Chapter Ten
"Bestie, mauna ka nang umuwi," pasimple ko pang sabi kay Pinkie. Uwian na kasi, at maya maya pa ay darating na si Red para sunduin ako. Siyempre, gusto kong magka-moment din kami ni future boyfriend. Kaya naman ay pinipilit kong mauna na si Pinkie sa pag-uwi.
Kaso, hindi maka-gets si Pinkie. "Ha? Bakit? Sabay na tayong umuwi."
"Bestie, ano kasi... susunduin ako ni kuya Red mo."
"O, eh, ano'ng problema kung sabay tayong tatlo umuwi?"
Ewan ko ba kung slow itong si bestie o slow lang talaga. Slow, eh. "Bestfriend, wala naman masama kung sasabay ka. Kaso pagbigyan mo naman akong masolo si Red. Chance ko na ito, eh. Ayaw mo bang maging mag-sister-in-law tayo balang araw?"
"Eh, wala akong kasabay umuwi, eh," giit pa nito.
Naubusan na ako ng sasabihin kay Pinkie para makumbinsi itong mauna ng umuwi nang dumating naman si Red. Pumasok siya sa loob ng classroom. "Hi Kath!" Sumunod naman siyang humarap kay Pinkie. "Bunso, puntahan mo na si Blue. Nasa may gate na siya at hinihintay ka."
Mukhang confused si Pinkie sa mga pangyayari. Baka slow nga talaga si bestfriend? "Ha? Ah, eh, papaanong—"
"Pinkie, huwag nang makulit," sabi pa ni Red. "Pumunta ka na sa labas at naiinip na si Blue sa kakahintay sa 'yo."
Kumunot ang noo ni Pinkie at padabog na kinuha ang kanyang bag. Muli siyang humarap sa kuya niya at binantaan si Red ng "huwag mong sasaktan ang bestfriend ko!" bago siya tuluyang umalis ng classroom.
Naguguluhan ako sa naging asal ni Pinkie. Hindi naman kasi ganoon ang pagtrato niya dati sa kapatid niyang si Red. Kay Blue pa oo, kasi may pagkaantipatiko ang isang kambal na iyon. Ngunit nakalimutan ko ang mga iniisip ko nang humarap naman sa akin si Blue at ngumiti. "Tara?" sabi pa niya.
"Okay." Kinuha ko na ang bag at libro ko sa upuan. Bitbit ko sa mga braso ko ang mga libro ngunit biglang inagaw ito sa akin ni Red.
"Akin na," ang sabi pa niya.
Wala na akong nagawa at ipinaubaya na sa kanya ang libro ko. Sadyang gentleman lang talaga si Red. "Salamat."
Nagsimula na kaming maglakad papuntang gate. At tulad ng dati, pinagtitinginan muli kami ng mga ibang estudyante. Nakita ko sa isang sulok si Althea at ang kanya mga alipores. Malungkot ang mukha niya na para bang nasasaktan siya na makita kaming magkasama ni Red. Ang mga minion naman niya ay tinatapunan ako ng mga kutsilyo gamit ang mga mata nila.
"Huwag kang mag-alala Althea, mas maganda ka pa rin!" dinig ko pang sabi ng isa sa mga minion.
Ganoon? So pangit ako? Hindi siguro.
Tahimik lang kaming naglakad ni Red. Sa hitsura nito ay mukhang malalim ang iniisip nito. Pasulyap-sulyap ako sa gawi niya. Mapaseryoso, wacky o smiling face, ang guwapo talaga ni Red. Palihim akong napangiti. Parang ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Hindi ko mapigilan ang matuwa at kiligin, eh. Dati, pinapangarap ko lang ito. Ngayon, andito na siya, oh. Katabi ko na siya, kasama sa pag-uwi at pakiramdam ko, this is it na talaga. This is really is it!
"Uhm, Kath?" biglang salita ni Red.
"Yes?" pa-cute kong tanong.
"Ano... may ka-date ka na ba sa Prom natin?"
Siyempre wala, 'no. Open na open ako, dahil ang totoo ay wala namang nagyayaya sa aking maging ka-date nila sa Prom. "Wala pa akong napili sa mga nag-aya sa akin, eh." Siyempre rin kailangan ma-threatened siya at isipin niyang may kakumpitensya siya. Para naman magselos nang kaunti.
"Ganoon ba? Eh, kung tatanungin kita kung puwedeng ako na lang ang ka-date mo, papayag ka ba?"
"YES!" OMG, na sobrahan ata ang excitement ko. "Ibig kong sabihin, pag-iisipan ko." One second, two seconds, three seconds... Puwede na. "Okay, napag-isipan ko na. Payag na ako."
Natawa na lang ito sa akin. "Ang bilis mo namang makapag-isip."
"Baka kasi magbago pa isip mo, eh."
"Ha?"
"Wala. Uhm, si Blue sino'ng ka-date niya?"
"Ba't gusto mong malaman?"
"Wala naman. Na-curious lang ako."
"Ah. Balita ko ay meron. Ka-date daw niya 'yung matagal na niyang crush."
"Talaga? Weh, 'di nga? May pumatol sa kanya?"
"Oo naman. Mabilis nga siyang sinagot no'ng crush niya, eh. Pumayag agad na maging ka-date niya."
Kawawang babae. Hindi niya alam ang pinasukan niyang bangungot. Si Althea kaya 'yon? "Well, goodluck na lang sa kanya."
"Ang sabi pa nga ni Blue, sa prom night, hihingi siya ng permisong ligawan 'yung crush niya."
"Hihingi pa siya ng permiso? Ba't hindi na lang niya ligawan ng diretso?"
"Kasi 'yung crush niya, may pagkamanhid. Hindi raw makahalata na may gusto si Blue sa kanya."
"Ah. Baka naman slow ang babae."
Natawa muli si Red. Bentang-benta sa kanya an mga jokes ko, ah. In fairness, hindi siya mabo-bored sa akin. "Siguro nga."
Narating na namin ang bahay. Niyaya ko siyang tumuloy muna sa bahay para makapagmeryenda, pero tumanggi na itong tumuloy. "Paano, mauuna na ako?"
"Sige," ang sabi ko pa. "Ingat ka sa daan."
Ngumiti lamang ito at saka umalis papuntang bahay nila.
At sa sobrang excitement ko, tumakbo ako papuntang kuwarto at tumalon sa kama. "Yes! Mission accomplished! Yahoo!"
Ang gandang birthdsy gift no'on! Ka-date ko si Red sa prom, sa mismong araw pa ng birthday ko!
Nahimasmasan lang ako matapos kong tumalon, mag-tumbling at sumayaw. Saka ko naman naisip na i-text ang balita. Kinuha ko ang cellphone sa bag at ang mga daliri ko ay akala mo'y may racing na sinalihan sa sobrang bilis ng pagpindot sa screen.
"Niyaya niya akong maging date sa Prom!" ang text ko at si-nend agad kay... teka, bakit kay Blue ko na-send ang text ko?
Wala pang sampung segundo ay nagreply na ito. "Congrats!"
"Congrats din! Balita ko pumayag ang crush mong maging date mo sa prom," ang reply ko naman sa kanya.
"Oo nga, eh."
Wala naman kaganagana ang mga reply niya. "Sige, salamat ha!"
"You're welcome." Sa paraan niya nang pagtext, parang hindi ito masaya para sa akin.
Ano'ng problema niya? Ni hindi man lang niya ako inaway o nilait sa text.
Ano'ng problema ko? Bakit hinahanap-hanap ko ang mga pang-aasar niya?
Kinabukasan, may napansin akong kakaiba. Nang nagkasalubong kami ni Blue sa may corridor, hindi man lang ako pinansin o binati man lang! Parang invisible girl ako sa kanya. May sakit ba siya? O 'di kaya ay nauntog ang ulo, nagka-amnesia at hindi ako nakilala? Kahit pang-aasar mula sa kanya, wala!
Baka may problema siya?
At bakit ganoon na lamang ang concern ko sa kanya? Siguro dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas ko siyang ka-text sa gabi, bukod pa kay Pinkie. At marahil ay tumatanaw na ako ng utang na loob sa kanya dahil sa naitulong niya sa akin para sa love team na RAth. (Kailangan ko na talagang makaisip ng bagong pangalan sa tambalan namin ni Red, sa totoo lang.)
Dumating ang tanghali at nasa canteen kami ni Pinkie nang napansin kong mag-isang nakaupo si Blue. Bakit kaya hindi niya kasama si Red? Hindi talaga ako nakatiis at nakita kong nagulat si Pinkie nang umupo ako sa tabi ni Blue.
"Oy, best friend! Ba't nag-iisa ka ata rito?" pabirong tanong ko sa kanya.
Nagulat din siya sa sinabi ko. "Best friend?"
"Ikaw talaga, kunwari ka pa. Eh, best friend ang tingin mo sa akin no'ng labin-dalawang taong gulang ka, eh."
"Naka-drugs ka ba?"
"Itong best friend ko talaga, o. Mukha ba akong high?"
"Mukha kang tanga."
Natawa na lang ako nang malakas. Ewan ko ba, namiss ko ang pang-aasar sa akin ni Blue. Parang tanga lang, ano? Naiinis ako kapag inaasar niya ako. Pero kapag hindi naman, hinahanap-hanap ko naman. "Ba't ba nag-iisa ka riyan?"
"Nag-away kasi sila ni kuya Red," biglang sabat ni Pinkie na umupo naman sa tapat namin.
"Diwata, ang tsismosa mo talaga," saway ni Blue sa kapatid.
"Kuya naman, eh. Alam mo namang hate ko ang pangalang Diwata, tatawagin mo pa akong Diwata." Napa-pout tuloy si Pinkie. "Ikaw naman kasi may kasalanan kung bakit kayo nag-away ni kuya Red. Ikaw kasi, pinaglalaruan mo ang—"
"Ito—mammon, kumain ka!" sabi ni Blue sabay siksik ng mamon sa bunganga ni Pinkie.
Umiling ako na natatawa sa dalawa. Ang cute talaga nilang magkuya. Sumeryoso muli ang mukha ni Blue at bumuntong-hininga.
"Ano ba kasi ang nangyari at nag-away kayo?" tanong ko.
Si Pinkie ang sumagot para kay Blue. "Kasi itong si kuya humingi ng pabor kay kuya Red, kaso hindi pumayag si kuya Red. Kaya hayun, muntik nang magsuntukan ang dalawa kagabi."
Sabi ko nga, reporter si bestfriend Pinkie.
"Para sa isang pabor?" tanong ko.
Sasagot na sana si Blue pero naunahan siya ni Pinkie. "Kasi naman itong si kuya Blue, gustong surpresahin ang ka-date niya sa prom. Kaso hindi pumayag si kuya Red. Kaya nagkagulo kagabi! Grabe, bestie parang nakanood ako ng action movie kagabi, eh. Buti na lang at wala sina Mama at Papa. Kundi, naku! Lagot ang dalawang kuya ko!"
"Eh, bakit naman pinag-awayan n'yo pa iyon? Kung hindi pumayag si Red na tulungan ka, ako na lang. Since natulungan mo rin naman ako sa kanya, tutulungan rin kita sa ka-date mo. Ano bang tulong ang gusto mo?" tanong ko.
Muling ibinuka ni Blue ang bibig niya at sasagot pero mas mabilis talaga si Pinkie kaysa sa kanya. "Eh, mahirap kasi sitwasyon niya. Kasi naman itong si kuya, ayaw pa magpakatotoo, eh!"
Ang gulo. Hindi ko maintindihan ang puno't dulo ng lahat. "Sino ba kasi 'yang ka-date mo? Si Althea ba?"
Sasagot sana si Pinkie nang inunahan na siya ni Blue. "Sige, Diwata, sagutin mo ang tanong ni Kath kung gusto mong maging isang letson," banta nito habang hawak-hawak ang isang pulang mansanas.
Biglang nagtikom ng bibig si Pinkie. Natakot ata si Pinkie sa banta ni Blue.
"Tama na nga 'yan," sabi ko. "Dapat ayusin n'yo na ang gulo n'yo ni Red. Magkapatid kayo, at kambal pa! Hindi kayo dapat nag-aaway."
Hindi naka-imik ang dalawa. Ano kaya ang pinag-awayan nina Red at Blue?
#DyosaNgMgaPanget
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top