugs ni Fevie. At bakit?

"Why are you doing t-his?" tanong ko.

"Because i wanted to."

Nakita kong tumalim ang paningin niya saakin. Nagbago ang ekspresyon niya at tila hindi na siya ang kaibigan ko.

"B-ut why? We're bestfriends!"

"I'd never considered you as a friend, hindi ako nakikipag-kaibigan sa isang ahas!" galit niyang bulalas sakin.

"Hindi kita maintindihan Fevie?"

"You slow poke! Hindi mo talaga ako maiintindihan, you're a fucking bitch!" malakas niya akong sinampal na kinagulat ko.

"Danica!" sinubukan akong daluhan ni Tadeo pero hindi niya magawa.

"Wh-y Fe-vie? Don't tell me you're--"

"Yes bitch! I'm the creator of Euphoria. Bwahahaha!"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa sinabi niya, kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. How come that she's the creator of Euphoria?

"H-ow?" nanlalabo na ang paningin ko dahil sa drugs at pag-iyak ko.

"Then I'll tell you my story. Sleep for now bitch!"

Pagkasabi niyang iyon ay tila ba sumunod ang mga talukap ng mata ko at talaga ngang napapikit ako at nakaramdam ng antok. Wala akong nagawa kundi pumikit lalo na't kilala ko na kung sino ang creator ng Euphoria.

'My bestfriend Fevie'


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top