Chapter Eleven

3 days before Valentine's day

Tama nga ang sinabi ni Ms. Reynoso. Maganda pala itong facial wash sa mukha. Pansin ko agad na kumu-konti na lang ang mga pimples sa mukha ko. Kaunti na lang at baka maging pimple-free na ako. Nasa facial wash lang pala ang sagot, eh. Sana matagal ko na itong na-discover.

Matapos kong mag-ayos at kumain ay pinuntahan ko na si Pinkie para sabay kaming pumasok sa school. Nang narating ko ang bahay nila ay nagulat ako dahil si Blue ang nakita kong nakatayo sa labas ng gate nila.

"Nasaan na si Pinkie?" tanong ko sa kanya.

"Absent. May sakit."

"Ha? Teka, titignan ko muna siya."

"Huwag na. Natutulog na siya. At saka male-late na tayo." Bigla naman niyang hinila ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Engot talaga itong si Blue. Kita niyang concerned lang naman ako sa kapatid niya.

Nang nakalayo na kami sa bahay nila, saka ko lang napansin na hawak-hawak pa pala niya ang kamay ko. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakawak niya, ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

At bigla akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko. Ano ito? Bakit masarap sa pakiramdam ang kuryenteng iyon?

"Uhm, Blue," simula ko, "'yung kamay ko..."

"Ano'ng problema sa kamay mo?"

Hawak mo kasi, eh. Pero hindi ko masabi iyon. Ewan ko ba, parang ayaw kong bitiwan niya ang kamay ko. Hanggang sa pagpasok namin sa eskwelahan at pag-akyat sa building namin papuntang classroom ko ay hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Pinagtitinginan nga kami ng mga estudyante, eh. Alam kasi nila ang mutual hatred namin ni Blue sa isa't isa. Kaya naman ay nagtataka sila marahil kung ano ang nangyari at ka-holding hands ko si Blue.

Narating namin ang classroom ko, at saka lang niya binitiwan ang kamay ko. "Text mo 'ko 'pag tapos na ang klase mo mamaya," ang sabi niya bago siya umalis.

Naiwan naman akong nakanganga. Namaligno ba si Blue?

***

Malungkot talaga kapag absent sa klase ang best friend mo. Tulad ngayon, buong araw akong malungkot at nag-aalala para kay bestie. Kumusta na kaya siya? May sakit pa kaya siya? Dalawin ko kaya siya pagkatapos ng klase? May project pa naman na isu-submit bukas. Kawawa naman si bestfriend.

Nang matapos na ang klase ay lumabas na ako ng classroom at nagmamadaling lumabas ng gate. Kailangan ko kasing puntahan si bestie para ipahiram sa kanya ang mga notes ko. Mabilis akong naglalakad nang may sumigaw sa pangalan ko.

"Hoy Kath!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Blue na tumatakbo papalapit sa akin. Patay. Nakalimutan ko siyang i-text sa pagmamadali ko.

"Bakit hindi ka nag-text?" bulalas nito nang nakalapit na sa akin.

"Sorry, nakalimutan ko!"

"Tsk! Matanda ka na ba para maging ulyanin? Tara na nga!"

Hayun, hinawakan na naman niya ang kamay ko. Mukhang bad mood pa rin ito. At kung aawayin ko siya, baka maging monster pa ito dahil sa sobrang bad mood niya. Kaya idinaan ko na lang sa biro. "Best friend naman, eh. Ikaw, ha. Pasimple ka kung makatsansing sa akin."

Bigla nitong binitiwan ang kamay ko na para bang napaso ito. "Nadala lang ako ng matinding emosyon, okay?"

"Sabi mo, eh," sagot ko. Pero palihim akong napangiti. Kunwari pa ito. If I know, may gusto ito sa akin, eh.

"ANO?!"

"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Ano'ng ano?"

"Sinabi mong may gusto ako sa 'yo."

Nasabi ko ba iyon ng malakas? "O, eh, wala naman masama kung may gusto ka sa akin. Kaso lang, taken na ako. Kaya, sorry. Better luck next time na lang."

"Sira! Masyado kang..."

"Masyadong ano?"

"Wala!"

Bad mood nga. Baka naman na-basted na ni Althea? "Problema?"

Nagbuga ito ng hangin mula sa bibig. "Wala. Bad trip lang."

"Kanino? Kay Althea ba?"

"Althea?"

"Oo. 'Di ba sabi mo matagal mo na siyang gustong ligawan? O, eh, sasama na nga siya sa 'yo sa prom, ah. Ano pa ang pino-problema mo riyan?" Si Althea kaya ang pinag-aawayan nina Red at Blue? Pero wala naman dapat problemahin pa si Blue, ah. Kasi nasa akin na ang atensyon ni Red.

Effective naman ang plano namin kaya puwede na niyang ligawan si Althea.

"Medyo nagkaproblema lang sa ka-date ko. Pero okay na 'yun. Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit ako bad trip, eh."

"Eh, ano'ng dahilan? Baka matulungan kita."

Nakita kong nag-isip pa ng malalim si Blue na para bang pinag-iisipan pa niya ng mabuti kung sasagutin ba ako o hindi. "Kath... Naaalala mo pa ba 'yung pangako natin sa isa't isa?"

Pangako? May pangako kami sa isa't isa? Ano nga ba 'yon? Hindi ko matandaan, eh. "Uhm, hindi ako sure. Parang..."

"Ano'ng parang?" medyo galit niyang tanong.

Bigla naman akong napaatras. Grabe pala ito kung magalit, eh. "Joke lang! Oo tanda ko pa, 'no. Ikaw talaga." Hindi ko pa rin matandaan, pero bahala na. Susubukan ko na lang aalahanin kung ano iyon pagkauwi ko sa bahay.

"Malapit na 'yon. Ilang araw na lang..."

Hindi ko talaga siya ma-gets pero tumango na lang ako. Baka magalit pa uli, eh.

"Buti naman at hindi mo pala nakalimutan," dugtong pa nito. "Akala ko kasi nakalimutan mo na..."

Patay! Ano ba kasi 'yon? Ba't hindi ko maalala? "Ako pa! Matalas memory ko, 'no!" Ano na ang gagawin ko?

Nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha ni Blue na para bang nabawasan ang problemang pasan nito sa balikat.

Nakarating na kami sa bahay. Nagpaalam na uli ito at sinabing uuwi na siya. Kumaway naman ako sa kanya bago pumasok na sa loob.

Habang papaakyat ako sa kuwarto ko, pilit kong inaalala kung ano ba 'yung pangako namin ni Blue sa isa't isa. Wala talaga akong maalala. Bakit ganoon? Hindi naman ata nagkulang sina nanay at tatay sa pagbigay ng vitamins sa akin. Gatas naman ang pinainom sa akin no'ng sanggol pa ako at hindi am. Bakit parang nagka-memory gap ako at hindi ko talaga maalala?

Sa sobrang kakaisip ko tungkol sa pangakong hindi ko maalala, napanaginipan ko si Blue nang gabing iyon...

Eleven years old ako, Twelve naman siya. Nakahiga ako sa damuhan. Siya naman ay nakaupo sa tabi ko.

"Kath, binata na ako," proud na sabi ni Blue.

"Hahaha! Binata? Totoy na totoy ka nga, eh."

"Ano ka? Binata na ako."

"Ba't mo naman nasabi 'yan?"

"Kasi nakapasa na ako sa initiation ng mga lalaki."

"Initi—ano? Ano 'yon?" Ibinulong sa akin ni Blue ang nangyari sa kanila ni Red no'ng nakaraang linggo. "Ha? Ngayon lang kayo tuli ni Red?!"

Bigla naman ako nilagyan ni Blue ng damo sa mukha kaya napaupo akong bigla. "Sige, isigaw mo pa. Hindi ka pa naririnig sa kabilang baranggay, o."

Tumawa lamang ako.

"Puwede na nga ako manligaw, eh," dagdag pa niya.

"Ngek! Bata ka pa, 'no. Ano naman ang alam mo sa panliligaw?"

"Marami! Gusto mo patunayan ko sa 'yo? Ligawan pa kita ngayon, eh."

"Oy, hindi pa ako puwedeng magpaligaw, 'no! Hindi pa puwede sabi ni Nanay."

Nagkamot pa si Blue ng ulo. "Eh, kailan ka puwedeng ligawan?"

Napaisip ako. Kailan nga ba? Wala naman sinabi si Nanay kung kailan ako puwedeng magpaligaw. "Ewan ko. Siguro kapag nasa high school na ako. Ewan."

"High school..." Natahimik naman ito. "Kung ganoon, Kath, mangako tayo sa isa't isa..."

Andoon na, eh. Maalala ko na dahil sa panaginip ko. Kaso biglang tumunog ang alarm clock at napabalikwas ako ng bangon.

Nakakainis naman!

#DyosaNgMgaPanget

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top