Chapter 8

The supposed to be ceremony didn't happen because of the heavy rainshowers. Malakas pa ang kulog at kidlat at mula sa penthouse kung saan nakatira si Ares, kita nila ang malaking dilim. Dito na rin sila dumeretso para kumain.

Tristan and Garrie decided to just sign the marriage certificate made by Lalaine and proceed with the lunch for the family.

Yes, family. Ito na ang pamilya nila ni Meredith na masayang nakikipagkuwentuhan sa lahat. Too bad Ice wasn't around, pero alam niyang babawi ito sa kaniya sa susunod. Kung ano-ano ang ikinukuwento ni Meredith sa mga kasama nila tulad na lang kung paano sila matulog noon sa dating lugar. Apoy ang ilaw at pati pagpaypay ay ipinakita nito sa kanilang lahat.

Panay rin ang sabi ni Meredith na masarap ang pagkain nila. May parte kay Garrie na nahihiya dahil parang pinabayaan niya ito na halos walang lasa ang kinakain noon, pero wala siyang nakitang panghuhusga sa iba. Sinabihan pa sila na palaging dadalhan at lulutuan si Meredith ng mga pagkaing gusto nitong matikman.

Ares prepared a lot of food for them, but the highlight was the wedding cake. It was just a simple vanilla cake with vanilla frosting, and everyone loved it. Garrie tried so hard to hide the fascination from everyone. Na-miss niyang kumain ng cake. Who would've thought that eating cake during this time would be considered luxury?

Nakaharap siya sa glass wall ngunit sa reflection, nakikita niya ang ngiti kay Meredith habang sinusubuan ito ni Mikay ng cake. Panay ang sabing masarap, matamis, at tinatawag siya para ipakita ang cake sa kaniya.

Tristan noticed how Garrie would look away whenever Meredith said the cake was tasty. Garrie had a guilty look, and he couldn't help but notice.

"Babalik na ba kaagad kayo sa kampo?" tanong ni Martin na tumayo sa gilid niya. "Kailangan ko na ring bumalik mamayang madaling araw sa St. Pierre. But if you need anything, pumunta ka lang doon."

"Sige lang. Thank you for being here. Dalhan mo na rin ng pagkain si Eleonor. She might like the cake, too," ngumiti siya at tinuro si Meredith na nilagyan ng icing ang dulo ng ilong ni Ares. "Look at that little girl. She's enjoying so much."

Both Martin and Tristan watched Meredith play with Ares but were immediately scolded by Garrie about playing with food. The little girl was polite and apologetic. Even Ares apologized to Garrie and started eating peacefully.

"We'll stay here for a while. May construction sa bahay for some improvements. I had to make the house safe and child-proof. That girl is curious. Hindi naman puwedeng siya ang mag-adjust," aniya habang nakatingin sa batang humahagikgik dahil kay Ares.

Mahinang natawa si Martin kaya bumaling ang atensyon niya rito. "Who would've thought na magiging tatay ka bigla?"

"I was thinking the same," mahinang sambit niya. "Wala sa plano lahat, and I'm scared I might be unable to protect both. This isn't a matter of bahala na kaya kinausap ko rin si Josiah before even committing to this that there's gonna be an extra security. Okay naman silang lahat. Glad my group is okay with it."

"Wala naman silang magagawa. You're still their boss," paglilinaw ni Martin. "But it's good move you still asked them. You respect them."

Malalim siyang huminga at tumango. "Dapat lang din naman. They're protecting our home. Dapat lang din na respetuhin ko sila. It's a give and take process."

It was true. Iyon na ang mindset ni Tristan simula umpisa. Halos hindi niya itinuturing na ibang tao ang mga nasasakupan niya. Kung tutuusin, lahat naman sila kaya si Ice lang ang naiba. Iba kasi ang tingin nito sa mga nasasakupan, pero naiintindihan din naman niya.

"Hingi ka na ng baby brother," pagbibiro ni Ares kay Meredith na ikinagulat ni Tristan. "Para may sibling ka na."

Nakita niya ang gulat sa mukha ni Garrie at mahinang tinapik ang braso ni Ares dahil sa sinabi nito. Halos lahat naman ay natawa sa pagbibiro ng kaibigan niya, ganoon din si Martin, pero siya hindi.

"Wow! Puwede ako karon baby brother?" tanong naman ni Meredith na tumingin kay Garrie. "Mommy, puwede ikaw baby?"

Marahas na umiling si Garrie at saglit na tumingin sa kaniya bago lumuhod sa harapan ng anak. "Huy, hindi. Ikaw lang ang baby ko, ano ka ba? At saka marami tayong baby dolls. Nakita mo na ba 'yong binigay ni Tita Ice? Ang ganda kaya no'n kasi kulot."

Garrie was explaining to Meredith and Ares was chuckling prompting Tristan to get his best friend's attention to stop him. Wala sa usapan nila ito at wala sa plano kaya ayaw nilang magkaroon ng ibang pag-iisip si Meredith tungkol sa ganitong bagay.

Sinenyasan niya si Ares na huwag nang sumasaw sa pag-uusap ng mag-ina dahil nakita niyang hirap na hirap mag-explain si Garrie tungkol sa sinabi ni Ares. Even commander and Tita Lalaine were already changing the topic so Meredith won't ask again.

Hapon na rin natapos ang bonding nila sa penthouse ni Ares. Nagpaalam na rin sina Commander at Tita Lalaine na babalik na sa Escarra. Sumabay naman si Jakob kay Martin pabalik sa St. Pierre.

Nakikipagkuwentuhan naman sina Garrie at Mikay kay Lana nang makita ni Tristan na mahimbing na palang natutulog si Meredith sa sofa. Hawak pa nito ang chocolate bar na ibinigay ni Ares kanina para lang malibang ito dahil gusto nang umuwi.

"Maayos na 'yong unit mo," sabi ni Ares habang pareho silang nakatingin kay Meredith. "Sobrang excited siyang kainin 'yang chocolate niya kaso nakatulog naman. Ilang araw pala kayong mag-stay rito? Tagalan n'yo muna para ma-spoil ko muna 'tong si Meredith."

Mahinang natawa si Tristan sa sinabi ni Ares. "Three days sana. Pinapaayos ko 'yong bahay kaya rito muna kami. Ayos lang ba?"

"Gago, kahit magtagal pa kayo," sagot naman nito.

"Thanks, pero 'wag mong masyadong bigyan si Meredith ng kung ano-ano. Magtanong ka muna kay Garrie," paalala niya. "Let's respect the mother before giving the kid anything. Baka hindi puwede and she's just being polite."

Ares slowly nodded.

Samantalang pinag-uusapan nila Garrie at Lana si Ice nang makita niya sa peripheral niyang lumapit si Tristan at maingat na binuhat si Meredith. Nagmukhang maliit na manika ang anak niya dahil sa laki ng katawan at tangkad nito. Tumingin ito sa kaniya at pabulong na nagsalitang dadalhin si Meredith sa unit nito para mas makatulog nang mahimbing.

Tumango siya at nagdesisyong sumama para maasikaso niya ang anak. Nagpaiwan naman si Mikay na inaya ni Lana na mag-ikot muna sa Olympus kaya sila lang ni Tristan ang umalis. Nagsabi naman si Ares na kung sakaling mayroon silang kailangan ay magsabi lang.

Habang nasa harapan ng elevator, nabalot sila ng katahimikan. Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha ni Meredith at kinuha ang hawak nitong chocolate bar ngunit bahagyang nagising. Tumingin ito sa kaniya bago kay Tristan bago isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

Garrie saw Tristan's serious face. Brows furrowed while staring at Meredith, but his thumb lightly caressed her daughter's palm.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya lalo nang mas isinubsob pa ni Meredith ang mukha sa dibdib ni Tristan bago muling mahimbing na natulog. Her daughter felt safe and it was her main goal.

The elevator door opened and both entered without saying a word. Huminto sila sa eleventh floor at naunang lumabas si Garrie, pero hinintay niya si Tristan dahil hindi siya pamilyar sa lugar. Tumigil ito sa isang pinto at basta na lang binuksan iyon at dumeretso sa isang pinto.

Nanatiling nakatayo si Garrie sa may pinto at inobserbahan ang buong kwarto. Nakita niya ang hoodie ni Tristan na nasa ibabaw ng puting sofa, ganoon din ang mga papeles nitong nasa coffee table pati na rin itim na ring box dahilan para pakiramdaman niya ang singsing na isinuot sa kaniya ni Tristan.

Hindi pa niya iyon napagtuunan ng pansin dahil nahihiya siyang tingnan sa harapan ng ibang tao at nang makita, nanlaki ang mga mata niya sa batong nasa gitna.

"Do you like it?" Maingat na sinara ni Tristan ang pinto ng kwarto. "She's sleeping soundly. Ikaw rin. Magpahinga ka na muna. May dalawawang kwarto naman 'tong unit ko. You can stay there. The bed is big enough."

Tumango siya. "Thank you."

Sinundan niya ng tingin si Tristan na tinanggal coat na suot at ipinatong iyon sa hoodie na nasa ibabaw pa rin ng sofa. Kinuha rin nito ang isang bote ng tubig at basta na lang tumingala para tumungga.

"I like the ring," Garrie uttered softly. "Thank you for at least making everything feel real. The ring's size is accurate, too. Galing."

Tristan gazed at her. "Well, it is real. I'm sorry we didn't have a proper wedding. You didn't get a chance to walk down the aisle. Hindi nakisama ang ulan."

Sabay nilang nilingon ang glass walls. Madilim pa rin, pero umaambon na lang. Mayroong kaunting kulog at kidlat, pero hindi naman nakatatakot. It was actually comforting and for some reason, it was the first time she felt safer for years.

"You should rest. Sabayan mo nang matulog si Meredith," ani Tristan na naupo sa sofa. "I will be working, but if you need anything, just let me know. I'll be here."

Muling nagpasalamat si Garrie bago pumasok sa kwarto kung nasaan si Meredith. Sumandal siya sa pinto habang nakatingin sa anak niyang nakakumot ang kalahati ng katawan at mayroong unan sa magkabilang gilid. Nakasara din ang blinds ng buong kwarto kaya medyo madilim, pero sapat ang bedside lamp na naka-dim para maging liwanag ng buong kwarto.

Naramdaman niya ang pagdaloy ng luha niya habang nakatitig kay Meredith na mahimbing na natutulog. For years, she wanted her daughter to feel the comfort, too. Sa tuwing binabalikan niya ang mga panahon kung gaano ka-luxurious ang buhay niya noong normal pa ang mundo, gusto niya rin sana iyong iparanas sa anak niya, pero hindi na puwede.

Iba ang buhay noon sa kasalukuyan at ang tanging gusto niya ay maalis si Meredith sa buhay malapit sa daddy niya. Thankfully, Tristan happened and aside from having Meredith, Tristan was one of the best things that ever happened to Garrie.

Kaagad niyang pinunasan ang luha nang makarinig nang mahinang pagkatakot. Binuksan niya ang pinto nakatayo roon si Tristan hawak ang maliit na bag.

"Sorry. Am I interrupting something?" Tristan frowned.

Garrie shook her head and immediately went outside the room. "Wala naman. Natutuwa lang ako kay Meredith kasi ang saya niya kanina," she smiled. "Bakit pala?"

"Ipinadala ni Ares ang cake." Itinuro ni Tristan ang cake na nasa bedside table. "Nakakain ka ba kanina? Ako, hindi. I'll make coffee."

"Sige. Hindi rin ako nakakain kanina, eh. Ang galing ng bakers nila rito, ha," ngumiti siya at lumapit sa living room. Sumalampak siya sa sahig at hiniwa ang cake. "Ang ganda rin ng pagkaka-design. Kaunti na lang talaga iisipin kong ibang mundo ang Olympus dahil sa mga ganito."

Walang naging sagot si Tristan, pero naamoy niya ang malakas na kapeng galing sa maliit na kusina ng unit. Nilingon niya ito at nakitang nagsasalin ng tubig mula sa kapehan. Suot pa rin nito ang kulay puting polo na nakatupi hanggang siko ang sleeve kaya hindi rin nakatakas sa kaniya ang malaking braso nito na ikinaling niya.

Kung nasa normal na mundo sila, malamang na magkakandarapa ang mga babae rito kay Tristan. His physique and visuals were people wanted during the normal world. Hindi ganito si Tristan noon kaya ikinagulat niya nang muli itong makita matapos ang ilang taon. Very charming ang mukha, pero hindi ganito kalaki ang katawan.

Meanwhile, Tristan noticed Garrie staring at him. Sinalubong niya ang tingin nito na kaagad yumuko at ibinaling ang atensyon sa wedding cake na kinakain. Maingat niyang dinala ang dalawang coffee cup sa lamesa at ibinaba ang isa para kay Garrie.

"We're gonna stay here for three more days. Pinapaayos ko muna 'yong bahay. Nagpadagdag ako ng mga ilaw para lumiwanag sa loob and I asked for a utensils and an electric cooker so you can just cook whatever you like," tuloy-tuloy na sabi ni Tristan bago sinalubong ang tingin ni Garrie. "Don't cook bland foods for Meredith from now on. Cook her proper meals this time."



Three days passed and it was time to go back to Kampo. Sa tatlong araw, naging busy si Tristan sa meeting kasama sina Ares at ilang lider ng mga grupong mayroong order na armas sa kaniya. It was so hard to negotiate. Wala namang matinong pambayad sa kaniya ang iba maliban sa raw materials na sinusubukan din niyang gamitin sa iba pang gamit na inaayos nila.

Pagpasok ng bahay, napansin kaagad ni Garrie ang pagbabago dahil mayroo ng sofa. May carpet pa at bookshelf. Mayroong mga librong naka-display ngunit mas naagaw ang atensyon niya sa dollhouse na nasa gilid.

"That's from Ares. Galing daw sa Beta Escarra," ani Tristan na nakatayo sa tabi niya.

Meredith immediately ran towards the toy and excitedly showed her. Tinanong pa nito kung puwede na bang buksan, pero bago pa siya makasagot, sinabihan ni Tristan si Mikay na asikasuhin muna ang mga laruan ni Meredith.

"I wanna show you something," mahinang sambit ni Tristan. Dinala siya nito sa kusina. "Here's the electric stove. Kung hindi mo alam paano gamitin, you can ask Josiah. Hindi ko rin alam dahil I never cook. Sa pagkain, you can request anything. The kitchen will provide with things you want. Kung sakali man, magpapahanap tayo sa iba o pupunta sa Escarra o St. Pierre."

Tahimik na nakikinig si Garrie sa mga sinasabi ni Tristan. Itinuro nito ang kitchen counters na mayroong mga lamang stock tulad ng canned meat at fish na galing sa St. Pierre. Ipinakita rin nito ang dehydrated egg na nakalagay sa foiled container, lalagyan ng harina at ang jar na mayroong honey.

Lahat ng nakikita niya sa counter ay mga normal na pagkain noon, pero matagal na niyang hindi natitikman at nahahawakan. The once normal food were again luxuries.

"May gatas din na ibinigay si Martin. Nagtanong ako sa doctor sa Olympus kanina. Puwede naman daw ipa-try kay Meredith, pero untiin mo muna para hindi mabigla."

Muling tumango si Garrie. Isa-isa pang ipinakita ni Tristan ang ibang pagkain bago siya inayang magpunta sa kwarto kung saan sila natutulog nila Mer at Mikay. Pagbukas ni Tristan, mayroong dalawang kama. Mayroon na ring closet para sa mga damit at mayroong nakakabit na airconditioner.

"I asked Jakob for extra airconditioners. Buti na lang magaling amg mga tauhan niya," sabi ni Tristan. "It'll be comfortable for Meredith to sleep here. There are more toys." Tinuro nito ang mga laruang nakalagay sa shoe rack. "Bukas daw merong pupuntang mananahi rito galing sa St. Pierre. Magpatahi kayong tatlo ng mga damit n'yo."

Saglit na nilingon ni Garrie si Tristan. "Tristan, okay na kami. Huwag kang masyadong mag-abala. Okay lang kami sa—"

"I saw your clothes. Meredith's, too. There are holes and you need a new one," Tristan murmured. "That's Mere's bed." He pointed out the pink mattress. "And Mikay will stay here."

Garrie nodded. "Thank you. Sobrang sakto na sa 'min ni Meredith 'yang kama. Ang galing. Thank you ulit."

Tristan frowned. "What do you mean? You're not staying here."

"H-Ha?" Garrie squinted.

"You're my wife. You'll stay in my room. We'll have our own room, Margarette. Unless..."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys