Chapter Three

13 days before Valentine's Day

Bitter na kung bitter, pero minsan talaga darating 'yung araw na mararamdaman mo ito. Masaklap para sa akin dahil first time ko itong naramdaman. Dahil sa unang pagkakataon, bigla akong napaamin sa sarili ko na wala akong panlaban kay Althea.

Hindi ako makapaniwalang dalawa pala ang Diyosa ng Kagandahan dito sa paaralan namin. Akala ko kasi ako lang.

Pero ibang level ang kagandahan niya. Kung ako pang local at Pinas lang, siya pang Mt. Olympus ang beauty. Foreigner na foreigner, eh. Kulay palang ng balat alam mo na agad na may lahing foreigner sa dugo.

Matangkad si Althea at may kapayatan. 'Yung tipong pang model na payat. Wala itong suot na lipstick noong nakita ko siya kahapon, pero ang pula ng lips niya. Mahinhin ito kung kumilos at napaka-soft spoken pa. Palangiti rin siya kaya mas lalong gumaganda at umaaliwalas ang heart-shape niyang mukha.

Gusto ko siyang isumpa at kamuhian pero hindi ko kaya. Paano naman kasi, ang bait niya. Nang nagsalita kasi ang lalaking kaklase nito kahapon at nagbirong "ma'am brown out po ba? Bigla po kasing dumilim ang paligid, eh," biglang nagtawanan ang buong klase. Pati ba naman si ma'am naki-join din sa tawanan. Tama ba iyon?

Pero itong si Althea, hindi tumawa. "Stop it guys. That was very rude," ang sabi pa nito sa kaklase niya. Napahiya ang buong klase, pati si ma'am. Ngumiti sa akin si Althea, lumapit sa akin at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko na akala mo ay close kami. "Let's go?" sabi pa niya, kaya tumango na lamang ako.

Kaya heto ako ngayon at nagmamakaawa kay bestie na tulungan ako.

"Bestie... sige na, please?" pagpupumilit ko kay Pinkie habang naglalakad kami papuntang canteen. "Hindi ka ba naaawa sa akin?"

"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?"

"Ilakad mo kasi ako kay Kuya Red mo."

"Ilakad? Bakit? Ikaw ba dapat ang manligaw sa lalaki? Hintayin mong sila ang manligaw sa 'yo."

"Wala na kasing oras, eh. Minsan kailangan tayong mga babae na ang kumilos kasi may pagkamanhid talaga ang mga boys. Kaya please na bestie..."

"Ang sabihin mo desperada ka lang."

"Ouch! Sakit naman sa heart 'yon, bestie. Desperada agad?" Pero ang totoo, desperada na talaga ako.

Napabuntong-hininga na lamang si Pinkie. "Okay, fine! Ano'ng gusto mong gawin ko?"

"Alamin mo lang kung totoo bang nililigawan ni Sweetie Pie Red si Althea."

"Sige, sige. Tatanungin ko si kuya mamaya."

Napaupo na ako sa bakanteng upuan. "Thank you, bestie! The best ka talaga!"

"Anong thank you? Ililibre mo 'ko, noh."

"Stay put ka lang diyan. Ako na ang bahala sa recess natin." Masaya akong tumayo at tinungo ang harapan upang bumili ng makakain namin ni Pinkie.

Kinakabahan ako kinabukasan nang magkita kami ni Pinkie. Sinundo ko siya sa kanilang bahay para sabay uli kaming pumasok sa paaralan. Nakaabang na siya sa labas ng bahay at ako naman ay napatakbo sa kinatatayuan niya.

"Ano na?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Wala man lang, good morning bestie? Musta umaga mo bestie? Mukhang sumeksi ka ata ngayon bestie?"

Si Pinkie talaga—matampuhin. "Good morning bestie! Musta na umaga mo bestie? Mukhang sumeksi ka ata ngayon bestie! Oh, ano na nangyari? Ikuwento mo na."

"Hay naku. Wala man lang ka feelings feelings ang bati mo."

"Feelings ba? Oh, sige wait lang at uulitin ko." Huminga ako nang malamin at ngumiti nang malawak. "Good mor—!"

"Tama na nga 'yan," pigil sa akin ni Pinkie. "OA ka na, eh."

Napabungisngis lamang ako. "Balita?"

"Hayun, hindi raw niya nililigawan. Pinopormahan lang daw."

"Pinopormahan? Eh, 'di ba parehas lang iyon?"

Umiling si Pinkie. "Hindi raw. Ang sabi kasi ni Kuya Blue—"

"Wait a minute muna, bestie. Si Blue? Paano nasali sa usapan si Asul?"

"Kasi..."

"Kasi ano?"

"Kasi kay kuya Blue ko tinanong 'yung pinapatanong mo."

"ANO?" Oh, hindi! Hindi puwedeng malaman ni matsing ang true feelings ko para kay Red. Tiyak kong gagawa at gagawa iyon ng paraan para siraan ako kay Red. Life-long goal na kasi ng orangutan na 'yon na sirain ang buhay ko!

"Eh, busy kasi sa pagre-review si Kuya Red. Kaya kay Kuya Blue ko na lang tinanong. Atsaka kay Kuya Blue lang 'yon nagkukuwento ng mga ganoon, eh."

"Oh, eh, ano'ng sabi ni tsonggo?"

"Hayun nga. Tapos tinanong niya kung bakit ko tinatanong. Sabi ko pinapatanong mo."

"Pinkie naman! Ba't mo sinabi 'yon?"

"Eh, hindi mo naman sinabing secret lang pala 'yon." Bigla itong napahalukipkip at nag-pout pa. "Kita mo 'to, siya na nga ang tinulungan, siya pa itong naninisi."

"Alam mo naman kasi na hindi kami vibes ni Kuya mong Bughaw. Para kaming oil at water, langit at lupa, anghel at demonyo. Maganda ako, engot siya. Isa akong dyosa at isa lamang siyang mortal. Kaya nagka-clash kami lagi, eh, kasi isa siyang toyo at suka naman ako!"

"Oh, eh, 'di ba dapat nga swabe kayo sa isa't isa? 'Pag may toyo at suka, may adobo ka na. Eh, ang sarap kaya ng adobong manok!"

Mali ata ang huling halimbawa ko, ah. "Okay, kalimutan mo na ang toyo at suka. Eto na lang. Para kaming isang magnet na magkaparehas ang polarities, at kahit anong pilit ang gawin mo, hinding hindi didikit ang parehong positive poles!"

"Pero hindi kayo isang magnet—tao kayo. At kapag pareho kayong positive, eh, parang sinasabi mo na rin na magkatulad kayo ng ugali o 'di kaya magkakatulad ang mga interests n'yo. Oh, eh, marami kayong something in common! Ibig sabihin lang no'n, eh—"

"'Wag na 'wag mong sasabihin na bagay kami bestie, dahil maghahalo ang balat sa tinalupan!"

"Huwag ka naman masyadong assuming bestfriend. Masyado ka, ha. Hindi ko sinasabing bagay kayo ni Kuya Blue. May gusto na kasi si kuya sa isang gir—'yung first love niya. At hello, ang mga type ni Kuya Blue ay 'yung mga tipong pang-crush ng campus ang beauty."

"Ouch naman bestie. Parang sinabi mo naman na ang pangit ko."

"Oy ha, wala akong sinabing ganoon!"

"Parang ganoon na rin 'yun, eh!" Napa-pout tuloy ako.

"Bestfriend, 'wag ka nang mag-pout kasi hindi bagay, eh. Histura mo parang nakainom ng suka," natatawang sabi ni Pinkie.

Grabe rin talaga itong bestfriend ko, mana sa kuya niya kung makapanlait. "Sobrang ouch na 'yun, bestie! Tumagos sa puso ko ang sinabi mo. Through and through ang tama, eh, parang bala. Pati si manong magtataho sa likod ko, nataman din.

Tumawa nang malakasi si Pinkie na akala mo ay joke ang mga sinabi ko. Hindi ba niya alam na may feelings din ang mga dyosang tulad ko?

"Joke lang 'yun, Kath. Ikaw naman, 'di na mabiro, eh. Pero pinapasabi ni Kuya Blue na gusto ko raw niyang makausap mamaya."

Ako? Kakausapin ni chimpanzee? "Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lamang si Pinkie. "Malay ko. Basta 'yun ang sabi niya."

Hinala ko ay may binabalak itong napag-iwanan ng evolution of man ni Charles Darwin, eh. Pero ang isang dyosa ay hindi umaatras. Kaya haharapin ko si unggoy mamayang tanghali.

#DyosaNgMgaPanget

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top