Naramdaman ni Garrie ang pagguhit ng sakit ng ulo niya kaya siya nagising at pinilit ang sariling bumangon para uminom ng tubig. Maghahanap na rin muna siya ng gamot sa kusina. Medyo napapadalas kasi ang sipon niya nitong mga nakaraan dahil na rin sa madalas na pag-ulan.
Hindi niya alam kung nakauwi na rin si Tristan. Tatlong araw na simula nang umalis ito dahil mayroon daw kailangang asikasuhin. Wala rin siyang alam dahil hindi naman siya nagtatanong at wala rin naman siyang maintindihan sa technical aspects ng trabaho nito. Alam niyang maraming trabaho, pero hindi niya alam kung ano.
Nang matapos uminom ng gamot, maingat niyang sinilip sina Meredith at Mikay na mahimbing na natutulog. Inayos niya ang kumot ng anak na nakayakap pa sa Teddy Bear na bigay ni Ice noong nakaraang araw na bumisita ito. Hinalikan din niya ito sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Saktong naabutan niya si Josiah na pumasok sa bahay. "Good morning, Miss Garrie," bati nito sa kaniya. "May kailangan po kayo?"
"Ito talaga si Josiah!" umiling siya at mahinang natawa. "Dalawang linggo ko nang sinasabi sa 'yong Garrie lang naman at saka 'wag kang mag-po at opo. Medyo naiilang kasi ako."
Ngumiti si Josiah. "Hindi ako sanay, pero sige para hindi ka mailang. Meron kang kailangan? Nagugutom ka ba? Puwede akong magpakuha ng pakain sa pantry."
"Ay, hindi. Uminom lang ako ng tubig at gamot kasi medyo masakit ang ulo ko. Umuulan pa ba?" tanong niya bago dumeretso sa pintuan para siya na mismo ang sumagot sa sariling tanong. "Medyo umaambon pa rin pala."
Pumuwesto siya sa balcony at niyakap ang sarili. Suot niya ang jacket na bagong tahi galing sa St. Pierre. Pinagkrus din niya ang dalawang braso habang deretsong nakatingin sa field nang makita ang ilang nag-e-ensayo kahit madaling araw na.
"Hindi ba 'yan sila nagpapahinga?" Nilingon niya si Josiah na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. "Grabe kayo rito sa kampo. Natutulog ba kayo?"
"Oo naman," natawa si Josiah. "Shifting naman kasi kami. Iyang mga 'yan, panggabi talaga sila. May mga tao kasing nagte-train talaga sa gabi. Sila 'yong mas sanay sa gabi."
Tumango siya at tipid na ngumiti. Bilib din kasi siya sa dedication ng mga taong ito para protektahan ang lugar. Naalala din niya ang kwentuhan nila ni Ice na suki raw ng pagsugod ang kampo dahil sa mga armas na ginagawa sa loob. May mga rebeldeng gustong kunin ang mga baril kaya naman matindi ang seguridad sa loob. Napansin din niya ang pagiging attentive ng mga ito sa tuwing nasa paligid lang sila.
Bukod kay Josiah, mayroon pang mga lalaking nakatayo sa paligid ng bahay kung saan sila nakatira.
"Hindi ka ba inaantok?" tanong niya sa binata. "Gabi-gabi kang nandito lalo 'pag wala si Tristan. Kung sakaling matutulog ka ba, magiging delikado pa rin?"
"May tiwala naman ako sa mga tauhan." Tinuro ni Josiah ang mga lalaking nakapaligid sa kanila. "Pero ipinagkatiwala kayo ni Boss sa 'kin kaya rito lang ako. Hindi naman ako inaantok. Sanay naman ako."
Hindi sya nakasagot at patuloy na inobserbahan ang lugar. Medyo umaambon, pero mayroong kulog at kidlat. Nakasuot naman ng raincoat ang mga lalaking nakapalibot sa bahay at nakita ang malalaking baril na nakasuot sa katawan. Sa umaga naman, pilit na itinatago ng mga tauhang ito ang mga baril sa tuwing lumalabas si Meredith dahil madalas na rin itong nagtatanong.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Tristan? Like even before this world, magkakilala na ba kayo?" Garrie was actually curious about Josiah's past, too. "But if you're not comfortable, we won't talk about it."
Josiah gazed at her and smiled. "Magkakilala na kami ni Boss dahil empleyado ng daddy niya ang mga magulang ko. Kasama sa mga napatay noong araw na 'yon ang parents ko."
Garrie frowned and look down. "S-Sorry for asking. I'm . . . Sorry."
"Okay lang!" Josiah chuckled. "Personal assistant kasi ni Ma'am Kayla ang mommy ko. Personal driver naman ni General Laurier ang daddy ko. Magkakasama sila noong pinasabog ang sasakyan nila."
Naramdaman ni Garrie nag kirot sa dibdib niya nang marinig ang sinabi ni Josiah dahil nasa live television din ang pagkamay ng heneral. Bukod sa first and second family, this was one of the biggest heartbreak lalo na at kilala niya personally ang mag-asawang Laurier.
"Pinag-aral ako ng pamilya nila sa Philippine Military Academy. Nasa Baguio ako noong nangyari 'yon. The same minute, as in hindi na 'ko naghintay ng kahit anong instruction o news o ano... umuwi ako. Alam kong wala na akong aabutan, pero hinanap ko kaagad si Tristan," pagpapatuloy ni Josiah ang pagkuwento habang deretsong nakatingin sa dilim. "Siya ang una kong pinuntahan. Pareho kaming only child at magkasamang nawala ang mga magulang namin. S-Sakanya ako sumandal at siya ang tumulong sa 'kin. Kaya gagawin ko rin lahat para tulungan siya."
Naramdaman ni Garrie ang pagtulo ng luha niya sa magkabilang pisngi ngunit kaagad niyang itinago iyon kay Josiah nang lumingon ito sa kaniya.
Napansin niya ang pagiging malapit ng dalawa. Madalas na magkausap at sa lahat ng tao rito sa Kampo, si Josiah lang ang nakapapasok sa bahay na ito. Sa tuwing wala si Tristan, si Josiah ang kasama nila at sa tuwing mayroon siyang kailangan, ito lang ang nakalalapit sa kaniya.
"Masaya ako na ngayon, meron na siyang kasama. After Cesca's death—" Tumigil ito at tumingin sa kaniya. "Sorry."
"Okay lang, hoy!" mahinang natawa si Garrie. "We're civil about everything and kilala ko si Cesca. I've met her before so no worries. We can talk about her, too."
And it was true. Wala siyang issue kay Cesca. The woman was super nice and sweet and Garrie was upset upon learning she passed. Isa pa, nirerespeto niyang parte ng buhay ni Tristan si Cesca katulad na lang kung paanong parte ng buhay niya si Derek na tatay ni Meredith.
Josiah nodded and exhaled. "After Cesca's death, Tristan barely talks. Nakakausap ko lang siya 'pag meron siyang utos. Hindi na rin siya umaalis ng basement. Mas madalas na doon na siya natutulog noon. Hindi ko sigurado ngayon."
Imbes na sagutin ang sinabi ni Josiah, nagpasalamat siya dahil sa tulong nito sa kanila. Napapansin din niyang napapalapit ito kay Mikay. Simula rin nang makarating sila rito sa kampo, madalas na nagkakausap ang dalawa at wala siyang masasabi tungkol doon. Kung sakali mang magkaroon ng pagkakataong magkagustuhan ang dalawa, matutuwa pa siya. Mabait si Josiah at mahal naman ni Garrie si Mikay.
Saglit pa silang nagkakuwentuhan ni Josiah nang marinig ang radio nito at sinabing dumating si Tristan. Madilim pa rin at medyo umaambon.
Nagpaalam sa kaniya si Josiah na sasalubungin lang muna sandali si Tristan. Hindi nagtagal, dumating ang sasakyan nito. It was his Land Rover full of mud, too. At kahit na umuulan, lumabas si Tristan ng sasakyan at humarap kay Josiah. Nakita niya ang baril na inilagay nito sa likuran ng pantalon.
Seryosong nag-uusap ang dalawa kahit medyo lumalakas ng ulan. Naisip niya na puwede namang sumilong kaya hindi niya gets kung bakit kailangang sa ulanan pa mag-usap. Pareho tuloy basa. Nanatili lang siyang nakaupo sa sofang gawa sa kahoy at inobserbahan si Tristan.
Salubong ang kilay nito, mukhang mayroong seryosong sinasabi kay Josiah na panay naman ang tango. Sandaling bumaling ang tingin nito sa kaniya bago ibinalik sa kausap at saka naglakad papalapit sa bahay.
Garrie immediately noticed the mud on Tristan's shoes, pants, and even shirt.
"Bakit gising ka pa?" Huminto si Tristan sa gilid ng main door at nilingon siya. "Having trouble sleeping?"
"No." Garrie shook her head. "Maaga lang din talaga akong nagising."
Tristan nodded. "If you're hungry, let Josiah know para makapagpakuha siya ng pagkain sa pantry. I'll be in the basement."
Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya nang basta na lang itong pumasok sa loob ng bahay. Nanatili maman siyang nakaupo at pinakinggan ang malalakas na kulog kasunod ang paglakas ng ulan kaya naman mas lalong lumamig. Natawa rin siya nang biglang maisip si Meredith. Sigurado siyang maiinit na naman ito sa umaga na hindi makapaglalaro dahil basa ang daanan at damuhan.
Masaya siyang makita ang anak na kumportable sa lugar. Okay rin naman noon sa lugar kung nasaan ang daddy niya, pero siya na rin mismo ang umiiwas. Hanggang sa makakaya niya, inilalayo na niya si Meredith sa daddy niya para hindi nito maipakita sa anak niya ang pagkadisgusto. Ginawa niya ang lahat para hindi magtagpo ang landas ng dalawa dahil ayaw niyang maranasan nito ang pang-aabusong ginawa ng daddy niya. Ayaw rin niya noong naririnig ni Meredith ang pagsigaw nito kaya malaki ang naging tulong ni Mikay.
Pagpasok ni Garrie sa bahay, naabutan niya si Tristan na gumagawa ng kape. Mukhang katatapos lang maligo at basa pa ang buhok. Hindi siya inalok, pero iniabot ang coffee cup sa kaniya.
"Naka-adjust na ba si Meredith na hindi ka niya katabing matulog?" tanong ni Tristan na sumandal sa kitchen counter at sumimsim ng kape.
"Hindi naman." Naupo siya sa dining chair at hinipan ang kapeng ibinigay ni Tristan. "Sanay naman kasi talaga siya kay Mikay. May mga pagkakataon kasi noon na hindi ako ang nagpapatulog sa kaniya dahil kay daddy. K-Kaya hindi rin bago sa kaniya."
Walang naging sagot si Tristan na nakatingin sa kaniya bago ibinaling ang atensyon sa hawak na coffee cup.
"Ikaw, hindi ka ba nahihirapan? Naisip ko kasi na okay naman ako sa kwarto nila Mer and Mikay. B-Baka rin kasi na-invade ko 'yong privacy mo dahil sa pagtulog ko sa kwarto mo. Promise. Okay lang ako sa kabilang kwarto para hindi ka maabala," aniya habang deretsong nakatingin kay Tristan.
Umiling si Tristan at dumeretso ng tayo. "I stay most of my time in the basement. You can have that room. At least you'll have your own privacy, too. I know it's not easy being a mom. At least you'll be able to rest, and you need that."
"Thank you," yumukod si Garrie. "Magpahinga ka na rin. Halos ilang araw ka rin hindi umuwi rito kaya hindi na kita iistorbohin. Pinakealaman ko pala 'yong cards mo sa kwarto. Naglaro ako ng solitaire kagabi pampaantok."
—
"Daddy ko? Daddy ko? Gising! Kain tayo chicken!" Pinindot ni Meredith ang pisngi ni Tristan na mahimbing na natutulog sa sofa ng basement. "Daddy ko ikaw sabi ni Tito Ares. Daddy ko? May daddy na ako?"
"What?" Tristan groaned and sounded annoyed. Hindi niya iminulat ang mga mata niya dahil inaantok pa siya at masakit ang ulo niya dahil sa hangover. "I'm sleeping, Meredith. What are you doing here?"
Muling pinindot ni Meredith ang pisngi niya. "Mag-eat na tayo, pero sleep pa ikaw, Daddy ko? Are you tired? Are you sleepy? Daddy ko?" Pinindot nito ang kanang mata niya. "Hewow?"
"Aww!" pasigaw ang pagkakainda ni Tristan. "Don't do that!"
Bumangon siya at nakita si Ares na nakaupo sa hagdan ng basement. Humahagikgik ito at nag-thumbs up pa kay Meredith na muling humarap sa kaniya. Malapad itong ngumiti at ipinakita sa kaniya ang chicken drumstick.
"Kain tayo, daddy ko," anito na nakangiti. "Suklay mo hair mo, ha? Ayaw mommy ko na gulo ang hair kasi bruha daw."
Hindi siya nakasagot nang tumalikod na ito at basta umakyat sa hagdan. Naiwan naman si Ares sa hagdan, nakangiti bago biglang humagikgik. Kinagat pa nga nito ang ibabang labi bago tumayo at iniwan siya sa ibaba.
"Fuck you, Montaner."
Tristan stared at himself in the mirror. His hair was really a mess and what Meredith said made him chuckle. He looked down and exhaled hard, knowing this would possibly be his life now. Isinuot niya ang hoodie bago umakyat sa taas at naabutan ang nakaayos na lamesa. Binati siya ni Mikay na inilagay ang kanin sa gitna. Nakaupo naman si Ares sa sala na tumingin sa kaniya. Mula sa loob ng bahay, narinig niya ang boses ni Garrie.
"Huwag mong uulitin 'yon, ha? Sabi ko sa 'yo, bawal kang bumaba roon, 'di ba?" mahinang sambit ni Garrie ngunit naririnig niya mula sa bintana. "Kasi baka magalit si Tito Tristan. Hindi tayo puwede sa ibaba, Meredith."
"Tito?" bulong ni Meredith at mababa ang boses nito na parang nagtakha. "Sabi Tito Ares, daddy ko raw 'yon, eh. Daddy ko ba 'yon siya, Mommy? Gusto ko siya daddy, eh. Please? Daddy ko 'yon siya."
Nakita niya mula sa bintana ang pag-iling ni Garrie. Lumuhod ito at sinalubong ang tingin ng anak. Hinaplos nito ang mahabang buhok ni Meredith bago hinalikan sa pisngi.
"Gusto ko siya daddy, eh," Meredith pouted.
"I'll try to ask him, okay?" Garrie smiled and fixed Meredith's hair. "For now, Tito lang call natin sa kaniya, ha? I'll ask him first and I'll tell you kaagad."
Tristan saw how Meredith looked down and nodded. Garrie then hugged her daughter tightly while brushing that long locks using her fingertips. Mukhang kailangan nilang mag-usap ulit ni Ares tungkol sa ganitong situwasyon. Ayaw niyang nasasangkalan ang mag-ina sa ganitong bagay.
Pagbukas ng pinto, nagtama ang tingin nila ni Garrie. Nanlaki ang mga mata nito at parang ikinagulat na naroon siya o posibleng narinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Bumaba naman ang tingin niya kay Meredith na nakatingin din sa kaniya, pero kaagad itong nagtago sa likod ng ina.
"Why are you hiding?" Tristan said lowly. "Do you like some cupcakes?"
Meredith immediately looked at him and nodded. "Yes, please. I want pink one, dad–" The little girl stopped. "Tito."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top