Chapter 20

"Nagkausap na ba kayo ni Garrie after that day?" Ares asked while Jakob and Martin were around. "Ano na ang sabi niya?"

Umiling si Tristan bilang sagot dahil tatlong araw na ang nakalilipas, hindi na ulit sila nagkausap ni Garrie. Ni hindi pa nga nagtagpo ang landas nilang dalawa. Palagi siyang nasa headquarters ng kampo para sa mga tinatrabaho at madalas na madaling araw na ring umuuwi.

Siya na rin mismo ang umiiwas dahil parang wala siyang mukhang maiharap sa mag-ina, lalong-lalo na kay Meredith na nagtatago sa likuran ni Mikay sa tuwing makikita siya.

"I overreacted. I get that." Tristan took responsibility. "I apologized and wala na akong ibang dapat sabihin. I am providing for them. I think that was enough."

Martin shook his head, and disappointment was written on his face. "That wasn't enough. Pumasok ka sa sitwasyong 'yan, sana pinanindigan mo na lang. Grabe mong pagsalitaan si Jakob while you're in a similar situation."

Jakob scoffed. "Right."

"Tss." Tristan stood up and rested his elbows on the balcony railing. He faced his friends, who were casually drinking, too. "You can't compare me to Kobe. My marriage is a mutual decision. Wala akong inagaw at wala akong sinaktang ibang tao. I'm way different from Kobe kaya hindi ako papayag sa comparison."

His friends were quiet and Jakob looked down. Alam niyang pagod na si Jakob na marinig ang mga sinasabi niya, pero wala siyang pakialam. Totoo naman ang sinasabi niya. Malayo ang situwasyon nilang dalawa kaya hindi niya iyon matatanggap.

"Do you guys sleep together on the same bed?" Ares frowned.

Tristan shook his head because it was true. Wala na siyang ibang sinabi at nagbukas na lang ng ibang topic dahil ayaw niyang pag-usapan ang situwasyon at kung ano ba ang relasyon nila ni Garrie. It would be just between them.

But after Jakob and Ares left, Tristan stayed with Martin, and both were still on the balcony. He knew that his best friend wouldn't ask a thing about his marriage but would ask about Garrie and Meredith's well-being. Nagsabi pa ito na magpapadala ng mga snacks para sa mag-ina.

"Seriously tho. Nahihirapan ka ba sa situwasyon mo ngayon na meron kang mga kasama sa bahay?" Martin asked curiously. "For years, it was just you inside that house and all of a sudden, there's three more. Baka you're pushing yourself to accept that."

He shrugged and chugged his beer. "Hindi naman nila ako pinakikialaman sa basement so it's really nothing. What happened that day pissed me off, but I also understand her reasons. It was my fault. I overreacted."

Martin nodded. "Minsan dalhin mo sila rito 'pag wala kang masyadong ginagawa. They're always welcome here. Baka rin..."

Tumigil sa pagsasalita si Martin dahilan para titigan niya ang kaibigan. Nakayuko ito at nakatingin sa beer na hawak bago muling pinilit na ngumiti bago tuminign sa kaniya.

"Baka rin maging kumportable si Eleonor kay Garrie. B-Baka lang magkaroon ng chance na magkakilala silang dalawa. Girl to girl talk," Martin exhaled. "Please? Can we try?"

His best friend sounded frustrated. Martin rarely talked about Eleonore and they never asked. Kung maisipan nitong mag-share, sige lang. Kung hindi naman, naiintindihan nila iyon. Dahil na rin sa suggestion ni Martin, naisipan ni Tristan na umuwi kinabukasan para kausapin si Garrie.

The next day, Tristan went home and saw Meredith playing but immediately ran towards the balcony after seeing him. Mukha itong takot sa kaniya dahil nagtago sa likuran ni Mikay. Hindi siya nag-react. Tinanong lang niya kay Mikay kung nasaan si Garrie na nasa kwarto raw at naglilinis.

Dumeretso siya sa kwarto at naabutan itong isa-isang pinupunasan ang mga libro. Nakasalampak ito sa sahig at bumaba ang tingin niya sa hita nitong nakaexpose ngunit kaagad na tinakpan nang makita siya.

He closed the door and faced Garrie, who stood up.

"Okay lang ba sa 'yong umalis ngayon?" tanong niya. "Martin's inviting you guys to stay in St. Pierre for maybe a few days? Maganda ang lugar and it'll be safe for you, Meredith, and Mikay. Josiah will be with you, too."

Nagsalubong ang kilay ni Garrie. "Ikaw? Hindi ka mag-stay roon?"

"No." Umiling siya. "Maraming orders sa 'kin ang Escarra kaya mag-stay ako rito. I might stay there overnight, pero babalik kaagad ako rito bukas ng umaga. Kung gusto mo, pack your things and aalis kaagad tayo."

Garrie nodded and told Tristan she wanted to go. Matagal na rin niyang gustong sabihin na gusto niyang pumunta sa St. Pierre o kaya sa Escarra, pero palagi kasi itong busy kaya hindi siya makakuha ng tiyempo.

Kaagad niyang tinawag si Mikay at Meredith. She explained to Mikay that they would leave in an hour and had to pack some clothes. Nakaramdam siya ng excitement dahil matagal na talaga niyang gustong lumabas ng kampo.

Hindi rin tumagal at nakaayos na sila. Saktong lumabas si Tristan ng basement nang inaayos niya ang buhok ni Mer na humiwalay sa kaniya at naupo sa tabi niya para magtago. Ito ang naging epekto sa anak niya noong araw na nagalit si Tristan dahil mukhang naalala nito ang mga ginawa ng daddy niya sa kanila.

Garrie saw how Tristan looked at Meredith, but didn't say a word and left the house. Nauna na itong lumabas at naririnig niyang kausap nito si Josiah.

She then faced her daughter. "Bakit ikaw nagtatago sa kaniya?"

"I'm scared kasi baka galit siya, eh," sagot ni Meredith.

Unknown to Garrie, Tristan could hear the conversation because the door was open. He asked Josiah to stop talking so he could hear what Garrie and Meredith.

"Hindi naman siya magagalit," mahinahong sabi ni Garrie. "Sick siya that time and masakit ang head niya 'tapos kasalanan ni Mommy kasi hindi masarap 'yong food natin."

"Ha?" Narinig niya ang gulat ni Meredith. "Ang sarap kaya noong meat! At saka 'yong sabaw at saka 'yong rice."

Tristan looked down and opened the door fully. Muling tumingin sa kaniya ang bata, ganoon din si Garrie na sinabing patapos na at ready na ring umalis anytime.

Paglabas ni Garrie, naabutan niya ang sasakyan ni Tristan at nakatayo ito sa tabi kausap si Josiah. Maingat niyang binuhat si Meredith at hinayaan naman si Mikay para sa mga gamit nila. Hindi niya alam kung ilang araw sila roon, pero maglalaba na lang siya dahil ayaw rin niyang maraming bitbitin.

Sasakay sana si Garrie sa backseat katabi ni Mer at Mikay, pero pinalipat siya ni Tristan sa harapan dahil mayroon daw silang pag-uusapan. Tinuro nito ang apat na sasakyang susunod sa kanila dahil mga tauhan daw iyon na sasama sa kanila sa St. Pierre.

"They'll come with us. Josiah will be staying in St. Pierre while you're there. Maayos naman doon, walang problema, but for added protection. Better safe than sorry," seryosong sambit ni Tristan. "Hindi mo naman sila kailangang alalahanin. You won't even notice them except for Josiah. Baka madalas n'yo silang makikita."

Panay ang tango ni Garrie sa mga instruction ni Tristan tungkol sa seguradidad nilang tatlo. Sinabi rin nito na hindi nila aaalalahanin ang tulugan dahil mayroong kwarto roon si Tristan at doon sila mananatili.

"One more thing," Tristan said lowly, alerting Garrie. "Martin's with someone. Her name's Eleonor and nakatira siya sa bahay, but you'll notice she won't come out or say hi. Palagi lang siyang nasa kwarto tho minsan, lalabas siya. D-Don't say hi or 'wag kang lalapit sa kaniya. S-She'll freak out and we don't want that."

Garrie frowned, but didn't say a word. Curious siya, pero ayaw niyang magtanong dahil kung sakali man, magsasabi naman si Tristan.

Wala pa man sila sa mismong hacienda, nakita na ni Garrie ang mga tauhang mayroong malalaking baril na nakatayo sa bawat daraanan nila. Mayroon silang dinaanang apat na gate na mayroong mga bantay bago sa mismong malaking gate na nakaukit ang last ni Martin.

Hindi sila close ni Martin at wala silang masyadong interaction noong normal pa ang mundo, but they were in the same circle, too. Nagkikita sila sa mga ball, parties, and family gatherings. Alam niyang sagana ang pamilya dahil nasa farming. Martin's family also owned one of the biggest food franchise during the normal world. Ang daddy nito ay nasa politika, isa sa mga senador kung hindi siya nagkakamali. Ang nakatatandang kapatid naman nitong babae ay Governor ng isang probinsya... na isa rin sa mga pinatay.

Sa malaking gate, sinalubong sila ng apat na lalaki. Pinabuksan ang mga bintana kahit na alam namang si Tristan ang dumating at isa-isang pinababa ang mga tauhang nakasunod sa kanila.

As per Tristan, protocol. Walang paimportante at kailangang dumaan sa security lahat.

Mula sa gate, malayo pa ay binaybay nila. Narinig nila ang pagtili ni Meredith nang makita nito ang mga baka, kambing, at kabayong malayong naglalakad sa hacienda. Mayroong mga taong nagtatrabaho at kumukuha ng mga bunga sa bawat punong nadaraanan nila at ang mga nagpapastol na umaasikaso sa mga gumagalang hayop.

Kung ikukumpara ni Garrie, buhay na buhay ang lugar. Puro green ang nakikita niya dahil maraming puno, halaman, at kahit na mga damo ay buhay na buhay.

"Mommy, look!" Kinalabit siya ni Meredith. "Mommy, there's a horse! Wow. Like the Prince Charming sa book!"

Napangiti si Garrie dahil sa unang pagkakataon, nakakita ng kabayo ang anak niya. Naalala niya ang unang beses nitong mahawakan ang mga aso ni Ares. Halos maiyak pa ang anak niya dahil sa tuwa. Ngayon naman, panay ang tili nito at turo sa kanila ng mga hayop na nakikita.

Sa gita ng mansion ni Martin, mayroong fountain at paikot ang daan mga sasakyan. Huminto si Tristan sa mismong pinto at naroon si Martin na naghihintay sa kanila. Ito pa nga ang nagbukas ng pintuan ng backseat at kaagad na binuhat si Meredith na ipinagmalaki ang mga kabayong nakita.

Nanatiling nakatayo si Garrie at Tristan hindi kalayuan sa dalawa na pinag-uusapan ang puting kabayong tumatakbo kasama ang iba pa.

"Do you wanna ride a horse?" Martin asked Meredith.

"Hala. Can I?" Meredith happily said and looked at them. "Mommy ko! Mag-ride daw ako horse sabi ni Tito ko, oh. Gusto ko mag-ride sa white horse!"

Martin nodded. "Oo ba. But for now, I'll bring you guys to your room para makapag-rest kayo. Ano'ng gusto mong food? Gusto mo ba ng cupcake? I heard from Tito Ares na you like cupcakes and cookies."

"Yes po. Pink cupcakes!" Meredith giggled. "Mag-walk na po ako, Tito."

Maingat na ibinaba ni Martin si Meredith bago lumapit kay Tristan na nakaipag-fist bump at kay Garrie na nakipagkamay at nakipag-beso. Kinamusta nito ang byahe nila at natutuwang nakapunta sila sa lugar.

Pumasok sila sa loob ng bahay and all the antique displays were still here. Tumingala rin siya sa malaking family picture of four. Parents ni Martin na parehong namayapa, ang ate nitong si Matheena, at si Martin na bunso. Martin was the last St. Pierre, too.

Dinala sila nito sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Tristan.

"Wow, ang laki ng bed!" Tumingin si Meredith kay Garrie. "Mommy, here tayo mag-sleep? Tabi tayo, ha? Kasya ikaw, ako, and Ate Mikay!"

Samantalang nakasandal naman si Tristan sa hamba ng pinto habang pinanonood si Meredith na masayang nakikipag-usap kay Martin. Tuwang-tuwa ito sa malaking kama at sa malaking bintana kung saan kita ang kabuuan ng hacienda. Kita roon ang mga trabahador, mga hayop, at mga naglalakihang puno.

Garrie gazed at Tristan, who squinted. Gusto sana niyang patigilin si Meredith sa mga papuri kay Martin tungkol sa lugar dahil baka ma-offend ito, pero hindi niya rin magawang lumapit. Ibinaba na lang niya ang mga bag nila sa lamesang nasa tabi ng cabinet.

"Puwede mong ilagay muna 'yang mga damit n'yo sa closet. May mga damit ako riyan, but you can fold them so yours can fit," ani Tristan habang nakatingin sa kaniya. "Can we talk?"

Saglit na nilingon ni Garrie si Meredith at Martin. Nagpaalam na rin muna siya kay Mikay at sumunod kay Martin papunta sa balcony ng mansion. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Sagana ang lugar. No wonder problema dahil sa mga gustong makapasok. Marami ngang hayop na puwedeng ma-consume. Namumutok din sa bunga ang mga hydroponics pati na rin ang mga halamang nakatanim sa mga plant beds.

"Are you okay with staying here for a few days? Hindi ako makakapunta sa mga susunod na araw dahil meron kaming kailangang tapusin sa kampo," ani Tristan na deretsong nakatingin sa malayo. Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha. "But if wanna go home, just talk to Josiah at siya na ang bahala. Naibilin ko naman kayo sa kanila."

Tumango siya at nagpasalamat. Magbubukas sana siya ng topic tungkol kay Meredith nang humarap ito sa kaniya. Saglit nitong nilinga ang lugar bago ibinalik ang titig sa kaniya.

"Martin's girlfriend is here. Kung sakali man na lumabas siya, please don't talk to her or don't look at her. Mailap siya sa mga tao... so in case your paths crossed, please kindly..."

"Naiintinidihan ko," aniya dahil napansin niyang nahihirapan si Tristan sa paghanap ng tamang salita. "Aalis ka na rin ba kaagad? Kung sakali man, sige na para hindi ka gabihin sa daan. Thank you ulit sa pagdala mo sa 'min dito."

Tristan gave her a nod and left without saying a word.

Naiwang mag-isa si Garrie sa balcony at ibinalik niya ang tingin sa hacienda. Nagtagal muna siya roon hanggang sa makita ang sasakyan ni Tristan na paalis ng lugar. Hindi na ulit ito nagpaalam sa kanila at mukhang nagmamadali dahil halos harurot ang sasakyan nito.

Bumalik siya sa kwarto at naabutan si Mikay at Meredith na nakahiga sa malaking kama. Malapad ang ngiti ng anak niya at halatang tuwang-tuwa dahil bukod sa malaki nga ang kama, mayroon pang net na parang pang prinsesa. Sumandal siya may pinto at hinayaan ang anak niyang magkwento tungkol sa fairytale books na nabasa nila na mayroong maganda, maluwag, at malambot na kama.

Garrie smiled, but her heart was breaking for her daughter... but simultaneously, she was happy that finally... her daughter would get to experience this. Kung tutuusin, mas maganda pa ang kwarto niya noon. It was all pink with a huge girly bed, a walk-in closet, a vanity table with all her makeup, and a room that was all for her.

Nakangiting lumapit si Garrie sa anak niya at nahiga sa tabi nito. Niyakap niya ito nang mahigpit at tinanong kung gusto ba niya nang malaking kama at panay ang tango ng anak niya. Tinuro pa nito ang mosquito net na kung puwede raw sana ay ilagay sa sariling kwarto kahit na medyo imposible dahil kay Tristan, pero gagawan niya nang paraan pagdating sa kampo.

Ipinikit ni Garrie ang mga mata niya habang pinakikinggan si Meredith. Sobrang lambot nga ng kama at unan. Masarap din sa pakiramdam ang hanging nanggagaling sa bintana kahit na walang aircon tulad sa kampo. Garrie could smell the fresh air even the smell of grass. It was refreshing.

Hindi namalayan ni Garrie na nakatulog siya nang magising na wala si Meredith sa tabi niya. Mahimbing ding natutulog si Mikay sa kama kaya nagulat siyang walang kasama ang anak niya. Panic rushed through her and immediately went outside the room to check. Nagmadali siyang bumaba papunta sa living room nang makasalubong si Martin. Hinawakan nito ang braso niya at inaya siya pabalik ng second floor.

"Where's Mer?" Mabilis ang tibok ng puso ni Garrie. "Hindi ba siya nanggulo? Sorry, nakatulog kasi ako. H-Hindi ba siya malikot?"

Ngumiti si Martin at iginiya siya papunta sa balcony ng bahay. Nagtago silang dalawa sa gilid ng glass door at sumilip sa labas.

"She's with Eleonor." Tinuro ni Martin ang dalawa na nakaupo sa mattress na nasa balcony. "They're playing dolls. Tinuturuan ni Meredith maglaro ng dolls si Eleonor."

Garrie gazed at Martin, who was smiling. His dimple showed, and he had a glow in his eyes as he stared at the woman playing with Meredith.

"Can you let them for a while? Ngayon lang lumabas sa balcony si Eleonor 'cos of Meredith. C-Can you plea—"

"Okay lang," Garrie nodded and smiled. "Mukhang nag-e-enjoy rin naman si Mer kaya hayaan na muna natin sila."

Martin sighed and thanked her. Nagsabi itong bababa muna para mag-prepareng snack para sa kanila kaya naiwan siyang nakatayo sa gilid ng glass door at pinanonood ang dalawang maglaro.

Nakayuko ang babae kaya hindi niya pa ito totally na nakikita ngunit nang liparin ng hangin ang buhok nito, napanganga siya sa nakita. The woman had a long, silky, bouncy hair, and was smiling at Meredith. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagtatago o palaging nasa kwarto tulad ng sinasabi ni Tristan...

Garrie thought if she had a face like Eleonor's, she wouldn't shut up about how beautiful she was and would flaunt it outside.



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys